Chapter 5

38.5K 3.4K 1K
                                    

Chapter 5: Prince

Hindi ko akalain nang sandaling pumasok sa usapan namin ang salitang mate ay magkakaroon kami ng mainit na sagutan. Bagaman ay may ideya na ako rito at sa pagiging sensitibo ng mga bampira tungkol sa bagay na ito, hindi ko inaasahang ang pagiging bukas ng aking mga kumento'y magdadala ng init ng kanyang emosyon.

I didn't even expect that he's capable of that...

I'd discover him as this playful. Minsa'y tila para siyang isang bata, ngunit nang magkasagutan kami, pilit ko na lang itinago ang biglang pagkabalot ng takot ko mula sa kanya.

From his heated glaring eyes, his fangs, and even those veins prodding on his forehead.

Akala ko'y magagawa niya akong aatakehin.

Huminga ako nang malalim. Ngayo'y pinili ko munang dumistansya sa kanya, iniwan ko siya sa lamesa at pinili kong ibalik ang ilang aklat na tapos ko nang basahin sa maliit na aklatan sa kanyang silid.

Ngunit hindi man ako nakaharap sa kanya sa mga oras na ito'y ramdam ko ang titig niya mula sa aking likuran. Kaya nang marahan akong saglit na tumigil sa ginagawa ko at bahagya kong inilingon ang aking ulo'y mabilis niyang ibinaba sa libro ang kanyang tingin habang nanatiling nakapangalumbaba gamit ang kanang kamay.

Muli kong pinagpatuloy ang pagbabalik ng mga aklat mula sa braso ko.

Tumikhim siya ng dalawang beses. "I-I'm sorry...I might have frightened you."

Natigil sa ere ang hawak kong aklat at muli'y napalingon ako sa kanya. Wala sa akin ang kanyang mga mata o kaya'y maging sa libro, nakalingon siya sa may bintana kahit na nakasarado iyon.

He's really avoiding my eyes.

Dapat ay tanggapin ko na lang ang paghingi niya ng tawad, ngunit natagpuan ko na lang ang sarili kong nagbabato ng ibang mga salita sa kanya.

I could see how uncomfortable he was with that small apology like he was somewhat not used to it.

"A royalty does not ask forgiveness for creatures with a lower profile. I thought you're a prince?"

Pinagpatuloy kong muli ang pag-aayos sa aklatan. "S-Seriously? This woman! I am a prince!"

Nang sandaling matapos ko na ang pag-aayos ng mga libro'y muli na akong humarap sa kanya. Hindi man ako nagkaroon ng pagkakataong makasalamuha ang mga maharlika at royalidad ng emperyong ito, may kaunting ideya naman ako ng pagbati o kaya'y pakikipag-usap sa kanya.

I am wearing a normal dress. At nasisiguro kong pagtataasan ako ng kilay ng mga maharlika kung sakaling makakasalubong ko sila sa daan at magtangka akong bumati sa kanila.

I held the sides of my dress and formally curtsied in front of him. "Malugod kong tinatanggap ang iyong paghingi ng patawad, Mahal na Prinsipe."

Kusang umawang ang bibig ng bampira. Umangat ang isa niyang kamay habang itinuturo ako at naniningkit ang mga mata niya sa tindi ng inis sa akin. "Y-You! You are mocking me! Stop that! Stop calling me that!"

"Ngunit ikaw ang nagsabi sa akin na tawagin kitang—"

"No! Stop it. Bahala ka na sa buhay mo kung ayaw mong maniwalang isa akong prinsipe," ilang beses niya pang ikinumpas ang isa niyang kamay sa ere na parang napapagod na siya sa usaping iyon.

"Come back here," ilang beses niyang tinapik ang lamesa.

Buong akala ko'y magagawang panindigan ng bampira ang sinabi niyang pagpapahinga, ngunit nakakadalawang araw pa lang kami sa mga aklat ay sumusuko na siya.

Glistening Lantern (Gazellian Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon