Un-tie (R-18)

By Sha_sha0808

477K 19.7K 2.7K

Un-tie (R-18) Ordinaryong estudyante lang ako sa harap ng mga kakilala ko pero nawalan Ng kalayaan mula nang... More

prologue
1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
5
6(R-18)
chapter 7
chapter 8
chapter 9
10
11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
15
chapter 16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
tanong
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
54
55
56
57
58
59
60
61
62
Finale

53

6.2K 328 51
By Sha_sha0808












Unedited...








"Good morning," masiglang bati ni Reon kay Zia nang pumasok sa bahay.

"Morning," bati rin ni Zia saka sinalubong ang halik ni Reon.

"Kamusta ang tiyahin mo?"

"Ayun, kasama pa rin ang mga hayop at marami na siyang gulay kaya marami akong dala."

"Paano mo inakyat?"

"Tinulungan ako ni Chester."

"Saan na siya?"

"Umalis din kaagad. Nagmamadali yun e. Alam mo na, sayang ang kita."

Umuwi ng dalawang araw si Zia. Hinatid siya ni Mario pero nang pabalik ay sumabay na siya sa pinsan.

"Sana nag-breakfast muna siya."

"Kumain na kami bago umalis. Alam mo naman ang tiyahin ko, maagang nagigising. Ikaw? Kamusta ang trabaho."

"Same pa rin," sagot ni Reon at nginitian ang dalaga saka hinapit sa bewang. "Mabuti at tumatawag ka na."

"Syempre wala naman akong ginagawa doon," ani Zia saka iniwas ang mukha nang akmang hahalikan siya ni Reon. "Kakarating ko lang, Reon."

"So?"

"So pagod ako."

"Tapos?"

"Reon, maaga pa akong nagising kaya hindi pa ako naliligo."

"Ako rin," ani Reon. "Hindi pa ako naliligo kaya sabay na tayo." Pagkatapos ay binuhat si Zia papasok sa shower room saka sabay silang naglaro habang naliligo.

"Aray!" daing ni Zia at hinampas si Reon na nagbibihis na. "Ang ngalay ng hita ko. Bakit ba kasi itinaas mo talaga e hindi naman ako gymnastic!" reklamo niya.

"Sympre para masarap," nakangising sagot ni Reon. "Hindi ka naman nagreklamo kanina kaya akala ko okay lang."

"Kainis! Hindi pa naman masakit kanina eh!"

"Mas nanaig kasi ang sarap," biro ni Reon sabay kindat. "Mawawala rin 'yan."

"Sasama ba talaga ako?" tanong ni Zia.

"Oo para mapakilala kita sa mga Lacson," sagot ni Reon. "Minsan lang sabay na tumutungo ang mga Angeles kaya dapat pumunta tayo."

"Sino ang mga Angeles?" tanong ni Zia. Kilala niya ang mga Lacson. Sila ang may-ari ng Crysanthemum University o mas kilala sa tawag na CTU. Maliban sa Westbridge, ito ang nangungunang paaralan ng mga batugang mayayaman. School of frasorities nga dahil legal at fraternity at sorority rito. Magkamag-anak ang mga Lacson at Villafuerte na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang bonding kahit na ilang henerasyon na ang nakalipas. Isa rin sa rason kung bakit hindi naghihirap ang Villafuerte dahil pagdating sa yaman, palaging naka-backup ang mga Lacson.

"May apat na anak ang fraternity king na sina Dylan at Ann. Quadruplets na lalaki at bunso na babae. Ang babaeng bunso ay napadpad sa isla at doon na nanirahan kasama ang pamilya niya," pagkukuwento ni Dylan. "Familiar ka ba sa alphabet family?"

"Hindi."

"Well, sila iyon. Baby A to Z! Basta. Makikilala mo rin sila."

"Yung isla ba na 'yon, doon lumaki sina Kuya Marvin at Mario?" tanong ni Zia.

"Oo," sagot ni Reon. "Training ground din iyon ng mga ninja at assasins. Doon ang Central Philippine University. Lahat ng patapon at matitigas ang ulo sa CTU ay doon sa isla pinapatapon para bigyan ng leksyon. Ang habang kwento!" ani Reon at iniabot kay Zia ang puting bestida. "Yan na lang ang isuot mo."

"Okay," ani Zia. Hanggang tuhod ang haba nito kaya okay lang naman.

"Alas nuwebe pa lang pero kanina pa sila nandoon," ani Reon dahil kanina pa text nang text ang mga kapatid niya na nandoon na raw sila.

Bumaba si Zia kasama si Reon.

"Oh, akala ko hindi ka makakapunta?" gulat na tanong ni Reon nang makita si Marvin.

"Mamayang hapon na raw kami magpapa-checkup kapag wala nang pasyente si Doc," sagot ni Marvin.

"Oh, ba't parang pasan mo ang mundo?"

"Hindi lang mundo ang pasan ko ngayon kundi daigdig na!" ani Marvin at nag-umpisa nang magmaneho.

"Bakit mo kasi binuntis," natatawang tanong ni Reon.

"Kasalanan naman niya eh! Sabi uminom ng pills, nakalimutan naman pala!" ani Marvin.

"Para talaga sa inyo ang baby," ani Zia.

"Walang problema sa baby pero sa nanay, malaki talagang problema. Daig ko pa ang may sampung anak. Ang arte-arte! Bili mo ko nun, bili mo 'ko niyan! Buti sana kung yung pinapabili eh madali lang hanapin."

"Ganoon talaga ang naglilihi, masanay ka na," ani Reon.

"Kahit hindi naman sya naglilihi eh!" ani Marvin. "Ayaw ipaalam na may boyfriend na bodyguard tapos magpapabuntis din pala. Nagkandaleche-leche na tuloy ang buhay ko! Daig ko pa ang most wanted sa pagtatago kapag kasama ko siya eh!"

"Iuwi mo na muna sa isla para iwas media!" suhestiyon ni Reon.

"Di raw mabubuhay roon. As if walang bigas do'n!" salubong ang kilay na wika ni Marvin pero tuloy pa rin sa pagmaneho. "Bahala siya. Ayaw ko nang magtago. Isa pa, problema na niya iyon! Pwede namang sabihin niyang bodyguard niya ako!"

Natahimik si Zia. Sa likod ng kanyang isip, naaawa siya kay Marvin.

Ilang minuto pa, nakarating na sila sa mansion ng mga Lacson. Hawak-kamay na pumasok sina Zia at Reon.

"Reon! Oh my ghad, Reon!" tili ng babaeng palapit sa kanila. Niyakap nito si Reon at hinalikan sa kanang pisngi. "Ang pinakamayaman kong pamangkin sa mga Villafuerte!"

Napangiwi si Reon pero agad na inakbayan si Zia.

"Tita, si Zia po, girlfriend ko," pagpakilala niya. "Zia, si Tita Empress."

"Baby E," pagpakilala nito at hinagod ng tingin si Zia. "Ang simple mo pala pero maganda. I heard na nawalan kayo ng anak?"

"Yes po," sagot ni Reon.

"Alam mo, sobrang excited talaga ako nang marinig ko iyon pero sad din nang mabalitaan ang nangyari."

"Hindi lang ho siguro para sa amin ang baby," magalang na sagot ni Zia na napatitig sa napakagandang mukha ng kaharap pero ang kapansin-pansin ay ang mga tainga nito na patulis na tila parang tainga ng duwende. Naramdaman niya ang pagpisil ni Reon sa kanyang balikat kaya iniwas niya ang mga mata.

"Halikayo, Reon! Kahit na wala na ang baby ninyo, may pasalubong ako!" yaya ni Empress o mas kilala sa tawag na Baby E. "For sure magugustuhan ninyo."

"Damn!" narinig ni Zia na pagmumura ng kasintahan nang tumalikod ang tiyahin nito. "Be ready," bulong ni Reon.

"Ha?"

"Nevermind," ani Reon. "Huwag mo na lang tingnan madalas ang tainga niya kung ayaw mong magalit siya sa 'yo."

"Okay," ani Zia na medyo naguguluhan saka sumunod sa tiyahin ni Reon patungo sa likod-bahay.

"Saan na ang gift namin?" tanong ni Reon.

"Wait lang, nandito lang 'yon kanina eh," sabi ni Empress na palinga-linga sa paligid. "Basta kulay pink siya."

Naramdaman ni Zia ang malamig na bagay na gumalaw sa kanang paa niya kaya napatingin siya.

"Kyaaaaaaaaaaah!" malakas na tili niya nang lumabas ang dila ng pink na ahas na nakapulupot sa kanyang kanang paa. "Reon!"

"Shit!" ani Reon at agad na hinawakan sa leeg ang malaking ahas at hinila palayo kay Zia.

"Nooo! Wag mong sakalin!" tili ni Anndy at inagaw kay Reon ang pink na ahas. "Oh my gosh! Ang bad mo, Reon!"

Nanginginig na napahawak sa dibdib si Zia. Hanggang ngayon takot pa rin siya kaya niyakap siya ni Reon.

"What's wrong? Hindi ba ninyo nagustuhan itong gift ko?" malungkot na tanong ni Empress. "It's very rare ang ganitong ahas. Alam ba ninyo na six months pa lang ito? Pero dahil palakain siya, ganito na agad kataba. Dahil special ka, Reon, special din itong pet na ibibigay ko."

"Please, tita! Wag na wag ka na pong magbigay ng pasalubong sa amin."

"M—May masama ba?" tanong ni Empress.

"Oo! Sorry to disappoint you pero hindi ko po matatanggap ang pasalubong mo. Never!" pagtatapat ni Reon kaya natigilan si Empress. "Look, tita! Honest akong tao kaya sasabihin kong hindi ko talaga gusto ang mga ibinibigay mo galing sa isla ninyo. As long na hindi siya seafoods, hindi ko po matatanggap. I'm sorry."

"It's okay!" taas noong sabi ni Empress. "Pero sa ayaw at sa gusto mo, ipapadala ko itong ahas sa bahay ninyo! Hindi naman ito poisonous at isa pa, mayaman ka naman kaya afford mong magpakain ng karne at daga rito!"

Ibinalik ni Empress sa cage ang ahas saka bumalik sa loob ng bahay.

"Okay ka lang?" tanong ni Reon.

"O—Okay lang," medyo naiiyak na sagot ni Zia dahil may phobia talaga siya sa ahas.

"Tara, balik na tayo," yaya ni Reon saka pumasok sa bahay pero sa kusina sila dumiretso. Kinausap ni Reon ang isa sa mga kusinero saka may inabot na pera.

"Ano ang pinag-usapan ninyo?" tanong ni Zia.

"Wala, may pinapaluto lang ako sa kanya na masarap na putahe para sa lahat," sagot ni Reon at inaya sa sala si Zia saka nakipagkwentuhan sa ibang pamilya. Doon din nakilala ni Zia ang halos lahat na Lacson.

Bandang alas dose nang nag-anunsiyo nang kumain ang lahat kaya pumunta sila sa labas at nagsiupo sa kani-kanilang table. Kasama nila si Empress at ang asawa nitong sa isang table.

"Hmm. Masarap 'to ah," ani Empress habang kumakain ng isang hiwa ng adobo. "Uy, tikman nyo 'to, masarap!"

"Ay, oo nga tita. Kakaibang chicken!" sabi ni Mavol.

"Actually, hindi siya chicken," ani Empress kaya napatingin sila rito pati na rin si Zia. "Sanay ako sa exotic food so alam kong hindi ito chicken. Karne ito ng snake," ani Empress kaya napaupo ang mga kapatid ni Reon.

"Ahas? Ew! Tita naman!" ani Mavol na naduduwal. "Bakit ba may ahas sa menu?"

"Hindi ko rin alam," ani Empress at natigilan saka napatingin sa karne. Napasulyap siya kay Reon na maganang kumakain.

Agad na tumayo si Empress saka dali-daling tumungo sa likod-bahay. Pagbalik niya, galit na hinarap nito si Reon.

"You spoiled brat!" singhal niya. "Kailan ka pa natutong pumatay ng exotic na hayop?"

"Hindi ako ang pumatay, Tita," ani Reon. "Kundi ang kusinero."

"Inutusan mo sila! Anong klaseng tao ka? Ganoon na ba ang mayayaman? Hindi marunong tumanggap at mag-appreciate ng pasalubong porket marami nang pera?"

Napayuko ang ibang pamilya saka napakamot sa ulo.

"Again, hindi ako plastic na tao, Tita Empress. Mas masarap iulam ang pasalubong mo kaysa sa alagaan ko."

"Pero regalo ko iyon!"

"At least natikman nating lahat."

"I hate you!" bulyaw ni Empress at lumipat sa kabilang table. "Pauuwiin ko talaga sina Marvin at Mario sa isla at nang mawalan ka ng bodyguards!"

"Sorry," hinging paumanhin ng asawa ni Empress kay Reon.

"It's okay, Tito," ani Reon saka napailing. Siya ang naaawa sa asawa nito. Imagine na araw-araw nyang kasama ang Tita Empress nila? Siguro araw-araw rin itong inaatake sa puso.

Maaga pa silang umuwi dahil tinatamad nang makipag-usap si Reon sa mga ito.

"Ganoon ba talaga si Tita Empress?" usisa ni Zia habang nagpapalit na siya ng damit.

"Yup. Kaya kapag sabibin niyang may pasalubong siya sa 'yo, kabahan ka na dahil sa ibang planeta pa yata niya iyon ini-order," sagot ni Reon na sanay na sa mga taga isla.

"Pero kakaiba ang ahas niya."

"Kakaiba rin kasi ang isla nila," ani Reon. "Nandoon na ang lahat. Exotic na hayop at halaman at may laboratory rin doon. Maiba tayo, saan mo gustong magbakasyon?"

"Kahit saan," sagot ni Zia.

"Hmmm? Gusto mo ba sa Europe o sa US?"

"Ikaw?" balik-tanong ni Zia.

"Or dito na lang sa Asia."

"Sige. Singapore muna tayo tapos Thailand, Vietnam para pag May, Japan na. Sakto sa Sakura," ani Reon.

"Wala ka bang maiiwang trabaho?"

"May tiwala ako kina Jason at Mary. Isa pa, tinatapos ko na muna ang lahat bago ko iwan ang negosyo sa kanila ng one and half month. Mag-online meeting na lang kami para pag usapan ang concerns nila weekly."

"Pwede rin," ani Zia na na-excite sa Sakura. "Pero bago tayo magbakasyon, pwede bang pumunta muna kami ni Tiya sa Baguio? Nangako kasi ako na pupunta kami ngayong summer doon e. Hindi pa kami nakapunta sa Baguio."

"Sure," pagpayag ni Reon. "Para makapagliwaliw rin yung tiyahin mo. Papa-reserve ako ng hotel."

"Salamat," pasalamat ni Zia at niyakap si Reon. "May gusto pa kayong puntahan? Baka gusto ninyong mag-Boracay?"

"Saka na raw. Alam mo naman ang tiyahin ko, hindi kayang iwan nang matagal ang mga hayop at halaman niya."

"Sige. Basta sabihin mo lang sa akin ha," ani Reon at napatingin sa cellphone.

"Sino 'yan?" tanong ni Zia.

"Si Monica," sagot ni Reon na pinabasa kay Zia ang message ni Monica. Uuwi raw ito kasama ang kapatid. "Kung gusto mo, i-block ko na lang siya."

"Bahala ka! Wag mo akong tanungin dahil buhay mo iyan at hindi ako ang magdedesisyon niyan!" inis na sagot ni Zia. Ang tanga rin kasi kung gusto nitong i-block, bakit pa sya tatanungin? Eh di parang kontrabida siya.

"I mean na blocked ko na ang main account niya. New account niya ata ito kaya i-block ko na lang," ani Reon sabay block. Ayaw na niyang mag-away pa sila ni Zia kaya matagal nang naka-block si Monica sa kanya pero gumawa ata ito ng bagong account para ma-chat siya. "Halika nga rito, magtatampo ka naman."

"Hindi ah! For what!" ani Zia na napawi ang pagtatampo nang halikan siya ni Reon sa mga labi. May usapan na sila ni Reon na malaki o maliit man na problema, dapat kailangan nilang pag-usapan para hindi na lumaki pa at agad na ma solusyunan.


















Continue Reading

You'll Also Like

44.2K 1.4K 11
Crush ni Kristel si Nick, ang bagong kapitbahay nila. She wanted to impress him in order for him to like her, too. Kaya nang malaman niya na ang gust...
29K 858 43
Si Cassandra Castiglione, half filipino-half Italian. Lumaki sa Italy at bunso sa tatlong anak ng mag asawang Daniel at Veronica Castiglione. Madalas...
584K 10.8K 79
Highest Rank achieved #23 in General Fiction (11-16-17/ 12-06-17) Austin Alexander Garcia- a spanish Billionare and Casanova who ownes an airline and...
33.9K 1.2K 53
(UNEDITED) Zach James Lee's story... He's a playboy. Ang tinaguriang 'the playboy of the town' pero sabi nga nila, may hangganan din ang lahat. His l...