9 Days of May.

By EiffelInLove

4.9K 58 45

Their escape that turned out to be the sweetest. More

9 Days of May
9 Days of May [Day 1]
9 Days of May [Day 2]
9 Days of May [Day 3]
9 Days of May [Day 4]
9 Days of May [Day 5 : Daytime]
9 Days of May [Day 5 : Nighttime]
9 Days of May [Day 5 : Uplate]
9 Days of May [Day 6 : Daytime]
9 Days of May [Day 7]
9 Days of May [Day 8]
9 Days of May [Day 9]
Acknowledgment

9 Days of May [Day 6 Nighttime]

185 3 3
By EiffelInLove

Day 6 Nighttime: A Walk To Remember

Day 6 Daytime : Missing Two Continuation..

[Destiny’s POV]

‘Magkatabi tayo sa duyan.. sa ilalim ng buwan..’

Nilaksan ko ang volume ng speaker tapos ay nakuha ko pang sabayan ang Silent Sanctuary.

“Buhangin sa ating mga paa.. Ang dagat ay kumakanta…”

Summer Song. Kanina ko pa pinapatugtog ‘to..

Kung may kantang magdedescribe ng nararamdaman ko ngayon.. Siguro ang kantang ito na!

“Sana ay wag ng matapos ‘to.. Pag-ibig na para lamang sa iyo.. Wooooohoo..”

Kinikilig ako. Waaaaaaah >.<

Iniisip ko pa lang si Ken kinikilig na ako. Twing binabalikan ko yung unang araw na nakita ko siya sa port.. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Yudii. Nakakatuwa naman :’)

Hindi ko nga pala nakita ang F4 ngayong maghapon.. Hindi kasi ako nakalabas. Una dyan e, tinatamad ako. Pangalawa, ayoko ng maglakwatsa.. Sobrang itim ko na. Twing titingin ako sa salamin.. Hindi ko maiimagine na ako nga yung kaharap ko. At pangatlo e.. May allergy ako. Waaaaaaah. Pesteng allergy ‘to. Ngayon pa tumubo alam naman nagpapacute ako. Aissshhh..

Ang weirdo kong allergy. Alam niyo ba na tumutubo lang siya twing malapit na ang rainy season? Kapag later part ng May o di naman kaya sa earlier part ng June. Tapos sa bigbig ko pa talaga banda lagi. Kaya naman kung makikita niyo ang mga ID Picture ko nung high school, para akong may sugat malapit sa lips. I tell you.. Allergy ko lang yun. Ang weird kong allergy.

Pero ewan ba kung bakit parang napaaga naman ang pag-atake niya ngayon. Hindi ako handa promise. Kasi nga hindi ko dala yung gamot ko. Naiwan ko sa bahay ni Tita sa Cuyo. Waaaaaaaah. Ito na ang kapalit.. Kapalit ng mga kasalanan ko!

Kaya ayun.. Nagpabili na lang ako ng sabon kina Van. Yung antibacterial soap.. Nakalimutan ko na yung pangalan ng sabon. Hindi naman importante yun.. So ayun na nga. Kasama ata nila si Von na bumili. Hindi ako sumama dahil maliban sa 3 dahilan sa itaas e bitter ako.

OO. Bitter ako dahil itong si Von, si Van pala ang tunay na itinatangi sa amin. Tsk.. Akala ko ako na! Waaaaaah. T.T

“Hindi ka ba nagsasawa?”

Iniangat ko ang ulo ko mula sa devotional book na binabasa ko at nakita si Baldo na nakatayo sa harap ko.

“Hindi..”

“Kanina pa yan..  Ako nagsasawa na..”

“Edi wag kang makinig..”

“Hay naku. Hindi ko talaga kayo maintindihan.. Bakit ba kayo ganyan?” Problemado talaga ang mukha niya habang nagtatanong.

“Ha?” tanong ko din sa kanya. “Anong bakit ganito kami?”

“Ate Tin..” Aba. May gumagalang pa din pala sa akin dito. Baldo, naappreciate kita! “Alam mo naman siguro na mali yan..”

“Mali?!”

“Naku. Nag mamaang-maangan ka pa e! Kung sa bagay.. kasapi ka rin naman nila..” He shook his head.

“Jake.”

“Okay.. kasi nga di ba. Alam mo naman na.. Magkakamag-anak pa kayo. Tapos kung makalandi naman kayong 5..”

ANOOO DAW? Malandi kami? Aish..

“Sira! FRIENDS lang kami! Wala kaming ginagawang masama..”

“Waaah. Kitang-kita ko..”

“Tumigil ka..”

Tapos may pumasok ulit sa eksena.

“Kung makapagsalita ka.. May gusto ka rin kay Kim ha!”

Ano? Si Baldo? May gusto kay Kim? Wahahaha. PEDO!

“Anong sinasabi mo? Ako? May gusto sa mukhang lalaki na yun? Fuck Shit.”

Okay. Away na naman ‘to pag di napigilan.

“Ohhh.. Mag-aaway na naman kayo? Tama na yan.” Awat ko sa kanilang dalawa. “Kate.. Nasaan si Van?”

“Si Van? Dun sa port..”

“Mag-isa?” follow up question ko.

“Kasama si Von..”

“Oohhh?”

“Ayan na nga ba ang sinasabi ko e!” singit na naman ni Baldo. Bruhong ‘to.

“Nakatambay lang sila dun.. lagi naman kami dun twing hapon.” Cold na sagot ni Kate.

Hayyy.. Affected pa rin kaya siya? Kawawa naman ang batang ito >.<

“Hindi ka ba lalabas ate?” tanong niya sa akin.

“Tingin mo lalabas yan sa ganyang hitsura?” paningit na naman ni Baldo.

Tama ka Jose.

“Mamaya na lang..” sagot ko kay Kate.

“Ohh sige. Balikan ko muna si Van sa port.. Para makapagdinner na tayo.” Sabay alis ni Kate.

Pag-alis ni Kate.

Pinlay ko ulit yung Summer Song tapos ay naglagay ng mga gamit sa bag.

Humiga na si Baldo sa Water bed, “Oh.. san ka pupunta?”

“Kina Auntie Cen.. Maliligo.” Tumingin ako sa salamin bago pa tuluyang pumunta sa pinto.

“Tama! Maligo ka na.. Amoy sibuyas ka na e!”

“Sira.”

Tapos ay umalis na ako sa bahay nina Tita papunta kina Auntie.

PAKSHET. Oo amoy sibuyas na nga ako. Dahil wala akong mailagay sa allergy ko.. Sibuyas na lang. Ewan ba kung sino ang nakaisip nito pero sinunod ko naman. Wala na akong magawa ei.

Hayy. Buti gabi na. Malaya na akong makakalabas.. Tsk. Lintek talagang allergy ‘to. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na.. Sinumpa na ako ni Tangay. Waaaaaah. Ang bilis ng karma TT.TT

Hindi ako nakasama sa lakwatsa nila. Aish.. Kasama pa naman daw nila si Von. Si Von.. Si Von na naman? Si Von na inlababo pala kay Van mula pa lang nung una. Okay. Sobra na ang pagiging bitter ko.

“Anong pinapanood mo?” naabutan ko si Nino, Pinsan ko na anak ni Auntie Cen na nanonood ng DVD.

“Ang Tanging Pamilya..”

“Ahhh..” sagot ko. “Si Mama mo?”

“Pumunta kina Auntie Mila..”

Ahhh. So isa lang pala siya dito.. “Paligo ha?” paalam ko saka tumungo sa balon para mag-igib ng tubig.

Ano kayang ginagawa ni Ken?

*Galaw Galaw ng Lubid*

Si Julius kaya.. Kumusta na?

*Hila ng lubid*

Si Ivan kaya natanggal na sa PBB?

*Pulls harder*

Si Red kaya.. Ano na kayang nangyari kay Red? Si Timothy? Si Vin? Si Omi? S-si..

Oops. Puno na pala yung container. Waaaaaaah. Ang bigat. Pilit kong isinalin yun sa balde na dala ko.

Ohh.. Puno na. Tignan niyo.. Nagmuni-muni lang ako tungkol sa mga lalake ko.. Napuno ko na yung balde? Wahahaha. Hindi ko pa nga tapos isa-isahin yung Lucky 13 eh~

Hiniram ko muna yung rechargeable lamp nila para may ilaw ako sa CR. Nilagay ko lang sa labas yung ilaw.. Kung sa loob kasi, maliwanag masyado. Makikita ako. Ang liit kasi ng CR, tapos dami pang butas. Malayo talaga sila sa sibilisasyon.. Parang hindi ka mabubuhay kung pupunta ka dito pero kung may magpapapakilig sayo? Hindi mo maiisip ang mga bagay na ganito. Ayeee.

Waaaaah. Ang lamig ng tubig. Syetee naman e. Hindi ko napaghandaan ang buhos na yun. Anyway.. Nakapagsimula na akong magbabad sa cold water ng marinig kong may nagsasalita mula sa di kalayuan kaya naman pinatay ko muna yung ilaw sa labas para walang makagets na naliligo ako sa loob. Hello? Delikado  ako dito. Sa tabi lang ng kalsada e.

“Baka naman kasabwat ka nila! Umamin ka na!”

Boses ng babae. Parang may pinapagalitan..

“Wala nga kasi akong kinalaman! Inosente ako!”

Pasigaw din na sagot ng lalake na kausap nung babae.

Tapos tumahimik bigla.. Parang napatigil yung dalawang nag uusap sa tapat ko. I mean.. sa tapat ng CR kung nasaan ako.

“Ate? Ate nandyan ka ba?” tawag ng babae sa labas.

Ay.. Si Kate pala. Malamang si Kayee ang kasama niya.

“Nandyan pala si Tita Tin? Hi Tita!”

Si Kyle nga.. Naku. Ba’t kaya sila magkasama? Naka naman.. Nakamove on agad si manang kirit-kirit. Wahahah :) Si Kaye pa talaga. Paano na si Mhai nito? O.o

“Bakit?” sagot ko sa kanila.

“Ate.. Si Van. Nakita mo ba?”

“Si Vanity? Edi ba? Kayo yung magkakasama?”

Ba’t naman nila hinahanap sa akin yung kapatid ko? O.o

“Eh Tita.. Nawawala kasi siya..”

“NAWAWALA?! Ba’t nawawala?”

“Ate.. Nawawala din si Von.. Baka magkasama sila.”

Waaaaaaaah. Magkasama yung dalawa.

Teka.. Nagkaaminan na sila..

Baka naman.. gumagawa na sila nang hindi makataong bagay?

Baka.. yung bawal na.. Bawal. Wait.

di naman kaya yung..

WAAAAAAAAAAAAAAAH.

Baka namumulot na rin sila ng mga umang o di naman kaya ng ibang marine life. Waaaaah. Hindi yun makatao. Sinisira nila ang kalikasan.

Ohhh. Ba’t ka napapangiti diyan? Anong iniisip mo? Green ka ha. HAHA

“Anooo?! Kinidnap ni Von si Van?!” sigaw ko mula sa loob ng CR.

“Hala. Kidnapping agad?” si Kyle yun.

OA ko ‘no? Wahaha.

“Patay.. Oh sige. Hanapin niyo muna! Susunod ako..”

“Balik muna kami sa baybay..” sabi ni Kate

Pag alis ng dalawa dali dali kong tinapos ang paliligo ko.

Kainis naman ohh. Syete. Bakit kinidnap ni Von si Van? Kalokohan. Baka maissue na sila nito ng bongga?  Paano kung may makakita sa kanila.. Ano na lang ang iisipin ng taong bayan? Waaaah. Ayoko masira ang pamilya namin dahil dun. Ayoko~

Dali dali akong pumunta sa port pagtapos ko magbihis..

Sa welcome churva pa lang ako ng pantalan nilamig na ako bigla. Ang lamig naman ngayong gabi~ Ah siguro dahil bagong ligo pa lang ako.. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Gabi na. San naman kaya pupunta yung dalawang yun? Maraming tao sa dulo ng pantalan.. Wala kaya sila dun?

Naglakad ako papunta dun.

Habang naglalakad.. Naalala ko bigla yung mumu. Yung kinukwento ni Kate na lalake.. Yung nagmumulto sa port na ‘to dati. Yung nahulog sa dagat na kahit low tide e namatay dahil sa sobrang kalasingan. Balita ko.. Matagal din yung nagmulto sa pantalan. Nakakatakot naman oh. Ngayong gabi ko pang napiling mag-isa. Waaaaaaah.

Naglakad pa rin ako.. Tapos may nakita akong nakaupo sa tapat ng light house. Nakaupo lang siya.. Natakot akong dumaan kasi nga baka si Tangay yun o di naman kaya manyak na nilagaw sa barangay na ‘to. Naglakad ako sa gilid banda.

Nung nasa tapat na ako ng lighthouse narinig ko na nagsalita yung taong nakaupo doon.

“San ka pupunta?”

Madilim. Hindi ko siya makita. Pero sigurado ako.. Si Kevin yung kausap ko. EMO e.

“Ha? Hinahanap ko si Van at Von.. Nakita mo ba?” tanong ko sa kanya na nakaupo pa din.

Biglang humangin. Ang lamig~

“Nandun sila oh..” sabay turo niya kung saan. Kung ano yung tinuturo niya hindi ko makita dahil madilim pero inassume ko na yung dulo yun ng port.

Maraming tao sa dulo. Naglalaro.. Naku. Dun ba nagpunta si Van at Von? Kalokohan naman ni Kate at Kaye ohh. TSk.

“Dun ba? Sige Salamat!” sabi ko saka naglakad patungo sa dulo.

I heard him chuckling, “San ka pupunta?”

“Ha?” lumingon ako sa kanya na tuloy pa din sa pag ngiti. Ohh di ba? Ang dilim tapos nakita ko pa rin siya? Tsk.. “Sabi mo dun sila?” tanong ko sabay turo sa dulo ng port.

Tumayo siya saka tumapat sa liwanag. Ayan.. Mas kita ko na ang mukha niyang tipaklong. Ayeee. Oi. Hindi ako kinikilig ha?

“Wala sila dun..” sabi niya as he went closer. “Dun sila!” sabay turo niya sa left side ng shore.

Ay shit. Di naman kasi nagsabi.

“Ganun ba?” inosente kong tanong. “Ano namang ginagawa nila dun?”

“Hindi ko alam..”

“Ang dilim naman. San ba sila dyan?”

“Hindi ko nga alam.. Ano? Puntahan natin?”

Pupuntahan daw namin? “Ha?” tanong ko sabay tingin sa kanya. Uy. Nawawala yung tipaklong! Nasaan siya? Nasaaaaaaaaaannnnnnnn?

“Dito ako!” sagot niya sabay kaway kaway.

Kaya naman pala. Nakababa na sa buhangin. Teka. Anong ginagawa niya dyan?

“Puntahan pa natin sila?” tanong niya saka tumingin sa direksyon kung nasaan man si Von at Zean.

Duh. Nasa baba ka na kaya.. Ano pa bang magagawa ko?

Kaya naman bumaba na lang ako.. Pero dahil isa akong malaking tanga sa sobrang excited kong bumaba e dumirediretso ako. Hindi sa buhangin.. but in Kevin’s arm. Sh-t. Kadiri.

“Ohh..” sabi niya.

“Hehe.”

Weirdo naman O.o

Tapos nagsimula na kaming maglakad.. Ang dilim ng nilalakad namin.. Mahina lang yung ihip ng hangin pero malamig.. Yung maingay lang e yung waves.. Yung mahinang alon ng dagat na humahampas sa dalampasigan.. Teka. Parang.. Ito yung lyrics nang..

“Waaaaaaaah..” sigaw ko.

Tumawa siya. Sabay kaming napatigil sa paglalakad. “Ano ba namang lubid ‘to? Ba’t dito ‘to?” reklamo ko habang kinucurse pa ang lubid na nagkoconnect sa Bangka papunta sa puno ng niyog.

Ahhh.. Yun pala. Tali pala yun ng Bangka..  Tuloy pa rin ng tawa niya.

“Masaya ka pa?” tanong ko sa katabi kong hindi pa rin tumitigil.

“Sorry..”

Tapos naglakad na ulit kami. Tahimik ulit. Nag-ingay na lang ulit nung nasalubong naming sina Kate at Kaye.

“Uyy.. Magkasama kayo?” tanong ng umang na halatang amuse na amuse nang makita kami ni Kevin na naglalakad sa shore.

“Hindi.. Hindi kami magkasama.. Nandito si Kevin nasa port ako.” sarkastiko kong sagot kay Kyle. Nakakapikon na kasi e. Nasaan na ba si Van at Von? Ai. “Ano? Nakita niyo na ba yung dalawa?”

“Hindi pa..”

“Oo..”

Sabay nila na sagot sa amin. Waaaaaaah. Ano ba ‘to?

“Ano ba ha? Oo o Hindi?” tanong ko ulit sa kanila.

Sumimangot si Kyle, “Wala ka ring pakisama e!” sabi niya kay Kate.

“Ako na naman.. Ako na lang lagi. Sige.. Ako na!” inis na na sabi ni Kate sabay walk out.

“Kateee! Wag mo akong iwan!” awat ni Kyle sa lumalayo ng si Kate. “Nandun sila sa dulo! Nag-gugroup hug! Kung gusto niyo mag-group hug din kayo pero wag na kayo lumapit sa kanya.. Intindihin niyo na lang yung PRIVACY nila.. Dyan na lang kayong dalawa sa Bangka kung gusto niyo pero wag na kayo lumapit. Plezz..” pagmamakaawa ni Kayee sa amin saka tumakbo para habulin si Kate. “Kateeeeeeee! Hintaayyyy!”

“Loko yung pinsan mo ha..” sabi ko kay Kevin pero natatawa talaga ako kina Kyle at Kate. Para silang mga sira.. Nagsisigawan tapos naghahabulan.

“Ganun talaga..” matipid na sagot nitong isa.

Ayan.. Nagsimula na naman kaming maglakad. Tsk.. Katahimikan na naman ang bumalot sa amin.

“Ooppss” sabay naming sabi nung muntik na naman kaming mapatid sa lubid. “Teka..” sabi niya saka inapakan yung lubid para makadaan ako. Aishh.. Kasweet na bata.

Malayo na rin yung nalakad namin. Malayo na kina Kyle at Kate.. Hindi ko pa rin matanaw sina Von..

“Nasaan na ba?” tanong ko sa kanya. Niloloko na lang ata kami ng mga ‘to.

“Ayun ohh..” tumuturo na naman siguro siya. Di ko makita kaya sumigaw na lang ako.. “Vaaaannnnn!”

Sumigaw din siya, “Voonnnn!”

Walang sumasagot. Ay nalintikan na. PInagtataguan ba kami nung dalawa? Sumigaw ulit ako..

“BABSS!”

Inulit ko pa yun nung walang sumagot..

“BABSSSS!”

Ayaw mo pa ha..

“BAAAAAAAAABBBBBBBBBBBS!”

Despedara kong sigaw this time may sumagot na sa clamor ko.

“Oo na!”

I smirked. Yess.. Epektibo pa rin pala yun.

“Bakit Babs?” tanong ni Kevin matapos marrinig na may sumagot na sa amin.

Bumababa ako sa bangkang inakyat ko.. “Ha? Babs. Short for.. BABOY!”

Humagalpak siya sa katatawa.. “B-baboy yung tawag mo kay Tita Van?”

“Babs lang.. Sobra ka!”

Tawa pa rin.

“Naku.. Wala ito. Wala pa rin ata silang balak umalis kung nasaan man sila.. Bumalik na lang tayo sa pantalan..” sabi ko sa kanya.

“Okay..” sagot din niya.

Oh di ba? Para kaming mga robot. Tanong. Sagot. Tanong. Sagot. Nakakasawa yung ganito.

Naglakad na ulit kami..

Ewan ba. Parang bigla na lang akong.. Kinabahan. Bakit kaya?! Ahh.. Alam ko na. Kasi dahil sa setting namin ngayong gabi! Tignan niyo.. Kaming 6 lang ang tao sa baybay. Sina Von at Van nasa dulo at nakaupo at nagkukwentuhan. Ito namang si Kyle at Kate naghahabulan.. ‘Kala mo love birds. Waaah. At kami nitong tipaklong na katabi ko? Naglalakad sa tabing dagat na akala mo gumagawa ng music video. Syet. Kung may makakakita sa amin dito baka isipin nila nagdidate kami. Ganun na ganun yung dating e! Waaaah. Sana walang makakita. Plezzzzz?

Matagal ding katahimikan ang namigitan sa amin.

 Lakad.

 Iwas sa lubid.

 Lakad.

Iwas sa lubid.

Hindi ko nga napansin na sa tabing dagat na talaga ako naglalakad. Nabasa na yung paa ko..

Napatigil lang naman ako nung..

“Tita..” sabi niya.

Waaaaaaah. Ano kayang sasabihin niya? Gaaaah. Bakit naman ako biglang kinabahan? Anong ibig sabihin nito?

“Ano?” tanong ko.

Naghintay pa ako ng karugtong nun.. Kung anong isasagot niya sa akin kaso bigla na lang lumapit sa amin sina Kaye at Kate. Naman ohh..

“Ohh Ano Kuya? Nakapag-goodbye kiss ka na ba ha?” pangiti-ngiti pa na tanong ng umang.

Ay sh-t. Loko ‘to ha.

“Sira!” sabi ni Kevin sa kanya.

Habang nag-uusap naman kami may biglang tumawag mula sa shore.. Maskulada na kala mo nasanay sa kakatakbo nung kabataan. Pachix pa na effect~ Si Ate Con. HAHA

“Kuya!” sigaw niya.

“Patay.. Si Tita Con.” sabi ni Kayee..  “Tara Kate! Tago tayo dun!” sabay turo ni numang sa bahay nina Tita- este Ate Dian.

“Anong gagawin natin dun?” tanong ng isa.

Napakamot naman sa ulo yung umang.. “Magtatago siguro! Tingin mo?” tapos bigla na lang niya hinila yung kamay ni Kate saka sila tumakbo. Naka nemen..

“MGA KUYA! UWI NA KAYOOOO! Mag-didinner na tayo!” sigaw ni Ate Con mula sa port.

Actually, tumigil na kami sa paglalakad.. “Pinapauwi na kayo ohh..” sabi ko sa kanya.

“Ha?” tanong niya tapos ay tumingin kay Ate Con na parang mauubusan na ng oxygen sa kakasigaw wala pa ring sumasagot. “Yung cellphone mo..”

Ohhh.. Ano namang problema nito sa cellphone ko? o.o

“Patayin mo.. Makikita niya yung ilaw.”

“So?”

“Ayoko pang umuwi e^^”

Yun naman pala. Inilagay ko yung cellphone ko sa bulsa. Wala na kaming ilaw. Wala pa ring sumasagot kay Ate Con. Hindi pa rin kami umaalis sa kinatatayuan namin.

“Mga loko talaga kayo.. Yung Tita niyo ohh. Mamamatay na sa kakasigaw.. Hindi niyo ba sasagutin?” tanong ko sa kanya tapos ay sumigaw ulit si Ate Con.

“MGA KUYAAAAAAA!”

Sasagot na sana si Kevin sa tanong ko pero bigla na lang umecho ang boses ni Kaye sa baybay.

“Wala kami dito Tita! Wala sina Kuya dito! Umuwi ka na lang.. Kakain din kami mamaya!!!”

Waaaaaaaaah. Ano bang pinagsasabi ng umang na ‘to? Kalokohan.. Sumagot-sagot pa edi nalaman din ni Ate Con yung totoo~

“Umuwi na kayo!” ang huli kong narinig mula kay Ate Con. Naman oo..

“Sira talaga!” narinig ko ring bulong ni Kevin sa tabi ko.

Ayan.. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa port. Dun na din sina Kyle at Kate.. Sa likod namin, palapit na rin si Van at Von.

“Ang daldal mo!”

Ayan.. Nag aaway na naman ang mga ito.

“Wag mo akong sisihin..” painosenteng sabi ni Kayee.

“Hate you..”

“Ohhh.. Magsisihan pa? Tara na.. Umuwi na tayo.” sabi ni Von saka naglakad pauwi sa kanila. Sumunod naman si Kyle na nagdadabog pa.

“Ahh.. Pupunta pa ba kayo dito mamaya?” tanong ng tipaklong sa akin. Aww. Dito pa pala siya.

“Ha? Ewan..” sagot ko rin. Hindi ko alam e. Sorry.

“Dapat kasi nagpapaalam kayo pag aalis kayo sa bahay.. Yan tuloy. Nasusundo kayo na may pamalo.. SIge Tita, uwi muna kami..” paalam niya sa akin saka sumunod na sa dalawa.

Lokong yun ha.

[Author’ POV]

Waaaaaaah. Sa wakas~

It’s my turn! Yes. It is!

Ako na ulit ang magkukwento.

Sa ayun na nga.. Nagkaaminan na sina Von at Van. Mukhang nakamove on na si Kate dahil kay Kyle. Pero itong sina Tin at Kevin labo labo pa rin. Paano naman itong si Evan at Mhai? aishh. Ang gulo. Hindi kasi proportion ang mga babae at lalake e. Kaiinis.

“Ate! Anong pinagusapan niyo?” kinikilig na tanong ni Kate ng marating nila yung pantalan. Kakaalis lang nung F3 para kumain. Nasa port na rin pala si Mhai at si Evan na dala ang aso niyang si Meow Meow.

Napangiti naman ang bruhang si Mia na parang may naalalang kung ano. “Wala..” sagot niya sa pinsang hopeful.

Mukhang di naconvince itong si Kate.

“Ano ba yan!” biglang singit ni Mhai. “Para kayong nagdidate sa baba.. Wah. Kaloka.”

Napatigil naman ang 3 sangkot sa krimen. Tapos ay bigla na lang nagspazz na parang mga sira.

“Ayoko na~ Pwede na talaga akong mamatay dito! As in now na! Waaaaah. Si Von!” kinikilig na wika ni Van.

“SIra talaga si Kyle..” pero nakangiti ka pa niyang Kate ha?

“Okay.. So kinikilig ako! Pero mas nakakilig ‘to kung si Ken yung kasama ko..”

“Ate.. Bata pa yun e!” sabi ni Mhai.

“Waaaaaaaaah. Ayoko na!” nagtatatalon na sila sa sobrang kilig. Hala. May nasasapian dito! HELP~

Nagshare na sila ng mga experiences habang nasa baba. Yung mga pinagkwentuhan nina Von at Van. Yung pangungulit ni Kyle kay Kate. At lahat ng detail ng paglalakad nina Tin at Kevin. Sige. Kayo na! Kayo na ang kinikilig ng bongga~

Pagtapos ng story telling na bongga nitong si Mia.. Bigla na lang nagpaalam itong si Evan.

“Uwi muna ako.. Kain lang.” paalam nito saka iniwan na ang mga kaibigan sa port.

Nagtaka naman si Mia sa inasal ni Evan. “Anong nangyari dun?” tanong niya sa mga kasama. Hindi kasi sanay si Tin dahil nakilala niya si Evan sa pagiging maraskal at highly energetic.

Nagreact si Mhai, “Baka nagalit..”

“Kanino naman?” follow up question ni Van na nakatutok pa rin sa cellphone niya.

“Alam ko na! Kay Ate Tin! Baka nagselos siya nung kay Kevin!” hinala ni Kate.

Ayaw atang maniwala nitong tatlo kasi paniwala nila.. MH ‘tong si Kate. MH as in.. Maling Hinala. HAHA

“Pero.. pwede!” sabi ni Mhai na mukhang nag agree kay Kate ngayon.

“Oo nga! May gusto nga pala si Evan kay Kevin.. Ba’t ko ba nakalimutan? Aishhh..” sagot ng matanda. Si Tin. HAHA.

“Magsosorry na lang ako mamaya.. O iset up na lang natin sila!” sabi niya and then turned to Mhai. “Tulungan mo ako Mhai!” pagmamakaawa niya..

Napataas naman ang kilay nitong isa. “Ha? Ayoko.. Magkaaway kami nun!”

“Sige naaaa~”

Akalain niyong napapayag niya. At matapos ang ilang minute pang kiligin pagtapos nilang magbalik tanaw sa mga nangyari kanina lang..

Nakita na nila na parating ang F4.

Mali. F2 lang..

Hindi pa nakakalapit ang dalawa,  nagtatanong na itong si Kate.. “San si Kaye?” tapos palingon lingon pa sa likod ng dalawang palapit. wow. Hindi mo siya na miss ‘no?

“Naghuhugas pa po ng plato..” sagot ni Von na nakangiti naman kay Van.

Wah. Flirts!

Pero.. Kawawa si Kyle ‘no? Pinaghugas ba naman ng plato. wawa :’(

Habang naghihintay sa mga taong wala pa.. Tumambay muna sila sa port.. As usual.. Itong si Mhai, Van at Von nag-uusap. Ito naman si Tin at Kate may sarili ring topic.. At si Kevin? Edi EMO.

Nagplano sila kung ano ang gagawin tonight! Nagsawa na ata sila sa kakalaro sa dulo ng port. Kaya naman this night.. They’ve decided to take a walk. Walk sa shore..

8:00 PM

Right side ng Bay..

Kumpleto na sila kaya naman nagkayayaan ng maglakad. Unang bumaba sina Mhai at Tin ngayong gabi. Naman ohh.. Umupo muna ang dalawa sa buhangin saka umemote. Yung iba may kanya kanya ng ginagawa e. Lalo na sina Van at Von na may sariling mundo.

“Waaaah. Buti pa si Van.. Akalain mong si Von na pinapangarap ko nung isang araw sa kanya na ngayon? Buhay nga naman..” wika ni Mia habang nagsusulat sa buhangin ng kung ano.

Bumulong din si Mhai sa kanya.. “Oo. HAHA. Makarisma si Van e!”

Sabay tawa nilang dalawa. Lumingon si Mia para tignan kung nasaan na sina Von at yung iba pa.. pero iba ang nakita niya.

Lalake..

 Sa likod lang nila mismo..

Nakablack na jacket..

Emo..

‘Sh-t.’ bulong ni Destiny dahil iniisip niya na si Kevin ito. She leaned closer to Mhai, “May tao sa likod.. Tignan mo nga kung sino..”

“Meron?” tanong ni Mhai saka lumingon para tignan ang sinasabi ni Tin. “Ate.. Si Kevin ata..”

“Si tipaklong? Oh My Gosh!” sabi ni Tin saka napatalon sa kinauupuan. Tumayo din si Mhai at..

Confirmed. Si Kevin nga ang tao sa likod nila.

Lumapit si Tin sa poste, I mean.. sa tao. “Kanina ka pa dyan?” tanong niya dito.

Tumango lang ang EMO.

Naman oh. Ang tanong.. Narinig kaya ang pinag usapan nila? Sana hindi.. Nakahead set naman siya e. Pero narinig niya yung tanong ni Tin.. What if~ ERASE! Hindi niya narinig okay?!

So para wala ng issue.. Agad na tumakbo ang dalawa palayo sa tipaklong.

Punta naman tayo  kina Kyle at Kate.

Si Kyle na wala na atang interes sa paglalakad at pagtakbo dahil kahit gabi na e naghahanap pa rin ng umang sa mga gilid gilid. Pagtapos maghanap ibibigay kay Kate?  Sweet.

Si Ken at Kim?

Nasa panatalan.. Kasama nung maskuladang pachix. Si Ate Con! Ang cute ni Ken ohh.. Tinatawag yung mga kuya at tita niya. Gusto atang makipaglaro. Sorry baby.. Walang mag-eentertain sayo!

Kasi itong Kuya Von at Tita Van mo..

Si Van at Von.. Si Von at Van.. Pareho lang sila.

Ayun.. Nakaupo sa Bangka.  May sariling mundo.. Wala na atang pakialam paligid nila. Wala akong idea sa pinag uusapan nila. Masaya naman sila kaya hayaan na natin. Interesado ako ngayon kay Evan na jealous.

Wahaha :0

Si Evan? Ayun.. Naglalakad sa likod ni Kevin. Malamang kinikilig na naman yun. Hindi lang kinikilig.. o di naman kaya KILIG na KILIG. Kundi.. Mamamatay na sa KILIG~

Pero bakit ba ganito? Parang may mali.. Let’s hear her thoughts.

[Evan’s POV]

Tumingin ako sa oras sa cellphone ko.. 8:16.

8:16 na pala.. Yari na naman ako nito mamaya pag-uwi. Hindi ako nagpaalam kay Mama e. Kalokohan ko talaga ohh.. Aishh..

8:16 na.. Anong araw na nga pala ngayon? May.. 11? Tapos na ang eleksyon.. Matatapos na ang bakasyon nina Ate Tin dito.. Malapit na ring umalis sina Uncle Nel.. Nauubos na ang oras pero itong si Kevin.. Hindi pa rin ako pinapansin. My Gulay!

At gaya nina Ate Tin, may secret crush ako.. Kanino? Edi sa pamangkin ko. Naman oo.. Gusto niyong malaman kung sino? Nasabi na e. Si Kevin :)

Oo.. Tama ang nabasa mo. Si Kevin nga. Si Kevin na.. Mukhang tipaklong? Si Kevin na hinala yung buhok ko nung unang beses kaming naglaro? Si Kevin na.. Inagawan ko ng mic kagabi nung nag sising along kami? Si Kevin na nagpapakilig sa akin ngayon? Si Kevin na.. EMO? Si Kevin na kasama ni Ate Tin na naging dahilan ng pagiging jelly bean ko? OO. Siya nga ang tinutukoy ko.. Si KEVIN.

Fine. Crush ko siya. Kahit mukha pa siyang tipaklong o para ng pugad ng ibon ang ulo niya dahil sa kapal ng buhok niyang parang ilang taon ng hindi napuputulan. Minsan lang kaming mag usap. Tamang Hi! Hello! Smile! Tapos yun.. End of Conversation na. ewan ko lang ha.. Pero may mali e.

Napapansin ko kasi.. Itong tipaklong na ito.. Sa twing lalapit ako o basta nasa paligid ako.. Lumalayo siya! Yung para bang may sakit ako na nakakahawa.. Nakakainis! Para siyang sira! When I’m around.. Lagi na lang siyang umaalis. Mas pinipili niya pa na umupo sa tabi.. Makinig sa music. Mag emo. Tipakolong na ‘to. Masyado akong pinapahirapan..

Minsan naiisip ko na may gusto siya kay Ate Tin.. Kasi pag nandyan si Ate, aktibo siya. Kung wala.. parang gulay na nalanta. Pero bakit pag ako yung nasa paligid.. Para siyang natatakot? Para bang.. halimaw ako sa paningin niya. Hindi ko naman siya kakainin! Ano kayang issue niya?

Umupo ako sa buhangin ng makita ko siya na naglalakad na naman. As usual.. Nakabuntot kina Mhai at Ate Tin.

Nakakalungkot naman ohh.. Tumakas pa naman ako sa bahay para sa gabing ‘to. Well, lagi naman akong tumatakas pero.. Ito lang naman ang kasiyahan ko sa buhay maliban kay Meow Meow.. Ang tumakas sa bahay para makita si Kevin :’P

Actually, makita ko lang siya.. Masaya na ako e! Kahit nga di na niya ako kausapin.. Kahit di na siya tumingin sa akin. Kahit di niya na ako pansinin. Kahit di siya lumapit sa akin. Kahit hindi niya na ako tabihan o kulitin gaya ng ginagawa niya kay Ate Mia. Kahit wala ng ganun.. Masaya na rin naman ako na nakikita siya. Yun lang.. Alam ko mababaw pero.. Yun lang gusto ko every night.

Hayy.. Mula nung nagkakilala kami.. Hindi pa kami nag uusap ng matino. Paano naman kasi mangyayari yun kung lagi niya akong tinatakbuhan? Tsk.. Nakakainis naman!

Itinabi ko ang slippers ko saka tumingala sa langit..  Ako naman ang mag EEMO ngayon.

Ang daming stars.. sana may mahulog na kahit isa sa milyong milyong meron ang langit na ‘to. Isa lang.. Isang star na mahulog. Para naman makapagwish ako. Magwiwish ako na sana.. Hindi na ako takbuhan ni Kevin.. Na sana mapansin niya na nag eexist si Evan dito sa Agutaya. Na lumapit siya at kausapin ako.. Kahit ngayong gabi lang.. Kahit ngayon lang.

 Pag nangyari yun. Hindi na ako tatakas sa bahay pag gabi para lang pumunta dito at makita siya. Magpapaalam na ako :P

Pumikit ako saka iminulat ang mga mata.. Nakita ko si Kevin na naglalakad.. Papalapit sa akin.

Shockings. Totoo ba ‘to? Uy.. Wala pang shooting star.  Di pa ako nakakapagwish! Anong ibig sabihin nito? Bago pa ako makareact ng mas OA sa pinaka OA magreact sa amin, nakita ko si Kevin na umupo sa tabi ko.

“Ohh.. Himala! Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya. Nakapagtataka naman ‘to.

Ngumiti lang siya saka tumingala sa langit.. “Tinatakbuhan kasi ako ni Tin.. Kaya dito na lang ako..” tumingin siya sa akin this time. “Hindi mo namana ko tatakbuhan dib a?” nakangiti niyang banggit.

“Hindi..” ngumiti din ako saka tumingala sa langit. “Ikaw kaya ang laging tumatakbo pag nakikita ako..”

“Iniisip mo ba na tinatakbuhan kita? Sorry ha~”

Nagsosorry ang tipaklong sa akin. Gaaaaah. ako na ang kinikilig. Ako na talaga! Kyaaaah~

“Okay lang..” sagot ko tapos biglang may nahulog na bituin.

“Shooting Star!” sabay naming wika.

Nagkatinginan kami tapos ay napangiti.

“Nakita mo rin?” tanong ko sa kanya.

“Yep.. we’re under the same sky right?” tanong niya sa akin.

“Oo..” sagot ko. Lihim naman akong napasmile. Waaaaah. Kinikilig ako e~

“Nagwish ka?” tanong niya sa akin.

Paano ko sasagutin yan? Naman oh..

“Oo.. Wish ko na sana maging masaya tayong lahat..”

Ngumiti siya.. Naman oh. Sige. Ako na rin yung natutunaw dito sa kinauupuan ko. Ako na.

Tapos.. Bago ko pa maalala na may kausap ako.. “Ikaw? Anong wish mo?”

Napatingin siya sa akin..

Wow. Parang eksena sa pelikula. Ayeeee.

“Ako ba?” ngumiti ulit siya saka tumingala.. “Ang wish ko..”

Hindi na naituloy pa ni Kevin, bigla kasing dumating sina Mhai, Ate Tin, Kayee at Kate. Mukha silang hinahabol.. Sa likod nila, ang lasing na si Tangay.

Continue Reading

You'll Also Like

26.8M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
33.3K 1.2K 37
DESCRIPTION: Ruan Mari Tan is a cold blooded business tycoon in the Philippines. Pagmamay-ari niya ang isa sa malaki at sikat na publishing company a...
942K 56.4K 57
Rebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***
1.5M 75.3K 21
Ang Ikalawang Serye. A girl dying from Leukemia was given a chance to make a wish, and there she met a mysterious guy who would lead her as she enter...