9 Days of May [Day 1]

489 4 3
                                                  

DAY 1: The Escape

May 6, 2010

[Destiny’s POV]

Maaga na naman kaming nagising kasi maagang pumasok si Tita Hillary. Magkakaharap kaming magpipinsan sa kusina.

“Ano? Hindi ba sila nagreply?” tanong ko kay Vanity.

“Hindi eh” sagot ng kapatid ko.

“Tawagan na lang kaya natin?” suggestion ni Kate.

“Mabuti pa nga,” Sabi ni Jake.

Naguguluhan na talaga ako, paano kung di maging successful ‘to?  Paano kung seryoso ang mga taong ‘to na maglayas tapos ako makokonsensiya at hindi na sumama? Unfair naman kung maiiwan ako dito. Tsk..

Mixed emotions talaga. Ayokong maiwan kaso natatakot din ako sa pwedeng mangyari, hello? Ako kaya ang panganay, pag nagkataon ako ang unang pagagalitan. At yun ang pinaka ayoko sa lahat, yung ako yung nasisisi. Haiihh.. ano na ba?

Tinawagan nga namin si Mama.

“Hello Ma? Uuwi si kuya Jake sa Agutaya ngayon, sasama kami. Okay lang ba?” tanong ni Van.

(Sinong kasama niyo?)

“Kaming apat, “ sagot ni Van.

(Kayong apat lang?)

“Oo. Ayaw na nga namin dito..”

(Magpaalam muna kayo sa Tita Hillary niyo.)

Nakaloud speaker ang paguusap nila kaya rinig na rinig naming ang mga happenings. Napatingin si Van sa amin.

“Ano?” Tanong niya sa amin. Kinuha ko ang cellphone sa kanya.

“Hello Ma, si Destiny ‘to. Hindi nga kami payagan ni Tita Hillary kaya sa iyo na kami nagpaalam. Ano, okay lang ba?”

(Hindi pala kayo pinayagan. Tapos aalis pa kayo diyan? Pagpinayagan niya na kayo bago kayo umalis.)

Sa sobrang asar ko, pinatay ko ang cellphone. Grabe. Naiiyak na ako.

“Naku, mukhang pati si Mama Haena naimpluwensiyahan na ni Tita Hillary” sabi ni Kate sa akin.

“Baka tinext na ni Tita Hillary kagabi, sinabihan na na kapag magpaalam tayo wag tayo payagan.” Asar na sabi ni Van.

Wah. Ayoko na talaga. Isang araw dito mababaliw na ako. Diyos ko, maawa naman po kayo sa amin.

“Tumakas na lang nga kasi tayo,” suggestion ni Jake habang inaayos ang mga gamit. “Wala na rin naman siyang magagawa pag nandun na tayo. Tsk.. Alangan naman na habulin niya pa tayo dun?”

“Asar talaga. Pati kay Mama asar na ako. Umalis na nga kasi tayo, ayoko na dito..” pakiusap ni Van.

“Hindi pwede, hindi nga tayo pinayagan tapos aalis tayo? Mahiya naman kayo, siya nagsponsor ng bakasyon na ‘to tapos iiwan natin siya?” sabi ko sa kanila.

“Tama ka Ate. Isa pa, mamaya mag away-away na naman silang magkakapatid dahil sa atin.” Sagot ni Kate.

“So ano? Hindi na talaga tayo tutuloy?” tanong ni Van.

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya umalis ako sa kusina at pumunta sa kwarto Grabe. Gusto ko nang umiyak. Ngayon ko lang naranasan ang ganito.. Ang hirap! Gusto ko ng umalis dito kaso baka magalit si Tita. Wah. Naiisip ko rin na nandito na lang naman kami, bakit hindi pa kami tumuloy sa Agutaya. Minsan lang ‘to mangyayari, minsan lang kami mapapadpad dito so why not make the most of it? Kaso nga lang si Tita. Ang laki niyang problema.

9 Days of May.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon