9 Days of May [Day 4]

286 4 3
                                    

Day 4 : Tangay 

May 9, 2010 

[Destiny’s POV]

Ang ganda ng gising ko. After ng ilang sleepless nights dahil sa sobrang kilig na hatid ng f4 namin : ) 

Sa water bed natuulog sina Van at Kate, ako sa maliit na kama ni Kate. Mataas na ang araw, natatamaan na nga ako ng sikat nito. Kinuha ko ang cellphone ko sa windowsill. May dalawang missed calls at 17 messages. Yung missed calls from Evan yung ibang messages mga forwarded messages at morning gretings ng mga classmates at friends na kahit summer ay may unlimited supply pa rin ng load. Binuksan ko ang huling message na galing kay Evan. 

Evan: ate, san na kayo? Akala ko magsisimba tayo? Dumaan na ang F4! 

Hala. Nakalimutan ko, magsisismba nga pala kami. 

"Kate, Van.." ginising ko ang dalawa. Hindi pa rin gumagalaw. "hoy ano ba?!" bumangon na nga kayo! Nandito si Von!" sigaw ko sa kanila. At dali-daling bumangon ang dalawa. Si Van muntik pang mahulog sa kama, si kate naman agad-agad na kinuha ang salamin na nakasabit sa wall. Inayos ng dalawa ang sarili.. 

"Saan? Saan si Von?!" excited na tanong ng dalawa. Tapos nagtinginan silang dalawa. Tinawanan ko sila. 

"Maganda pa lang motivation si Von, sumusunod kayo agad.." 

"Epal ka talaga! Ang sarap-sarap ng tulog ko eh.." sabay balik sa kama ni Van. Ganun din ang ginawa ni Kate. 

"Hala. Nakalimutan niyo? Di ba magsisimba tayo ngayon?" tanong ko sa kanila. Kinuha ni Van ang relo niya na nakapatong sa divider na nagdidivide sa mga kama namin. 

"Patay! Oo nga pala.." sabi niya. "Hindi tayo nagsimba, nagsabi pa naman tayo sa kanila. Binilinan din tayo ni mama.."

"Ano?! Magsisimba kayo?" ahh.. si Jose na naman 'to. 

"Mangingialam na naman.." sabi ni Kate. 

"Ano rin?" pagpapatuloy ng bruho.. "Magsisimba kayo? Aba, nakakapanibago naman.. sigurado kayo na pupunta kayo sa simbahan para magdasal o para titigan ang mga pamangkin niyo sa loob ng isang oras?" pangiti-ngiti ang bruho. Binato ko siya ng unan. 

"Sira.. sinabihan kami ni Mama.." 

"Owss... sa mga actions niyo lately? Walang maniniwala na wala sa purpose niyo ang magpapansin sa mga lalaking yun.." 

"Inggit ka lang na baldo ka!" sabi ni Van tapos nagtawanan kami. 

Hindi pa rin paawat si Jose kaya naabutan kami ni Tita na nagtatalo. 

"Yan, tinanghali na kayo ng gising? Bumangon na nga kayo tapos maghanda na kayo.. magpapack tayo ng tinapay kina Ate Consuelo."sabi ni Tita Hyacinth sa amin. 

"Ayan na may chance na kayo ulit.." sabay tili ni Jose. Ayoo talagang naririnig ang tili niya, ang sakit sa tenga. 

"Tinapay para saan?" tanong ni Kate. 

"Pangmerienda sa mga tao bukas.." 

"Ano bang meron bukas?" tanong ni Van. 

"Mga ineng, election na po bukas.." sabi ni Tita Hyacinth. 

Wah. Hindi na namin namamalayan ang ara, feeling namin ang tagal tagal na namin dito. 

"10 na bukas?! Birthday ko na!" excited na sabi ni Van. 

"Oo, katorse ka na .. nene!" sabay naming sabi ni Kate. 

"hahaha.." sarcastic laugh ni Van. 

"Oh.. bilis.. sumunod na kayo dun huh.." 

9 Days of May.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon