9 Days of May [Day 3]

279 4 6
                                    

Day 3 : F4 

May 8, 2010 

[Evan’s POV]

"Achooo.." 

"Ate.. Okay ka lang ba?" tanong ni Kate sa akin habang inaabot ang tissue box. Simula ng magising ako, hindi na ako tumigil sa pagbahing.  Dito nga pala kami sa port ngayon. Naghihintay ulit na may dumaang anghel. Alam niyo na..

Kinuha ko yun sa kanya.. "Ewan, achoo.." 

"Ayan kasi eh, gusto palang magnight swimming kagabi hindi pa tayo ang sinama, namili pa talaga at ang maswerteng napili si Kevin! Tadah.." alive na alive na sabi ni Van.Ayan, pinapaalala na naman ang nakalipas. Nangyari na eh, binabalik pa. 

Binatukan ko siya.. "Sira! Malay ko bang nandun siya? Hindi ko naman intensiyon na masama siya sa pagbagsak ko kagabi. Achoo..". 

Ayan, ang aga-aga pa, sila na naman ang topic.

"Ayee.. anong feeling? Grabe. Kinikilig ako sa inyo, haha." Sabi ni Kate. 

"Sa kanila o kay VON? Waeee.. si Kate, crush din si Von." Pang-aasar ni Van kay kate. 

"Hoy kayong dalawa, Tumigil nga kayo. Baka nakakalimutan niyo? Pare-pareho pa rin tayo ng middle name. Iisang dugo pa rin ang nananalaytay sa mga ugat natin.." pangaral ni Ate Tin sa dalawa. Syempre, as expected.. babarahin na naman siya ng mga ito. Bastusan na lang e. HAHA

"Weh. Pero crush niya si Ken.." sabi ni Kate. Hindi ako nagkamali. 

"si Ken lang ang exception.." nakangiting sabi ni Ate sa amin.

Syempre. Maghapon na naman kaming magkakasama. At sa buong maghapon, sila lang ang topic namin. Para hindi obvious, ginawan na rin namin ng codename sila pamangkin. Sila ang F4- F4 kasi apat din sila. Since si Kyle lang ang kulot sa kanila, siya si Jun Pyo! Si Ji Hoo naman si Von (wala lang..). si Kevin si Woo Bin at si Ken si Yi Jeong kasi siya ang pinakacute! Hihi.

And since lagi lang kaming magkakasamang lima at palagi lang ang F4 ang topic namin, ginawan na rin namin ng name ang grupo namin. ( 3rd day pa lang close na close na kami). Kami ang TUGS TUGS Girls. Oo corny na, si Mhai ang sisihin niyo siya ang nakaisip. Nawiwili kasi kami masyado sa commercial ng Selecta Cornetto during those days. 

Akalain niyo yun, nalakad namin ang kabilang barangay makabili lang ng malamig na coke. Alas 2 ng hapon, sa tindi ng sikat ng araw kami lang ang naglalakad sa kalsada. Yung ibang bahay tuloy na nadadaanan namin, nagtatanong na kung bakit daw kami nagagagala sa tindi ng sikat ng araw. Care naman namin, ang f4 naman ang topic eh. 

5:30 PM. Buti na lang hindi natuloy na magkasakit ako. Palubog na ang araw ng utusan sina Kate ni Auntie Hyacinth na mag-igib ng tubig na inumin sa simbahan. Actually, hindi talaga dapat ako kasama, voluntary ‘to.  Ganun din naman sila Kate, nagkukusa dahil gaya ko.. nagbabakasakali na makikita namin ang f4 na nag-iigib din ng tubig sa amin. Oh Yeah! Sa amin sila nag-iigib ng tubig.. Napahinto kami sa kanto, hinintay kasi namin si Mhai. Sasama din siya sa pag-igib. 

"Hindi lumabas ang f4, pero kanina narinig ko nagkoconcert sila." Sabi ni Mhai, magkatabi lang kasi ang bahay nila Mhai at ng f4. 

"Hanggang ngayon naman, si Von ata yung bumabanat." Sabi ni Kate. 

"paano mo nalaman na si Von? Ikaw kate huh.."pang-asar na naman ni Van.

"eew.. ayoko talaga sa Von na yan! Ang pangit pangit niya.!" Galit na sabi ni Kate. Napangiti naman si Van tapos may ibinulong kay Mhai tapos sabay na tumawa ang dalawa. Mga loka-loka. 

9 Days of May.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon