9 Days of May [Day 5 : Daytime]

228 4 3
                                    

Day 5 Daytime : Vanity Day

May 10, 2010

[Destiny’s POV]

At nasira nga ang buong araw ko kahapon dahil kay tangay. Pero nabawi naman yun nung gabi, magkakasama na naman kami sa pantalan eh. Syempre, nasa daily routine na ata namin na magsama-sama twing gabi hanggang alas diyes sa pier. Ang kaibahan lang nga kagabi, hindi kami hinatid kasi kasama na naman si Jake. At hindi rin nangulit si Kevin sa akin. Emo si Kevin. Si Von ganun din. Bakit kaya? @_@

8:30 na nang magising ang mga bruha. Syempre kagabi hindi na naman kami nakatulog agad kasi kinilig-kilig pa habang nagkukwentuhan tungkol sa f4, tapos katext pa nila si Von. Hayy..

“Mga bata bumangon na nga kayo! Tutulong tayo kila Uncle Nel niyo ngayon..” gising sa amin ni Tita Hyacinth nung umagang yun.

“Eleksyon na ba ngayon?” tanong ni Vanity na nakasubsob pa rin ang mukha sa unan.

“Oo! Kapatid birthday mo na! 14 ka na! katorseng-katorse ka na! Nene!” sabi ko na sinabayan ng tawa ni Kate.

“Happy Birthday Van! Oh sige, bumangon na kayo. Magbihis na kayo.. Marami ng tao sa plaza. Bilis..” utos ni Tita sa amin.

“Ma.. Hindi pa nga kami nakakaligo eh.. Mamaya na.” sagot ni Kate na nakahiga pa din sa water bed.

At sa puntong yun , pumasok na naman si Baldo. “Aba.. at kelan pa kayo nagging conscious sa hitsura niyo? Sa Cuyo nga hindi kayo mapaligo niyang si Van tapos dito kailangan araw-araw maligo kayo? Kalokohan niyo.” Nang-iinis na sabi ni Jake sa dalawa.

“Care mo naman?” sagot ni Kate.

“Ohh.. Mag-aaway na naman kayo eh. Bilis, Bangon na. Kumain na kayo, wag na kayong maligo kailangan na tayo sa plaza.. “ lumabas si Tita sa kwarto naming. “Ikaw Destiny, bilisan mo. Mauna na tayo!”

ANOOO? Mauuna kami? Ayoko! Pero syempre, nahiya naman akong tumanggi. Kaya ang ginawa ko nagpakupad-kupad ako sa pagkilos. Narealize ata yun ni Tita kaya naman makalipas ang ilang minute nang aking pag-arte, “Mauna na lang kami ni Jake.  wala ng gagala ha? Tara ..” yaya niya sa pinsan kong ubod ng bait saka iniwan na kami nila Van at Kate sa bahay. Wahahahaha. Minsan, may nakakatulong talaga ang pag-arte ko eh. Salamat acting skills, I’m the best because of you.

Pag-alis ni Tita. Naiwan kami sa bahay..

“Yehey! Maghapon ang kuryente ngayon! OMG! Makakanood ako ng showtime : ) “ sabi ni Kate.

“Asa ka naman.. natural puro coverage lang ng eleksyon ang mapapanood mo. Bilisan niyo na nga! Mamaya mapagalitan na naman tayo..” Sabi ko kay Kate.

Syempre dahil sa wala na akming oras pang natitira, eh hindi na nga kami nakaligo pa. Dinaan na lang sa powder at pabango. I hate the feelin, so sticky.Anyway, mapapawisan pa rin kami dun. Magdidistribute kasi kami ng mga snacks para sa mga botante. Mamimigay din ng mga sample flyers.

Sabay2x kami na pumunta nila Mhai sa elementary school. Nagkukwentuhan at nag-iingay na naman sa daan, hindi na ata maiiwasan yun pag kami ang magkakasama. Naglalakad kami habang kumakanta ng “Saengil Chukha Hamnida!” sa pamumuno ko.

“Nakatulog ba kayo kagabi?” tanong ko sa kanila.

“Hindi na nga ako natutulog.. kainis talaga. Pagpumipikit ako mukha nila nakikita ko. Masama na ito..” wika ni Mhai.

“Naku. Teka lang nga, nagtext na ba si Kevin sa inyo? Si Von lang kasi nagtetext sa akin.” Sabi ni Evan.

Hiningi rin ni Kevin ang number ko? Teka.. “ May cellphone ba si Kevin?”

9 Days of May.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon