9 Days of May [Day 6 : Daytime]

183 3 3
                                                  

Day 6 Daytime : Missing Two

May 11, 2010

 

[Vanity’s POV]

Waaaaaaah. Nakakahiya yung nangyari kagabi. Okay na sana e! Party mode na kami. Hindi na KJ si Kate dahil sumali na siya sa laro. Pero.. Bakit kailangang dumating si Tita na may dalang pamalo?

Grabe. Ang sakit pa rin.

Ang sakit isipin na muntik na kaming mapahiya kagabi. Hindi naman kami napalo.. Pinagsabihan lang.. Waaah. Akala ko talaga uuwi akong luhaan at namamaga ang binti. Buti hindi! Sa lahat kasi ng Tiyahin namin.. Si Tita Hyacinth ang mahilig sa corporal punishment. Buti di naming dinanas yun kagabi.. Kung sakali.. Hindi na ako lalabas. Hinding-hindi.

Akala ko din nga.. sa ganung paraan na lang matatapos ang birthday ko. Pero hindi..

Pag gising ko. Wala na si Destiny sa tabi ko.. Humarap ako sa salamin at kitang-kita ko ang eyebags ko. Pakshet. Ang laki na ohh.. pero okay lang yan! Maganda pa rin ako. Naniniwala ako. Wahahaha :)

Lumabas ako at naabutan sina Kate at Mia sa kusina na hindi man lang ginagalaw ang corned beef at prinitong fishda sa mesa. Umupo ako across their seat.

“Ohhh.. Ba’t di pa kayo kumakain?” kumuha ako ng plato saka naglagay ng rice.

“Hindi pa ako nakakmove on..” sabay nilang sagot. Tapos nagkatinginan sabay harap ulit sa akin.

“Kagabi pa yun ha?”

“Oo.. Kagabi LANG! Kaya nga fresh pa e..” sabi ni Tin.

“Ako na. Ako na talaga ang may kasalanan.. Hindi ako nakinig sa’yo..” sabi ni Kate kay Tin.

Grabe. Miserable talaga silang dalawa.

“Tumigil na nga kayo.. Mag move on kayo diyan.. dahil may natuklasan ako tungkol kay Von.” Nakangiti kong sabi sa kanila.

Agad na nagliwanag ang mukha ng dalawa..

“ANOOOO?!” sabay nilang tanong.

“May isa siyang crush sa ating lima..”

“Ohh.. Sino naman kaya?” tanong ni Kate.

“Baka ako..” hula ni Tin.

Kapal talaga nito.

“Sino ba?!” sabay nilang tanong.

“Hulaan niyo..”

“Si Mhai?” sabi ni Kate tapos ay natahimik at parang nag-isip “Si Evan?”

“Feeling ko talaga ako e..” sabi ni Tin.

Waaah. Pilitin niyo muna ako :P

At ganun nga ang nangyari..  Pinilit nila ako. Ng pinilit ng pinilit ng pinilit ng pinilit ng pinilit ng..

“Waaaaaaaaaaaah. Tama na! Oh sige.. Handa nab a talaga kayong malaman ang totoo?” tanong ko sa kanila.

“OO!”

Ngumiti ako saka iniabot sa kanila ang cellphone ko..

Pagtapos mabasa ang message.

“Okay..” sagot nilang dalawa saka kumain na.

[Kate’s POV]

5:35 PM, Baybay

Si Van pala.. Yung pinsan ko na ituring ko parang bestfriend na. Si Van pala.. Siya pala.. Yung crush ni Von.

Aray naman ohh! Ba’t ba pumasok pa sa isip ko na.. Magugustuhan ako nung lamok na yun? Ba’t ba naisip ko na applicable sa amin yung ‘Opposites do Attract’? Ba’t ba umasa ako na.. Yung kwento naming magiging gaya nung sa mga palabas?

Yung.. Una magkaaway tapos yun pala meant to be. Yung ganun. Teka.. Ba’t ko ba nasasabi ang mga ‘to? Ba’t ko naiisip na magugustuhan ako ni Von? Ako lang naman si Kate. Si Kate na Party Pooper? Si Kate na KJ? Si Kate na.. MAGANDA? Okay. Tama na ang emote.

Ano ba? Nakakainis naman.. Ba’t ba dapat na maramdaman ko ‘to? E dapat hindi. Waaaaaaaah. Nakakainis. Nakakainis! Ayan nga oh.. Magkasama na naman silang dalawa. Nakaupo sa buhangin. Pinapanood yung sunset. Nagtatawanan. Pakshet. Ano ba? Pelikula? Pelikula?

 Waaaaah. Tapos ako nandito sa port. Nakatanga..  Parang yung third party na tinitignan yung leading lady at leading man na masaya. Bakit ba kasi sumama pa ako dito? Ang sakit na sa mata ng view. Ayoko na dito~

“Tita!”

Tawag ng tao mula sa likod ko. Si Kyle..

“Ohh.. Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya sabay balik ng tingin kay Van at Von na nasa buhangin.

Nilagay niya yung lata niya (na malamang nilagyan niya na nman ng mga nahuli niyang umang) sa tabi ko. Tapos umupo din siya sa port..

“Ang cute nila ‘no?”

“Ha?”

“Ang cute ni Kuya at ni Tita Van.. VANVON”

“Ahh.. Oo.” Sagot ko. Hindi e! Mas cute yan kung ako yung kasama ng kuya mo!

“Bagay sila di ba?”

“Oo..” I told him coldly. Hindi.  Oh di ba? Ang bitter ko na masyado. Tsk..

“Pero feeling ko..”

Ano na naman kaya ang feeling niya?

“Mas bagay tayo ^^”

Napatingin ako sa umang na mukhang seryoso.

“Sira!” hinamapas ko siya sa braso.

“Hindi na mabiro.. Wag ka ngang umemote diyan. Nahahalata ka e!” pang aasar niya sa akin.

Waaaaaaah. Obvious ba? Aissh. Delikado ako dito.

“Hindi kaya..” sagot ko sa kanya. “Pakialam ko ba diyan.. Aish..” tumayo ako.

“Ohh.. san ka pupunta?” tanong niya.

“Uuwi..”

“Uuwi?”

“Oo. Paulit-ulit?” tumingin ulit ako sa dalawa na enjoy pa din sa shore. Kala mo gumagawa ng music video.. “Van!” tawag ko.

Tumingin silang dalawa sa akin.

“Uwi muna ako!” paalam ko sa kanila..

Tumango lang si Van at muling nagpatuloy sa pagkukwentuhan.

Dineadma ako? Ay sh-t. Hindi ko na madigest ito. Pag katapos nun.. Iniwan ko na si Numang without a word.

6:00 PM na ng magdecide ako na bumalik para sunduin si Van. Kakain na daw kami e. Si Ate Tin hindi man lang lumabas ngayong araw.. Yung allergy niya kasi. Aisshh..

Naglakad akong mag isa papunta sa port. Tuluyan ng nakalubog ang araw. Ang bilis namang dumilim ngayon. Nakarating ako sa light house.

Teka.. Bakit wala ng tao sa shore? Nasaan si Van? Si Von? Nasaan sila? Waaaaaaaah. Baba na sana ako dahil baka naglakad lakad lang sila.. Pero nagulat ako ng makita si Numang na namumutlang palapit sa akin.

“Tita Kate..”

“Bakit?”

“N-nakita mo ba si Kuya?”

“Hindi..” sagot ko. OH NO! “Teka.. Si Van? Nakita mo ba?”

“Hindi rin..”

Waaaaaaaah. Don’t tell me..

“Nawawala sila?!” sabay naming tanong sa isa’t-isa.

9 Days of May.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon