9 Days of May [Day 5 : Uplate]

207 4 7
                                                  

Day 5 Uplate : Gatecrasher

Day 5 Nighttime : Party! Party! Continuation..

[Author’s POV]

Gaaaaaaaah. Their POVs are annoying. Ano ba ha? Nakakalimutan na ba ng mga madlang kids na ito ang boundaries niyo? Nakakastress kayo! Nakakaloka o.o

[Destiny’s POV]

At lumabas na nga ako para sagutin ang fake call ko. Nawalan ng power sa loob. Kaya naman ilang sandali lang bago ako makalabas e, sumunod na sila.

Nakikita ko na naman yung ulo nung tipaklong. Pakshet. Nakakainis.. Muntik na talaga ako kanina.

“Okay bye..” sabi ko sa kausap ko kuno tapos ay in-off na ang cellphone ko. Hayyy.. Buti na lang magaling akong umarte. Best Actress sa Speech and Stage Arts Class naminJ

“Ano ba ‘to?! Nakakainis naman e..” reklamo ni Evan sabay lapit sa akin.

“Ohh.. Anong nangyari?” inosente ko namang tanong.

“Hindi kasi siya nakakanta..” sabi ni Mhai.

Ahh. Kaya naman pala. Mga loko kasing mga bata ‘to. Mula nung hawakan yung mic e hindi na gustong bitawan. Kung makakanta parang wala ng bukas pa.. Tsk.

“So.. Uuwi na tayo?”

“Ate.. Nasa iyo lang yan kung gusto mong maiwan dito.. Kung gusto mong matulog dyan.. “sabay turo ni Kate sa videoke house. “At makasama ni Tangay na malamang lasing na naman, o ni Feeler..”

Waaaaaaaaah. Sh-t. Bakit ba ganito ang mga tao dito? Naalala ko na naman yung kambing na si Tangay tapos meron pang Feeler na gaya ni Tangay e mukhang war freak na feeling gwapo. Feeling GWAPO as in FEELING talaga. Feeling na.. as in. Feeling! Oh di ba? Sa sobrang pagkafeelingero niya e puro feeling na lang nasabi ko. Waaaaah.

“Ayoko! Sh-t.” sagot ko sa kanya.

Ako ang unang naglakad papunta sa main road. Sumunod na ang iba sa akin pagtapos nun.

Ewan ba. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari.. Alam niyo yun? Mali kasi ‘to e. Masyado kaming nagiging attach sa isa’t-isa. Yung closeness namin.. Sukdulan na! Kaya naman nakakakuha na kami ng kung anu-anong comment mula sa mga nakakaktanda.. Lalo na kay~ Ate Con. Si Ate Con na kontrabida na talaga.

Aissshhhh. Nakakainis isipin okay..  Bakit kasi kailangan pa na maging pinsan ko yung mama nila? Bakit kailangan pa nila akong maging Tiyahin? Yan tuloy.. Yung kilig ko di umaabot sa SUKDULAN. Di gaya pag nakikita ko si Julius Cruz~

Speaking of Julius Cruz.. Kumusta na kaya ang baklang yun?

Wahhh. Teka nga.. Balik tayo sa kanina. Naguguluhan na nga kasi ako..

Alam ko. Positibo ako.. Mahal ko si Ken. Si Ken na cute? Si Ken na mukhang hapon? Si Ken na mabait? Si Ken na.. Teka. Nasaan si Ken?! Waaaaah. Ba’t ngayon ko lang napansin! Nasaan si KEN? Hindi pala siya sumama TT.TT

Ayun. Mahal ko nga ang nawawalang si Ken. Sulit na ang kasalanan ko sa kanya.. Incest tapos child abuse! JK :) PEDO lang ako pero hindi ako papatol sa kadugo ko >.<

Pero bakit ganun.. Pag nakikita ko si Von.. Daig ko pa ang natutunaw na kandila? Bakit pag nakikita ko siya.. Nwawala ako sa konsentrasyon? Bakit kung nasa malapit siya.. Hindi ako makahinga? Nakss.. Gumaganun oh. Ang tindi naman ng epekto sa akin ni Von. Waaah. Ayoko na umalis dito TT.TT

[Kate’s POV]

“Ohh.. Gusto ko lang malaman niyo na.. Dangerous ang tatahakin nating daan. Kaya kung pwede lang.. Kung pwede lang naman. Wag kayong gagawa ng ingay ha? Plezz lang.” pagmamakaawa ni Mhai.

9 Days of May.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon