9 Days of May [Day 6 Nighttime]

184 3 3
                                                  

Day 6 Nighttime: A Walk To Remember

Day 6 Daytime : Missing Two Continuation..

[Destiny’s POV]

‘Magkatabi tayo sa duyan.. sa ilalim ng buwan..’

Nilaksan ko ang volume ng speaker tapos ay nakuha ko pang sabayan ang Silent Sanctuary.

“Buhangin sa ating mga paa.. Ang dagat ay kumakanta…”

Summer Song. Kanina ko pa pinapatugtog ‘to..

Kung may kantang magdedescribe ng nararamdaman ko ngayon.. Siguro ang kantang ito na!

“Sana ay wag ng matapos ‘to.. Pag-ibig na para lamang sa iyo.. Wooooohoo..”

Kinikilig ako. Waaaaaaah >.<

Iniisip ko pa lang si Ken kinikilig na ako. Twing binabalikan ko yung unang araw na nakita ko siya sa port.. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Yudii. Nakakatuwa naman :’)

Hindi ko nga pala nakita ang F4 ngayong maghapon.. Hindi kasi ako nakalabas. Una dyan e, tinatamad ako. Pangalawa, ayoko ng maglakwatsa.. Sobrang itim ko na. Twing titingin ako sa salamin.. Hindi ko maiimagine na ako nga yung kaharap ko. At pangatlo e.. May allergy ako. Waaaaaaah. Pesteng allergy ‘to. Ngayon pa tumubo alam naman nagpapacute ako. Aissshhh..

Ang weirdo kong allergy. Alam niyo ba na tumutubo lang siya twing malapit na ang rainy season? Kapag later part ng May o di naman kaya sa earlier part ng June. Tapos sa bigbig ko pa talaga banda lagi. Kaya naman kung makikita niyo ang mga ID Picture ko nung high school, para akong may sugat malapit sa lips. I tell you.. Allergy ko lang yun. Ang weird kong allergy.

Pero ewan ba kung bakit parang napaaga naman ang pag-atake niya ngayon. Hindi ako handa promise. Kasi nga hindi ko dala yung gamot ko. Naiwan ko sa bahay ni Tita sa Cuyo. Waaaaaaaah. Ito na ang kapalit.. Kapalit ng mga kasalanan ko!

Kaya ayun.. Nagpabili na lang ako ng sabon kina Van. Yung antibacterial soap.. Nakalimutan ko na yung pangalan ng sabon. Hindi naman importante yun.. So ayun na nga. Kasama ata nila si Von na bumili. Hindi ako sumama dahil maliban sa 3 dahilan sa itaas e bitter ako.

OO. Bitter ako dahil itong si Von, si Van pala ang tunay na itinatangi sa amin. Tsk.. Akala ko ako na! Waaaaaah. T.T

“Hindi ka ba nagsasawa?”

Iniangat ko ang ulo ko mula sa devotional book na binabasa ko at nakita si Baldo na nakatayo sa harap ko.

“Hindi..”

“Kanina pa yan..  Ako nagsasawa na..”

“Edi wag kang makinig..”

“Hay naku. Hindi ko talaga kayo maintindihan.. Bakit ba kayo ganyan?” Problemado talaga ang mukha niya habang nagtatanong.

“Ha?” tanong ko din sa kanya. “Anong bakit ganito kami?”

“Ate Tin..” Aba. May gumagalang pa din pala sa akin dito. Baldo, naappreciate kita! “Alam mo naman siguro na mali yan..”

“Mali?!”

“Naku. Nag mamaang-maangan ka pa e! Kung sa bagay.. kasapi ka rin naman nila..” He shook his head.

“Jake.”

“Okay.. kasi nga di ba. Alam mo naman na.. Magkakamag-anak pa kayo. Tapos kung makalandi naman kayong 5..”

ANOOO DAW? Malandi kami? Aish..

“Sira! FRIENDS lang kami! Wala kaming ginagawang masama..”

“Waaah. Kitang-kita ko..”

9 Days of May.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon