Un-tie (R-18)

By Sha_sha0808

581K 21.7K 2.7K

Un-tie (R-18) Ordinaryong estudyante lang ako sa harap ng mga kakilala ko pero nawalan Ng kalayaan mula nang... More

prologue
1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
5
6(R-18)
chapter 7
chapter 8
chapter 9
10
11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
15
chapter 16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
tanong
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
Finale

52

8.1K 340 79
By Sha_sha0808




Unedited...



"Teka, sandali!" pagpigil ni Reon at hinarangan si Zia sa pinto. "Teka, sandali lang! Ano ba ang nangyari?"

"Tumabi ka!" ani Zia sabay hawi kay Reon pero nagmamatigas ang binata.

"Mag-usap muna tayo," ani Reon. "Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" Napatingin siya kina Marvin at Anica.

"Gusto ko nang umuwi, Reon! Pagod na ako!" sabi ni Zia at pinahidan ang mga luha.

"Pagod ka?" ulit ni Reon sa sinabi ni Zia. "Ako rin! Pagod na pagod na ako, Zia! Kailan pa ba 'to matatapos?"

Hindi na sumagot pa ang dalaga. Sinubukan niyang huwag mabuwal sa harap ni Reon.

"Ano? Nakita na ninyo ang CCTV? Walang nangyari di ba?"

Umiling si Zia. "Hindi ko na kailangan pang makita."

"Bakit? Nagtatanong ka, 'di ba? Nag-ooverthink ka at pinagbebentangan mo ako ng bagay na hindi ko ginawa tapos hindi mo titingnan?"

"Kailangan pa ba iyon kung buntis na siya?" ubod lakas na sigaw ni Zia kaya natigilan si Reon at napatingin kay Anica.

"Buntis ka?" tanong ni Reon na kay Anica.

"I was about to surprise you nang dumating sila ni Marvin," kalmadong sagot ni Anica.

"Surprise me? What for?" tanong ni Reon.

"Na magiging ama ka na," sabat ni Marvin pero hindi siya pinansin ni Reon. Hinawakan niya si Zia sa kanang kamay.

"Di ba sabi ko sa 'yo, walang nangyari sa amin at ikaw lang ang mahal ko? Bakit ayaw mong paniwalaan iyon?" malungkot na tanong ni Reon.

"Maaayos pa ba iyon? Niloko mo ako, Reon! Binuntis mo siya!"

"That's bullshit!" pasigaw na sabi ni Reon. "Paano ko siya mabubuntis eh hindi ko naman siya inano!" Galit na humarap siya kay Anica. "Please naman, Anica! Pinapunta kita rito para tulungan silang tingnan ang CCTV at magpaliwanag! Hindi para sirain ang relasyon namin!"

"Well," ani Anica na nagkibit-balikat. "Sorry na. Nagbibiro lang ako."

"Nagbibiro?" galit na tanong ni Marvin saka gigil na hinawakan ang kanang braso ni Anica. "Hindi mo ba alam na nakakasira ka ng relasyon."

"Bitiwan mo ako!" bulyaw ni Anica saka nagwawala. "Ano ba? Bitiwan mo ako o malalaglag ang batang nasa pinapupunan ko! You're hurting me!" Agad na binitiwan siya ni Marvin. "I'm not kidding! Buntis talaga ako!"

"Utang na loob, umalis kayong dalawa sa paningin ko!" dumadagundong ang boses na sigaw ni Reon sa dalawa. "Go out and fix your problems!"

"Bitiwan mo ako!" inis na sabi ni Anica saka tinulak si Marvin. "At wag na wag kang magpapakita sa akin dahil mapapatay kita!"

"Mag-usap tayo!" madiing sabi ni Marvin at binuhat si Anica palabas ng hotel.

Naiwang naguguluhan si Zia.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Reon nang medyo kumalma na ang dalaga.

"Ano ang nangyari?" tanong ni Zia na para bang nawala sa mundo ng ilang minuto.

"Ano ang gusto mong inumin? Tubig o juice?"

"Reon! Ano ang nangyari?" naguguluhang tanong ni Zia.

"Ganyan talaga si Anica! Pinaglalaruan ka lang niya, naniwala ka naman."

"Buntis sya."

"At hindi ako ang ama!" giit ni Reon. "At sabihin mo nga sa akin, Zia! Ano ba ang nagawa ko para maniwala kang hindi kita niloloko?"

"Sino ang ama ng dinadala niya?"

"Baka ex-boyfriend niya!" sagot ni Reon.

"Sino?"

"Si Marvin," sagot ni Reon.

"May relasyon sila ni Marvin?" ulit ni Zia.

"Ewan ko! Pwede ba, wag na nga nating problemahin ang problema nila!" inis na sabi ni Reon. "Tara na nga! Tingnan na natin ang CCTV!"

"Wala ba talagang nangyari sa inyo?"

"Kaya nga titingnan natin dahil sabi ni Marvin kay Mommy may nangyari sa amin!"

"Eh di may nangyari nga!"

"Titingnan natin!" ani Reon na natatakot din makita.

Nang tingnan nila, buhat siya ni Marvin. Kasama nila si Anica.

Pinauwi na ni Anica si Marvin habang hinuhubaran si Reon ng damit sa kwarto. Ayaw pa sana ni Marvin pero ininsulto siya ni Anica na isa lang syang bodyguard at wala itong karapatan sa personal na buhay.

Nang lumabas si Marvin, pinalitan ni Anica ang damit ni Reon at kumuha ng damit pantulog sa closet. Lumabas ito at magdamag na tumungga ng alak habang naninigarilyo. Nang hindi makatiis ay natulog na ito sa sala hanggang sa nagising si Reon at naghanda ng kape at nang magising si Anica, nag-usap sila at nagtatawanan saka naman dumating si Zia.

"Saan banda na may nangyari sa amin?" seryosong tanong ni Reon.

"Pero sabi ni Anica—"

"Dahil gusto niyang marinig iyon ni Marvin!"

"Sa yate..."

"Anong sa yate? Minsan lang kami pumunta doon nang hindi ka kasama at kasama namin si Mommy," depensa ni Reon. "Ask my mom. Sabay pa nga kami ni Mommy umuwi."

"Bakit kailangan niya magsinungaling?"

"Hindi ko alam kung anong trip niya. Siguro dahil gusto lang nyang inisin si Marvin."

"Hindi mo siya tinatama!"

"I did!" ani Reon. "Kaso ayaw mo namang maniwala."

"Hindi eh!" ani Zia. "Kahit sa balita, hindi mo iyon tinatama."

"C'mon, hindi ako celebrity, Zia. At anong gagawin ko? Magpapa-interview? Sasabihing wala kaming relasyon? Kahit wala kaming relasyon, people will never believe us! That's social media! Hindi ko ugaling ipaliwanag ang lahat sa kahit sino! Kailangan ko ng privacy!"

"Pero sa akin hindi ka nagpaliwanag!" giit ni Zia.

"I did! Maliwanag ang sabi kong walang nangyari sa amin! Pero mas pinaniniwalaan mo 'yang maling paniniwala mo!" giit ni Reon. "Parang gusto ko nang maniwala na halos lahat ng matalino ay bobo sa pag-ibig!"

"Hindi ako matalino, Reon! At pwede mo namang ikwento na natulog ka lang a."

"Hindi ko nga alam ang nangyari, Zia. Isa pa, masyado kang busy sa mga kaibigan mo. Wala ka nang pakialam at oras para sa akin," nagtatampong sabi ni Reon.

"Madali lang naman sabihin na uy, Zia! Wala talagang nangyari sa amin kahit na tingnan mo pa sa CCTV. Friends lang talaga kami! Mahirap bang sabihin 'yon, Reon?"

"Sinabi ko na nga, 'di ba? Isa pa, hindi rin ako sigurado kasi kita mo naman sa CCTV, wala akong malay! Hindi ko alam ang ginagawa ko. Isa pa, takot din ako na malaman na baka may nangyari nga sa amin ni Anica kasi wala akong matatandaan!" giit ni Reon. Kaya nga sina Zia sana ang una niyang pinatingnan kasi baka siya mismo ang magbibigay ng parusa sa sarili kapag nakagawa siya ng kasalanan. "Bakit ba hindi mo man lang ako binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag o mag-imbestiga ka muna bago ka mang-iwan? Akala ko ba matapang ka? Eh bakit hindi ka lumalaban kay Anica?"

"So gusto mo magsabunutan kami?"

"Hindi! Yung kahit man lang sana minsan maging proud ka rin sabihin sa ibang tao na boyfriend mo ako, no?" ani Reon.

"Sabi mo katulong mo ako! Paano ko iyon itatama!"

"Ikaw ang nagsabi nun, Zia! Mas pinili mong makilala ka niya bilang katulong mo!"

"Pero hindi mo itinama!"

"Malaki ka na, Zia! Nananampal ka na nga kaya bakit ako pa ang magtatama?" tanong ni Reon.

"Dahil hindi ko alam kung ikinakahiya mo ako o ide-deny!" pag-amin ng dalaga.

"Takot ka sa rejections pero ikaw mismo ang nagre-reject sa sarili mo!" ani Reon.

"Pwede mo naman kasing sabihin na girlfriend mo ako!" inis na sabi ni Zia.

"Matagal na niyang alam na girlfriend kita," sagot ni Reon at naupo kaya nagtatakang napatingin si Zia sa kanya.

"Alam niya?"

"Syempre! Sino ba ang hindi?" tanong ni Reon.

"Eh bakit—" hindi niya alam ang iisipin tungkol kay Anica. Naiinis siya sa ginawa nitong paglaro sa kanya.

"Naughty si Anica. Madalas siyang ganyan sa mga bago niyang kakilala. Sa susunod, sa akin ka na kasi maniwala at wag sa tsismis ng iba! Kaya ang daming relasyong nasisira dahil sa maling akala!" sabi ni Reon.

"Hindi mo pa rin siya tinama yung sa kotse na may something kayo."

"Kasi nandoon si Marvin," ani Reon. "Gusto niyang inisin si Marvin. Nagpaliwanag naman ako sa 'yo nung umuwi ako a. Pero palagi mo akong tinatalikuran. Kahit ang mga niluto ko, hindi mo tinikman. Iniiwasan mo ako, Zia!" sumbat ni Reon kaya napakagat sa ibabang labi si Zia. Medyo mahina nga ang utak niya pero isa lang ang malinaw sa kanya, walang nangyari kina Reon at Anica. Mali siya!

"S—Sorry," tanging nausal niya.

"Haist, Zia! Kailan mo pa ba matanggap na tayo na?" nahihirapang tanong ni Reon saka inakbayan ang katabi at hinalilan sa gilid ng ulo saka isinandal sa balikat niya. "Mahal kita at hindi kita lolokohin, Zia. Sana naman matuto ka ring mag-adjust sa ugali at mga gusto ko."

Napapikit si Zia. Lahat ng tinik sa dibdib niya ay tila nabunot na sa nalaman.

"Okay ka na? Kalmado ka na?" bulong ni Reon kaya napatango siya.

"Pero galit ka pa rin sa akin noong pinuntahan kita rito at nahuli na kasama mo si Anica."

"Kasi sabi mo masama ang pakiramdam mo pero pumunta ka pa rito," depensa ng binata saka hinimas ang mukha ng dalaga. "Hindi lahat ng oras ay kaya kong hulaan ang nilalaman ng utak mo, Zia. Hanggang ngayon ay hindi ako confident na isiping nagseselos ka lang dahil ang hirap mo talagang hulaan. Napaka-umpredictable mo. Alam kong masama ako sa 'yo minsan kaya hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang nananaig, ang pagkamuhi mo sa akin o ang pagmamahal." Oo, nag-I- I love you si Zia sa kanya pero iyon ay dahil sya ang nauunang nagsabi at nasa punto ito ng walang choice kundi ang sagutin siya dahil alam nitong ito ang gusto niyang respond.

Hinawakan ni Zia ang nakaakbay na kamay ni Reon saka masuyong hinalikan.

"Hanggang ngayon kasi hindi ako makapaniwala na mahal mo ako. Alam mo 'yon, why me? Natatakot ako na baka isang araw magbago ang lahat. Paano na ako?"

"Hanggat tayo, walang mababago sa nararamdaman ko para sa 'yo, Zia. No pressure. Mahalin mo ako kung kailan ka na handa, maghihintay ako."

Napangiti si Zia at napapatanong kay Lord kung ganito ba talaga siya kabuti at napaibig niya si Reon?






------------------






"Sir, magsi-sick leave po sana ako," paalam ni Marvin habang nagmamaneho ng sasakyan. Kakasundo lang nila ni Zia.

"Bakit?"

"Kailangan ko lang ho ng time para sa sarili ko. Gusto kong mag-isip muna."

"Kung ayaw mo nang maging bodyguard, bigyan kita ng puhunan, Marvin," alok ni Reon.

"Mahal ko ho ang trabaho ko at alam mong hindi ko ito basta-basta pwedeng maiwan," ani Marvin at napasulyap sa dalawang nasa backseat.

"Nauunawaan kita, Marvin. Lalo na ngayong magkakapamilya ka na."

Napabuntonghininga ang driver. "Hindi pa rin ako makapaniwala. Sisirain ko ang career niya."

"Ginusto ninyo iyan," sabi ni Reon.

"Pero paano na siya? Nasa kasagsagan siya ng kanyang karera. Ano na lang ang isipin ng fans niya kapag malaman na isang bodyguard lang ang nakabuntis sa kanya?"

"Hindi basta-basta ang trabaho ninyo Marvin. Marangal ito kaya wala kang dapat na ikahiya. Si Anica nga hindi nahiya," ani Reon. "Bibigyan kita ng pang business, Marvin. Kung gusto mong mag-opisina, bukas ang opisina ko."

"Hindi ko alam kung maibibigay ko ang mga luho niya," sabi ni Marvin.

"Hindi maluho si Anica. Nagsumikap lang siya para sa pamilya niya pero alam kong napakasimpleng tao lang siya sa likod ng camera."

"At tsaka . . . " sabat ni Zia. "Ako nga rin po ay mahirap. Hayaan mo po sila, Kuya! Ang mahalaga ay kayong dalawa at ang anak ninyo."

"Sana nga po malampasan namin ito. Baka kasi mapahamak aiya dahil hindi niya nasunod ang kontrata niya."

"Ako na ang bahala sa abogado ninyo at ako na ang magbabayad kung sakaling may babayaran siya sa kontratang hindi niya natapos," alok ni Reon.

"Salamat ho," pasalamat ni Marvin.

"Walang anuman. Mabuting kaibigan ko rin namang kaibigan ko Anica."

Nang dumating sila sa hotel, bumaba si Reon dahil may kukunin lang at sa condo na sila didiretso kaya naiwan sa sasakyan sina Zia at Marvin.

"Kuya, may itatanong lang ho ako," ani Anica.

"Ano iyon, Ma'am?" tanong ni Marvin.

"Bakit nang gabing hinatid mo si Reon sa hotel kasama si Anica, bakit wala siyang malay!" curious na tanong niya dahil nahihiya na siyang mag-usisa pa.

"Lasing na lasing kasi siya," sagot ni Marvin. "Pasensya na Ma'am, tamang hinala rin ako eh."

"Bakit siya lasing?"

"Sabi ni Anica, masama raw ang loob niya sa 'yo," nakangiwing sagot ni Marvin.

"Sa akin?" gulat na tanont ni Zia sabay turo sa sarili.

"Kasi ang sabi ni Anica, they were expecting na kasama ka ni Reon dahil ipapakilala ka nga niya sa mga kaklase at barkada niya pero hindi ka sumama," sagot ni Marvin kaya napabalik-tanaw si Zia sa nangyari bago pa pumunta sa party.



Flashback.....

Napahawak si Zia sa kamay habang nakatingin sa mga dinadaanan habang pauwi na sila. Hanggang ngayon ay pakiramdam niya nakagapos pa rin siya. Hindi sila okay ni Reon. Kahit nasa yate sila ay madalang lang sila kung mag-usap. Madalas ding nasa bar ang binata at umiinom mag-isa. Babalikan lang siya nito kapag gusto na namang makipagniig sa kanya.

Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang mga tumawag at nag-text. Si Jeric, nagtatanong kung okay lang daw ba sya o kung may ginawang masama si Reon sa kanya kaya napangiti siya. Minsan lang siya makatagpo ng matalik na kaibigan kagaya nito.

"Kapag magkasama tayo nagce-cellphone ka pero kapag hindi, ni tawag o text hindi mo magawa sa akin!" salubong ang kilay na sabi ni Reon kaya muli niyang ibinalik sa bag ang cellphone at muling itinuon ang mga mata sa labas. Tumigil ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ni Zia nang tanggalin ni Reon ang seatbelt nito. "Maggagabi na, mag-aaral pa ako."

"Ayaw mong kumain?" tanong ni Reon na umupo ng tuwid.

"Sa bahay na, marami pa akong gagawin."

"Mario, pakiuwi si Zia sa bahay. Huwag mo na akong sunduin, magpapasundo ako mamaya kay Marvin," ani Reon saka kinuha ang cellphone at hinarap si Zia pero hindi nagsalita. Binuksan nito ang pintuan saka lumabas at muling isinara



----------END OF FLASHBACK--------


"Hala! Wala siyang sinabing dadalo kami ng party," sabi ni Zia. "Ang akala ko ho ay simpleng dinner lang iyon kaya hindi na ako sumama."

"Hindi ko rin ho alam, Ma'am. Alam mo naman kapag si Sir, mahilig din minsan mang-surprise," sagot ni Marvin na nagtataka rin noon kung bakit hindi nito kasama si Zia at si Anica ang nandoon. "Pero kapag ho ba sinabi niya, papayag ho ba kayo?"

Napaisip si Zia. Hindi rin niya masagot.















Continue Reading

You'll Also Like

619K 11K 44
Thaddeus Allen Kinsley. One of the most handsome bachelor in the Philippines and the most influential CEO. At dahil sa pagiging sikat niya halos kaka...
404K 6.7K 33
Date started: January 20, 2017 Date completed: Febuary 27, 2017 All Rights Reserved 2017 (c) EmpressAffy13
843K 12.7K 47
MATURE CONTENT Barcelona Louisita Lawson a perfect woman, who can have everything including spending a night with the guy. After 4 weeks she got a po...
29.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...