Let me love you

By yanieliscious

3.7K 32 1

I'm Reena. I was nineteen when I fall in love and now that I'm twenty, I'm pregnant with no one 's around. Ju... More

Let me love you
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 5

231 3 0
By yanieliscious

Chapter 5

2 weeks.

2 weeks na ang nakalipas. Isang buwan na din ang tiyan ko pero hindi pa naman ganun kahalata. Nararanasan ko pa din yung tinatawag nilang morning sickness. Nakadalawang balik na din ako sa doctor for check up at sa bawat balik ko dun kasama ko si Baste.

Binigyan lang ako ng prenatal vitamins ng doctor na kailangan kong itake everyday. Minsan sa pagpunta namin sa ospital inakala ng mga nurses na ang tatay ng anak ko si Baste. Nginingitian lang ni Baste yung mga tanong nila. Hindi niya tinatanggi, hindi rin niya sinasabing siya. Nakangiti lang siya na nakakagaan sa pakiramdam.

Sa malayong ospital din kami nagpupunta, malayo sa university para makaiwas sa pwedeng makakita samin. Hindi sa kinahihiya kong buntis ako, proud pa nga akong magkakababy na ko. Ang mahirap lang baka masuspend ako ng wala sa oras. I mean, mas gugustuhin ko ng ako mismo ang tumigil kaysa masuspend pa ako at mabalita pa sa buong University. Kasama kasi sa policy ng school ang pagbabawal sa pagpasok ng buntis na estudyante sa paaralan kaya mahirap na kung may makakaalam bukod kay Baste.

Ginawa ni Baste yung sinabi niya, hindi niya ako pinabayaan.  Lagi siyang nandyan. Nilinaw niya din sakin kung pano niya nalaman yung kay Nick. Isa kasi siyang member ng student government dito sa University namin kaya narinig niya yung usapan ng mga professor nila tungkol kay Nick. Yun yung sabi niya kaya naniwala ako. Kahit sa totoo lang hanggang ngayon naghihintay pa din akong tawagan ako ni Nick. Martyr na kung martyr pero kailangan niyang malamang magkakaanak na kami.

Masaya ako sa ginagawa ni Baste para sakin, para sa baby ko pero naiisip ko minsan, sobra na. Yung ginagawa niya hindi lang pangkaibigan. Ginagawa na niya kasi yung mga responsibilidad na dapat si Nick ang gumagawa. Baby ko to, baby namin ni Nick, wala siyang kinalaman dito pero tinutulungan niya pa din ako.

“ Ree, may gusto ka bang kainin? “ tanong ni Baste. Nandito kami sa dorm ko nanonood ng movie. Madalas na kaming magkasama ni Baste. Nagkakilala na din sila ni Aireen. Lagi kasi akong pinupuntahan ni Baste para ichek kung ano ng kalagayan ko.

Kung tutuusin ang swerte ko kay Baste. Ang swerte ko kasi naging kaibigan ko siya kahit nasa ganitong kalagayan ako. Sa totoo lang napapaisip ako, kung ganito siya kabait, mas maswerte ang babaeng mamahalin niya. Kaya minsan tinanong ko siya tungkol sa buhay pag-ibig niya, ang sinagot niya lang.  ‘ Matagal na yun. Wala na ngayon. ‘

Napangiti ako ng sabihin niyang ‘wala na ngayon’. Ewan ko pero, yung feeling na yung isang taong gusto mo solong solo mo? Ganun yung pakiramdam. Kahit selfish tingnan, mahalaga na din kasi sakin si Baste at gusto ko sa pagkakataong to... Sana ako lang muna. Naging dependent na din ako kay Baste paminsan- minsan. Alam ko mahihirapan ako pag dumating yung time na nagising na siya sa kalokohang ginagawa niya. Ang tulungan ang gaya kong hindi naman niya ka-ano ano, ni hindi kami magkaibigan ng una kaming magkakilala at ang gaya kong magkakaanak na, ay isang malaking kalokohan. Sino ba namang matinong lalaki ang uubusin ang oras niya sa pagbabantay at pagaalaga sa isang buntis na babaeng hindi naman siya ang nakabuntis? Hindi na lang siya makipag date at lubusin ang mga oras niyang single pa siya hindi katulad sa ganitong pinasok niya. Para siyang naging instant daddy, well, hindi naman talaga daddy, pero parang ganun na. Ay ewan.

“ Baste... bakit mo to ginagawa? “ tinanong ko siya habang nakatingin pa din ako sa movie na pinapanuod namin.

Yung pinapanuod naming movie maganda. About siya sa girl na nabuntis ng di inaasahan, gaya ko. Yung boy sinabi niyang hindi niya kaya panagutan. Sana nga ganun na lang nangyari samin ni Nick. Mas matatanggap ko pa kung sabihin sakin ni Nick na hindi niya pananagutan to, hindi yung bigla na lang siya maglalaho na parang bula at iiwan ako mag-isang haharap sa ganito.

“ Bakit Baste? bakit ginagawa mo ang mga responsibilidad na dapat si Nick ang gumagawa? “ sa pagkakataong to tumingin na ko sa kanya.

Magkatabi kami habang nakasandal sa headboard ng kama ko. Nakatingin lang din siya sakin na parang hindi alam yung isasagot niya.

Sinubukan niyang magsalita pero pangalan ko lang ang nabanggit niya.

Ngumiti ako sa kanya sabay balik ng tingin sa movie na pinapanuod namin. Nandun na sa scene na nagdecide yung girl na ipaampon na lang yung anak niya pag napanganak na niya. Naghanap siya ng maayos na mag asawa na aampon sa anak niya.

Kaya ko bang gawin yun? Ang ipaampon ang sarili kong anak?

Hinawakan ko yung tyan ko. Kahit alam ko hindi pa kumpleto si baby sa loob nararamdaman niya pa din ako. ‘ Baby ko. wag kang mag-alala, di ka ipamimigay ni Mommy. Masyado kitang mahal para magawa ko yun. ‘ isip isip ko.

“ Ree . .a—“ sinubukan niyang magsalita pero sinara niya ulit yung bibig niya. Parang may sasabihin siya kayalang naisip niyang hindi na lang pala.

“ Wag mo ng sagutin. Masaya akong nandito ka. “ pinatong ko yung ulo ko sa balikat niya. “ Salamat Baste. Salamat sa lahat. “ inabot ko yung kaliwa niyang kamay at pinatong ko yun sa kanan kong kamay. Malaki ng di hamak ang kamay niya sakin. Habang pinagmamasdan ko yung mga kamay namin bigla niyang inintertwined yung mga daliri namin. Isa-isa hanggang sa magfit yung kamay ko sa kamay niya.

Pinagmasdan ko lang kung pano naging iisa yung kamay namin. Tahimik lang kami habang magkahawak ang kamay. Natapos ang movie, nakakaiyak, malungkot oo. Para sakin sad ending siya, kasi natuloy pa din ang pag ampon sa anak niya pero on the other hand masaya din, kasi narealize nila parehas na mahal nila ang isa’t isa at gusto nilang itama ang maling nagawa nila.

Naramdaman ko na lang ang pagpunas ni Baste sa pisngi ko gamit ang free hand niya. Umiiyak na pala ako , hindi ko namalayan.

“ Ssh. Ree. “ sa bawat pagsabi niya ng pangalan ko nakakagaan ng kalooban. Kahit wala si Nick, nandito si Baste. Dapat maging malakas ako para sa sarili ko at para sa baby ko.

Kung hindi na babalik si Nick, wala na kong magagawa. Haharapin ko to pero hindi na mag-isa kasi alam ko nandyan na si Baste para tulungan ako.

Humiga ako sa lap niya. Hindi na ko nagpaalam kung pwede ba, basta humiga lang ako. Pinatong ko sa ibabaw ng tyan ko yung magkaholding hands naming kamay. Gusto kong maramdaman ng baby ko na merong nag aalaga samin.

Pinikit ko yung mga mata ko. Kahit ngayon lang, isipin ko munang si Baste ang tatay ng magiging anak ko. Ngayon lang. Naramdaman kong hinahaplos ni Baste yung pisngi ko gamit yung kanan niyang kamay. Ang init ng palad niya, hindi magaspang, tama lang sa kamay ng lalaki.

Nakapikit lang ako, hindi ko nakikita ang mukha ni Baste. Hindi ko alam kung anong naiisip niya. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ng mga mata niya.

“ Baste... “ tawag ko sa kanya.

“ Hmm ? “ mahinang sagot niya.

“ Nakatingin ka ba sakin? “

Narinig kong mahina siyang napatawa sa tanong ko kaya napangiti na lang din ako. Nararamdaman ko kasing nakatingin nga siya sakin.

“ Baste... “

“ Hmm? “

“ Wag kang aalis ah. . . Gusto kita Baste. . Gusto kong nandito ka. “

Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Hindi ko inattemp na buksan pa ang mata ko. Nakakaramdam na din kasi ako ng antok. Naramdaman ko ang pagyuko niya malapit sa noo ko.

“ Hindi ako aalis Ree. Dito lang ako.. . “ dumampi ang mga labi niya sa noo ko bago ako tuluyang makatulog at ang tanging narinig ko na lang na huling sinabi niya.. . .

“ Gusto din kita Ree. “

 

 

xoxoxoxoxoxoxoxox

Enjoy.

 

<3 Yanie

Continue Reading