Life After Marriage

By MikkhaSuarez

32.8K 2.4K 478

This is a reunion book for the three besties Mikkha, Megs and Zey. More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty One

Chapter Twenty

1.2K 61 11
By MikkhaSuarez

ALAS singko ng umaga ang usapan nila na babyahe papuntang Batangas. Kaya naman quarter to five pa lamang ay nasa harapan na siya ng gate nina Zey. Bukas na iyon at nakita niyang palabas na rin ng bahay ang mga makakasama niya sa out of town.

Kaagad siyang nag-iwas ng tingin nang makasalubong niya ang mga mata ni Migiel. Naka-all black na hoodie ito at sweatpants. Tapos naka-sombrero ng puti. Mukha itong bagets.

" Wow, naman! Did you guys talk about the outfit today? You're matching!" puna agad ni Megs sa suot nila na hindi niya man lang napansin. Bigla siyang napatingin sa black tshirt dress na suot niya at bahagyang nailang dahil sa komento ng kaibigan niya. May himig panunukso na naman kasi ang tono ng hitad na si Megan.

" Good morning. Let me carry your bag." agad na lapit ni Migiel sa kanya nang mapansin nito na medyo naiilang siya. Tatanggi sana siya pero ayaw niya namang maging obvious ang awkwardness sa pagitan nila.

" So, we'll sit infront and you guys decide where to sit." sabi ni Jeihard saka ito nauna nang pumasok sa loob ng van. Ito ang driver nila dahil hindi na nila isasama si Mang Abs.

" Girl, go ahead." pag-give way ni Zey sa kanya. Pumasok na siya sa loob ng van sa third row. Pero nanlaki ang mga mata niya nang makitang sumunod na pumasok si Migiel.

" Zey, I thought you gonna sit next to me?" medyo nag-panic siya.

" You don't want me to sit next to you?" tanong ni Migiel sa kanya nang makaupo ito sa tabi niya. He looked a little hurt.

" Zey and Cj go in already. We gonna hit the morning traffic." sabi ni Megs kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi manahimik na lamang. She looked away from him. Sa bintana niya ibinaling ang mga mata niya.

" I've been looking forward for this trip with you guys. Finally, it's happening. Next time we'll go abroad. How about a Europe trip together?" si Cj.

" I would love to go to Switzerland." si Megs.

" Me too." segunda naman ni Zey. Gusto niya sanang sabihin na "Me, three." pero hindi siya makapagsalita bigla.

" You'll get a stiffneck if you keep looking that way." bulong ni Migiel na nagpapitlag sa kanya. Sandali silang nagkatitigan nang lingunin niya ito. He sweetly smiled at her. At pakiramdam niya ay tila matutunaw ang puso niya.

' Geez, why the hell am I acting this way?'

" I-I l-like the view sa labas." and she even stuttered? Damn.

Tumingin sandali sa labas ng bintana ang lalake.

" It's dark out there." nagtatakang puna nito.

Napayuko siya at pasimple na lamang na binuksan ang bag niya to look for her cellphone only to realize na naiwan niya palang naka-charge ang cellphone niya sa bahay nila.

" Shoot!" inis na sabi niya.

" Are you guys okay back there?" si Zey nang marinig ang pagmura niya.

" I left my cellphone at home." sabi niya.

" Do you want us to go back?" si Jeihard.

Napansin niyang medyo marami ng cars sa daan kaya tumanggi siyang bumalik sa bahay.

" No, it's alright. Baka ma-traffic tayo."

" You sure, girl?" paniniguro ni Megs. Tumango naman siya.

" Are you gonna make a phone call? You can use mine." sabi ni Jeihard sabay abot ng cellphone sa kanya.

" Not really, thank you though."

Habang nagba-byahe sila ay panay ang daldal at kwento ni Megan para mabasag ang awkwardness sa pagitan nila ni Migiel. Minsan nagko-joke pa ito at parang gusto niyang hilahin ang buhok ng kaibigan niya.

Makalipas ang kalahating oras ay natahimik na rin si Megs dahil nakatulog ito. Habang siya naman ay medyo groggy na rin dahil maaga siyang gumising kanina. Hanggang sa tuluyan na siyang napaidlip.

Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakatulog pero nagising na lamang siya dahil sa marahan na haplos sa pisngi niya.

" We're here, sweetie." bulong ni Migiel sa kanya.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya at mabilis na napatuwid ng upo nang makitang nakasandal na pala siya sa balikat nito.

" Where are they?" tanong niya kaagad nang ma-realized na sila na lamang dalawa ang nasa loob ng van.

" They're already inside. Let's go in." sabi nito saka bumaba na. Inilalayan pa siya nitong bumaba. Nang makababa sila ay kaagad na humampas sa mukha niya ang sariwang hangin. Kaagad na nawala ang antok niya nang maamoy ang  dagat dahil malapit lamang sa beach ang resthouse nina Zey na ito.

Nakaupo na sa living room ang mga kasama nila at nagpapahinga muna. Kanya-kanya agad na cuddle sa couch ang mga ito. Kaagad siyang na-out of place. Ang sarap sabunutan ng dalawang bestfriends niya. Ang sabi ng mga ito they will not let her feel out of place. Alam naman ng mga ito na hindi pa sila okay ni Migiel tapos ganito at magkaka-yakap ang mga ito sa harapan nila habang nakaupo sa couch.

Tumungo siya sa single seater sofa na nakita at naupo doon. Ang awkward naman kung tatabi siya sa nga ito. Sa gulat niya ay sumunod naman si Migiel sa kanya at umupo sa armchair ng sofa. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya. Nahihiya rin siguro itong makiupo sa mga love birds.

" So, what's the plan today?" tanong ni Migiel upang pukawin ang atensyon ng apat. Saka pa lamang lumingon ang mga ito sa kanila. Pero hindi pa rin humiwalay sa mga asawa. Ang mamanhid.

" We'll do groceries? We don't have food here."

" What time are we going?" tanong niya.

" We will go and you guys can stay here. Tutal wala ka namang alam sa pagluluto, girl." sabi ni Megs saka ito kaagad na tumayo. Hindi na siya komontra dahil totoo naman ang sinabi nito.

" Are we going now?" tanong ni Cj saka tumayo na rin. Bigla rin siyang napatayo nang makitang tumayo rin si Zey. Hindi siya papayag na maiwan dito kasama si Migiel.

" I'm going if you guys are going too."

" Huwag na. Dito na lang kayo ni kuya Migz. Walang space sa sasakyan. Marami kaming bibilhin." tanggi Kaagad ni Megs saka siya pilit na pinaupo. Pinandilatan niya ito ng mga mata.

" Megan Elyssa..." nanggigigil na bigkas niya sa buong pangalan nito. Pero nginitian lamang siya nito.

" Girl, relax. Kuya won't eat you. Unless you want to be eaten." maharot pa na bulong nito. Hinila niya ang buhok nito.

" Ouch!" daing nito sabay tumawa ng nakakaloka. Wala na siyang nagawa nang umalis na ang mga ito. Naiwan silang dalawa ni Migiel sa bahay. Para siyang bata na nakatayo pa rin sa may pintuan at nakatingin pa rin sa labas kahit wala na doon ang mga kaibigan niya.

" Aren't we closing the door? There are bugs coming in." untag ng lalake sa kanya. Napabuntong hininga siya saka pumasok na sa loob at bumalik ulit sa sala upang maupo.

Binuksan niya ang Tv na naroroon dahil wala naman siyang dalang cellphone. She was trying her best to avoid any conversation with him. So, she tried her best trying to act normal and busy with the television.

" Uhm, I didn't know you like watching cartoons." basag ng lalake sa katahimikan. Napakurap-kurap siya at saka niya lamang napansin na tom and jerry pala ang pinapanuod niya. Wala naman kasi talaga sa Tv ang atensyon niya. Although she was staring on the monitor pero blanko ang isip niya.

" There's nothing really to watch." palusot niya sabay muling baling sa TV.

Napansin niya na nakatingin pa rin sa direksyon niya ang lalake. At nagsisimula na siyang maging uneasy. Hanggang sa marinig niya ang malalim na paghinga nito. 

' pls don't talk...' mahinang dasal niya.

" About the other night..." maya-maya ay sabi nito.

" It's nothing." mabilis na putol niya sa sasabihin nito. Nahihiya siyang pag-usapan ang nangyari noong gabi iyon.

' Dang, girl, relax! It was just a kiss.' pagpapalalma niya sa sarili niya. 'You're acting like as if this man didn't take your virginity. Get your act together, will you?'

" I actually just want to say thank you for staying with me that night. It means a lot to me." sincere na sabi nito.

Tumango lamang siya at muling namagitan ang katahimikan sa pagitan nila. Pero ramdam niya pa rin na nakatingin ito sa kanya. Maya-maya ay napatingin siya sa relo niya. Twenty minutes pa lamang mula nang umalis ang mga kaibigan niya. Bakit ang bagal ng oras ngayon?

Muli na namang napabuntong-hininga ang lalake. Napapikit siya. Oh please don't ask anymore questions. Bago pa ito makapagsalita ay tumayo na siya at nag-stretch kunwari.

" I think I'm gonna have to walk at the beach habang wala pa sila. I need some fresh air." sabi niya saka mabilis na tumayo at lumabas ng bahay.

MIGIEL'S POV

Napangiti siya nang mabilis na tumayo ang asawa niya at lumabas. Nagpalipas lamang siya nang ilang minuto at pagkuway lumabas rin. Nakita niya si Mikkha na naglalakad sa kahabaan ng beach.  Sinundan niya ito pero hindi siya lumapit.

Ramdam niyang ayaw pa nitong makipag-usap sa kanya kaya bibigyan niya muna ito ng space. Masaya na siya na pumayag itong sumama rito. Idea nina Zey at Megs ang mag-out of town sila upang muling magkalapit sila ng asawa niya. Ayon pa sa dalawa this will be his last chance to win her back. Kaya hindi niya sasayangin ang opportunity na ibinigay ng mga ito para magkalapit silang muli.

Kahit iniiwasan siya ni Mikkha ay masaya pa rin siya dahil kahit papaano ay nag-improved ang treatment nito sa kanya. Atleast hindi na siya nito iniignora sa tuwing kakausapin niya ito. Eventhough they haven't really gotten to talk long enough. At malaking factor rin na nag-stay ito sa tabi niya noong nakaraang gabi. Muli na naman siyang napangiti thinking about that night. Kinikilig siya kahit hindi niya naman matandaan what really happened that night. Just the thought of having her by his side means a lot to him.

Nag-maintain siya ng malayong distansya mula sa asawa niya habang patuloy pa rin itong naglalakad sa dalampasigan. Malayang tinatangay ng hangin ang nakalugay nitong buhok. She looks like she is in deep thought while walking. It made him think if there is something bothering her? Or is he bothering her? Sana hindi.

Habang pinapanuod niya ito'ng maglakad ay hindi niya maiwasang maalala iyong araw na ikinasal sila. That day was the calmest and happiest day of his life. The wedding reception, the people around them, their vows to each other, everything was perfect that day. Even the bride itself. She was perfect for him. Thats why he couldn't believe that they would ended up like this one day.

If there would be a genie that would show up infront of him right now and would grant him a wish. He would wish for his wife to forget all the pain that he have caused her and sana mapatawad siya nito nang lubusan. He cannot undo his mistakes anymore but they can always move forward and never look back into that mess again. And ofcourse he would make sure that he will never commit the same mistake again. He would never hurt again. Ever.

Mahal na mahal niya pa rin ang asawa niya. And he is willing to embrace her fully kahit hindi man siya nito mabibigyan ng anak. He will never make that a big deal again. He would be contented having her by his side forver. Kahit silang dalawa lamang. He would make sure to love her even more sa kung ano lamang ang kaya nitong ibigay. Being apart from her made him realized a  lot of things. A lot of his mistakes. And letting her go made him miserable. He doesn't wanna go through with that feeling again. After all the chaos, one thing is certain for sure. That he cannot live in this world without her by his side.

Bago pa niya namalayan ay medyo basa na pala ang mga mata niya. He is being way too emotional lately. But who wouldn't be? He badly misses his wife. He wanted her back. He wanted her to love him back... again.

SUMAPIT ang halos isang oras ay muli na siyang bumalik sa resthouse. Mabuti na lamang at naroon na ang dalawang kaibigan niya. Inaayos na ng mga ito ang  mga pinamiling pagkain. It's ten o'clock already.

" Nakakainis kayo." kaagad na maktol niya nang tumulong maghanda ng ingredients para sa lulutuin ni Chef Megan.

" We bought a lot of stuffs, seriously. Hindi kasya sa van kapag sumama kayo." palusot na naman ni Megs.

" Did you go to the beach by yourself?" usisa ni Zey. Tumango naman siya.

" Where are the guys by the way?" tanong niya nang hindi makita ang tatlong kalalakihan.

" They're playing basketball sa backyard."

" Let's cook our lunch and then we gonna eat at the cottage sa likod."

Nagsimula nang magluto si Megs. Habang sila naman ni Zey ay taga-abot lamang ng ingredients dito dahil hindi naman sila talaga marunong magluto.

" I think it's ready!" sabi ni Megs maya-maya. Naghanda na silang maghakot ng lunch nila papunta sa backyard. Pagkalabas nila sa backdoor ay nakita nilang naglalaro pa rin ng basketball ang tatlong lalake. Pawisan na ang mga ito dahil sa init ng araw. Sandaling napako ang mga mata niya sa pawisang katawan ni Migiel. Topless na ang mga ito pero syempre kay Migiel unang na-focus ang mga mata niya.

Tumutulo ang pawis nito mula sa leeg papunta sa chest. Maging ang mga abs nito ay putok na putok sa sinag ng araw.

" What a beautiful view. Akalain mo tinitingnan lang natin dati ang mga 'yan pero ngayon private property na natin sila." pilyang komento ni Megan.

" You're nuts!" natatawang komento naman ni Zey.

" Boys, lunch is ready!" maharot na sigaw ni Megan saka pakendeng-kendeng na lumapit sa asawa nito at pinunasan ang pawis ni Jeihard. Zey did the same thing to Cj. Habang sila naman ni Migiel ay sandaling nagkatitigan. Why would her friends do this infront of them? Like seriously?

" These guys are such a babies, right? They can't even dry themselves?" pagbibiro ni Migiel and grabbed the towel to wipe himself. Gusto niyang matawa but she bit her lip instead.

" Somebody's jealous! Well, Mikkha has an extra hand to help you." panunukso na rin ni Cj. Pakiramdam niya ay nag-blushed siya. Tiningnan niya ng masama si Cj. Tumawa naman ito saka pabirong nagtago sa likuran ni Zey.

" I feel suffocated in here. Kumain na kaya tayo." sabi niya na lamang. Ipinatong na niya sa mesa ang dala niyang drinks. At pagkatapos ay kumuha ng plato. Pero nagkasabay sila ni Migiel sa pagdampot ng plato at hindi sinasadyang nahawakan nito ang kamay niya. Para siyang nakuryente sa pagdikit ng mga balat nila kaya mabilis niyang pinalis ang kamay nito.

" I'm sorry." hingi nito nang paumanhin.

Hindi niya maintindihan ang drama ng sistema niya ngayon. She is acting like as if they are on the stage of getting to know each other. For goodness sake, this guy is still her husband and he did more intimate stuff than holding her hand!

Matapos kumuha ng plato ay nilagyani nito ng kanin iyon. Nagpasalamat naman siya dahil ayaw niyang maging bastos sa harap ng pagkain. At dahil by pair sila natural na sa tabi niya na naman mauupo ang lalake. Tahimik lamang siyang kumakain habang ang lahat ay nagkukwentuhan.

" Maybe we go for an afternoon dip later?" suggestion ni Cj maya-maya.

" Sure. And maybe we stay late at the beach tonight and have some barbecue there too." si Jeihard.

" S'mores and bonfires!" si Zey.

" And ofcourse some beer and wine!" hirit ni Megs.

Matapos nilang kumain ay nagtulong-tulong silang magligpit. As usual pumasok ang apat sa loob ng bahay habang sila naman ni Migiel ay nililinis ang kalat sa mesa sa cottage. Maya-maya ay napansin niyang napapangiti ito. Napakunot noo siya saka tiningnan ang sarili niya. May nakakatawa ba sa kanya?

" What's funny?" hindi na nakatiis na tanong niya rito.

Napaangat ito nang mukha mula sa pagpupunas ng mesa. At saka umiling.

" I just remember that this is the same resthouse that we went few years ago. This is where we got closer to each other."

Sandali siyang natigilan at saka nag-clicked sa isip niya na nag-outing nga pala sila rito noon. At doon nagsimula ang pagiging malapit nila sa isa't-isa. Hindi niya napigilan na mapangiti. Those are good memories. And this place is actually memorable for her.

" I've been waiting to see that beautiful smile of yours. Finally, I get to make you smile again. It feels good and comforting to me."

Biglang naglaho ang mga ngiti niya pagkarinig sa sinabi nito. At saka siya yumuko para itago ang emosyon sa mukha niya. Ilang sandali pa ay napabuntong-hininga ito.

" I will not force you to be comfortable with me again but I just want you to know that we are still married and you can be sad or happy whenever you're around me. I will always be here to listen, Mikkha. You can vent all your troubles even if it's about me. I am willing to be your punching bag too."

Nagulat siya nang makitang nasa harapan na niya pala ito. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat niya. At maya-maya ay gumalaw ang isang kamay nito papunta sa may baba niya upang iangat ang mukha niya mula sa pagkakayuko.

" If you can't still see me as your husband you can atleast treat me as a friend. I want you to relax and enjoy this trip. Or if you want me to give you space just let me know. I won't go near you so you could enjoy. I'm already glad that you joined us. It means a lot to me."

Hindi niya makuhang sumagot. Bakas pa rin ang lungkot sa mga mata nito. Ganoon rin naman siya pagkarinig sa sinabi nito. Maya-maya ay hinaplos ng daliri nito ang ibabang labi niya. Napapikit siya sa ginawa nito. At tila biglang nag-init ang magkabilang pisngi niya. Is he going to kiss her again? Napapikit siya nang mariin at naghintay ng susunod na gagawin nito. Pero makalipas ang ilang minuto ay binitiwan na rin siya nito. Napamulat siya at saka tila napahiya sa sarili nang makitang naglakad na ito papasok sa loob ng bahay.

Napahugot siya nang malalim na hininga saka nanghihina na napaupo. Ganitong-ganito ang epekto ng lalake sa kanya noong nagdi-date pa lamang sila. Nagpalipas lamang siya nang ilang minuto at pagkuway pumasok na rin siya sa loob. Tumungo siya sa living room dahil nakita niyang naroroon ang apat na kasama nila except kay Migiel. Napalingon siya sandali sa paligid ng bahay.

" Kuya Migz went to the bedroom." sabi ni Zey nang mapansin nito na tila hinahanap niya ang lalake.

" What are you guys gonna watch?" tanong niya kay Megs na may hawak ng remote control habang naghahanap ng mapapanuod sa netflix.

" Fifty shades of grey."

"For real?!"

Tumawa ang babae dahil sa taas ng tono niya.

" Just kidding. Maybe a korean drama."

" Oh please not again!" Jeihard exclaimed.

" Why not?"

Tumayo si Jeihard nang makahanap si Megan ng korean drama. Tumingin naman si Cj sa asawa nito na tila nagpapaalam na aalis rin. Pero umiling si Zey. Kaya naman he was stucked with them watching korean drama for few hours.

SUMAPIT ang hapon at gaya nang napagkasunduan nila ay tumungo sila sa beach upang maligo. Nagdala na rin sila ng cooler for drinks at mga ingredients para sa barbecue nila mamayang gabi.

" Mikkha, join us here!" sigaw ni Cj sa kanya dahil nakaupo lamang siya sa beach chair habang pinapanuod ang sunset. Nasa tubig na ito kasama sina Megs at Zey. Habang sina Jeihard at Migiel naman ay nagsisimula nang magbarbecue.

Tumayo na siya saka tinanggal ang swimsuit cover niya upang lumusong na rin sa dagat. Sinabuyan siya ng tubig ng mga ito hanggang sa tuluyan na siyang mabasa.

" This is the kind of fun that I miss whenever I'm away with you girls." sabi ni Zey maya-maya habang nakatitig sila sa papalubog na araw.

" Me too." sabi niya rin. Iba naman talaga kapag malapit ka lamang sa mga taong improtante sayo. She doesn't have a lot of friends but eventhough her circle is small, she is surely surrounded with good people.

Ilang sandali pa at nakita na rin nilang handa nang mag-swimming sina Jeihard at Migiel. Tapos nang magbarbecue ang mga ito at iniwan muna sa mesa ang mga pagkain na inihaw.

Napansin niya na hindi na masyadong dumidikit sa kanya ang lalake. Gaya ng sinabi nito kanina sa kanya ay handa itong bigyan siya ng space para makapag-enjoy siya. Pero bakit tila nalulungkot siya?

Nag-raced sa swimming ang tatlong lalaki habang sila naman ay nagre-reminisce lamang ng mga masasayang adventures nila noon habang lumalangoy back and forth.

" Girl, ano palang plano mo ngayon? Aren't you going to kiss and make up yet?" usisa ni Megs maya-maya.

Umahon na sa dagat ang mga asawa nila at naghahanda na sa cottage para sa dinner nila. Ang mga ito kasi ang naka-assigned para sa dinner tapos sila ulit mga girls bukas for breakfast.

" Hindi mo ba talaga kayang patawarin si Kuya Migz?" malungkot na tanong ni Zey nang hindi siya sunagot.

" He's going back to US soon. You know that right?"

Napatingin siya kay Megs. Hindi niya alam kung kelan ang balik ng asawa niya sa US dahil hindi naman talaga nagkaroon ng chance na makapag-usap ng husto.

" When?"

" Nextweek."

Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Masama pa rin ang loob niya dahil sa ginawa nito. Pero sabi nga nila 'Hate the sin but not the sinner.' And honestly, lately medyo gumaan na ang pakiramdam niya. Hindi tulad noon na napakabigat ng loob niya sa tuwing maalala niya ang ginawa ng asawa niya. Ni hindi niya nga ito magawang tingnan noon.

" I think he deserves a second chance. Alam ko mahal pa rin ninyo ang isa't-isa. And besides, we've seen him regretting his mistakes and suffering the consequences. You guys can rebuild your relationship again. And I'm sure if given a chance, your love for each other will be stronger than ever. Dahil sinubok na kayo ng tadhana." seryosong sabi ni Megs.

" I agreed. Look at me and Charles. We have suffered enough. And since I know that we both cannot live without each other, I gave up my pride and gave our love a second chance. Kahit ang laki ng pagkukulang ko sa asawa ko mula nang mawala si Zeline. He still accepted me and embrace me after neglecting him for almost two years. Until now I still hate myself for pushing him away. It was not my intention. But I was so lost and depressed. Swerte na lang talaga ako dahil si Charles ang napang-asawa ko. He will always remind me how our love become stronger after what happened. He never once bring back the past where I did him wrong. Instead he always reminded me how much he understands me and how much he cares about me. Dwelling too much in the past will not help you move on, Mikkha. You need to look on the brighter side. We all make mistakes right? That's why the word mistake was invented for a reason. Otherwise the world will be too boring if everybody is perfect." mahabang sabi ni Zey.

" But then again we can only give you a piece of advice. At the end of the day it's still you who can make decission for yourself. We just want the best for you, girl. We just want you to be happy again. And yes, we are still going to love you no matter what choices you make." si Megs ulit.

" Girls, the dinner is ready!" sigaw ni Cj maya-maya.

" Coming, sweetie patootie!" sigaw ni Zey saka nauna nang umahon. Pinauna niya na rin si Megs dahil medyo namamasa ang mga mata niya. Pagkaalis ni Megs ay kaagad na tumulo ang mga luha niya. Ramdam niya ang concerned at pagmamahal ng mga kaibigan niya sa kanya. At napaka-saya niya because she was blessed with a good best friends na kahit kelan ay talagang maasahan.

Bago umahon ay nagpasya muna siyang lumangoy pa ng kaunti. Medyo emotional pa siya at ayaw niyang humarap sa mga ito na malungkot. Papagurin niya lang sandali ang sarili niya. Lumangoy siya back and forth hanggang sa nakaramdam siya ng pamumulikat sa kanang bahagi ng binti niya. Bigla siyang nag-panic dahil hindi niya maigalaw ang isang binti niya. Sumigaw siya sa mga kasama. At dahil dala na rin ng takot at taranta ay nakalunok siya ng tubig. Hindi niya pa maabot ang lupa sa ilalim at bago siya tuluyang lumubog ay nakita niya si Migiel na mabilis na tumakbo papunta sa dagat.

MIGIEL's POV

HABANG nagsisimula nang kumain ang mga kasama nila ay napatingin siya sa dagat. Naiwan si Mikkha doon. Nag-iisip siya kung sasamahan niya ba'ng mag-swimming ang asawa niya o hahayaan na lamang itong mag-isa. Maybe she wanted to be by herself. At gaya nang sinabi niya rito kanina ay handa siyang bigyan ito ng space upang makapag-enjoy naman sa outing nila.

Kaya nga hindi niya ito nilalapitan kanina mula ng tumungo sila rito sa beach. Ayaw niyang ma-suffocate ito sa presensya niya. Pero parati naman siyang nakamasid dito. Pinanuod niya ang babae habang lumalangoy ito sa dagat.

" Why don't you go and join her?" sabi ni Zey sa kanya.

Matipid siyang ngumiti sa pinsan niya.

" I don't think she would want me to be there. I told her that I will give her space so she could enjoy."

" You ain't giving up, are you?" she teased him.

" Ofcourse not. I'd rather die than letting her go again. I won't give up unless she wanted me to."

Tinapik ni Zey ang balikat niya.

" That's my big bro! Keep it up!" sabi nito saka bumalik na sa cottage. Muli siyang napalingon sa direksyon ng babae at laking gulat niya nang makitang kumukumpas ang mga kamay nito sa ere. It didn't take him long to realized that she was drowning. Mabilis niyang nabitawan ang baso ng alak na hawak niya at saka tumakbo papunta sa dagat.

Hindi niya mailaliwanag ang kaba at takot na naramdaman niya nang makitang tuluyan nang lumubog sa ilalim ng tubig ang asawa niya. Mabuti na lamang at dala ng adrenaline rush ay mabilis siyang napa-dive sa tubig. Hindi naman masyadong malalim ang kinaroroonan nito. Maybe 6 ft deep but that was deep enough for her para hindi nito maabot ang lupa.

He grabbed her on her waist at yumakap naman ito sa leeg niya. Dinala niya ito pabalik sa pangpang at saka binuhat nang nasa lupa na sila. Ibinaba niya ito sa lounge chair na naroroon. Mabilis naman na lumapit ang mga kaibigan nila. Tinapik-tapik niya ang likuran nito nang umubo ito ng umubo.

" Are you okay?" nag-aalalang tanong niya rito. His heartbeat was racing like crazy. She scared the hell out of him.

Kaagad na minasahe nina Zey at Megs ang legs nito.

" I-I got cramps." sagot nito nang makabawi na. Medyo nanginginig pa ang katawan nito sa takot.

" Okay ka lang, girl? Should we go to hospital?"

" O-Okay na ako." sagot nito saka pinatigil sa pagmamasahe ang dalawa. Tumayo ang mga kaibigan nito at saka bumalik na sa cottage para bigyan sila ng privacy.

Nang makaalis ang mga kaibigan nila ay mabilis niyang niyakap ang babae. Ang higpit ng pagkakayakap na ginawa niya rito dahil hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang takot nang makita itong nalulunod kanina.

" Mikkha, please take good care of yourself. I won't be able to forgive myself if something bad will happen to you." sabi niya habang yakap pa rin ito. Maya-maya ay naramdaman niyang humagulhol na ito. He hugged her even tighter nang marinig na umiiyak na ito. She was probbably really scared. Who wouldn't be?

                                🙃🙃🙃🙃🙃

Pasko na nga nag-update ako! Hahaha Merry Christmas!🎄 Akala ko ending na 'to hindi pa pala keri. Next chapter pa ang ending. Kung may mga lapses man o hindi na tugma sa ibang details sorry na agad. Tinatamad ako mag-back read eh!😅 Busy ako sa life. I will try to finish this before end of this year. Salamat sa mga matyagang nag-hintay. 😍 Na-miss ko kayo.

-Mikkhabels

Continue Reading

You'll Also Like

362K 27.7K 15
MY Creditor Side Story ပါ။ Parallel Universe သဘောမျိုးပြန်ပြီး Creation လုပ်ထားတာမို့ main story နဲ့ မသက်ဆိုင်ပဲ အရင် character ကို ရသအသစ် တစ်မျိုးနဲ...
2.8M 33K 11
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
683K 57.2K 32
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
3.6M 226K 94
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...