Un-tie (R-18)

By Sha_sha0808

583K 21.8K 2.7K

Un-tie (R-18) Ordinaryong estudyante lang ako sa harap ng mga kakilala ko pero nawalan Ng kalayaan mula nang... More

prologue
1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
5
6(R-18)
chapter 7
chapter 8
chapter 9
10
11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
15
chapter 16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
tanong
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
Finale

45

7K 323 44
By Sha_sha0808



Sa mga hindi pa naka-follow, follow nyo ako.  Thanks.

sha_sha0808





Unedited...







"Bes!" masiglang bati ni Jeric habang sinasalubong siya.

"Please, wala ako sa mood!" agad na pakiusap niya.

"Ganoon talaga ang mga buntis, moody," nakangising sabi ng binata. "Galing ah! Sa 'yo talaga niya ini-shoot!" biro nito pero agad na tumigil nang makitang hindi maipinta ang mukha ni Zia. "Joke lang. Tara, ano ba ang kakainin mo, libre ko na ang pinsan ko."

"Hindi mo ako pinsan!" ani Zia.

"Yeah! Tita kita kaya pinsan ko ang nasa tiyan mo."

"Huwag mong simulan ang umaga ko, Jeric!"

"To naman, smile! Baka mag-iba ang mukha ng pinsan ko, sige ka."

"Huwag mo nga akong kulitin!"

"Joke lang. Seryoso na, Zia. I'm so happy for you. Alam mo 'yung ang saya ko rin para sa inyo lalo na sa 'yo," seryosong saad ni Jeric. "Alam mong malapit ka sa akin at parang sister na ang turing ko sa 'yo kaya nakakatuwa na maging part ka na ng pamilya namin."

"Ang anak ko lang."

"Ganoon din 'yon, Zia. Magpapakasal din kayo."

"Malabo."

"Hindi sila papayag na anak sa labas o bastardo 'yan." giit ni Jeric. "Tara sa classroom. Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Okay lang."

"Hindi ka ba nasusuka?"

"Sa awa ni Lord, wala pa naman akong nararamdamang kakaiba."

"Mabuti naman. Ang iba kasi sobrang maselan kapag mabuntis. Siguro hindi nagmana ang ugali kay Tito Reon."

Ngumiti si Zia at napailing.

"Paano pala 'yan? Eh buntis ka. Ano ang plano ni Tito?"

"Hindi ko rin alam basta gusto ko ipagpatuloy ang pag-aaral ko pero mukhang hindi naman ata pwede," ani Zia. May rules silang sinusunod na bawal magbuntis at automatic na ma-cut off ang scholarship.

"Hanggang ngayon iniisip mo pa rin ba ang scholarship mo? Jusko naman, Zia. Bilyonaryo na ang mapapangasawa mo!"

"Hindi naman sa ganoon. Sympre dapat fair lang, 'di ba?"

"Fair naman. Umiba ka lang ng katayuan sa buhay."

Nang makapasok sila sa klase, napatingin si Zia kina Trina at Nina na nag-uusap.

"Okay na kayo ng girlfriend mo?" mahinang tanong nya kay Jeric.

"Nag-dinner kami kagabi."

"Really?"

"Birthday ni Mommy kaya invited siya. Buti naman at pumunta."

"Oh? Anong nangyari?"

"Ayun, nag-usap naman kami. Inihatid namin siya at saktong dumating ang sasakyan ng family niya."

"Oh my! Nahuli kayo?"

"Hmm? Nahuli? Siguro. Saktong bumaba siya at nasa likod lang pala ang sasakyan nila kaya wala nang time para magtago siya."

"Tapos?" interesadong tanong ni Zia.

"Ayun, bumaba ako. Binati ko sila. Bumaba rin si Mommy at kinausap ang family niya na in-invite namin si Trina sa dinner."

"Anong sabi?"

"Tumango lang. Nagpasalamat naman ang mommy nya na hinatid namin siya pauwi. Di ko na alam ang sumunod na nangyari. Tanong mo siya kung gusto mo!"

"Hmm? Mabuti naman. Ayieeee."

"Tigilan mo na nga ako. Ang isipin mo ang baby ninyo at wag kang masyadong magpuyat. Kahit na hindi ka mag-aral, makakapasa ka naman. Set aside mo muna ang studies. Lagi mong i-prioritize ang baby ninyo. Ang katawan mo, hindi lang ikaw ang nagmamay-ari ngayon, Zia. Dalawa na kayo kaya ingatan mo," payo ni Jeric kaya napaismid si Zia.

"Mana ka talaga sa tito mo. Sige na nga, umalis ka na!" pagtataboy niya kaya tumungo na si Jeric sa upuan nito.

Kinuha ni Zia ang cellphone para ichat si Reon pero nakailang missed calls na ito.

"Hi," bati niya nang sagutin ang tawag.

"Kailan ka pa ba talaga matutong gumamit ng cellphone?"

"Naka-silent."

"Anyway, okay ka lang ba? May kailangan ka pa?"

"Wala naman."

"Kapag magutom ka, may cafeteria diyan ha. Nandiyan naman si Jeric kapag may kailangan ka. Na-take mo na ba ang vitamins mo?"

"Kanina pa bago ako umalis," sabi ng dalaga.

"Good. Wag kang magpaka-stress Zia ha."

"Hindi naman a. Teka, padating na ang prof namin," sabi niya nang makita sa labas ang guro.

"Oh sige. Basta may clinic naman diyan kapag mahilo ka."

"Oo na."

"Okay, bye. I love you."

"Bye," sabi ni Zia at tinapos na ang tawag saka inayos ang mga gamit sa bag.

Pagkatapos ng klase, sinamahan siya ni Jeric sa canteen para maghanap ng makakain at pagkatapos ay tumungo na sa nexr subject hanggang sa dumating ang lunch time.

"Sa canteen na lang ako kakain," ani Zia dahil tinatamad nang maglakad palabas ng school canteen.

"Sure ka? Maiwan na kita rito."

"Oo," sagot ni Zia at inayos ang tali sa buhok.

"Zia!"

Pareho silang napalingon sa tumawag.

"Nandito na pala ang labidabs mo," bulong ni Jeric at tinapik siya sa balikat. "Alis na ako. Baka makaistorbo pa eh."

"Reon," ani Zia nang makarating si Reon sa kanya.

"Hi," bati ng binata. "Kumain ka na?"

"Kakain pa lang."

"Good. Tara, sabay na tayong kumain."

"Sa canteen na lang?"

"May pagkain akong dala. Sa sasakyan na lang tayo kumain, mas may space pa tayo," yaya ng binata na limo ang dala.

"Sige," pagpayag ng dalaga at sumunod sa paglakad kay Reon patungo sa sasakyan. "Napadalaw ka?"

"Gusto lang kitang makita," ani Reon na niyuko siya.

"Nagkikita naman tayo sa bahay ah."

"Alam mo ba ang salitang miss?"

"Miss mo 'ko?" tanong ng dalaga kaya hinarap siya ni Reon at matamis na nginitian.

"Ayaw mo?"

"Ewan ko sa 'yo."

"Tinatanong kita, Zia. Ayaw mong ma-miss kita?"

"Ewan ko nga sa 'yo!"

"Oo o hindi lang, Zia!"

"Bilisan mo na nga, nagugutom na ako," ani Zia at binilisan ang paglalakad para makaiwas sa topic.

"Miss mo ba ako, Zia?" tanong ni Reon kaya napatigil si Zia sa paglalakad at nilingon siya.

"Magkasama naman tayo araw-araw."

"Just answer me."

"Nami-miss," mahinang sagot ni Zia at tumingin sa malayo.

"Sure?"

"Reon naman!" saway niya kaya natawa si Reon at pinagbuksan siya ng pinto saka isinara.

Nakahanda na ang table sa loob ng sasakyan. Pinagsilbihan din siya ni Reon.

"Kailangan na ba nating mag-isip ng pangalan?" tanong ng binata.

"Masyado pang maaga at hindi pa natin alam kung babae o lalaki siya."

"Hmm? Eh di dalawa na ang i-prepare nating pangalan."

"Hindi naman halatang excited ka."

"Excited talaga ako, Zia. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magiging daddy na ako."

"Maniwala ka na," ani Zia kahit na siya mismo ay hindi pa rin makapaniwala.

"Mag-orange juice ka na lang at water ha. Wag ka nang mag-wine."

"Sige," pagpayag ng dalaga at nagsimula nang kumain. Napasulyap siya kay Reon na maganang kumakain. Ano kaya ang magiging mukha nila? Kung magiging kamukha ni Reon, paniguradong ang ganda o guwapo nito.

Saktong napatingin si Reon sa kanya kaya nagtama ang kanilang paningin.

"Kahit na ilang libong tao na ang nakapagsabing pogi ako, parang ngayon lang ako naniniwala na totoo iyon dahil sa mga titig mo," nakangiting sabi ni Reon sabay kindat kaya napayuko si Zia at itinuon ang tingin sa pagkain.

Naiilang siya kay Reon kasi ang laki ng ipinagbago nito. Bakit sobrang lambing na nito tapos napaka-vocal pa ng iniisip. Inlove ba talaga ito sa kanya? kung totoo man, napakaswerte naman ata niya?

"Sino yung tumatawag?" tanong ni Reon nang tumunog ang cellphone ni Zia.

"Hindi ko alam. Yaan mo na."

"Baka emergency 'yan."

"Hindi naman siguro."

"Hindi ka talaga mahilig mag-cellphone no?"

"Wala naman kasi akong ibang kausap o tinatawagan maliban kay Tiya at ikaw. Eh kasama naman kita."

"Sige na, kumain ka pa. Ayan, kare-kare," sabi ni Reon at dinagdagan ng gulay ang kanin ni Zia. Pagkatapos nilang kumain, nagpahinga muna si Zia. Tiningnan niya ang cellphone kung sino ang tumawag kanina.

"Sino?"

"Si Chester, may iniwan daw na gulay sa receptionist."

"Sa susunod, mag-iwan ako ng pera sa receptionist para kung mag-iwan siya ng gulay, iabot sa kanya."

"As if na tatanggapin niya," ani Zia.

"Bakit hindi?"

"Ma-pride 'yon at hindi tumutulong para sa pera."

"Hindi naman iyon tulong. Kusang bigay ko iyon sa kanya. Ang mahal ng gasolina ngayon at mahina ang biyahe."

"Kahit na. Kilala ko ang pinsan ko."

"Pareho nga kayo ng ugali," ani Reon at pinahiga si Zia sa bisig niya. "Mamaya ka na bumalik, marami pa tayong oras."

Nakaidlip naman siya sa bisig ni Reon.

"Hala, anong oras na?" tanong niya sabay bangon.

"May fifteen minutes ka pa."

"Alis na ako," paalam niya.

"Wag masyadong magmadali at baka matalisod ka," ani Reon sabay kuha ng dalaga. "Tara, hatid na kita."

"Wag na." Pero nauna nang bumaba si Reon kaya sumunod siya. Habang naglalakad, nakikita niyang may halong inggit ang titig ng mga nakakasalubong nila.

"Sige na, sunduin kita mamaya ha," ani Reon nang makarating sila sa labas ng classroom. Ibinigay niya kay Zia ang bag.

"Hi sir!" bati ni Janeth kaya nagsilingon ang mga estudyante.

"Sir!"

Nag "hi" siya sa mga ito at nagpaalam din kaagad dahil may meeting pa siya ng alas tres.













------------------








"Papa-checkup na tayo?"

"Anong oras na ba?"

"Seven thirty pero kung inaantok ka pa, mamaya na."

"Okay lang," sabi ni Zia at bumangon. "Gusto mo ng kape? Pagtimpla kita."

"Nakatimpla na ako. Itinimpla na rin kita ng gatas."

"Thank you."

Nag-breakfast muna sila tapos naligo na si Zia at nagbihis para maaga pa sila sa Ob gyne niya.

"Take ka muna ng vitamins mo," sabi ni Reon bago sila umalis sabay abot ng tubig at vitamins kay Zia.

"Salamat."

Pagdating sa Ob clinic, agad na pinahiga si Zia para pakinggan ang heartbeat.

"Ilang months po pwedeng malaman ang kasarian ng baby namin?" tanong ni Reon sa doktora.

"As early as eighteen weeks, pwede na," sabi ng doktora na inaayos ang gamit para sa ultrasound.

"Ay, pwede na pala. Mag-sex reveal tayo," excited na sabi ni Reon sabay hawak sa kamay ni Zia.

"Huwag ka munang gumalaw ha," sabi ng doktora at sinimulan nang gumawa ng ultrasound.

"Saan ho riyan ang baby namin?" tanong ni Reon na nakatingin sa monitor.

"Wait, hindi ko mahanap," sabi ng doktora dahil wala ring fetal heartbeat.

"Baka masyadong maliit pa," sabi ni Zia.

Sinubukan ulit ng doktora pero wala talagang heartbeat.

"Wala na akong makita," sabi nito.

"A—Anong wala?" tanong ni Reon. "Eh last checkup nandiyan pa 'yan! Impossible! Ayusin mo ho."

Tumigil ito at tumingin kay Zia. "Mag-PT ka nga ulit, hija."

Kinuha niya ang PT kit at ibinigay kay Zia. Kumuha rin siya ng blood sample.

"Ulitin mo lang ulit, baka nandiyan lang 'yan o natakpan ng kung ano," sabi ni Reon. Tumungo si Zia sa CR at kumuha ng urine sample saka ginawa ang test sa harapan nina Reon.

"Impossible naman dahil hindi naman si Zia nakaramdam ng sakit o dinugo. Alangan naman mali ang pregnancy test noon eh may heartbeat nga ang baby." ani Reon.

Pero nagtaka siya nang makitang isang guhit lang ng pula ang lumabas sa kit.

"Dok!" ani Reon sa nagpa-panic na boses.

"Balik ka nga ulit, hija. I-vaginal ultrasound ulit kita."

Muling nahiga si Zia pero wala na talagang heartbeat pa kaya nanlumo si Reon.

"It could be blighted ovum," ani doktora.

"Explain!" hindi maipaliwanag ang mukha ni Reon.

"Blighted ovum o anembryonic pregnancy. Ito yung hindi nabuo o tumigil ang formation ng fertilized egg into embryo. Na-implant na yung egg sa uterus but it doesn't develop into embryo."

"May baby pa kami o wala?!" diretsahang tanong ni Reon.

"Im sorry to say pero hindi siya nabuo."

"What the—" hindi na natuloy ang sasabihin ni Reon at napahilamos sa mukha. "Is it a miscarriage?"

"It is a miscarriage," pagkumpirma ng doktora.

"But doc, wala siyang bleeding. Wala naman siyang abdominal pain! Kung wala na ang baby, saan iyon napunta?"

"May mga babaeng hindi nakakaranas ng bleeding, abdominal pain and discharge. It's a very rare case pero nangyayari."

Napahilamos si Reon at nanlumong tumingin kay Zia na ngayon ay umiiyak niya. Nilapitan niya ito at hinagod sa likod.

"I'm sorry," umiiyak na paumanhin ni Zia.

"It's okay, Zia. Wala tayong kasalanan o pagkululang. Tahan na."

Mas lalo pang ipinaliwanag ng doktor sa dalawa ang nangyari na naunawaan naman nila.

"M—Magkakaanak pa ba kami ulit kapag ginusto namin?"

"Oo naman. It won't affect kapag gusto ninyo ulit magka-baby," sagot ng doktora.

"Hindi lang siguro para sa amin ang baby kahit na mahirap tanggapin," ani Reon at napahilamos sa mukha.

Susuportahan na lang muna nila ang isa't isa para ma-overcome ang masamang balita.














Continue Reading

You'll Also Like

42K 173 6
Si Marie at Diablos ay magkaibigang matalik hanggang sa dumating ang panahon na naputol ang kanilang komunikasyon dahil nagkaroon ng kasintahan ang b...
29.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
50.4K 1.2K 19
She was beautiful and sexy..... and a rich man's bedmate. Palibhasa mayaman at macho, palaging nakukuha ni Dane Niel Villafuerte ang lahat ng gustuhi...
844K 12.7K 47
MATURE CONTENT Barcelona Louisita Lawson a perfect woman, who can have everything including spending a night with the guy. After 4 weeks she got a po...