MY SLUM-GIRL PRINCESS [Publis...

By agentofsmile

2.4M 25.2K 2.7K

Areeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senat... More

MY SLUM-GIRL PRINCESS
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 34
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Epilogue
ANNOUNCEMENY
My Slum Girl Princess' Special
My Slum Girl Princess' Special Chapter 2
My Slum Girl Princess' Special Chapter #3
My Slum Girl Princess' Special Chapter 4
My Slum Girl Princess' Special Chapter 5
Liham ng Nagpapaalam
GIFT FROM ABOVE

Chapter 14

28.9K 293 24
By agentofsmile

Chapter 14

"Nay bat di namamansin yun?" tanong ni Gino kay Nay Belen dahil kanina pa sya hindi pinapansin ni Mikay.

"Abay malay ko sa inyong dalawa, baka naman inaway mo ha..." sagot ng Nanay nya.

Inalala ni Gino ang nagyari kahapon, "Nagtatampo padin ba sya na hindi ko naubos yung gawa nyang ulam kahapon?"

"Maari,"sagot ni nay Belen "Ikaw naman kasi Gino, bawas bawasan mo na ang pang aasar kay Mikay. Kapag umalis na yan dito, bahala ka mamimiss mo yan ng sobran"

Natahimik si Gino sa sinabi ng Nanay nya. Mamimiss nya si Mikay? "Hindi kaya" yan ang sabi ng isip nya pero ayaw nyang marinig o mapagusapan man lang ang pag alis ni Mikay. Bakit naman kaya,

"Nay alis na po ako,." paalam ni Mikay.

"Kumain ka kaya muna,.." singit ni Gino

"Tapos na ako.. Sige po nay" at umalis na sya ng bahay iniwang nakatingin si Gino sa kanya.

*****

Naglalakad si Mikay papunta sa sakayan. Hindi nya alam bakit mainit ang ulo nya, hindi nya alam bakit kumukulo ang dugo nya kay Gino.

"Kung away awayin ako akala mo kung sinong galit sa mayaman, eh hinatid nga sya ng babaeng may kotse kagabi, yun ba ang galit sa mayaman?" bulong nya sa sarili.

"Teka, bakit ba affected ka, ang dami daming problema ang pwedeng isipin, mga walang kwenta pa naiisip mo" patuloy na pagkausap ni Mikay sa sarili.

After ilang minuto ng byahe, narating din nya ang shop. Kahit papaano nasasanay na sya sa trabaho na 'to. Natutuwa sya mag ayos ng bulaklak. She loves the idea na sya ang unang humahawak ng mga bulaklak na inorder ng mga lalaki para sa mga girlfriends nila.

Kumuha sya ng walis, at nagwalis ng shop. Naalala nya tuloy yung una syang pinawalis ni Aling Rosa, gusto nyang ibato dito ang walis, pero ngayon narealize nya ang gaan pala ng trabahong pagwawalis,

"Oh Mikay, ang aga mo ah..." bati ni Joma sa kanya.

Oo maaga talaga sya pumasok. Gusto nya kasi umalis agad sa bahay, off ni Gino ngayon at naiinis sya kay Gino.

"Just wanna try something new kuya Joma."

"Alam mo Mikay, di ko alam na tumagal ako na katrabaho ka, noong una kasi kinakabahan ako kausapin ka dahil ingles ka ng ingles eh"

Natawa si Mikay "Ganun ba, di bale babawas bawasan ko na,.."

"Naiintindihan ko rin naman, pero iba ang pakiramdam eh, parang pagmas marami ang engles na sinabi parang dapat engles narin ang isasagot," natatawang explain ni Kuya Joma,

"Pasensya ka na kuya ha, nasanay lang talaga ako," paliwanag nito.

"Anak mayaman ka no?" nagulat sya sa tinanong ni Kuya Joma, bigla nyang naalala na hindi pwede malaman ng mga tao ni iisa lang sila ni Mikaella Madrigal.

"Hindi naman... nasanay lang ako sa School na dati kong pinapasukan.." pagdadahilan nya.

Naalala ni Mikay yang dahilan ni Gino bakit hindi nito pinapaalam na sya si Mikaella ay dahil kilala nila ang isang Mikaella sa pagiging sutil na anak ng isang Senador. Naisip nya, ganun ba talaga sya kasama sa paningin ng mga tao? Kung ipapakilala ba nya ang asrili bilang Mikaella Madrigal, magiging maayos parin ba ang pakikitungo sa kanya ng mga taong nasa paligid nya ngayon na hindi alam ang totoo?

"Ahhm, Kuya Joma, pwede magtanong?" itinigil nya ang ginagawa at umupo.

"Ano bang itatanong mo?"

"Kilala mo ba si.. ah, yung anak ba ni Senator Madrigal?" tanong ni Mikay.

"Ah yun? Yung pangit daw ang ugali?" nagaalangan tumango naman sya; ang sakit din pala marinig ang ganung salita mula sa ibang tao. "Minsan ko ng napanood sa balita, at mukhang puro kalokohan nga ang batang yun, saying mukhang maganda pa naman kahit di ko na masyadong maalala ang mukha." Natatawang sabi nito.

"Hindi nyo sya nakita?"

"Nakita ko naman, kayalang kasi medyo matagal na yun;" marahil hindi napanood ni Kuya Joma ang bagong kinasagkutan na kalokohan ni Mikay. "Bakit mob a natanong?"

"Ah wala naman po.." ibinalik na nya ang sarili sa trabaho ganun din si Kuya Joma.

*****

Mabilis na lumipas ang oras. Nagtrabaho ng nagtrabaho si Mikay para makalimutan na mainit ang ulo nya. Hindi nya alam bakit tuwing maalala si Gino ay umiinit ang ulo nya, kanina nga na-divert na nya ang init ng ulo nang maka-kwentuhan si Kuya Joma, pero ngayon mainit nanaman ang ulo nya. Nagsimula lang naman ito matapos makita na hinatid sya ng maputing babae na naka kotse.

"Anu ba Mikay, bakit ka ba naiinis?!" pagkauspa ni Mikay sa sarili.

"Uy Mikay, anung binubulong bulong mo dyan mag-isa." singit ni Aling Rosa.

"Ay... Pasensya po, may naalala lang kasi ako."

"Ganun ba?... Sya nga pala Mikay, magsara ka ng alas tres, para maaga ka nang umuwi, aalis kasi ako bukas pa balik ko. Para macheck ko pa yung mga inventory natin, kaya maaga ka magsara"

Parang nalungkot si Mikay. Uuwi sya ng maaga? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang naiinis sya sa isa sa kasama nya sa bahay,

"Oh ito nga pala ang sweldo mo ngayon buwan, buo na yan.." nanlaki ang mata ni Mikay sa excitement.

" Dapat kasi kinsenas eh, kayalang nahuli yung bigay ko sayo eh, huli ka na rin pumasok eh.

Nang inabot sa kanya ang maliit na brown envelop, nakangiti nya itong tinanggap. In her seventeen years of existence, ngayon lang sya tatanggap ng pera na pinaghirapan nya. Binuksan nya ang envelop six thousand ang laman.

"Oh my Ghad! Thank you po..." Sa sobrang saya nayakap nya si Aling Rosa

Natawa naman si Aling Rosa. "Ito namang si Mikay parang ngayon palang makakatanggap ng tsweldo." Napangiti nalang si Mikay, kung alam mo lang Aling Rosa.

Nang nag alas tres na, ready to go na si Mikay. Balak nyang dumaan sa mall at bumili ng grocery at pati narin ng regalo nya sa Papa nya. Nawala ang init ng ulo nya dahil sa sweldo nya.

Pumunta sya sa malapit na mall. Umakyat sya sa mens wear at naghanap ng ireregalo sa papa nya. At dahil gusto nya na nakikita parati ang regalo nya, binilhan nya ito ng tatlong neck tie.

Naglalakad sya palipat sa ladies wear para naman regalo nya kay Nay Belen, may napansin syang isang boutique. Doodle Store, hindi nya alam bakit sya pumasok, pero napangiti sya when she saw a familiar T-Shirt.

Napangiti sya, she look at the price... Kaya pala ganun nalang ang galit ni Gino ng masira nya ang damit nito, may kamahalan pala ang damit. Kay Mikaella, mura lang yun, pero kay Mikay, mahal na ito.

"Kuya, medium size ng green na yan..."

Matapos mabili ang mga panregalo, dumiretso na sya sa grocery. Gusto nya bumili ng grocery kahit good for one week lang. Sa masantol kasi pwede ka bumili ng paunti unti, tulad ng pisong asukal, pisong suka, lahat ng piso meron na ata.

"Nakatanggap ka lang ng sweldo gumastos ka na ng todo...." napalingon sya sa nagsalita.

"Gino,? Anung ginagawa mo dito?"

"Susunduin sana kita kayalang sabi ni Ninang maaga ka daw umuwi kaya maaga din ako pumunta, kayalang nahuli ako nakaalis ka na."

Nagtaka si Mikay "Paano mo nalaman na andito ako?"

"Simple lang ginamit ko lang ang utak ko."

"hay naku, hindi na mawawala ang kayabangan mo.. O, ikaw na amg magtulak nito..." abot ni Mikay sa cart.

"Grabe ka Mikay, ang gastos mo..."

"Gastos? Eh magagamit naman natin yan sa bahay ah,?"

"Pero hindi ganyan dami ang kailangan natin, dapat sakto lang"

Hinila ni Mikay ang cart palayo kay Gino "Alam mo, if you don't appreciate what im doing right now, you can leave now..."

"Eto naman di na mabiro..."sagot ni Gino.

Nag grocery silang dalawa, at masayang namili kahit na nagtatalo parin. Hindi alam ni Mikay bakit kahit naiirita sya kay Gino, napapangiti at napapatawa parin sya nito.

"Kain tayo?" yaya ni Gino.

"Gino wala na akong pera, kung magpapalibre ka wag na... at sabi mo diba sabi mo magtipid ako?"

"Oonga, kaya nga ako ang manlilibre eh."

*****

Masaya silang kumain. Sa Mcdo lang sila kumain, kahit na si Gino nagsasawa na doon. Doon kasi ang gusto ni Mikay. Buti nalang nga hindi doon ang working assignment ni Gino eh.

"Mikay, nagtatampo ka pa ba sa akin?"

Napakunot noo naman si Mikay "Ha? Bakit?"

"Kasi di ka namamansin kaninang umaga, kayanga sabi ko susunduin nalang kita para makabawi ako sayo kahapon"

"Bakit? Anu bang ginawa mo kahapon?" tanong ni Mikay

"Eh kasi di ko naubos yung ulam na hinanda mo,. Tapos sabi ko pa hindi masarap,. Pero masarap talaga, uminit lang ulo ko kahapon"

Nagtaka si mikay "Bakit naman uminit ang ulo mo?"

"Eh ikaw kasi gusto mo n----" natigilan si Gino ngbsasabihin, he cleared his throat, "Ahm, ikaw kasi eh, ahm... Ang sungit mo"

"Akala mo naman sya hindi masungit, mas masungit ka kaya..." sagot ni Mikay.

"So anu nga? Nagtatampo ka pa ba?" tanong ulit ni Gino.

"Just buy me a pancake tomorrow and we're good"

"Nilibre na nga kita ngayon magpapabili ka pa ng pancake?"reklamo ni Gino.

"Oh edi di pa tayo ok..," sagot ni Mikay bago kumain ulit.

Napakamot sa ulo si Gino. Suko na sya. "Sige na, pancake bukas"

Ngumiti ng malapad si Mikay. "Good!!"

Natagalan si Gino at Mikay sa pagkain dahil sa nagkwentuhan pa sila. Kung ano ano lang ang pinaguusapan nila, madalas naman mauwi sa pagtatalo dahil hindi nagtutugma ang ideas nila.

Hindi rin nagtagal, nadecide narin silang umuwi. "Gino, alam mo matagal ko ng gusto magbus, pwede ba tayo magbus?"

"Oo naman, para isang sakayan nalang tapos tricycle nalang tayo papuntang masantol."

Noong nasa bus na sila, tuwang tuwa si Mikay. "Mas ok pala dito eh, mas comfortable,"

"Ngayon lang yan, hindi kasi puno ang bus. Pero pag puno, tatayo ka talaga..."

"Ah basta I'm enjoying this..."

Nagkwentuhan pa ang dalawa dahil medyo malayo layo ang byahe, maya-maya naramdaman nalang ni Gino na may sumandal sa balikat nya.

Tiningnan nya si Mikay, nakatulog na pala ito. Marahil napagod ito sa buong maghapon. Inaayos nya ang pagkakasandal nito sa ulo nya. Ramdam nya ang saya dahil maayos na sila ni Mikay. Kahit pa nabadtrip sya sa kagustuhan nito na umalis na sa bahay nila.

Hindi nya mapaliwanag ang nararamdaman, masaya sya na kinakabahan. Gumulo ang buong sistema ni Gino sa loob lang ng isang buwan dahil sa isang Princesa na dumating sa bahay nila. Napapikit si Gino.

Ramdam nya ang bilis ng tibok ng puso nya. Kaya napahawak sya sa dibdib nya. Alam nya ang pakiramdam na yun, yun yung naramdaman nya kay Melissa dati... Napatingin ulit sya sa natutulog na si Mikay.

"Pambihira, malaking problema 'to" bulong nya. "Problema 'to kung inlab ako sayo"

_____________________

The copyright of this book isn't mine anymore. This book has been Published under Life Is Beautiful

You can follow me on the following:

Twitter: @agentofsmile

Facebook: NJ Em

Facebook Page: Agentofsmile

Instagram: @agentofsmile

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 12.3K 100
Lahat naman ng tao nasasaktan pag nagmamahal. Ikaw na bahala kung paano mo bubuuin ang mga pirasong minsan ay winasak ng isang tao. Mahalin mo pa sya...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
833K 12.3K 40
Zyrene's mission is to enter an all boys school and pretend to be one of them. How if she falls in love to her suspect's son? Will she still continue...
43.5K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"