Magnet

By WinterMelon_High

2.7K 189 59

Naniniwala si Winter na 99% ng nangyayari sa buhay nya ay dala ng pagiging magnet nya, magnet ng kamalasan. K... More

Foreword
Swerte
Unusual day
Confirmed
Can we be friends?
Maling akala
We are dating!
My crush is coming back
My favorite song
Chocolates and Yakult
Butterflies

What's your height?

168 15 4
By WinterMelon_High



164 cm? Parang 165 cm yata yun eh.

165 cm is 5’5.

Napakamot ulit ako ng ulo. Tama kaya tong nandito sa site na tinitignan ko? Napatingin ako sa oras ng cellphone ko. May fifteen minutes pa naman ako bago magsimula ang afternoon shift ko. Talagang bumaba pa ako rito sa locker para lang mag-search ng tungkol sa height. Ano ba tong pinag-gagagawa ko?

Si Karina kasi bigla akong tinanong noong isang araw. Kung ano ba raw ang height ko?

Nakapila kaming lahat sa counter 2. Bale nasa unahan ko si Wooyeon tapos sa likod ko ay si Karina. Yung mga kaibigan kasi ni Karina nasa counter 1 pumila. Si Yuna nga eh sumama rin sa kanila, mas masarap daw kasi ang ulam doon. Ayon nga bigla nalang nya akong kinulbit sabay tanong ‘What’s your height Winter?’ Umaakto pa syang sinusukat ang height ko. Hindi naman ako nakasagot agad kasi napaisip din ako bigla. Hindi ko naman kasi laging mino-monitor ang height ko. Napa sabi nalang ako ng I don’t know sa kanya.

Nakapagatataka lang na out of nowhere ay tinanong nya sa’kin yan habang pumipila kami for lunch. Oo, sabay na kaming mag-lunch. Ako, sya at mga kaibigan namin. After ng nangyari sa clinic nagulat nalang kami kinabukasan ng magawi sa area namin ang grupo ni Karina. Hinintay lang naman nila kami para sabay-sabay daw kaming mag-lunch. Ewan ko ba ba’t bigla nalang naging ganyan. Parang naging routine na tuloy namin ang mag-antayan.

Pero yun nga, yung tungkol sa height. Napapa-search ako dahil hindi ko man lang nasagot si Karina tungkol diyan. Ano ba kasi ang tungkol sa height ko? Tinanong ko sila Yuna yung natanong ba rin sila ni Karina ng ganyan, hindi naman daw. Weird.

Gulat na napalingon ako sa likod ko ng may bigla nalang kumulbit sa balikat ko.

“It’s almost time, what are you still doing here?” nakangiting tanong nya. Sino pa ba? Eh di si Karina na naman.

Sya kaya, ano kayang ginagawa nya rito?

Mabilis kong clinose ang site sa phone ko at inoff ito.

“May chineck lang.” sagot ko. Binuksan ko na ulit ang locker ko at inilagay ang phone ko rito.

“Hmm…”

Nginitian ko sya. “Akyat na ako.” sabi ko.

“Sabay na tayo.”

Magkasabay na nga kaming umakyat ng hagdan. May ilang nakakasabay kami na todo ngiti at bati sa kanya. Napapaisip tuloy ako minsan. Ano kayang pakiramdam na maging si Karina? Parang ang bait ni Lord sa kanya. Samantalang ako, di ko na matukoy kung binibigyan ba ako ni Lord ng mga pagsubok para i-test o pinagti-tripan nya nalang ako.

“Aray.” mahinang daing ko. Sumagi lang naman yung balikat ko sa malaking stone vase sa may gilid ng pinto.

“I’m really amaze sa amount ng unexpected things na nangyayari sayo everyday.” amused na sabi nya. Napatingin lang naman ako sa kanya habang hinihimas yung balikat ko. Ilang beses narin naman kasi syang naging saksi sa mga kamalasang nangyayari sa’kin araw-araw.

Katulad kahapon. Naabutan nya lang naman ako sa may gate na mangiyak-ngiyak dahil sa paa kong nadaanan ng gulong ng tricycle sa di ko malamang dahilan. Hindi naman kasalanan ni Manong. Sadyang nanduon lang talaga ako sa spot na yun at ako ang malas na kailangan makaranas ng ganun. Pag mga ganitong bagay talaga ang nangyayari di ko sya madaan sa sanay na ako di ko kailangan magdrama. Ang sakit nya sobra. Kinahapunan naman bandang breaktime kukuha lang dapat kami ng tubig sa pantry (sinamahan nya ako) kaso napagtripan yata ako ng water dispenser bigla ba naman nasira yung patungan. Mabuti nalang at kaonti nalang yung laman ng gallon. Pero ayun nabasa yung flats ko dahil nabitawan ko yung tumbler ko sa gulat.

“Mabuti ka pa you find it entertaining.” Nasabi ko bigla.

“No, that’s not what I meant.”

Diba ganun na rin naman yun?

“Winter!”

Mabilis na hinablot ako ni Yuna at isinama sa pagtakbo nya. Si Karina naiwang nakatayo na tulad ko ay nagulat din sa bigla nalang paghablot ni Yuna sa’kin.

“Kaloka,” hinihingal na sabi ni Yuna ng makarating kami sa area namin kasabay nun ay ang pagtunog ng bell. “Muntik ka na Winter.”

Oo nga muntik na nga.

“San mo nakita yan?” pasimpleng tanong ni Wooyeon habang umuupo kami ni Yuna sa pwesto namin.

“Dyan sa entrance nakikipag-kwentuhan pa kay Katarina alam namang bawal na bawal ang ma-late sa oras ng shift.” Sagot sa kanya ni Yuna.

“Hindi kami nagku-kwentuhan?” sabi ko.

“Wag ka ng magkaila Winter. Alam na naman namin. Kunwari ka pang hindi kayo close ni Katarina, tapos biglang sabay na naglu-lunch, naghihintayan, nag-uusap.”

“Kasabay naman kayo ah, tsaka mga kaibigan nya.” depensa ko. “At hindi naman talaga kami close, ewan ko ba bakit bigla nalang naging ganyan.” nami-misinterpret talaga nila yung mga pagkakataon na nagkakasabay kami ni Karina.

“Imposible naman ang ganyan Winter. Ano yun, bigla nalang nagkainteres sayo si Katarina after that one interaction nyo? Not unless,” nagkatinginan sila ni Wooyeon at parehong weird na ngumiti sa isa’t-isa.

“Not u—”

“Ehem!”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sinita na kami ni Ma’am Eugene.

Ano na naman kaya ang tumatakbo sa isip ng dalawa?









“Arghh! Ang hirap ng bagong process na pinapagawa sa’kin ni Ma’am Jessica.” Pagrereklamo ni Elly habang palabas kami ng building.

Yes, magkakasabay na naman kami. Feeling ko napapa-isip na yung ibang mga katrabaho namin dahil bigla nalang may nadagdag sa grupo ni Karina. Tapos katulad pa naming pumapasok lang everyday para lang sa sweldo.

“Nilipat ka na naman ba?” tanong ni Aeri na bigla nalang akong inakbayan. “Don’t take the bus Winter. Sabay ka na sa’kin.”

Tumango naman ako. Medyo hindi lang halata sa’kin pero hindi ko talaga pinapalagpas ang mga ganitong offer, lalo na kong tungkol sa libre. Actually, palagi na akong sinasabay ni Aeri. Nahihiya naman ako syempre pero kasi sya yung nagpupumilit.

“Tell your mom pala na I enjoyed the cake yesterday. It’s really good.”

Ah, oo nga pala. Pinagbigyan sya ni Mama ng cake kahapon. Yung carrot cake na sinubukan ni Mama gawin.

“Winter may pa cake pala si Tita. Bakit di mo kami dinalhan?” parang nagtatampong tanong ni Wooyeon.

“Naubos kasi agad.” sabi ko.

“Ang daya naman Winter.”

“You guys, it was really delicious.” para namang mga bata agad yung dalawa dahil sa pang-iingit ni Aeri sa kanila.

“You’re close with her Mom?”

Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Karina sa side ko.

“Of course. We’re neighbors.” Agad na sagot ni Aeri sa kanya.

“We should visit in your house, sometimes. Maybe this weekend Aeri, tutal hindi pa naman talaga namin ito nakikita eversince lumipat ka.”

“Sure.”

Bibisita sila sa bahay ni Aeri? Ibig sabihin…there’s a chance na maisipan din nilang pumunta sa bahay dahil magkatabi lang ang bahay namin at ni Aeri. Pwede kayang ilipat ko muna ng pwesto ang bahay namin?

Hindi naman sa nahihiya ako. Jusme, kapag nakita sila ni Mama. Lalong lalo na ng baliw kong mga kapatid. Ayokong imaginin ang mga pwedeng mangyari.

Nawala na yung kamay ni Aeri sa balikat ko ng magsimula na silang mag-usap tungkol nga sa pagbisita. Mukhang gagawin pa yata nilang party ang home visit nila kay Aeri.

“Sorry.”

“Okay lang.”

Napatingin ako sa kamay kong aksidenteng nasagi ng kamay ni Karina. She smiled at me bago lumipat ng pwesto at makigulo sa usapan ng iba.

Di makapaniwalang tinignan ko ulit ang aking kamay. Bakit pakiramdam ko sindaya nyang masagi yung kamay ko? It almost feels like sinubukan nyang hawakan ang kamay ko.

Biglang nag-init ang mga pisngi ko.

Ano ba tong iniisip ko?

"Winter? We can visit yours too, diba?"

"H-huh?"

"Kung pwede rin ba daw silang bumisita sa bahay nyo?" inulit nalang ni Yuna yung tanong ni Ningning dahil hindi ko ito narinig agad.

Kung ano-ano kasing pumapasok sa isip ko.

Di ko naman maiwasang hindi mapatingin sa kanila. Natigilan lang ako ng dumaan ang mga mata ko kay Karina na nakatingin din sa'kin with so much anticipation.

"Pwede naman." naisagot ko nalang sabay iwas ng tingin sa kanya.

Ngayon palang iniisip ko na ang pwedeng idahilan kay Mama at Ate.









Nakarating kaming lahat sa may parking area. Kanya-kanya ng punta sa mga sasakyan nila ang mga kasama ko. Ako lang talaga itong hampaslupang nakikisabay.

Naunang umalis si Elly at Juhyeon dahil dadaan pa raw sila ng SM. Si Yuna at Wooyeon naman ay balik na sa pagdadala ng kotse nila dahil hindi na nga ako nag-bubus. Nagje-jeep lang naman kasi ang dalawang yan dahil sa'kin. Para may kasabay ako lagi sa paghihintay.

"I wonder what's taking them so long?" tanong ni Karina sa tabi ko.

Biglaan kasing tinawag ni Ma'am Yuri si Aeir habang pasakay kami ng kotse nya. Kinakausap sya ngayon nito di kalayuan sa'min.

Itong si Karina naman ay nagtataka ako dahil pwede namang mauna na sila dahil may kostse rin naman sya. Ano pa kayang ginagawa nya rito? Si Ningning na sasabay lang din sa kanya ay naiinip na yata.

"Katarina what's with you ba? Si Aeri naman yung kinakausap. Why can't we leave na?" tanong ni Ningning na nakasilip sa bintana ng passenger seat.

"Walang kasama si Winter if we leave agad. It looks like mahaba-haba ang sinasabi ni Ma'am Yuri."

Nagulat naman ako sa sinagot nya. Pati yata si Ningning na wala ng nagawa kundi ang umupo nalang ulit ng maayos sa loob ng kotse ni Karina.

Bakit naman nya iintindihing samahan ako sa paghihintay kay Aeri?

Di ko tuloy maiwasang di mapatitig sa kanya.

Bakit ba bigla nalang ganito si Karina? We never really had a decent interaction o usap man lang before yung pagkaka-twist ng ankle ko. Kaya bakit ganito sya umasta?

Ganito ba talaga sya ka friendly kaya ginugusto sya ng lahat?

"Thank you." mahinang sabi ko.

"What for?" nakatingin syang maigi sa'kin.

"Sa paghihintay?" unsure na sagot ko. Tumawa sya. Tumawa lang sya.

"About pala sa height ko." sabi ko.

Muli syang napatitig sa'kin. This time mas matagal tapos nakangiti sya. Yung magandang ngiti. Alam nyo yun? Basta yung ngiting magandang tignan.

"Yeah what about your height?" mas lumalawak lang yung ngiti nya sa di ko malamang dahilan. "You know it na?"

Tumango ako.

"5'5 yata ako."

Tumawa sya ulit.

"That's good to know. It's perfect." sabi nya eyes looking directly sa mga mata ko.

"Co'z I'm 5'6. That's a good height difference."




________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

219K 9.1K 24
Where Lewis Hamilton goes to a cafe after a hard year and is intrigued when the owner doesn't recognise him. "Who's Hamilton?" Luca says from the ba...
420K 28.5K 43
♮Idol au ♮"I don't think I can do it." "Of course you can, I believe in you. Don't worry, okay? I'll be right here backstage fo...
703K 11.3K 65
ˏˋ°•*⁀➷ 𝗔𝗱𝗱𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝘄𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗻𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿 𝘁𝗼 𝗮 𝗴𝗿𝗼𝘂𝗽𝗰𝗵𝗮𝘁 𝗶𝘀 𝗲𝗮𝘀𝗶𝗹𝘆 𝗱𝗼𝗻𝗲 𝗻𝗼 𝗺𝗮𝘁𝘁𝗲𝗿 𝗵𝗼𝘄 𝗳𝗮𝗺𝗼𝘂𝘀 𝘆𝗼�...