Magnet

Par WinterMelon_High

2.8K 189 59

Naniniwala si Winter na 99% ng nangyayari sa buhay nya ay dala ng pagiging magnet nya, magnet ng kamalasan. K... Plus

Foreword
Unusual day
Confirmed
Can we be friends?
What's your height?
Maling akala
We are dating!
My crush is coming back
My favorite song
Chocolates and Yakult
Butterflies

Swerte

328 23 6
Par WinterMelon_High







Umuulan na naman. Kung kelan papasok na ako sa work. Kung kelan hindi ako nakapagdala ng payong. Kung kelan nilalakad ko ang pagkahaba-habang daan papasok ng building kung nasaan ang working area ko. Tsaka bubuhos ang malakas na ulan. Parang nanadya talaga.

Tumigil ako saglit at inis na napatingala.

Lord, kaloka ka talaga.

“Miss bawal huminto dyan!”

“Ay sorry po!” sigaw ko habang nagmamadaling tumakbo paalis ng pedestrian. “Sorry po ulit.” Paghingi ko ng umanhin kay kuya guard. Tumango nalang sa’kin si kuya at ipinagpatuloy na ang ginagawa nyang trabaho. Ako naman ay nagpapasalamat na at nakarating na ako sa commercial building malapit sa entrance. At least dito ay may masisilungan na. Dahil sa bubong ng commercial building na nagsisilbing bubong na rin ng sidewalk. Sobrang laki naman kasi nitong lugar. Di ko naman afford yung shuttle fee nila kaya nagtitiis nalang talaga ako sa paglalakad tuwing papasok ako.

Pinagpagan ko ang suot kong slacks. Mabuti nalang at walang talsik o kung ano mang dumi itong natamo mula sa ginawa kong sprinting. Sino ba naman kasing di mapapatakbo ng mabilis kung umuulan na nga tapos male-late ka pa. Jusko ayoko namang pumasok na dugyot noh.

Focus na focus ako sa pag-iisip ng kung ano-ano ng may maramdaman nalang akong basa sa paa ko. Natauhan lang ako ng makita kong slightly nakalublob ang paa ko sa isang puddle. Mabilis kong inaalis ang paa ko rito.

Good Morning Winter.

Wala na akong oras para magdrama o mag-react ng sobra sa nabasa kong flats. Wala na akong oras para itanong pa sa mundo kung bakit? Kung bakit lagi nalang akong nakakaranas ng mga ganitong bagay. Sanay na ako. Sanay na akong malasin. Kaya nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad. Mabuti nalang at kahit papano ay hindi madumi ang tubig na yun. Swerte na akong maituturing sa ganun.

Kelan ba naman kasi ako hindi minalas? Wala akong matandaan. Ano ba ang dahilan kung bakit nalang ako laging minamalas? Hindi ko alam. Dati iniisip ko pa kung nanadya lang ba talaga ang tadhana o sadyang bully lang ang mga kanto ng mesa, sahig, bato, hangin, apoy, lupa at tubig. Engcantadia. Pero hindi. Malas lang talaga ako.

Huminga ako ng malalim. Kakayanin mo today Winter.

Or maybe not.

Biglang lakas na naman ang ulan kung kelan tatawid nalang ako sa last pedestrian na dadaanan ko bago kumaliwa papunta sa building kong saan located ang department ko. Malas talaga.

Ready na sana akong tumakbo ng makita ko sa gilid si Karina. Yung pinagkakaguluhan lagi ng mga lalake sa department namin. Yung kinaiingitan ng ibang mga babae. Sa totoo lang hindi ko alam kung maganda nga ba si Karina o baka dahil lang lagi kong naririnig sa iba na maganda sya kaya nasasabi kong maganda talaga sya. Alam nyo yun, yung magagandahan ka nalang din sa isang tao lalo na kung lahat sa paligid mo ay nagsasabi ng ganun.

Hindi ko rin ma-gets ang karamihan kung bakit sya nagugustuhan. Minsan iniisip ko kung dahil ba sa maganda nga sya. Ewan, para kasi sa’kin average lang sya. Parang napaka ganda kong nilalang sa average na yan. Pero kasi di ko lang makita ang hype about her. Isa pa nasusungitan ako sa kanya at nayayabangan. Minsan lang yata kaming nagkaroon ng interaction nyan, well not totally. Nasa training center palang kami nun. Tapos may activity na pinagawa sa’min by group. And naging ka grupo ko sya. Nanalo agad ang group namin because of her daw. Di ko makakalimutan sagot nya nun sa trainor namin.

“It’s all about the brain. It’s easy because I used my brain.”

So kami nahirapan kasi di ginagamit yung utak? Eh halos magkabagyo na nga sa utak namin sa pag-iisip lang ng strategy para matapos yung activity. Ang yabang nya talaga for me.

Kung ano-ano na tuloy naiisip ko dahil sa kanya. Wala naman akong pake sa kanya pero ang layo na ng narating ng isip ko.

Napatitig parin naman ako sa kanya ng palihim. Bakit kaya naglalakad to ngayon papasok ng office? Eh akala ko ba, sabi sa chismis de kotse sya. Dapat hindi sya naglalakad bitbit ang isang cup ng starbucks at pulang payong. Oh, diba buti pa sya may payong. Pano naman akong wala at tanging bag lang ang pweedeng gawing panangga sa mga luha ng langit.

Mas lumakas pa ang ulan habang patuloy parin ako sa nararamdaman kong inggit sa dala nyang payong. At dahil hindi naman ako tatawaging Winter kung hindi ako malas. Bigla lang naman umihip ang malakas na hangin dahilan para ma-splash papunta sa’kin ang iilang tubig ulan.

Wala na, basa na ako. Napatingin nalang ako sa kawawa kong sarili. I need to accept it. Hindi pa nga ako nangangalahati ngayong araw ay minamalas na agad ako ng sobra.

Wala na sa loob na naglakad nalang ulit ako. Di na ako nag-abala pang sanggain ang paulan ni Lord ngayong araw. Tutal ay nabasa na rin naman ako, why not all the way. Mabuti nalang talaga at lagi akong may extra sa locker ko. Magpapalit nalang agad ako.

Ay biglang tumila.

Napatingala naman agad ako para sana mag thank you dahil wala ng ulan ng makita ko ang pulang payong na nakasangga sa malalakas na patak ng ulan. Pagtingin ko sa side ko ay mukha ni Karina ang nakita ko.

Si Karina. Yung kinakabaliwan ng lahat, maliban sa’kin.

Pinapayungan ako.

Naawa na yata sa sitwasyon ko si Karina. Siguro iniisip nya na kawawa naman this gurl payungan ko nalang. Siguro ay hindi talaga sya ganuon kasuplada katulad ng iniisip ko. Hindi na ako nagsalita pa at sumabay nalang din sa kanya sa paglalakad. Hindi rin naman sya nagsasalita.

Thankful nalang ako ngayon dahil sa kamalasang nakuha ko ngayong araw ay si Karina ang naging swerte ko ng panandalian.

Pagkarating namin sa main building ay agad akong nagsabi ng “Thank you.” na hindi nya naman pinansin at dire-diretso lang syang umakyat ng hagdan. As usual agad na napatingin sa kanya ang iilang nakatambay sa may waiting area. Maging ako ay napasunod narin ng tingin sa kanya habang paakyat sya ng second floor kung nasaan din ang office ko. Same lang nga pala kami ng department magkaiba lang ng working area.

“Winter!” napatingin ako sa nagmamadaling si Yuna na palapit sa’kin. Sya yung isa sa mga nagging ka-close ko dito since trainee days. Isa sa maituturing ng tulad kong shy type na madaldal bilang friend.

“Anyare sayo vebs? Bakit parang sinalubong mo yung ulan?” agad na tanong nya sa’kin ng makalapit sya. Hinawakan nya pa ang suot kong blazer. “Wala ka bang payong na dala?”

Umiling ako.

“Okay. Sabay ba kayo ni Katarina?” ang bland ng pagka-okay nya tapos biglang excited sa tanong tungkol kay Karina. Sabi ko nga medyo nasanay na rin sila sa mga ganitong bagay. Simula ng masabi ko sa kanila ang pagiging attracted ng malas sa’kin ay nasanay nalang din sila. Ilang beses na rin naman kasi nalang nasaksihan.

“Naawa yata sa’kin, pinayungan ako.” sabi ko. Para naman agad kinikiliti si Yuna. Ano namang nangyayari sa babaeng to?

“Ooooiy. Pinayungan sya ni Katarina Yu.” Panunukso nya agad.

Luka to. Ano naman kung pinayungan ako ni Karina? I think natural response lang naman ang ganun kapag nakakita ka ng isang kawawang nilalang na basing-basa sa ulan.

“Ewan ko sayo. Samahan mo nalang ako sa cr magpalit.”

Sinamahan na ako ni Yuna sa pagkuha na extra kong damit sa locker hanggang sa makarating kami sa cr.

“Aaaaah!” tili ko ng muntik na akong madulas mabuti nalang at nahawakan agad ako ni Yuna.

“Winter naman. Di talaga nag-iingat!”

“Nag-iingat ako Yuna. Sa tingin mo ba dahil to sa pagiging careless? Lagi naman akong maingat ah. Kahit nga sa simpleng paglalakad lang ingat na ingat na ako. Diba pwedeng saktong nasa sitwasyon lang ako na ganito at minalas?” medyo naiinis kong sabi. Bakit ang akala ba ng lahat ay hindi ako nag-iingat? Na sa bawat galaw ko careless ako kaya ako nadadapa, nababagsakan ng kung anong bagay, nasasagi ng kanto ng mesa?

“Sorry. Ikaw naman kasi parang lagi nalang nasa isip mo na may manyayaring kung ano-ano sayo. Wag mo kasing iisipin na bawat araw nalang ay may kamalasan mangyayari sayo.”

“Hindi naman ako nag-iisip ng ganyan. Palagi nga akong nagma-manifest na swertehin ako sa bawat araw pero ewan ko talaga Yun, magnet nga siguro ako. Magnet ng kamalasan.”

Nakapag-palit naman ako ng maayos. Salamat kay Yuna na tinulungan talaga ako. Sabay na kaming pumasok ng office ni Yuna. Medyo nakakahiya pa dahil five minutes nalang ay magsisimula na ang morning meeting. Bawal na bawal pa naman ang ma-late sa morning meeting.

“Kinabahan ako sainyo. Akala ko hindi kayo aabot.” sabi ni Wooyeon, isa ko pang ka-close dito. Dalawa sila ni Yuna na palagi kong nakakasama.

“Alam mo naman Yeon, minalas na naman kuno sya. Basang-basa yan ng ulan buti nalang at sinuwerte, pinayungan ni Katarina.”

“Sino?!”

“Huy wag ka namang eskandalosa.” Suway ni Yuna. Napatakip naman ng bibig si Wooyeon at mabilis na nagsorry sa mga napalingon sa’min.

“Si Katarina nga. Pinayungan sya.” Ulit ni Yuna. Para namang sinapian ng kung ano bigla si Wooyeon at impit na tumili ito sabay hampas sa braso ko.

“Ang swerte mo naman Winter, close na kayo ni Katarina.” lukaret din to. Pinayungan lang close agad?

“Tinulungan nya lang ako. Yun lang. Di kami close.” Pagkasabi ko nyan ay di ko na inintindi ang mga tanong pa ni Wooyeon. Dumiretso na ako sa area ako at agad na kinuha yung notebook ko at ballpen.









Drain ang buong pagkatao na bumaba ako ng office. Feeling ko naubos na agad ang buong lakas ko sa mga documents na pinag-aayos ko kanina. Nahihilo ako sa dami ng mga kailangan basahin at alisin. Idagdag mo pa na minalas na naman ako. Ewan ko ba. Ingat na ingat naman ako sa pagsala ng mga documents tapos inaabot na nga ako ng isang oras sa isang plano lang pero may mali parin sa gawa ko.

Buhay nga naman.

“Ba't?”

Nagtatakang sambit ko ng may makita akong raincoat na nakasabit sa locker ko. Kanino to? Tinignan ko ng mabuti ito. Hindi naman to kay Yuna o kaya kay Wooyeon. Sino kayang nakaiwan nito dito sa locker ko?

Hinayaan ko nalang ito at naglakad nalang. Baka maalala ng may-ari at balikan din mamaya. Naglalakad na ako papuntang pantry at paliko na sana ng bigla nalang akong may nakabangga.

And viola. Basa na naman ako.

“Ano ba yan, di naman kasi tumitingin! Kukuha na naman ulit ako ng tubig nito.” Reklamo ng nakabangga ko na ipinamumukhang kasalanan ko pa ang nangyari sa bitbit nyang tubig.

Hindi ba sya aware na sya yung hindi tumitingin ng mabuti sa dinaraanan nya?

Magsasalita na sana ako ng may bigla nalang kumabig sa’kin pagilid. Napalingon ako rito dahil sino sya para sirain ang moment kong pagsalitaan itong babae.

Si Karina? Si Karina na naman? Bakit sya nandito?

“Here, take this. And apologize kasi it’s you na hindi tumitingin sa dinaraanan because you’re too focused dyan sa cellphone mo.” Seryosong sabi nya sa babae na napaabot nalang sa bottled water na ibinigay nya at napasabi ng mabilisang sorry bago tumakbo paalis sa harap namin.

Bago pa ako makapag-react ay hinila nya nalang ako bigla. Dinala nya ako sa loob ng isang cubicle sa cr at…tinatanggal ang butones ng suot ko?!

Malakas mo syang tinulak.

“Ouch.” Daing nya ng tumama sya sa pinto.

“Wh—what are you doing?” kinakabahang tanong ko sabay harang ng kamay ko sa diddib ko.

Ba’t bigla-bigla nalang tong nanghuhubad?

“Here.” Sabi nya na wala man lang ka energy energy. At parang wala lang sa kanya ang ginawa. Ako naman ay napatingin lang sa hawak nya. “You can wear this. I was just trying to help you changed since basa ang suot mo.”

Napakurap-kurap ako. Una, dahil sa sinabi nya. Pwede nya naman kasing sabihin na magpalit ako kasi basa ako. Ba’t kailangan may pa unbuttoned pa syang nalalaman? Pangalawa. Kelan pa nya bitbit ang damit na yan?

“Susuotin ko sana dapat yan. Pero mukhang mas kailangan mo.”

After nyang sabihin yun ay lumabas na sya ng cr at iniwan akong tulala rito.

Nakakaloka.










_____________________________________








First chap! Let me know if u find this interesting and if I should continue (≧▽≦)

Continuer la Lecture