Strange Love (Published By Vi...

Por CDLiNKPh

1.2M 5.4K 609

Shaine is a famous young international model with the world at her feet. But, as a girl who longs to be norma... Más

Strange Love
Chapter One: Perfect Lady
Chapter Three: Gender Dysphoria
Chapter Four: Girlfriend
Chapter Five: Confession
Chapter Six: Obviously In Love
Chapter Seven: Dinner With Parents
Chapter Eight: Jealousy
Chapter Nine: One Sided Love
Chapter Ten: Homophobic Parents
Where to read?

Chapter Two: Strange Feeling

34.3K 594 115
Por CDLiNKPh




Halos maglabasan na ang mga ugat sa lalamunan ni Damon dahil sa gigil habang hinahabol ang kapatid. Nakarating na silang dalawa sa sala kung saan nanonood ng TV ang mga magulang nilang sina Esther at Robert.

"Halika ritong kutong-lupa ka at nang matiris kita!"

Nasa bahay na sila kaya magagantihan na niya itong kapatid niya na pinahiya ang babaeng mahal niya kanina.

"Kuya, sorry na kasi! Huwag ka nang magalit!" hin-gi ng tawad ni Mei-Mei saka nagtago sa likod ng papa nila. Si Roberto ay nakatayo sa gilid ng sofa habang ang mama naman niya ay nakaupo sa sofa rin na iyon. Pilit naman niya itong inaabot pero iniiwas naman ni Roberto ang bunsong anak.

"Damon! Ano ba 'yan, para kayong mga bata! Ano bang ginawa nitong kapatid mo?" nagtatakang tanong ng ama nila.

"'Yang magaling mong anak, 'Tay, pinahiya iyong prinsesa ko sa school!" galit na galit na sigaw ni Damon.

Sa sinabi niya ay tiningnan naman ng masama ni Roberto si Mei-Mei. "Totoo ba iyon, Mei-Mei?" striktong ta-nong nito. Hindi rin naman makapagsinungaling ang mag-aling niyang kapatid dahil takot ito sa ama nila.

"Kasi naman, 'Pa, si Kuya, mas pinili pang samahan yung crush niya kaysa sa akin na mag-enroll. Inagahan ko na lang tuloy dahil ayaw ko silang makita. Pagkatapos 'yung Shaine niya e, sumingit pa sa pila," pangangatwiran ni Mei-Mei na parang isang maamong tupa, malayong-malayo sa amasonang side nito na nagtaray-taray kay Shaine sa enroll-ment.

"Hindi siya sumingit! Hinila siya nang guwardiya! Wala siyang magawa dahil natararanta na siya dahil pinag-kakaguluhan na siya ng mga tao. Sumunod na lang siya dahil lalo lang magkakagulo sa pila ng registrar kapag nagtagal pa siya roon!" naiinis na paliwanag ni Damon sa kapatid.

"Hmp! Pinagtatanggol mo lang naman 'yang babae na iyan, eh! Ang sabihin mo, ginagamit niya 'yung kasikatan niya para hindi na siya mapagod sa pagpila! Ordinaryong es-tudyante rin siya kaya dapat lang na maghirap siya!" naiinis rin na sagot ni Mei-Mei.

"Alam mo na ngang dinudumog na 'yung tao e, pa-pipilahin mo pa! Paano kung masaktan siya, ha? 'Di bale sana kung nasa tabi niya ako!"

"Bakit, ano ka ba niya? Bulldog o bodyguard para sundan mo siya kahit saan siya magpunta? Ganyan ka naman, e! Parang mas importante pa siya sa 'yo kaysa sa tunay mong kapatid!"

"Sasagot ka pa, ah?! Gusto mo yata talagang mako-tongan e—" Siya naman ang tiningnan ng masama ni Rober-to. Tumahimik siya at ibinaba ang kamay na inangat niya sa kagustuhang makotongan ang kapatid.

Bumuntong-hininga na lang si Roberto. "Mei-Mei, alam mo naman ang sitwasyon ni Shaine, hindi ba? May katwiran naman ang kuya mo, sikat siya at hindi malabong masaktan ng walang security. Paano kung ikaw ang nasa lagay niya tapos imbes na tulungan ka ay ipinahiya ka pa? Ano'ng gagawin mo?" mahinahong sermon ni Roberto.

Natahimik at napayuko na lang ito. At dahil doon ay napangisi si Damon. "Si Papa lang pala katapat nito," sa isip-isip niya.

"Mag-sorry ka sa kanya," sabi ni Roberto. Nag-angat ng ulo si Mei-Mei.

"Ayaw ko nga! Tama lang ang ginawa ko 'no! Wala naman akong kasalanan sa Shaine na 'yun!" pagmamatigas pa rin nito saka binalingan ang nakakatandang kapatid. "Ang sabihin mo, Kuya, sinadya mo lang magpatanghali para sa hulihan kayo ng pila mapunta at mas makasama mo pa siya nang mas matagal! Pakiramdam mo kasi knight in shining armor ka pero sa totoo lang e, mas kamukha mo naman iyong kabayo na sinasakyan ng isang prinsipe!" parang batang sabi nito na nagpaangat ng kilay niya.

"What did you say?!" Nilapitan niya ito.

"Pervert!" sigaw ni Mei-Mei na halos tumalsik pa ang laway sa kanya saka tumakbo paakyat ng hagdan para magkulong na sa kuwarto nito.

Susundan pa sana niya ito paakyat sa hagdan pero narinig na niyang inilock na nito ang kanyang kuwarto sa taas at nagdabog pa sa loob.

"Nakakainis talaga ang ugali ng batang 'yun! Ang sarap tirisin!" nanggigil na sabi ni Damon.

Lumapit naman si Roberto sa kanya at saka siya ti-napik sa balikat. "Anak, naiintindihan kita na may gusto ka kay Shaine pero sana ay huwag mo namang ihuli sa prior-ity mo ang kapatid mo. Kamamatay lang ng mommy niya. Naghahanap ng pagmamahal si Mei-Mei at tayo na lang ang meron siya kaya gusto ko na magkasundo kayo," mahinahon na payo ng ama nila.

Bigla siyang natigilan. Kinain siya ng kunsensi-ya. Hindi niya naisip na baka kaya lang nagpapapansin si Mei-Mei ay dahil kinulang ito sa pagmamahal noon. Nakiki-pag-asaran lang naman siya sa kapatid, pero alam ng Diyos kung gaano niya kamahal ang kapatid niya.

Nagkutkot naman ang loob ni Mei-Mei sa loob ng kuwarto niya habang yakap ang sarili na nakaupo sa sa-hig. Inis na inis siya sa kuya niya dahil pakiramdam niya walang mahalaga rito kundi puro si Shaine. Para bang sa bawat ugat ng utak nito ay nakaukit ang pangalan ng babaeng mahal nito at wala ng natirang espasyo para sa kanya. Pero sa kabilang banda, naisip niya, hindi nagalit sa kanya si Shaine kahit na sinupladahan niya ito kanina. Ng-initian pa nga siya nito. Biglang bumalik sa isipan niya iyong maamong ngiti at ang sinabi nito sa kanya kanina.

I wish lahat ng tao katulad mo...

Umiling naman siya. "Baka kunwari lang na hin-di siya galit pero deep inside ay baka gusto niya na akong kalbuhin kanina," bulong niya sa sarili niya saka napatingin sa poster na nasa dingding ng kuwarto niya.

Poster iyon ni Shaine na kinuha niya ng walang paa-lam sa kuwarto ni Damon. Idinikit niya iyon doon, pero hin-di para pagpantasyahan katulad ng ginagawa ng kuya niya na tinititigan ng buong maghapon ang mga pictures nito sa wall at kung minsan ay pinaghahalikan pa kapag walang na-katingin. Kinuha niya iyon para tusuk-tusukin ng cutter ang magandang pagmumukha nito.

Para siyang psychopath na nakatingin sa poster ni Shaine habang hinihingal sa sama ng loob. "You're just a face, Shaine! Iyang mukha mo lang na 'yan ang maganda sa 'yo at siguradong masama 'yang ugali mo. Ganyan naman kay-ong mayayaman, e! Ang gagaling ninyong kumuha ng loob ng ibang tao!" Nakangiti pa roon si Shaine sa litrato nito sa poster, pero lalo lang siyang nainis dito. Sigurado siya na wala itong maidudulot na maganda sa kuya niya.

"Ah basta," sabi niya sarili. "Kailangan kong itanim sa isip ko na magkaaway tayo dahil ikaw ang babaeng gusto ng Kuya Damon ko."


--------------------

DUMAAN ANG MARAMING ARAW at singbilis ng pag-ihip ng hangin ang oras. Halos inaantok pa si Mei-Mei pero kailan-gan niyang pumasok ng maaga dahil unang araw ng klase.

Wala namang masyadong nagbago. Second year college na siya ngayon sa kursong HRM at halos lahat din naman ng mga kaklase niya ay same faces pa rin. Ganoon naman iyon, e, kahit magpalit ang taon o semester ay wala namang nadagdag sa klase nila. Kung mayroon man, bihi-rang mangyari at kadalasan ay mas marami pang nababawas dahil sa mga nagda-drop out kaysa sa mga dumadagdag.

Pagpasok niya sa classroom nila ay nagulat siya ng makitang wala pa si Mr. Facundo, ang titser na kilala sa sarili nitong batas na 'Complete Attendance at No Late Policy' pero ngayon ay nabali ata 'yun. Mga halos kalahating oras na rin siyang naghihintay at wala pa rin ito. Nababagot at naiinis na siya. Nang matapos ang ilang minuto pang pagtunganga ay sa wakas, dumating din ito.

"Sorry, I'm late, may inayos lang akong importante. But I have a good news for you. Siguradong matutuwa kayo kung sino ang bagong kaklase ninyo ngayon," sabi ni Mr. Facundo na kilig na kilig.

Matandang binata ito pero dahil sa kilig nitong pina-pakita ngayon ay mukhang may nabinggwit na siguro itong isda. Wish niya ay sana hindi bilasa.

Pero nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang mahinhin at parang Diyosa na pumasok sa class-room nila. Tila ito naglakad sa ilalim ng spotlight na may kasama pang mga nahuhulog na petals. Lahat ng paningin ng mga kaklase niya ay napako rito. Pinong-pino ang kilos nito at napaka-elegante. Para bang nanggaling ito sa ibang mundong malayo sa mundo ng mga taong ordinaryo lang ang ganda katulad niya.

"Bakit nandito si Shaine?" nagtatakang tanong ni Mei-Mei sa sarili niya.

Nagtama ang mga mata nila na halatang ikinagulat din ni Shaine dahil napapitlag pa ito nang mapatingin sa kanya.

Hindi niya makakalimutan ang mukha ng babaeng nang away sa kanya noong enrollment. Nakataas pa ang isang kilay nito habang nakatingin din sa kanya. Tila nagkaroon ng mga paru-paro sa kanyang tiyan. Naiilang talaga siya sa mga tingin nito. She had never felt inferiority in her entire life before, siguro dahil buong buhay niya ay itinuturing siyang espesyal ng mga tao sa paligid niya, because she's pretty, rich and famous katulad ng palaging sinasabi ng iba. Awtomatiko na ang lahat ng tao ay gustong -gusto siya at ginagawa lahat para mapalapit sa kanya at siguro makakuha ng kahit anu-mang pabor mula sa kanya, pero ang babaeng iyon, ay walang pakialam sa kung sino man siya. She is looking at her as an ordinary person.

"Class, I know na kilala ninyo na kung sino siya. But she still needs to give some proper introduction. So, Ms. Shaine, please introduce yourself," parang host sa beauty pag-eant na paanyaya ni Sir Facundo.

Tumango naman siya saka pumunta na sa harapan. Tahimik naman ang lahat ng estudyante. Nakatulala lang sa kanya. "Good morning classmates. A-ah, I'm Shaine Laut-ner—"

Biglang tumili ang isang babae roon. Nanlaki ang mga mata ni Shaine nang mamukhaan na iyon din iyong babae na tumili sa kanya noong enrollment. Ang fangirl niya.

"Kaklase natin si Shaine Lautner! She is in front of me! I'm... gonna... DIIIIEEEE!!!!" Halos naha-hyperventilate na ito.

Nabingi siyang bigla sa pagtili nito. Nahawa na tuloy ang halos lahat ng mga kaklase nila kaya nagkagulo at umin-gay na sa buong klase bukod lang doon sa babaeng masungit. Tahimik lang ito at parang walang pakialam sa kanya.

Nag-umpisa na siyang ma-tense ng pati sa bintana ng classroom ay nakita niyang may mga estudyante na rin doon ang nagsisilabasan galing sa kabilang section. Dapat yata ta-laga ay kumuha siya ng mga bodyguards just like what Da-mon said para siguradong ligtas siya. Pero gusto nga niyang mamuhay lang ng ordinaryo, e. Mas lalong mararamdaman niyang hindi siya normal na estudyante kung may mga body-guards siya sa paligid niya.

Nagsitayuan pa sa upuan ng mga ito ang mga kaklase niya para lang lumapit sa kanya sa unahan Sangkaterbang ta-nong na naman ang binato ng mga ito sa kanya at muntikan na siyang gitgitin ng mga ito pero agad na pumagitna si Sir Facundo.

---------------------------------

"STOP IT!" Halos parang kidlat na dumagundong ang boses ni Mr. Facundo, kaya tumahimik ang loob ng classroom.

"Ano ba naman kayo? Nabalitaan ko na pinagkagu-luhan din si Ms. Shaine noong nag-enroll siya rito and you're giving her the same trauma! What do you guys think that you're doing? Pinabababa ninyo ang mga sarili ninyo! Do you really want to give her a heart attack? If you guys want to be her friend, kumalma kayo. She's already part of this school now and consider yourself lucky dahil ang Sacred Heart Academy ang napili niya. Don't make her regret that!" pane-nermon ng guro na parang isang pari.

Natahimik naman ang mga estudyante at parang nakunsensya. Unti-unti nang nagsibalikan ang lahat sa kani-kanilang upuan. Maging ang mga nasa labas ng clas-room nila ay nagsibalikan na rin dahil dumating na ang na-ka-assign na teachers sa klase ng mga ito.

"Ms. Shaine, please continue," baling na sa kanya ni Sir Facundo.

Bumuntong hininga muna siya saka tumingin ulit sa buong klase. "I'm Shaine Lautner. Half-Filipino, Half Amer-ican. I grew up here in the Philippines, but we migrated in United States when I was eleven years old because of our fam-ily business. When I was there, I realized that I wanted to be a model. At first, my mother was reluctant about it, but later on she gave me her consent. I'm a kind of person who'll do anything just to get whatever I want. And I know that my life as a model ended up when I left United States. I want to begin a brand-new life. I want to be an ordinary student here in Sacred Heart Academy. So, I hope you guys will understand that I want to live a normal life as well. I love my fans but just like what I've said earlier, I'm no longer a celebrity. I'm just an ordinary student, now just like you guys. So please, don't get too excited just because of me. I want to become friends with all of you, not as a Shaine, who is the super model or whatev-er you're calling me, but as an ordinary girl. That's all. Please take care of me, classmates."

Natahimik ang buong klase sa sinabi ni Shaine. Sa paningin nila ay para itong nagniningning na isang babaeng anghel na bumaba sa lupa.

"Welcome to Sacred Heart Academy, Ms.Shaine, you may now take your seat," nakangiting sabi ni Sir Facundo. Tahimik na ang lahat pero nakatulala pa rin ang mga ito sa kanya at sinusundan ang bawat galaw niya. Samantalang siya naman habang naglalakad papunta sa upuan niya ay nakiki-ramdam sa mga kaklase niya kung nagustuhan ba ng mga ito ang sinabi niya o baka na-offend niya ang mga ito sa pagsasa-bi niya na kung maaari ay tratuhin lang siya ng normal.

Umupo na siya sa bandang unahan hanggang sa nag-turo na sa klase ni Sir Facundo. Habang nagtuturo ang guro nila ay naramdaman niyang bigla na parang may nakatingin sa kanya. At nang lumingon siya sa bandang likuran ay nakita niya iyong babaeng masungit.

Bigla siyang napalunok. Nakapangalumbaba ito at titig na titig sa kanya. "May ginawa na naman ba akong ma-sama?" tanong ng isipan niya. Pero nagulat siya nang ngumiti itong bigla sa kanya. Saglit siyang natigilan. Tila ba pananda-lian siyang nawala sa sarili niya at natunaw lahat ng dingding na nakaharang sa mundo niya.

---------------------------------

HINAHANAP NG MGA MATA ni Shaine si Damon dahil gusto sana niya na magkasabay silang kumain pero bigla siyang na-ka-receive ng text galing dito na masakit daw ang ulo nito. Bigla tuloy siyang nag-alala para sa kaibigan. Ito lang naman kasi talaga ang dahilan kung bakit ginusto niya na sa Sacred Heart Academy mag-aral. Gusto kasi niya ay magkasama sila.

Nagpasya siya na sa rooftop na lang kumain dahil ang sabi ni Damon noon ay doon daw halos walang taong napapadaan kapag launch break na. Pagdating niya roon ay umupo siya sa isang tabi sa sulok. Mabuti na lang at hindi mainit. Maaliwalas ang panahon at medyo malamig kaya masarap tumambay doon. Tahimik pa.

Mag-uumpisa na sana siyang sumubo nang big-la niyang namataang papalapit sa kanya iyong masungit na babaeng nang-away sa kanya noong enrollment. Bigla na naman siyang kinabahan.

"Anong ginagawa niya rito? Aawayin na naman ba niya ba ako?" tanong ng isip niya.

"Sabi ko na nga ba at nandito ka. Wala namang ibang mapagtataguan ang isang sikat na katulad mo kundi rito. 'Yung mga fans mo, pinaghahanap ka sa ibaba. Kahit na sinabihan mo na sila at pinagalitan pa sila ni sir kanina e, marami pa ring matigas ang ulo na gustong isiksik ang sarili nila sa 'yo," sabi nito saka nilingon ang lugar. "Sino namang mag-aakala na sa ganito kaalikabok na lugar ka magtatago?" nakatawang sabi nito saka umupo sa tabi niya.

Bigla siyang napa-atras. Rinig na rinig niya ang mal-akas na tibok ng puso niya lalo pa at malapit lang ito. Hindi siya makumortable sa pagkakaupo niya.

"Sorry nga pala sa pagiging rude ko sa 'yo noong en-rollment. Mainit lang talaga ulo ko niyon kasi may period ako e." Bumingisngis ito.

Natulala siya nang makitang ang cute pala nitong tumawa. Pantay-pantay ang ngipin ng babae. Ang buhok naman nito ay curly na hanggang baba ng balikat ay umaalon din sa bawat pagtawa nito. Simple lang din itong magdala ng damit pero bumabagay naman dito.

Nakaputing t-shirt, maong skirt at simpleng doll shoes lang naman ito pero kahit gano'n ay nadadala pa rin nito ng maganda at maayos. Ang feminine at inosente pa ni-tong tingnan kaya naman ang ngiti nito ay mas lalong bum-abagay rito.

"Huy! Ayos ka lang? May dumi ba sa mukha ko?" Bigla siya nitong niyugyog dahil nagtataka siguro na nakatu-lala lang siya rito. Para siyang lalong napaigtad nang maram-daman ang kamay nito sa balat niya. Hinawakan siya nito.

"A-ahm, hi-hindi ka naman da-dapat mag-sorry, e. Wala ka namang ginawang masama. Naging p-patas ka lang," nabubulol pang sabi niya. Alam niya na namumula rin ang mukha niya habang nagsasalita siya. Hindi na talaga niya maintindihan ang sarili niya. Bakit ba siya natutuliro sa harap ng babaeng ito?

"May dapat ka talagang ikagalit sa akin, Shaine. Kasi puwede naman kitang pagsabihan ng hindi kita pinapahiya pero naging bastos ako. Sorry, ha," malambing na sabi nito. "Akala ko kasi maarte ka dahil ang ganda-ganda mo, sikat at mayaman ka pa. Akala ko noon, lahat ng katulad mo e, gano'n pero mukhang hindi naman pala. Kasi nagta-tiyaga ka ngang kumain dito sa rooftop e," dugtong pa nito.

Mariing pinapakinggan ni Shaine ang salitang lum-alabas sa bibig ni Mei-Mei. Hindi niya maintindihan sa sarili niya kung bakit tila sarap-sarap na siyang pakinggan ang bo-ses nito.

"Pero hindi ka dapat pumirmi rito, Ate Shaine. Gusto mong maging ordinaryong estudyante 'di ba? Hindi mangya-yari 'yun kung wala ka namang kaibigan dito sa school. Kahit baliw ang mga fans mo, mas maganda nang may kasama ka kaysa wala. Magmumukha kang kawawa, sige ka," pang-aasar pa nito.

Naisip niya na tama rin ito. Ang problema kasi sa kanya ay parang masyado na siyang kuntento kahit na si Da-mon lang ang kaibigan niya. Para bang ayos lang sa kanya kahit na sila na lang palagi ang magkasama.

"Ako na lang nang ako ang nagsasalita. Parang hindi ka naman ganyan kanina no'ng nagpapakilala ka sa klase, e. Pero bakit ngayon, parang nanginginig pa ang boses mo ka-pag nagsasalita?" tanong nito na bahagya pang inilapit ang mukha sa kanya.

Napatitig siya nang maigi sa mga mata nito, parang ikinukulong siya at hindi siya makahinga. Pati ang pintig ng puso niya ay tila kumakatok ng malakas at gustong luma-ya. Nawawalan siya ng dila at natataranta ang utak niya kaya wala siyang masabi. Ramdam niya na nag-iinit na ang mukha niya sa pamumula.

"Ako nga pala si Shiela May Vergarra pero mas gusto kong tinatawag akong Mei-Mei kasi cute pakinggan, parang ako!" Bumungisngis na naman nito. "Iyong sinabi mo dati na gusto mo akong maging friend? Tinatanggap ko na 'yun ngayon!" malaki ang ngiti na sabi nito sabay kuha sa kamay niya at kinulong ang palad niya sa malambot na palad nito.

Dahil sa pagkabigla ay agad niyang binawi ang ka-may niya rito na kinagulat din ng isa.

Napansin niya na parang sumimangot ang mukha nito pero nawala rin iyon agad.

Nakaramdam si Mei-Mei ng pagkapahiya. "Pasensya ka na kung madumi iyong kamay ko. Inutusan kasi ako ni Mr. Facundo na maghanap ng mga files niya sa faculty kanina. Medyo maalikabok din do'n kaya ayun."

"Mei-mei—"

"A-ahm, mauna na pala ako. Nakalimutan ko na may gagawin pa pala ako sa ibaba. Saka nakalimutan ko rin iyong lunch box ko sa class room, e. Sige, bye!" Tumayo na ito at tu-makbo na palayo sa kanya. Ni hindi na nito pinansin ang pag-tawag niya hanggang sa makaalis na ito ng tuluyan sa rooftop.

Napabuntong-hininga siya. Bigla siyang nag-alala. Na-misunderstood na naman yata siya nito. Baka isipin na naman nitong ubod siya ng arte, kaya bumitaw siya. Sa nang-yayari ngayon sa kanya e, pakiramdam niya ay buong araw na siyang hindi mapapakali. Nawalan na rin tuloy siya ng ga-nang kumain at nagpabalik-balik na lang ng lakad sa bawat sulok ng rooftop.

Napatingin siya sa kamay na hinawakan ni Mei-Mei kanina. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin iyon. She hates the way her warmth left on her skin. It felt uncanny, as if her nerve fibers were protesting to the heat passing to her spinal cord towards her brain. Her heart skipped. An alarm-ing thought slip through her mind. Mei-Mei is a dangerous little girl and keeping herself near her is courting disaster.

-------------------

"I'M TELLING YOU, KUYA! Maarte talaga iyong Shaine na 'yun! Kanina nga nakikipag-shake hands lang ako e, parang dir-ing-diri pa siya. Nakakainis! Purkit maganda lang siya, akala mo kung sino na!" inis na kuwento niya sa kapatid.

Nandoon na naman siya sa kuwarto nito at nakaupo sa swivel chair ng study table nito habang ng kuya niya naman ay nagpu-push up.

Sa totoo lang ay pumunta lang siya sa kuwarto nito para lang sabihin kung gaano kasama ang ugali ng babaeng kinababaliwan nito.

Tumayo ito at kinuha ang tubig nito para uminom. Kanina pa ito nag-e-exercise sa kuwarto nito habang walang t-shirt. "Hindi maarte si Shaine, I know her more than any-one else in this world, Mei-Mei. Simple nga lang siya kahit almost perfect na siya." Napangiwi si Mei-Mei sa sinabi ni Damon.

"Saka talaga namang nakakadiri ka, e. Kahit nga ako, ayaw kong lumapit sa 'yo," dugtong pa ni Damon saka para itong baliw na tumawa nang malakas.

Hinagisan niya ito ng unan na nakuha niya sa gilid ng kama nito sa sobrang inis niya rito. Wala siyang ibang ini-sip kundi ang mag-alala para rito tapos ito naman ay walang ibang ginawa kundi ang asarin siya? Sapul sa mukha nito ang unang tinapon niya.

"Hindi ka ba talaga naniniwala sa akin? Para ba tal-aga sa 'yo, ay perpekto iyang Shaine Lautner na 'yan? Well , kung ganoon, love is really blind!"

Ngumisi si Damon nang tanggalin nito ang unan sa mukha nito.

"Yes Baby. She's really perfect to be my girlfriend. Si Shaine ay isang anghel na regalo ng langit para sa aming mga lalaki. She's so beautiful, kind, smart, elegant, lahat na! Hindi gaya mo bunso, kung gusto mong may magkagusto sa 'yong lalaki e, mag-ayos ka naman, hindi iyong to-tomboy-tomboy ka kung kumilos kahit mahilig kang magpalda. Ang baba pa ng mga grades mo at sobra mo pang sungit. Paano kang ma-gugustuhan ng mga lalaki niyan? Bakit hindi mo gayahin si Shaine, lahat ng katangiang na magugustuhan ng isang lalaki sa isang babae eh na sa kanya na—"

"Iyon nga lang, babae rin ang gusto niya," pagputol niya sa mahabang sinasabi nito dahil para na iyong nobela sa Wattpad. Mahina lang ang pagkakasabi ni Mei- Mei pero parang bomba ito sa lakas para sa pandinig ng kuya niya.

"Ano'ng kalokohan naman 'yang sinasabi mo?!"

"Kanina sa room, ilang beses ko siyang nahuling na-katingin sa akin. Nanginginig siya kapag kaharap ako at pa-rang nawawala sa sarili. 'Yang si Shaine, may gusto sa akin—" Naputol ang sasabihin pa sana niya dahil si Damon naman ang nagbato ng unan sa mukha niya. "What is that for?" inis na tanong niya.

"You're losing your sanity! Nababaliw ka na! Luma-yas ka nga sa kuwarto ko!" Parang nakarinig ng isang mal-aking kalokohan si Damon. Pakiramdam nga niya ay parang gusto pa siyang sapukin ng kuya niya nang dahil sa sinabi niya. Sa isipan niya, ano bang magagawa niya kung iyon lang ang makita niyang eksplenasyon kung bakit parang taran-tang-taranta si Shaine sa harapan niya kanina?

Sa inis ni Damon ay tinulak siya nito paalis sa study table nito at binuksan ang laptop nito. Nakita niya roon ang ini-edit nito na picture ni Shaine sa photoshop. Sa picture na ini-edit nito ay naka-wedding gown si Shaine at nakabarong naman ito na parang ikinakasal ang dalawa.

"Stalker ka talaga, Kuya! Kapag nakita ni Shaine 'yan ay itatakwil ka na niyang kaibigan. Masyadong kang obsessed! Basta, kung ayaw mong maniwala eh 'di huwag! Ikaw na ang ma-in love sa boom ti boom! Hindi magtatagal, maglaladlad din 'yang si Shaine at imbes na maligawan mo ay ako pa ang liligawan niya! Ha-ha-ha!" pang-aasar pa niyang lalo sa kuya niya.

"Shut up!" napipikon na sabi nito kaya lalo lang si-yang natawa. Nagtakip ng tenga si Damon.

Mula sa kuwarto ni Damon sa taas ay nakarinig sila na biglang may nag doorbell mula sa ibaba. Natatamad pa sana siyang bumaba kaso wala naman ibang magbubukas ng pinto dahil wala ang mga magulang nila at nag-date kaya naman lumabas na siya sa kuwarto ni Damon.

"Saglit!" sigaw niya habang bumababa ng hag-dan dahil pindot ng pindot ang nasa labas ng pinto.

"Nakakarindi! Akala mo katapusan na ng mundo kung makapindot ng doorbell ang nasa ilabas!" inis na bu-long niya sa sarili.

Pagbukas niya ng pintuan ay nagulat siya nang maki-ta kung sino ang naroon. Ang topic nila ng Kuya Damon niya. Si Shaine Lautner. 

Seguir leyendo

También te gustarán

84.3K 5.5K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
339K 23.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
541K 18.6K 56
[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet and Cinderella May dalawang tanong sa k...
10.1K 807 6
She was fine . . . or that's what she thought all along.