Let me love you

By yanieliscious

3.7K 32 1

I'm Reena. I was nineteen when I fall in love and now that I'm twenty, I'm pregnant with no one 's around. Ju... More

Let me love you
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 3

311 3 0
By yanieliscious

Chapter 3

Nila- lock ko yung pinto ng dorm ko ng may biglang tumawag sakin. “ Ree..”

Napalingon ako para tingnan kung sino yung tumawag. Napangiti ako nung makita ko siyang nakatayo sa tapat ko habang nakangiti, tinaas niya yung hawak hawak niyang plastic bag na for sure pagkain ang laman.

“ Ree huh? “ naglakad ako paalis sa dorm ko habang sumunod siya sakin. Ree? Nickname ko yun sa family ko. Sa tatlong taon kong andito sa Manila walang nakaisip tumawag sakin ng ganun. Kahit si Nick. Reena ang tawag niya sakin.

“ Ayaw mo? Ang haba kasi ng Reena. Mas madaling sabihin yung Ree. Mas maganda kung REE REE. “ tiningnan ko siya. Nakangiti lang siya habang nakatingin ng diretso sa dinadaanan namin. Masyado na siyang kumportable sakin ah. Di pa naman namin kilala ang isa’t isa.

“ Mmm. Ree. Ree. “ tumango tango ako. Ok lang. Cute naman. “ So, Bas na lang itatawag ko sayo? Masyado din kasing mahaba yung Baste? “ pangloloko ko sa kanya.

Napatawa siya ng mahina sa sinabi ko. Nice. Feeling ko kumakanta siya. Yung boses niya kasi maganda pakinggan. Hindi nakakairita.

“ Nickname ko lang yung Baste. No need sa pagpapaiksi pa. “

“ Oh? Ano full name mo? “ curious na tanong ko sa kanya. Baste, nickname. So ang name niya is... Bastillo? Pfft. Bastillo? Saan ko naman napulot yun!

“ Sebastian. Sebastian Marasigan. “

“ Nice name. I’m Reena, Reena Valdes.”

Tumango tango lang kami parehas matapos namin malaman ang buong pangalan ng bawat isa. Hindi talaga familiar sakin yung name niya. Wala namang nababanggit si Nick sakin about sa barkada niyang may name na Baste kaya siguro hindi talaga sila magkaibigan ni Nick. Pero kung classmate siya ni Nick.. wala lang. Hindi ko din naman kilala mga classmate ni Nick. Kung sino lang close niya, yun lang kilala ko.

Naglakad kami papasok ng univesity. Naalala ko nung freshman pa lang ako dito. Bago lang din ako sa Manila nun. I’m from Cavite. Pinili ko na lang mag dorm para less hassle sa byahe. Malayo din kasi masyado.

New surroundings. New faces. Lahat new. Kabang- kaba talaga ako sa first day ko dito. Hindi ko alam kung ano yung feeling sa college, sa totoo lang ako pa lang ang mag co-college sa family namin. I’m the oldest. Meron akong younger brother. Si Ralph, 10 pa lang. Malaki talaga yung age difference namin. Ayaw kasi nila Mama and Papa na maranasan naming hirap makapag-aral. Education kinuha kong course. Gusto ko talagang magturo. Ang sabi sabi, mahirap na daw sa college. Dapat focus ka na sa pag-aaral. Hindi na laro-laro which is not entirely true.

Once na nakapag college ka na. You’ll experience a lot! As in a lot! Inom, barkada, gala, cutting class na akala ko sa highschool lang nagagawa, pati pagbagsak sa mga subjects mo na hindi mo alam kung paano mo mahahabol dahil hindi lahat ng mga professor pumapayag sa special project, mararanasan mo.

But in my case. Hindi ako nakaranas niyan. Ang tanging naranasan ko lang ay ma-in love. Nakilala ko si Nick sa isang class ko last year. Naubusan daw siya ng slot sa isang subject kaya pumili na lang siya ng ipapalit. That day, we became friends.

That year was my happiest year. First of all first. Wala akong problema kay Nick. Mahal niya ko. Mahal ko siya. Hindi siya bulakbol na estudyante. May mga barkada man siya pero hindi siya ganun sumasama sa kanila. May pangarap si Nick, at yun ang gusto ko sa isang lalaki.

Taga bulacan si Nick. Last year nagbalak kaming pumunta sa kanila. Sabi niya ipapakilala niya na daw ako sa parents niya kayalang hindi natuloy kasi may problem na dumating sa family nila na inintindi ko naman. Yung feeling na alam mong proud na proud yung boyfriend mong ipakilala ka sa family niya eh masaya na sa pakiramdam.

Nagplano kami this coming sembreak, pupunta kami samin para ipakilala ko siya sa family ko which is good. Kasi siya ang nag iinsist. Alam ko hindi pa masyadong payag sila Mama sa pag bo-boyfriend ko especially kay Papa pero malakas ang loob ko na pag nakilala nila si Nick magugustuhan nila.

Pero ngayon, malapit na mag sembreak at umalis pa si Nick. Hindi niya ko tinatawagan, hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko. Nag- aalala na ko para sa kanya. Hindi kailanman nakalimutan ni Nick na sabihin sakin ang mga balak niya. Lalo na ngayong kailangan kong sabihin sa kanya ang kalagayan ko.

“ Ree. Ok ka lang? “

Bumalik lang ako sa wisyo ng magsalita si Baste. Kanina pa pala ako nag-iisip masyado. Tiningnan ko siya sabay ngiti. Nag- aalala yung reaksyon ng mukha niya. Siguro kanina niya pa ko tinatawag pero hindi ko siya naririnig.

“ Ok ka lang? Masama ba pakiramdam mo? “ tuloy tuloy na tanong niya.

Inalalayan niya kong umupo sa upuan sa isang vacant table. Nasa canteen na pala kami hindi ko namalayan.

“ Uh? O-oo. May naisip lang ako. “ nginitian ko siya habang pinatong ko yung gamit ko sa kabilang silya.

Pinatong niya yung plastic bag na dala dala niya sa table sabay labas ng tatlong container. Red, yellow, green. Tinanggal niya yung takip nung green na container. Mainit na kanin yung nakalagay tapos binuksan na din niya yung natirang dalawang container. May lamang hotdog, scrambled egg, ham at may gulay sa gilid.

Bigla akong nagutom sa nakita ko. Ginawa niya ba to? Dahil kung oo, sana lagi na lang siyang andyan para pakainin ako.

May kinuha siya sa back pack niya na mini thermos yung silver. Inabutan niya din ako ng kutsara at tinidor.

“ Kain na. “ utos niya sakin.

Tiningnan ko lang siya habang hawak yung kutsara’t tinidor sa magkabila kong kamay.

“ Huy. Kain na. Ayaw mo ba? “

“ uh? H-hindi. I-ikaw? Kumain ka na ba? Ikaw ba nagluto nito?” mautal –utal kong tanong sa kanya.

“ Kumain na ko bago umalis sa dorm ko.” nagkamot siya sa likod ng ulo niya bago magpatuloy sa pagsasalita. Mannerism na ata niya yun pero ang cute. Black na black kasi yung buhok niya na medyo may hairstyle. Hairstyle nga ba niya yan o wala lang, parang hindi siya nagsusuklay pero maayos pa din tingnan. Nag co-contrast yung buhok niya sa mata niya. May pag ka brown kasi yung mata niya, medyo makapal yung kilay niya pero hindi naman ganun kakapal at yung eyelashes niya tama lang sa mata niya. Matangos yung ilong niya tapos meron siyang labi na hindi manipis hindi rin makapal tama lang tapos may natural na kulay. Hindi maitim. Mas maputi yung complexion niya kumpara kay Nick. All in all, gwapo siya. Bakit ngayon ko lang siya napansin? Hahaha. Joke lang! Nababaliw na naman ako.

 “ Oo. Yan lang naluto ko. Tinanghali kasi ako ng gising. “ pagpapaliwanag niya.

“ Nagluluto ka? Marunong ka magluto? “ tanong ko sa kanya habang nagsimula na kong kumain. Baby, busog ka na naman nito dahil sa lalaking to at masarap yung luto niya hindi katulad ng luto ni Mommy, nasunog ko pa yung itlog na niluto ko kagabi.

Tumango tango lang siya habang pinagmamasdan niya kong kumain, hinayaan ko lang naman siya. Gutom na kasi ako. Pinagtyagaan ko lang yung niluto ko kagabi. Tostadong itlog.

Binuksan niya yung thermos at sinalinan niya ko ng maiinom. Gatas. Mainit na gatas yung laman. Talagang pinaghandaan niya pa ko. Napakabait ng lalaking to! hindi naman niya ko lubos na kilala, ni kaibigan hindi naman. Pero sa ginagawa niya, parang matagal na kaming magkakilala.

“ Salamat. “ ininom ko yung gatas pagka abot niya sakin. Nahihiya na ko sa kanya. Ang dami na niyang naitulong sakin.

“ Ah. Baste. Bumalik na ba si Nick? “ mahinang tanong ko sa kanya.

Napatigil siya sa pagsasara ng thermos. Parang nabigla siya sa tinanong ko.

“ Hindi pa. “ matipid na sagot niya.

Ano na ba kasing nangyari kay Nick. Hindi man lang niya ko itxt kung buhay pa ba siya. Bakit may masama akong pakiramdam na wala talagang balak si Nick na sabihin sakin kung ano ng nangyayari sa kanya.

“ Ah. ganun ba. “ nawalan ako ng ganang kumain. Ayaw ko mang isiping umalis talaga si Nick ng walang balak ipaalam sakin pero yun ang pumapasok sa isip ko. Iniwan na lang ako bigla ni Nick. Iniwan niya kong mag-isa na haharap sa parating na bagong buhay na to na dapat kasama ko siya ngayon kasi parehas namin ginustong gawin yun!

“ Ree. Sinabi mo na ba kay Nick ang tungkol dyan sa kalagayan mo? “ mahinahon na tanong niya sakin.

Umiling iling lang ako bilang sagot. Ayokong sabihin kay Nick sa txt lang, ang gusto ko sa personal para makita ko kung anong magiging reaksyon niya. Kung gusto niya ba o ayaw niya.

Napabuntong hininga siya bago magsalita ulit. “ Ree. Tungkol kay Nick. . . . nag drop na siya. Hindi na siya babalik dito. “

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Bigla ko na lang nabitawan yung hawak hawak kong kutsara at kinuha lahat ng gamit ko. Tumakbo ako palabas ng canteen. Palayo kay Baste kahit na narinig kong tinawag niya ko.

Hindi totoo yun. Nagsisinungaling lang si Baste! pano naman niya malalaman yun! eh hindi niya nga kaibigan si Nick! Sinungaling siya! Hindi na ko lalapit sa kanya! Ayoko na siyang makita!

“ Oi. Reena. Anong problema? “ narinig kong salubong sakin ng isang babae. Hindi ko na nakita kung sino yung nagtanong basta nagmadali lang ako umalis sa University.

Niyakap ko yung tyan ko habang pinipigilang tumulo yung mga luha ko.

“ Baby. Sinungaling ang lalaking yun. Wag kang maniniwala sa sinabi niya! Babalik si Nick. Babalik ang Daddy mo... Nagsisinungaling lang siya. Sinungaling siya. . .”

 

xoxoxoxoxoxox

<3 Yanie

Continue Reading