Un-tie (R-18)

By Sha_sha0808

478K 19.7K 2.7K

Un-tie (R-18) Ordinaryong estudyante lang ako sa harap ng mga kakilala ko pero nawalan Ng kalayaan mula nang... More

prologue
1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
5
6(R-18)
chapter 7
chapter 8
chapter 9
10
11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
15
chapter 16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
tanong
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
Finale

44

6.6K 320 66
By Sha_sha0808




















Unedited...









"Uwi na ako," paalam ni Zia.

"Hindi ka ba talaga makapaghintay?"

"Tatawag ako mula dito hanggang sa dumating ako sa bahay tapos ilapag ko ang cellphone ko sa mesa at panoorin mo ako habang natutulog ako."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin," tanggi ni Reon na ayaw payagang mauna si Zia.

"Ayaw ko na ng gulo, Reon. Gusto ko lang magpahinga dahil pagod ako at mamayang gabi pa ang uwi mo," giit ni Zia.

"So? Pwede ka namang magpahinga rito sa kwarto a. Gisingin na lang kita."

"Eh kasi wala kang tiwala sa akin, Reon. Naiwan ko nga ang notes ko sa bahay!" giit ni Zia dahil hindi makapag-aral kapag nandito.

"Wala akong sinabi. Of course may tiwala ako sa 'yo."

"Then pauwiin mo na muna ako!" ani Zia. "Bakit ayaw mo?"

"Sige, umuwi ka na," pagpayag ni Reon kahit na napipilitan lang.

"Bye!" sabi ni Zia at hinalikan ito sa kanang pisngi saka lumabas sa opisina.

Lumabas si Reon pero nagulat niya dahil nasa pintuan si Mary.

"Kanina ka pa?"

"Sakto lang para marinig ang pagtatalo ninyo."

"Tsismosa ka talaga."

"Narinig ko kaya wala akong choice," sabi ni Mary. "Madalas na ang pagtatalo ninyo ah. Hindi na healthy 'yan."

"Habang tumatagal, nagiging matigas ang ulo eh!"

"Wag mong masyadong higpitan, baka magsawa 'yan," sabi ni Mary. "Masyado kang mahigpit sa kanya."

"Inaalala ko lang sya."

"Siya nga ba o ang sarili mo, Reon?" balik-tanong ni Mary. "Takot ka bang iwan na naman? Nasasakal na siya."

"Pati ba naman ikaw?"

"Dahil simpleng bagay ay pinapalaki mo kaya kayo madalas na nagtatalo. Ikaw ang matanda kaya ikaw ang umunawa."

"Kailan din ba ninyo ako unawain?"

"Nauunawaan ka naman ng lahat pero sa inyong dalawa, ikaw ang mas may edad at mas may experience kaya ikaw ang dapat na mag-adjust!"

"Oo na! Ako na! Sinusubukan ko sana happy na kayo!" napailing na sabi ni Reon. "Oh, ano ang kailangan mo? Baka nakiki-marites ka lang?"

Sinabi ni Mary ang pakay kay Reon kaya pumayag ang binata na bigyan ito ng isang linggong vacation with pay.

Naupo si Reon sa table. Saktong tumunog ang cellphone dahil tumatawag si Zia.

"Hi."

"Nasa bahay na ako," sabi ni Zia. "Maliligo lang tapos magpapalit ng damit at magluluto."

"Huwag ka nang magluto, magpapa-deliver ako. Ano ba ang gusto mo?"

"Fried chicken yung wings," sagot ni Zia.

"Okay," sabi ni Reon. "Ako na lanf pala ang dadaan mamaya. Sa KFC ba gusto ko?"

"Chowking gusto ko. Pabili na rin ng buchi."

"Sige. Ano pa?"

"Yon lang. Basta fried chicken with wings ha."

"Okay."

"Bye. Maliligo na ako."

Napangiti si Reon nang ilapag sa mesa ang cellphone. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa at binilisan.

Nang matapos ang ginagawa, agad siyang nagpaalam sa mga kasama na uuwi na.

"Ang bilis mong matapos ah," ani Mary.

"Wag mo nang banggitin. Siyempre may naghihintay na sa kanya sa bahay," sabat ni Jason.

"Iba na talaga kapag may binabahay, masipag na, inspired pa," tukso ni Mary.

"Ako na naman ang nakita ninyo. Magsiuwian na nga rin kayo!" ani Reon saka tinalikuran ang mga ito.

"Huwag masyadong mapagod mamayang gabi ha," pahabol na biro ni Jason.

Nang makababa, sinabi niya kay Mario na bibili na muna siya ng manok sa Chowking at buchi. Binilhan na rin niya ang driver para may panghapunan na ito.

Pagdating ng bahay, nakaupo si Zia sa sala pero agad na tumayo nang makita siya. Sinalubong siya nito at kinuha ang dalang supot.

"Wow! Thank you!" masiglang sabi ni Zia saka dinala sa dining table ang supot.

"Wait, magpapalit lang ako tapos kakain na tayo para mainit pa 'yang fried chicken, may rice na rin 'yan," sabi ni Reon saka nag-half bath muna at nagpalit ng damit. Lumabas siya at pinuntahan si Zia na nasa kusina.

"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong niya at hinila ang silya saka naupo sa tabi ng kasintahan.

"Hindi mo naman binili ang gusto ko," nagtatampong sabi Zia.

"Ha? May nakalimutan ba ako?" tanong niya at tiningnan ang mga pinamiling nasa harapan. "May iba ka pa bang sinabi?"

"Fried chicken ko!"

"Andiyan naman ah. Ayan oh," sabi niya.

"Legs naman 'yan e! Gusto ko wings!" ani Zia.

"Ay, wings pala. Eh fried chicken din naman 'yan."

"Kailan pa naging wings ang legs?" mataray na tanong niya na naiinis kay Reon.

"Sorry na. Fried chicken lang ang nasa utak ko eh. Kainin mo na, same lang naman 'yang fried chicken. Mas masarap nga 'yan eh. Yung wings puro buto."

"Eh sa gusto ko ng wings!" inis na sabi ni Zia pero walang choice kundi kinain na lang ang nabili ni Reon. "Eh? Gusto ko talaga ng wings!" bulalas niya matapos maubos ang isang piraso.

"Haist! Naglilihi ka ba?" inis na tanong ni Reon na naririndi sa bunganga ng katabi. "Wings ka nang wings, wala nga rito!" Ipinagpatuloy niya ang pagkain pero napalingon kay Zia nang hindi ito umimik. Nakatitig lang ito sa kanya nang masama kaya tumigil siya sa pagkain. "Mag-o-order ako ng chicken wings, okay? Ilan ba ang gusto mo?"

"Bahala ka! Hindi ka nakakatuwa!" inis na sagot ni Zia kaya napakunot ang noo ni Reon.

"Are your pregnant?" tanong ng binata na bigla na lang kinabahan sa pumasok sa isip niya. "Wait, kailan ba huling mens mo?"

"Ba't mo tinatanong? Malay ko!"

"Wala ka pa this month, right?" tanong ni Reon. "Wait, papabili ako ng pregnancy kit, mag-test tayo."

Natigilan si Zia. "P—Paano kung buntis ako?"

"Wait, papabili ako ng PT," ani Reon saka kinuha ang cellphone at tumawag sa receptionist sa baba para magdala ng pregnancy kit. "Mukhang buntis ka nga," ani Reon dahil hindi naman sila gumagamit ng kahit anong proteksyon.

"Hindi pwede, nag-aaral pa ako," sabi ni Zia. Pareho silang natahimik. Hindi naman sa ayaw ni Reon na magkaanak pero mas nabahala siya para sa dalaga dahil mukhang ayaw pa nitong magbuntis. Hindi pa naman nila napag-usapan ang tungkol sa pagbubuntis.

"Tingnan na lang natin mamaya," sabi ni Reon para mabasag ang katahimikan.

After twenty five minutes, may kumatok na sa kwarto nila at ibinigay ang maliit na supot.

"Halika, test mo," ani Reon at sinamahan si Zia sa CR at tinulungan na ring mag-test.

Parehong kabado ang dalawa habang pinapatak ni Zia ang urine sample sa test kit.

"Oh my ghad! Kinakabahan ako!" sabi ni Zia na tinitingnan ang resulta.

"Oh, shit!" bulalas ni Reon nang may isang pulang guhit na lumabas tapos ang isa ay medyo mapusyaw pa hanggang sa naging klaro ang dalawang guhit.

"Oh my ghad!" ani Zia sabay tutop sa bibig na hindi makapaniwala sa resulta.

"Ulitin natin," sabi ni Reon at kumuha pa ng sample.

"After one hour na, wala na akong ihi," sabi ni Zia kaya muli silang bumalik sa dining room at iniligpit ang pinagkainan saka inilagay sa dishwashing machine.

"Z—Zia?" tawag ni Reon na lumapit sa dalaga. "Hindi ka ba masaya?"

"Saan?"

"Na magka-baby na tayo."

"Ikaw ba?" balik-tanong ng dalaga at humarap dito. "Hindi pa naman tayo sure pero masaya ka ba kung sakaling may laman na ang sinapupunan ko?"

"Oo naman," sagot ni Reon. "Hindi ko lang alam ang reaksiyon ko dahil hindi ko inaasahan o hindi naman natin naplano pero masaya ako."

"Okay," ani Zia.

"Ikaw? Masaya ka ba?"

"Hindi ko rin alam," sagot ni Zia. "Hindi pa nagsi-sink in sa utak ko."

"Pareho tayo," ani Reon.

"Subukan kong umihi ulit," sabi ni Zia at bumalik sa CR. Ganoon pa rin ang resulta, dalawang guhit na pula kaya napahawak siya sa tiyan. Buntis na ba talaga siya? Magkaka-baby na sila ni Reon?

"Zia?" tawag ni Reon na dumungaw sa pintuan. "Ano ang result?"

Inabot ni Zia kay Reon kaya ngumiti ang binata.

"It's gonna be okay, right?" tanong ni Reon, "magiging mabuting magulang tayo sa kanila."

"Maybe," ani Zia. "Hindi ko pa alam ang gagawin ko, Reon. Wait, medyo malabo pa talaga."

Tumungo si Zia sa kwarto at nahiga para mag-isip habang nakahawak sa sinapupunan.

"Yes, Mom. She's pregnant!" ani Reon na pumasok sa kwarto habang kausap ang pamilya sa group chat kaya naupo nang maayos si Zia.

"Congrats, Kuya!" bati ni Maver.

"Thank you," ani Reon at tumabi kay Zia.

"Hello, congrats, Ate Zia! Ayieee, magiging tita na kami!" masayang sabi ni Mavol. Pilit na ngiti lang ang ginawa ni Zia. Naramdaman ni Reon ang pagkailang ng kasintahan kaya tumayo siya at lumayo kay Zia saka naupo sa couch.

"Sige na, guys! Bye na!" paalam ni Reon at humarap sa kasintahan. "May kakainin ka pa?"

"Wala. Reon baka pwedeng—"

"Wait," ani Reon saka sinagot ang tumatawag. "Oh, Lola Lynlie . . . yes  po, siguro mga two months na. Hindi pa kami sure pero pupunta kami sa OB bukas."

Napangiwi si Zia. Sabi nito hindi pa nito alam ang gagawin pero lahat ng pamilya ay alam nang buntis siya eh hindi pa nga sila sigurado.

"Thank you, thank you!" masiglang pasalamat ni Reon saka tinapos ang tawag. "Haist! Bahala sila!" sabi ni Reon at hinayaan nang tumunog ang cellphone sa mga tumatawag. "Punta tayo sa OB bukas ha. Huwag ka nang pumasok, okay?"

"Kaya ko naman."

"Pa-consult muna tayo sa OB para ma-monitor ang baby at mabigyan ka ng vitamins. Si Mommy na raw ang mag-appointment bukas. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Kinakabahan ako na natatakot. Alam mo yung responsibilities ng magulang?" ani Reon  dahil never niyang na-imagine na maging ama siya kahit noong sila ni Monica. Kaya naman niyang mag-provide kahit na ilang anak pa ang gawin nila pero paano kung maging failure syang ama? Eh hindi lang naman pera ang kailangan ng bata. Paano kung hindi niya maaruga nang maayos?

"Magiging mabuting ama ka," sabi ni Zia na may habag sa damdamin. Walang problema kay Reon pero sa kanya ay mayroon. Paano kung magtanong ang anak niya sa family background niya o ano ang kaya niyang gawin? Paano kung hindi niya ito maalagaan nang mabuti?

Hindi na siya kinulit ni Reon bago sila matulog dahil alam nitong maliban sa wala sya sa mood, ang gulo rin ng isip niya.

Kinabukasan, maaga pa siyang nagising at nagluto ng makakain nila.

"Punta tayo sa Ob ha," ani Reon na tumawag kay Mary na hindi makakapunta sa opisina.

"Pwede pa naman akong pumasok mamaya ng hapon."

"No, magpahinga ka, okay?" tanggi ni Reon habang nagbibihis.

"Pero gusto kong pumasok dahil baka may makaligtaan ako, paano na ang scholarship ko."

"My ghad, Zia! Boyfriend mo na ako at magkakapamilya na tayo, 'yang scholarship pa rin ang inuunawa mo? Kaya kitang pag-aralin kahit double-hin ko pa pa ang tuition fee mo kaya bakit ka pa nag-aalala?"

"Ayaw kong—"

"Okay, gusto mong paghirapan ang tagumpay mo pero Zia, alang-alang sa baby natin, wag mo munang isipin iyon, okay? Ang isipin mo yung health ninyo ng baby. Ang edukasyon makapaghintay 'yan."

"Oo na! Tapos ka na? alis na tayo." yaya ni Zia at nauna nang lumabas. Nahabol naman siya ni Reon sa elevator. Inakbayan siya ng binata nang sumara ang pinto.

"Ano kaya ang baby natin, 'no?" tanong ni Reon. "At ang ipangalan sa kanya?"

"Maaga pa para isipin 'yan," sabi ni Zia. "Kahit ano basta healthy siya at walang abnormalities."

"Tama," pagsang-ayon ni Reon at hinalikan sa gilid ng tainga si Zia. "Basta tayo ang magulang niya, for sure sya na ang pinakamasayang bata."

Nang bumukas ang pinto, lumabas sila at tumungo sa parking lot.

"Good morning," bati ni Mario. "Congrats ho sa inyo."

"Salamat, Mario," pasalamat ni Reon kaya napabuntonghininga si Zia. Sino pa kaya ang hindi nakakaalam. Kanina paggising nya nagulat sya nang mag-chat si Jeric at binati rin siya. Parang ang tsismoso tuloy ni Reon dahil sinabi nito sa halos lahat ng tao.

Pagdating sa OB gyne, kinumpirma nito ang heartbeat ng bata at nagdadalawang buwan na ngang buntis si Zia.

"Congrats. Magkakaapo na rin sina Marion at Revolver," sabi ng OB gyne. "Next Monday na ang follow-up checkup ninyo ha. At huwag mong masyadong i-stress-in ang girlfriend mo, Reon."

"Sure po, tita. Salamat. Bibilhin na lang namin ang vitamins na ni-recita mo," ani Reon at iginiya si Zia palabas ng clinic.

Dumaan muna sila sa grocery store at namili ng prutas at fresh milk pagkatapos bumili ng vitamins sa drug store saka umuwi.

"Monica," ani Reon nang pagdating sa condo building ay nasa reception si Monica.

"Dumaan lang ako para i-congratulate kayo," sabi ni Monica at tumingin kay Zia saka pilit na ngumiti.

"Mauna na kayo ni Mario sa unit," ani Reon saka hinawakan si Monica sa braso at inilayo kay Zia.

"Ano ba, Reon? Nasasaktan ako!" inis na sabi ni Monica sabay tulak sa binata.

"Buntis si Zia kaya huwag mo siyang bigyan ng problema, Monica!"

"Hindi ako ang—" Monica.

"Huwag ka nang magpapakita pa sa amin, please lang. Kailangan namin ng peace of mind! Nakikiusap ako, not now, Monica! Kahit para man lang sa baby namin."

"Ganoon na ba kasama ang tingin mo sa akin?" nasasaktang tanong ni Monica. "Gusto ko lang kayong i-congratulate dahil may past tayo."

"Stop it, Monica! Mag-move on na tayong lahat dahil masaya na kami!"

"I know. Nakikita ko naman," mahinang wika ni Monica. "Sinusubukan kong mag-move on, don't worry. Napadaan lang ako para magpaalam sa 'yo dahil babalik na ako sa US para isalba ang business ng family ko. Nagkataon lang na nalaman kong buntis na pala si Zia. Hindi ko inaasahang mabubuntis mo siya dahil ang alam ko, ayaw mo ng bata."

"People change," ani Reon.

"Yeah! You changed a lot, Reon," ani Monica saka pilit na ngumiti. "Good luck sa inyo. Sana maging masaya na kayo. Don't worry, hindi naman ako ganoon kasama kaya ito na ang huli."

"Good. Good luck sa business mo," ani Reon saka tinalikuran si Monica.

"Reon," pahabol ni Monica kaya tumigil si Reon pero hindi lumingon, "gusto ko lang na tandaan mo kahit na niloko kita noon, totoong minahal kita."

Tumango si Reon at naglakad papasok sa elevator para umuwi na sa tinutuluyan nila ni Zia.























Continue Reading

You'll Also Like

44.2K 1.4K 11
Crush ni Kristel si Nick, ang bagong kapitbahay nila. She wanted to impress him in order for him to like her, too. Kaya nang malaman niya na ang gust...
238K 4.1K 56
Him: I'll f*ck you hard and deep, Baby. I'll f*ck you . . . until you beg for it. One month later... Him: Dammit! You're begging to be f*cked, aren't...
34.2K 1.3K 33
Nagising si Ariel na walang maalala sa nangyari kagabi. Nagulat siya nang makita niyang hubo't hubad ang sarili at katabi si Colt, ang panganay na ka...
182K 3.4K 61
PROLOGUE Si Mikella Fuentes ay isang magaling na painter..maganda ,sexy,matalino at higit sa lahat mapagmahal na anak.. siya ay ulilang lubos na.. na...