MY SLUM-GIRL PRINCESS [Publis...

بواسطة agentofsmile

2.4M 25.2K 2.7K

Areeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senat... المزيد

MY SLUM-GIRL PRINCESS
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 34
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Epilogue
ANNOUNCEMENY
My Slum Girl Princess' Special
My Slum Girl Princess' Special Chapter 2
My Slum Girl Princess' Special Chapter #3
My Slum Girl Princess' Special Chapter 4
My Slum Girl Princess' Special Chapter 5
Liham ng Nagpapaalam
GIFT FROM ABOVE

Chapter 11

33.1K 329 37
بواسطة agentofsmile

CHAPTER 10

"Anong honey?!" sagot ni Mikay bago inilayo ang kamay nya kay Gino.

"Honey, sorry na sa nangyari... Wag ka na magtampo.. Dito na tayo bababa.." malambing na sabi ni Gino. Pinagtitinginan na sila ng mga pasahero.

Napatingin si Mikay sa paligid "Hindi naman dito ang baba ko ah... Naka drugs ka ba Gino?"

"Hind---" naputol na ang sasabihin ni Gino dahil kay Manong driver.

"Mga bata... Bumaba na kayo, may mga pasahero akong nahihintay.. Naku dito pa kasi nagaway" naiiritang sabi ni driver. Agad namang nakaramdam ng hiya si Mikay ng makita ang mga pasahero na nakatingin sa kanila.

"Halika na nga honey..." hinwakan ulit sya sa kamay ni Gino at hinila pababa.

Nang makababa sila, pareho lang nilang pinagmasdan ang jeep na kanina lang ay sinakyan nila ngayon ay paalis. Napatingin sya ng masama kay Gino...

"Ikaw, wag mo akong idadamay sa mga kalokohan mo.... Nakakainis ka..." sigaw ni Mikay habang pinapalo palo sa braso si Gino.

"Mikay, ano ba... Tama na." sagot ni Gino habang pilit na sinasangga ang masasakit na hampas ni Mikay.

"Aalis na ako,.. Talking to you is just a waste of time..." tumalikod na si Mikay pero bigla syang pinigilan ni Gino.

"Anu nanaman ha? Ano bang trip mo?!" naiinis na sagot ni Mikay.

"Hindi ito trip o kung anong kalokohan man... Hinila kita pababa sa jeep dahil mali nanaman ang sinakyan mo. Kung hindi kita pinababa edi naligaw ka nanaman!!"

Natahimik si Mikay sa tuloy-tuloy na paliwanag ni Gino. Perp bigla syang may naalala "Eh bakit may pa honey-honey ka pa?! Ha?"

Gino smile widely "Uyyyy... Hindi nakalimutan ang honey.," panunukso kay Mikay. "...Aray!!" agad kasi syang hinampas ni Mikay.

"Ok, tinawag kitang honey para di nila ako mapagkamalang kidnapper na bigla nalang nanghahablot ng babae..." paliwanag ni Gino

"Eh bakit di mo nalang sinabi sa akin na mali pala nasakyan ko?"

"Dahil mapapahiya ka lang..." simpleng sagot nito.

"Bakit? Yung ginawa mo ba kanina hindi pamamahiya?"sagot ni Mikay.

"Syempre hindi! Sa gwapo ng tumawag sayong honey, hindi ka talaga mapapahiya..."

"Ang yabang mo talaga! Hatid mo na nga ako sa sakayan..."

"Halika..." naglakad sila papuntang pedestrian lane. Nang nag-green light na... Tatawid na sana sila kaya lang nagulat sya ng hawakan sya ni Gino sa kamay, as in holding hands type.

"Do you really have to hold my hands?" sagot ni Mikay.

Inangat naman ni Gino ang kamay nilang magkahawak. "Ito? Ang tawag dito 'gentleness' at ang may ari ng kamay na humahawak sa kamay mo ay 'gentleman'" di na sya pinasagot ni Gino at agad na silang tumawid.

Nag-aabang na sila ng masasakyang jeep. Hawak parin ni Gino ang kamay ni Mikay. "Alam mo Gino, you can freely let go of my hands na."

"Alam ko... Pero hindi pwede eh.."

"At bakit naman hindi pwede?" mataray na sagot ni Mikay.

"Eh kung mahagip ka ng mga sasakyan? Eh kung di ka agad makasakay sa jeep kapag siksikan na,.."

You're unbelievable" Mikay groans.

Gino gives her the instruction kung paano pumili ng sasakyan ng papunta sa pinagtatrabahuan nya. Tinuturo pa nito ang iba mga landmarks para malaman na nasa tamang way sya. Madali naman nyang naintindihan.

After 30 mins, narating na nila ang flower shop. Nagmamadaling pumasok si Mikay dahil 15minutes late na sya.

"Hindi ka na nga pumasok kahapon, late ka pa dumating.. Ilang araw ka palang nagtatrabaho ah.." masungit talaga si Aling Rosa. Kahit noong first day nya talagang puro sermon ang inabot nya.

"Kas---" magiexplain sana sya when she cuts her off. "Tama na ang dahilan, magsimula ka na magtrabaho..." bago ito lumabas ng shop.

"kainis naman... Sermon sa bahay, sermon sa trabaho... Im a mess..." reklamos ni Mikay ng makaupo sa counter ng shop.

*****

After almost one (1) hour ay bumalik na si Aling Rosa. Ang ganda ng ngiti nito kay Mikay, pinagtakhan naman nya bakit ganito ang kilos nito. Napalingon pa sya dahil baka may iba itong nginingitian, pero pader ang nasa likod nya eh. Lumapit ito sa kanya,

"Naku Mikay, hindi mo naman sinabi na inalagaan mo pala si Gino kagabi kaya ka napuyat at nalate pumasok..."

Nagulat sya sa sinabi nito "Po?"

Naku wag ka na magdeny, kinausap ako sa labas ni Gino kanina, nagkasakit pala sya at inalangaan mo sya, naku baka nahawa noong nagkasakit ka rin."

Hindi nya alam ang isasagot nya, kahit anong rewind ang gawin nya sa isip nya, wala syang maalala na inlagaan nya si Gino. Nagaway pa nga sila kagabi.

"Naku Iha, pasensya ka na at napagalitan kita, mainit lang talaga ulo ko kanina,. At sabi ni Gino wag na daw kitang pagalitan dahil wala ka naman daw ginawang masama..."

Nga-nga si Mikay sa mga narinig. So ibig sabihin ba noon ay nagsinungaling si Gino? Para hindi na sya sermonan ni Aling Marian? Bakit nya naman gagawin yun.

Mabilis na lumipas ang oras. Naging magaan ang trabaho ni Mikay dahil narin sa hindi sya pinapagalitan ni Aling Rosa. Maraming bumibili ng bulaklak sa kanya, kaya kabisado na nya halos ang pagaayos ng bulaklak, and she's enjoying it.

"Mikay, mag-tanghalian ka na..." narinig nyang sabi ni Aling Rosa.

Lumabas sya ng shop para maglakad pumunta sa Jollibee. Ayaw nya kasing kumain sa karinderia. "Aray!!"

"Miss Im sorry..." sabi ng isang gwapong lalaki. Nakasuot ito ng isang uniform ng kilalang school for boys ang St. Andrews High.

Naghahabulan kasi ito sa kalye kasama ng mga kaklase nya. Kaya hindi na sya sumagot dahil matapos magsorry ay tumakbo na ito agad.

Makalipas ang ilang minuto pa ay nakapagorder na sya. Maghahanap na sya ng mauupuan ng mapansin na walang ng bakante. Napalingon sya sa ingay ng mga nagtatawanan, nakita nya na masayang nagkikwentuhan ang mga lalaking nakabunggo sa kanya. At dahil doon napansin nya na sa katabing table nito ay may bakante pa.

Naglakad sya para puntahan ito, pero ng makarating dito ay bigla namang may dalawang babaeng nauna sa kanya. Gusto pa sana nyang awayin kayalng gutom na talaga sya.

"Miss you can join us here..."

Napalingon sya sa nagsalita, ito yung nakabunggo sa kanya. Napatingin sya sa dalawa pang kasama nito, "at bakit naman ako tatabi sa inyo?"

"kasi there's no available seats, unless you want to eat ng nakatayo..." sagot ng nakabunggo nya. Halatang mayaman ito, sa pananalita palang. Pero sabagay, St. Andrews is for rich kid naman talaga.

"Don't worry miss... Harmless kami,." sabi nung isa pang kaibigan.

Wala na syang choice kundi maki upo. Pero ng kakain na sya parang gusto nyang umalis, parang ang awkward kasi makisabay sa kanila kumain, lalo na yung katabi nya nakatitig sa kanya.

"Rob, bro... Wag mo naman kasing titigan, paano makakakain ng maayos yan?" natatawang sabi ng lalaking katapat nya sa mesa.Nakaramdam tuloy na hiya si Kealla at parang pinagsisisihan nyang nakaupo sa mga taong ito.

"Oh, Im sorry..." sagot ng lalaking nakatitig sa kanya kanina lang.

"By the way miss, Im Jeff and this is John." pakilala nya sa katabi " and that guy na katabi mo at nakabunggo sayo kanina, he is Robi."

Ngumiti lang si Mikay at kumain. Nakita nya namang nailing si Jeff, maybe he was expecting of her saying 'hi' or 'hello'. She can't do that anymore., gutom na sya eh.

Nang matapos ang ang tahimik nilang apat na pagkain. "Thank you ha, I have to go na eh.."

Wait miss, pwede ba namin malaman ang name mo?" tanong ni MIGUEL

Ngumiti sya "Im sorry, but no, you can't" bago tuluyan na naglakad palabas ng fast food.

*****

Nag-iinat inat si Mikay ng makitang 4:50pm na sa orasan. 5pm ang out nya, kaya maghahanda na sya pauwi.

"Mikay, tapos ka na ba?"

"Yes, naligpit ko na yung mga natirang bulaklak, at pati yung mga iba pang gamit"

"Ok, pwede ka ng umuwi..."

"Sige po,.." sagot ni Mikay, pero bago tuluyang umuwi ay pumunta muna ito sa comfort room to freshen up. Yan ang isang bagay na hindi nya maaalis- MIkay man o Kaella. Siguro naman hindi lang sya ang babaeng ganito.

*****

"Hi Ninang!!" masayang bati ng lalaking pumasok.

"Oh Gino! Napasyal ka... Susunduin mo ba si Mikay?" bati ni Aling Rosa.

"Opo Ninang... San na ba sya?"

"Ah, baka nagpaganda pa..." natatawang sabi ni Aling Rosa. "Nagpapaganda para sa iyo.." panunukso nito.

"Ninang naman..."

"Okay lang yan Iho,. Maganda naman si MIkay, hawig nya nga yung sutil na anak ni Senator Madrigal, si Mikay lang ang simpeng version nung batang yun."

Kinabahan si Gino, mukhang hindi lang si Aling Marian ang nakakapansin. Pero pinagmasdan nya ang expression ni Aling at mukhang wala namang bakas na iniisip nitong iisa sila. MUkhang mas kinikilig pa nga ito kesa sa naghihinala. Buti nalang talaga napaalalahanan nya si Mikay na magbihis ng simple nung unang araw nito sa trabaho.

"Kasi naman Gino, panahon narin na magka girlfriend ka..." dagdag pa nito. Bigla namang lumabas si Mikay at halatang nakaayos na nga ito.

"Ayan na pala hinihintay mo eh... Sabi ko sa iyo nagpaganda pa eh." Natatawang sabi ni Aling Rosa. Si Mikay naman ahalatang gulat na nakita si Gino.

"Oh anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong ni Mikay.

"Iisipin kong yan ang paraan mo sa pagbati sa akin ng 'magandang hapon.." nakangiting sabi ni Gino na nagpasimangot lalo kay Mikay.

Lumapit si Gino kay Mikay at bumulong, "Bawas-bawasan mo ang pagiging masungit MIkay, baka makilala ka nila na ikaw si Mikaella Madrigal.."

Kunot noong humarap si Mikay kay Gino "I'm MIkaella Madrigal, and I have nothing to hide."

"Nothing to hide huh... eh kung sabihin ko sayong ayaw nila kay Mikaella Madrigal na kilala sa pagiging sutil na anak ng isang kilalang Senador." Hindi nakasagot si Mikay.

"Oh, bakit kayo nagbubulungan dyan?" agad na napalayo si Gino kay Mikay ng sumningit si Aling Rosa. "

"Wala po, sinabi ko lang kay Mikay na may muta sya sa mata.." nahampas naman agad ni MIkay si Gino.

"Aray naman Mikay.." reklamo ni Gino.

"Bakit ka ba kasi andito?" tanong ni Mikay

"May hinatid ako dito kanina, kukunin ko lang..."

Nagtaka naman si Mikay. Wala naman syang hinatid kanina ah.. Pero anu bang pakialam nya? "ah, ganun ba... Sige una na ako..." sakto naman dumating si Joma.

"Ikaw ba magsasara kuya?" tanong ni Mikay.

"Oo, ako na magsasara.." sagot ni Joma.

"Ok, alis na ako...." dali dali syang lumabas ng shop.

"Hoy Mikay, anu ka ba hintayin mo ako.." sigaw ni Gino habang humahabol.

Hinarap nya to "Akala ko ba may kukunin ka?"

"Pambihira ka naman Mikay, dapat lahat ini-explain ng maayos? Gamit gamit din ng utak minsan"

"Alam mo kung pupunta ka dito para asarin lang ako, pwede ba next time nalang pagod na ako... stay away from me" at naglakad na.

"Ang sungit naman nito.." sagot ni Gino habang hinahabol si Mikay. "Ikaw kaya ang sinusundo ko...." doon lang napahinto si Mikay. Lumapit ito kay Mikay. "...hay, napagod ako sayo."

"Gino, pinagtitripan mo ba ako?" matinong tanong ni Mikay.

"Hindi ah,.. Bakit ko naman gagawin yun?" sagot ni Gino.

"Eh bakit may ganito ka? Kanina bigla bigla ka nalang namamansin na parang di tayo ng away kagabi, diba hindi na tayo maguusap? Invisible nalang tayo... we're not friends"

"Pumayag ba ako? Hindi naman ah." Nagtaka naman si Mikay sa sinasabi ni Gino. "Sinundo kita para di ka maligaw,.."

"Kaya ko umuwi magisa,"

"Kaya mo nga umuwi mag-isa, kaya nga mali ang nasakyan mong jeep kanina papunta dito eh, at talagang kaya mo kasi naligaw ka nga nung isang araw diba?"

"And it's your fault Gino bakit ako naligaw, bakit ako na-hold up.. ikaw yung may kasalanan bakit ako nagkasakit... and I hate you for that." Madiing sabi ni Mikay, hindi naman nakasagot agad si Gino.

"Kaya nga bumabawi ako eh..." napatingin si Mikay kay Gino. "Sorry Mikay kung palagi kitang pinagagalitan, gusto ko lang naman matuto ka ng maayos lalo na sa pag gawa ng trabaho, sorry kung di kita pinagtatanggol- mali ako doon inaamin ko." Kaella is staring at Gino's face habang nagsasalita ito, it looks likes he meant every word na sinasabi nya.

"Kung nahold up ka man, Mikay, hindi ko ginusto yun, at kung andoon ako gagawin ko ang lahat para lang protektahan ka,"

"Kayalang wala ka doon.." mabilis na sagot ni Gino.

"Oonga, wala nga doon.. pero bigyan mo lang ako ng pagkakataon, at sinasabi ko sa iyo na lagi akong andyan para protektahan kita. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon para maging kaibigan mo. Magsimula tayo ulit"

In Mikaella's entire life, ngayon lang may isang taong humingi ng pagkakataon sa kanya para maging isang kaibigan kaya hindi mo sya masisisi kung pinipigilan nyang mapaluha sa harap ni Gino.

"Luluhod pa ba ako?" tanong ni Gino bago lumuhod. This man infront of her is really unbelievable, hindi man lang ba nya naisip na nasa kalsada sila at pinagtitinginan na sila "Gino you're making a scene, tumayo ka na dyan."

"Kung pagtayo ko ba ditto eh friends na tayo eh.."

"Tumayo ka na dyan."

"Friends na tayo?" may iilang tao na nakangiting napapailing na dumadaan sa kanila kaya sobra nalang ang kahihiyan na nararamdaman ni Mikay, pero bakit si Gino hindi man lang nahihiya.

"Oo na! Tumayo ka na.." tumayo si Gino at nagpagpag ng pantalon na narumihan, nakangiti ito ng malapad. "Wala ng bawiaan ha."

"May magagawa pa ba ako?" tanong ni Mikay.

"Friends na tayo Mikay, bawasan mo rin agiging masungit mo sa akin. Ako babawasan ko na pagiging masungit ko sa iyo." Bumalik ang tingin ni Mikay kay Gino.

"Really? Promise?"

"Ha? Ahm.. syempre kapag may mali ka pagsasabihan kita, may mga mali kasi na kailangang ma-correct, lalo na sa iyo na halos lahat sablay." Hinampas sya ulit ni Mikay.

"Ang yabang mo ha"

"Oh, ano nanaman ginawa ko?"

"Sinusubukan ko naman na maging maayos yung pagtira sa inyo kahit na nahihirapan ako, hindi mo na kailangang sabihin na puro mali ako.." halatang nainis si Mikay kay Gino.

"Hay naku, wala pang isang oras na magkaibigan tayo nagaaway nanaman tayo." This time, may tonong paglalambing na si Gino. "Pero kailangan mong maintindihan na kailangan nating malaman ang pagkakamali natin para matuto tayo- at bilang isang kaibigan, sasabihin ko sa iyo na mali ka. Ganun ang tunay na kaibigan, sasabihin ko sa iyo kasi mahal kita--."

Parehong natahimik si Gino at Mikay ng mapansin ang huling salitang sinabi ni Gino. Parang naging awkward ang scenario between them until Gino break the silence by clearing his throat. "Basta Mikay, gagawin ko ang lahat maging mabuting kaibigan para sa iyo."

Tumingin si Mikay kay Gino at napangiti, inilahad nya ang kanyang kamay at nagsalita "I'm Areeyah Mikaella Madrigal, call me Mikay, some stupid grumpy man gave me that name.." napangiti si Gino.

Gino accepted MIkay's hand "Gino dela Rosa, ang pinakagwapo sa Masantol, may babaeng englesera kanina pa ako sinsabihan na mayabang daw ako, pero mabait naman akong kaibigan" pareho nalang silang natawa sa ginawa nila.

---------

The copyright of this book isn't mine anymore. This book is already Published under Life Is Beautiful.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1.5M 19.4K 81
All Rights Reserved. 2012 Property of: DLuckyone
157K 4.1K 35
Simpleng estudyante lang ako but everything changed when I became a tutor ng isang lalaki na halos hindi mo mahawakan. He had a mysophobia. He wants...
18.5K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...