Phoebian

By cultrue

175K 3.5K 63

Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at ma... More

Phoebian
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 39

3K 59 0
By cultrue

Hawak ang maliit na papel na nakasulat ang address ng kung sinong tao na maaari kong puntahan. Biglang nagparamdam ang kaba sa aking puso. Parang alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Phinneas. Dati ay siya ang naghatid ng masalimoot na balita sakin na naging sanhi kung bakit naglamat ang puso ko.

Natuliro ako habang tinititigan ang maliit na perasong papel, malapit lang ang address sa apartment building ko. Hindi ako nagkakamali dahil palagi akong naglalakad sa labas, madalas pa nga kada umaga dahil wala akong treadmill sa apartment kaya naging ehersisyo ko narin ang paglalakad kada umaga.

Natagpuan ko nalang ang sarili na naglalakad papunta sa labas. Binalikan ko ng tingin ang apartment ko, nakasara ito. Para akong nakalutang sa langit dahil sa pagiging blanko, hindi ko alam kung lock yun basta para akong sinapian at bigla nalang umalis.

Naglakad ako palabas, ang lamig ng hangin ay hindi ko ininda dahil nasa pupuntahan ko ang utak ko. Masyado ko yung iniisip. Tanging dala ko lang ay ang maliit na papel na nakasulat dun ang address ni Phoebian o kung sino man.

Pero iba ang pakiramdam ko, parang si Phoebian ang sinisigaw ng isip ko na siya ang tinutukoy ni Phinneas. Hindi ako pupuntahan ni Phinneas kung hindi dahil kay sa kapatid niya.

Palapit ako ng palapit sa address na tinutukoy sa papel ay lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi sa sama ng loob kundi yung lungkot at nais na makita siya.

Pagliko ko sa kanto ay narating ko agad ang address na nakasaad sa papel, madali lang siyang hanapin dahil gaya ng sabi ko, ilang beses akong dumadaan dito kada umaga.

Isang mataas na bahay ang natagpuan ko, two storey at klasiko ang kanyang desinyo, parang nasa 1950's ang dating ng bahay. Pero hindi bago sa pantingin ko ang bahay.

Napalunok ako. Susubukan ko lang naman ang sinabi ni Phinneas sakin. Kung nandito si Phoebian ay makikita ko din siya sa wakas. Pipindutin ko na sana yung buzzer nang may lumabas na matandang babae. Nilinaw ko ang paningin ko para makompirma kung si Aling Lupe yun pero nadismaya ako dahil hindi siya.

"Magandang gabi po manang." Magalang kong bati sa matandang ginang.

Ngumiti ang matanda at binuksan ang gate. "Magandang gabi din sayo. Ikaw ba si Maia yung kaibigan ni Phinneas?"

Nagulat ako dahil kilala niya si Phinneas. At ang kaswal niya lang dahil pangalan lang ni Phinneas ang tawag niya, walang senyorito o sir.

Tumango ako, napakurap ako. "Ako nga ho. Inaasahan niyo po ba ako?" Kompirma ko dahil unang beses ko palang makapasok dito at alam niya agad ang pangalan ko, salamat nalang kay Phinneas.

"Oo. Kagabi ka pa nga hinihintay pero itong si Phinneas ay matigas talaga at hindi agad sumusunod sa pabor." aniya, at pinasunod ako papasok.

Di na ako nagtanong kung sino ang naghihintay sa akin sa loob, hindi na yun nasiksik pa sa pagpalitan namin ng salita dahil parang nagmamadali siya.

Pag-apak ko palang ng bahay ay nakarinig ako ng mahinang musika, mahina lang siya na parang ang layo. Hinatid ako ni manang sa living area para doon nalang maghintay.

"Sandali lang ha at pupunta ako sa kusina, ano bang gusto mong maiinom?" tanong ni manang.

"Tubig nalang po." sagot ko.

Umalis siya agad, may sinabi siyang hindi ko agad nakuha ng buo pero nakarinig ako na may tatawagan lang siya. Yung isip ko kasi ay naglalakakwatsa, kinakabahan din ako. May pagsisisi akong naramdaman dahil pumunta pa ako dito. Kung nanatili lang sana ako sa apartment ay ayos sana.

Ang buong bahay ay akala ko ay hindi masyadong nalilinisan dahil hindi masyadong maapel sa labas. Hindi masyadong nalilinisan at nagkakabaklat ang pintura, yung gate nga ay kailangan ding pinturahan dahil hindi na kaaya-ayang tignan.

Pero sa loob ng bahay ay hindi talaga makakapaniwala ang mga taong makakapasok dito kung makita nila na ang sobrang linis sa loob, may mga bulaklak ang mga mamahaling vase sa bawat kanto ng bahay. Ito yata ang halimbawa ng 'huwag kang maghusga agad dahil hindi pa natin alam ang buong istorya' yung ganun na sipi.

Halos mabali ang leeg ko sa kakatingin, hindi kasi mapakali. Lalo na't may narinig akong mahina pero mabigat na yabag ng tao na papalapit sa akin. Nakatingin ako sa dark painting na nasa itaas ng malaking bintana. Parang mabigat ang loob ng may likha ng sining na yun. Yun ay malaking hugis ng puso, yung literal na puso ng tao pero kulay kayumanggi at maraming ugat, may halong pula at itim at kahel ang painting lalo na't sa pinaka background ng puso. Parang may IV na nakatusok sa puso, mga lima o anim yata yun, hindi ako masyadong sigurado kung tama ba yun pero ang masasabi ko lang ay may malalim na mensahe ang naglikha nun.

"That's Peine, it's the first masterpiece I've ever made."

Bigla akong napatayo sa gulat dahil sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko sa taong nakaharap ko. Napasinghap ako. Isang napakalaking pagkagulat ang naging reaksyon ko kaya napaatras ako dahil nanlalambot ang tuhod ko, pero sa hindi inaasahan, bago pa ako maupo sa sahig ay mabilis niyang nahuli ang bewang ko at kinabig palapit sa kanya.

Sa sobrang lapit naming dalawa, naamoy ko ang napaka pamilyar niyang pabango na pinagyayabang niya sa akin noon na una niyang pinalabas sa publiko at para maibenta. Ang sikat niya kaya maraming bumibili sa brand niya. Kaya naging bilyonaryo dahil galing sa pagsusumikap niya yun.

Nilapit ako ni Phoebian sa sofa, hindi niya ako binitawan hanggang alalaayan niya akong umupo dun. Saka niya ako binitawan. Lumamig ang parte ng katawan ko sa pagkawala ng hawak niya sakin.

Tipid siyang ngumiti bago umupo sa tapat ko. Yung makinis niyang mukha noon ay nagkaroon na ng piklat sa kanyang panga. Hindi yun mahaba, hindi nasasakop ang kanyang panga pero kapag lumapit ang gustong tumingin sa peklat niya ay siguradong mapapansin yun pero kapag sa malayo hindi naman dahil maputi siya at hindi yun pansin.

"Ginulat mo ako."

Unang bigkas ko nang makabawi ako sa gulat. Huminga ako ng malalim at kumunot ang noo, nagmumukha talaga akong tanga sa harap niya. Isa yung malaking katangan na muntik ng matumba at nasalo pa niya ako. Baka ano pa ang isipin niya, may girlfriend na rin siya.

Ngumisi siya. "I'm sorry for that. But you're looking at my painting so seriously like it's bewitching you. Sorry about." Tumikhim siya pagkatapos niyang sabihin yun.

Tumikhim din ako, naging tahimik kami. Pero agad ding dumating yung matandang ginang at may dalang isang basong tubig at isang basong juice, at may sandwiches din siyang sinama.

"Ah, here's the caretaker of my house. Manang Leonor si Maiarie po—"

"Naaalala mo na ako?"

Bigla ko yung nasambit na may pagtataka.

Napatigil si Phoebian saglit pero kalaunan ay tinawanan lang ako. Siya lang yung parang natutuwa.

"Ah Phoebian sa kusina lang ako. Kung may kailangan ay tawagan mo lang ako, magandang gabi ulit sayo Maiarie. Pasensya ka na ha." Hingi ng tawad ni Manang.

Humihingi yata siya ng tawad dahil sa biglang reaksyon ni Phoebian. Seryoso ako pero hindi seryoso si Phoebian. Nakakagat ang ibabang labi niya na nagpipigil ng tawa. Nagtatanong lang ako. Walang nakakatuwa dun dahil wala naman talaga siyang maalala.

"Anong nakakatuwa? Masama bang magtanong ng ganun?"

Sumeryoso agad ang kanyang mukha. Siya na yung Phoebian na nakita noong una kaming nagkita. Tumingin siya sakin ng may pagkalalim. "Of course I remember you now. I'm just so happy because you're so transparent. Maiarie you never left on my mind even though I couldn't remember your name. You were this... puzzle that it's so hard to construct with. And you're here because I wanted to see you."

"You're making fun of me now?"

"No I'm not." he answered right away but his eyes were beaming.

Napabuntong-hininga ako. Nag-iwas ako ng tingin dahil kapag tumitingin ako sa kanya ay naaalala ko yung paghihintay ko sa kanya noon na inabutan pa ako ng madaling araw.

"Sinungaling ka... ang sabi mo uuwi ka agad sakin pero inabutan ako ng madaling araw dahil sobra akong nag-alala dahil hindi ka pa umuuwi." sabi ko sa mahinang boses. Linunok ko ang harang sa lalamunan ko.

I played with my fingers as I didn't know know where I should rest my hand to gain a support.

"I'm sorry... but you know I always have ways to come back to you. And I never fail you. Never."

Umiling ako. Totoo. Pero.

Pinunasan ko ang luha na lumandas sa aking pisngi. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sumisikip lalo ang dibdib ko. Masyadong masakit.

"Pero okay lang dahil masaya na tayo pareho. May girlfriend ka—"

"I don't have a girlfriend."

"Okay lang naman Phoebian na magkaroon ka ng bagong relasyon, two years na ang nakalipas."

"It's just two years Maia, those two years were nightmares because I still didn't know you exist in my mind. You're were just so vague."

Unti-unti siyang lumapit sakin ng marahan. He tried to hold me but ended up clenching his hand on his side. "The girl you saw the other day, she's not what you seemed she is. That's Violet, she's our investor and a family friend. And she has a girlfriend."

Nagulat ako sa nalaman pero hindi ako tumingin sa kanya. Nangingilid na ang mga luha ko sa aking mga mata.

"You see, hindi siya mahilig sa lalaki." he chuckled but he went serious after that. "I'm sorry hindi rin kita hinabol agad. Pero sana ay pumayag ka ng habulin kita... ulit. I didn't cheat on you, Maia. I just gave you some space during those times but now please let me make up this time. I won't leave you again like what happened two years ago."

Yumuko siya para mahuli ang tingin ko pero mas umiwas ako ng tingin. Panay tulo ang luha ko. Bumuntong-hininga si Phoebian. Tumayo siya at naglakad paalis. Pero bumalik din agad para ibigay sa akin ang tissue.

"I hate seeing you crying but I couldn't blame you."

"Kasalanan mo 'to Phoebian." Matigas kong sabi.

"I know. Just breath and relax. Calm down and let it go. Alam ko na malaki ang kasalanan ko sayo. Kasalanan ko rin kung bakit na-hijack ako dahil siguro sa pera ko. Don't worry someone's standing for me as the head of the my company, hindi na ako umaalis dahil ayokong mangyari ulit ang nangyari two years ago."

Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi. Pagod na akong umiyak pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Inukit kasi niya ang nangyari noon. Alam ko na biktima lang siya at hindi niya yun kasalanan.

"Huwag na nating pag-usapan pa ang tungkol diyan, ano bang gusto mong sabihin sa akin at pinapunta mo ako dito? Kung tungkol yan sa nakaraan huwag na nating pang ungkatin, okay na tayo, may bago na akong buhay na kinakaharap at ikaw din." sabi ko sa kalmanteng boses.

Narinig ko sa kanya ang mabigat niyang pagbuntong-hininga.

"Maia look at me."

Hindi ako tumingin sa kanya.

"Look at me Maia. Let's talk with our eyes meeting. I want to look at you while I'm saying this."

"Sabihin mo nalang ang gusto mong sabihin Phoebian, gabi na—"

"Hindi ka makakauwi kung hindi ka tumingin sa akin."

"Anong sinabi mo?" Bigla akong napalingon sa kanya.

Nahuli ang tingin namin sa isa't-isa. Hindi na ako nakapalag pa dahil sa uri ng tingin niya sakin ay parang napasailalim ako ng kanyang nakakagayumang tingin. Parang may nabasag na salamin sa akin na naging panangga ko mula sa kanya. Kahit pati panangga ko ay masisira dahil sa kanya. Hindi ko masyadong tinibayan ang paggawa sa bakod ko sa kanya.

"Maiarie Gascon you are the loveliest woman I've ever loved. No one else in this world could make me change that. I know you are very disappointed on me but let's change that to like me again. I know it'd be hard, but for now let's do it slowly and not rushing things... like the last time. Gusto kong punan ang pagkukulang ko sa dalawang taon na wala ako. Kung naalala sana kita agad, hindi sana umaabot pa sa puntong ito."

"Hindi lahat nakukuha ang gusto mo, Phoebian. Kung gusto mo ulit makipagbalikan sa akin parang imposible yun. Ikaw lang ang lalaking minahal ko pero ikaw ang dahilan kung bakit gusto kong magbagong buhay. Mahal pa rin kita... Oo hindi ko yun itatanggi, pero pwede bang hayaan mo muna akong makapag-desisyon? Para din ito sa sarili ko. Kung mahal mo pa ako pwedeng hayaan mo muna ako?"

Yumuko si Phoebian, napasinghap siya at sinuklay ang kanyang buhok. Namumula ang kanyang mga mata kanina noong sinagot ko siya kaya siya yumuko. Ayaw niya yata na makita ko siyang nasasaktan sa sinabi ko. Alam ko na nagpapakatotoo siya... dahil alam ko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Seryoso din siya. Pero masyadong mabilis. Parang walang saysay.

Tahimik akong umiiyak, ang mahinang instrumentong tugtog ang siyang nagpapagaan sa buong bahay pero hindi rin yun nakatulong dahil ibang klase ng tugtog ang pinapakinggan ko sa mga oras na'to. Ang mahinang pag-iyak ko at ang palaging pagsinghap ni Phoebian. Kung nararamdaman man niya ang nararamdaman ko ay malalaman niya kung gaano kasakit yun.

Naihatid ako ni Phoebian sa harap ng apartment building, hindi kami nag-usap na. Parang may distansya na nakapagitan sa aming dalawa.

"Papasok na ako." sabi ko sa garalgal na boses.

"Good night." bulong niya.

Hindi ako lumingon nang magpaalam ako sa kanya. Diretso ang lakad ko papasok ng apartment. Nakakapagod ang gabing yun pero nakatulog agad ako dahil sa pinaghalong pagod at mabigat din ang mga talukap ko dahil sa pag-iyak ko at lumalalim din ang gabi kaya agad akong nakatulog.

Pagpasok ko sa trabaho ay ginamit ko ang concealer pantakip sa maliit na eyebags sa ilalim ng mata ko. Hindi siya gaanong malaki at pasalamat nalang ako dahil walang nakapansin sa itsura ko. Pero hindi rin nagtatanong ang mga tao dahil hindi narin bago sakin ang maglagay ng makeup. Minsan lang ako naglalagay at hindi naman makapal.

Nakapokus pa ako sa trabaho na pinagpasalamat ko rin. Mabuti't hindi dumaan sa isip ko ang nangyari kagabi. Naging normal ang araw ko at walang naging sakit sa ulo sa trabaho. Pag-uwi ko sa apartment ay kumain lang ako atsaka natulog ng maaga. Hindi na ako nanuod ng movie sa cellphone ko dahil pagod ako.

Pero nagising din ako ng alas kwatro ng umaga dahil naiihi ako. Humikab ako habang papalakad papunta sa banyo. Para akong nagssleep-walk dahil nakapikit pa ang mga mata ko. Pero nagising din ang diwa ko nang bumagsak ang bote ng shampoo sa tiled floor ng banyo dahil namali ako ng pagkakapa. Binalik ko nalang ang shampoo sa lalagyan, kumuha ako ng tissue.

Since gising na ako kahit alas kwatro palang, hindi na ako nakabalik sa kwarto dahil nauhaw ako. Uminom ako ng maligamgam na tubig. Dala ang baso na may laman pa na tubig ay pumasok ako sa banyo at binuksan ang bintana. Sliding door ang bintana. Napasukot ako sa lamig ng hangin na sumalubong. Inubos ko ang tubig at nilapag lang muna ito sa sahig.

Pinatong ko ang braso sa may bintana para ipatong ang mukha ko. Napaangat ako ng tingin sa langit. Hindi masyadong kita ang ibang bituin pero yung mas malaki at malapit sa Earth ay nakita ko. Sana kagaya din ng kinang ng bituin na yun ang kinang ng kapalaran ko. Alam ko na hindi ko nakikita ang kapalaran ko, pero hawak ko yun. Kung sana ay madali lang hawakan ang lahat ng bagay sa mundo.

Noong gabi na yun ay parang gusto ako ni Phoebian hawakan. Nakakuyom lang ang kanyang kamao. Hindi ko masyadong binibigyan ng pansin yun dahil panay tulo ng luha ko. Hindi ako galit sa kanya, ang akin lang ay naalala niya ako agad at gusto niya ulit akong balikan dahil gusto niyang punan ang pagkukulang niya yun ang ibig niyang sabihin.

Huminahon sana siya sa desisyon niya. Dahil ako ay ganun din. Gusto kong huminahon muna at patatagin ang sarili ko bago ako sumabak sa bagong yugto ng buhay ko.

Pauwi ako galing sa trabaho at biglang tumunog ang cellphone ko. Kinapa ko ang bag ko at kinuha ang cellphone para sagutin ang tawag. Si Harry ang caller.

"Hello Harry."

"Maia alam mo na ba ang balita galing kay boss?"

Napakunot ang noo ko, naglalakad ako papunta sa apartment. Dumaan muna ako sa convenience store para bumili ng ramen dahil nakakita lang ako kanina sa YouTube natakam agad ako kaya bumili ako.

"Na ano?" tanong ko, ang saya ng boses ni Harry, parang magandang balita ang natanggap niya.

Habang papalapit ako sa apartment building ay napaawang ang labi ko sa gulat nang makita ko si Phoebian na nakaupo sa bench sa labas ng building at ang kaswal ng suot. May dala siyang isang bouquet ng sunflowers. Naka-itim ang suot, mula ibaba hanggang sa itaas. May suot siyang sombrero, itim din ang kulay.

"May nahanap na daw siyang bagong recruits na papalit sa ating dalawa! Makakabalik na rin tayo sa wakas sa Davao!"

Bumagsak ang balikat ko at biglang tumigil ang mundo ko. Hindi ko na narinig ang iba pang sasabihin ni Harry dahil naibagsak ko ang kamay ko mabuti at hindi nahulog ang cellphone dahil mahigpit ang kapit ko dun, parang dun ko kinakapit ang sarili ko.

Nakatingin ako kay Phoebian. Napatingin siya sa relong suot pero hindi siya mukhang naiinip. Bumuntong-hininga siya pagkakita sa oras. At nang maiangat ang kanyang paningin ay natagpuan niya ako. Napatayo siya at lumawak ang kanyang ngiti.

Sa mga oras na yun ay hindi ko alam kung paano ko gagawin ang dapat gawin.

"Hi." Lumapit si Phoebian sakin at iaabot na sana sa akin ang sunflowers pero hindi ko yun tinanggap, tinignan ko lang. "Hey. Para sayo 'to." Nagtaka siya. Bumaba pa ang tingin para mahanap ang mga mata ko.

"Kailan mo ba talagang gawin ito?" Maanghang kong tanong.

Umayos siya ng tayo at ngumiti. "Of course. We'll take it slow again."

Inusad niya ang kamay para ibigay sakin ang bouquet. Mabigat ang loob kong tinanggap yun.

"Salamat."

Hindi masyadong malaki ang bouquet na yun. Parang yung dinadala ng bride sa kasal na style na bouquet yun, simple lang. Pero hindi ako bride dito yun ang pinagkaiba.

"Kanina ka pa ba naghihintay dito?" tanong ko pagkatapos dumaan ng dalawang tao sa gilid namin.

"Two hours. It's worth it by the way dahil nakita kita."

"Phoebian may sasabihin ako." Mabuti kung sabihin ko nalang sa kanya na aalis ako para hindi siya mabibigla, at hindi rin siya pupunta-punta dito.

Tumango siya na parang gusto niyang iparating na ipagpatuloy ko ang sasabihin ko.

Bumuntong-hininga ako.

Para hindi paligoy-ligoy pa ay dapat sabihin ko na sa kanya na aalis ako. "Aalis ako, babalik ako ng Davao. At hindi ko alam kung babalik pa ba ako dito. Walang kasiguraduhan."

Gaya ng naging reaksyon ko kanina ay ganun din siya. Nabaklat ang ngiti sa kanyang labi at bumagsak din ang kanyang balikat.

Huminga siya ng malalim, binasa ang ibabang labi at tumingin muna sa ibang direksyon bago yun binalik sakin.

"Kailan ka aalis?" Malumanay pero kinakabahan ang siyang nagtanong sakin.

Umiling ako. "Hindi ko alam. Importante din ang trabaho ko sa Davao dahil doon umayos ang sarili ko—"

"Maghihintay ako."

Desidido at may determinasyon niyang sabi. Umangat ang tingin ko sa kanya para tignan ang kabuuan niya. "Maghihintay ka?"

Tumango siya at napalunok. "You waited for me for two years. Then it's my turn now to wait. Kahit lumagpas pa yan ng dalawang taon, it's still fine. I deserve it."

Tumango ako. "Maghintay ka." Mahina kong sabi saka tumalikod para pumasok sa loob na hindi nagpapaalam sa kanya. Ayaw kong magpaalam dahil natrauma na yata ako sa pagpapalitan namin ng paalam.

"Maia."

Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng building nang tawagin niya ako. Humarap ako sa kanya. Nakangiti siya pero hindi kagaya kanina na malawak at parang sikat ng araw ang kanyang ngiti. Malungkot ang kanyang mga mata pero nagawa niyang ngumiti.

"Just wanna remind you before you leave that I love you. I still am. It's always you. Every day. And I miss you a lot."

Binuka ko ang aking labi pero hindi ako nakapagsalita. May humaharang na naman na parang bato sa aking lalamunan kaya hindi na ako nagsalita pa dahil baka bumagsak may bumagsak na luha mula sa mga mata ko. Tumango lang ako sa kanya.

"Miss din kita." bulong ko nang maglakad ako papasok sa building. Naiwan siya sa labas. Habang umaakyat ako sa hagdan ay bumuhos ang luha ko. Nakayuko ako at walang tigil sa pag-akyat hanggang makapasok ako sa loob ng apartment ko.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 184K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
26.3K 724 53
R-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She t...
103K 3K 60
Jen Salas has always kept her head down, working hard to support her struggling family in the bustling town of Cebu. When she meets Jacques Almerino...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...