Chapter 01

6K 135 0
                                    

Pagdating ko sa bahay ay hapong-hapo ako. Nakatulog ako ng hindi nakakakain ng hapunan. Pagka-umaga ay araw ng Linggo. Sa first mass ay nagsimba ako. Hindi ako palasimba, minsan lang kasi akong nakaka-tyempo. At saka kapag magsimba man ako ay magkakasala na naman ako. Marami kasi akong nakikita na mga tsismosa sa loob ng simbahan, hindi ko talaga mapigilan na mainis sa kanila kaya iniiwasan ko nalang ang ganun.

Pagod akong umupo sa paanan ng hagdan, katatapos ko lang na magsimba at mamalengke. Mahal ang karne ngayon kaya stress ako. Gusto kong kumain ng karne ng baka pero wala, isda nalang ang binili ko sa wet market dahil nakamura ako. Nagpahinga muna ako ng ilang minuto bago ako nagluto para sa tanghalian ko.

Binuksan ko yung lumang telebisyon namin hindi para manuod kundi para makinig. Wala kasing signal sa phone ko para makinig ng radyo. Paano ako makakasagap ng signal kung marami kaming nag-aagawan? Do'n talaga mahirap kapag nasa kalagitnaan ka ng pag-aaral. Kaya yung wifi ko ay nasa itaas na dahil mahina talaga.

Nasa kusina ako habang nakikinig sa balita sa telebisyon. Hiniwa ko ang tiyan ng isda para tanggalin ang lamang loob nito. Nakatalikod ako mula sa TV nang marinig ko yung report tungkol sa isang bilyonaryo na lalaki. I scoffed. Yung mayayaman talaga, mas lalo lang silang yumayaman tapos yung mahihirap ay mas lalong naghihirap. 

Napailing ako at pinakinggan nalang yung balita.

"The self-made multi-billionaire Phoebian Santini just came back from Cali with his younger brother. Is it a sign that he'd stay here for good? What about his business abroad? Is it true that he came back for his brother's wedding?"

Napailing ako sa balita. Wala kaming magagawa sa kanila. Kahit sinong mayaman diyan wala kaming pakialam diyan dahil hindi naman kami naaambunan ng kahit kunting tulong nila.

Tinapos ko ang pagluluto ko. Kumain agad ako dahil nagugutom na ako. Hindi ko pinatay yung TV dahil lumipat na ito sa pagbalita sa kung ano ang magiging lagay ng panahon. Maaga akong kumain ng tanghalian dahil may isang trabaho pa ako na kailangan puntahan mamayang ala-una. Pupunta ako sa bahay ni Lola Gracia. Siya yung mayaman na matanda na nakatira sa isang exclusive na village. Medyo malayo yun dito sa lugar namin.

Siya yung nagbigay sa akin ng trabaho sa paglinis ng buong bahay niya, pero hindi naman as in buong bahay dahil hindi ko yata kaya yun. Actually dalawa kaming naglilinis. Yung isa ay yung nasa mid-40's na si Aling Lupe. Sa convenience store namin kami ni Lola nagkita, nakita niya akong nagbabasa ng libro sa kalagitnaan ng convenience store. Seryoso akong nag-aaral at at the same time ay nagsasalansan sa mga canned foods.

Malaking tulong na yung pera na galing sa kanya dahil pambayad ko na yun sa kuryente at tubig, kapag may pasok ako sa skwela ay allowance ko na yun. Dalawang libo yun, maglilinis lang naman. Piling kwarto lang naman ang lilinisin ko dahil yung iba ay hindi naman nagagamit.

Pinatay ko muna yung TV bago ako umalis. Chineck ko yung saksakan baka mamaya niyan ay umuwi ako ng walang bahay. Importante pa naman ang mga gamit ko dito sa bahay kahit kunti lang. May tinago akong alkansya para makabili din ako ng laptop. Wala talaga akong magamit lalo pa't nasa huling taon na ako sa susunod na pasukan. Fourth year na ako at malapit ng grumaduate, may iniipon akong pera at tinago ko yun sa mas ligtas na taguan. Since third year pa ako nagsimulang mag-ipon. Hindi ako makaipon agad no'ng nagsisimula pala ako ng college dahil ang dami kong babayaran. Libre nga ang tuition pero sa ibang miscellaneous ay do'n talaga ako nagkakapunder.

Nilock ko ng maayos yung munti kong bahay. Inayos ko ang bisekleta ko para makaalis na ako. Walang tren na dumaan kaya mabilis akong tumawid sa kabila. Pasingit-singit ako sa gitna ng mainit na trapiko sa highway. Maliit naman ang sasakyan ko at talagang nakakalusot ako. Di gaya sa mga kotse o yung malalaking sasakyan dahil ni hindi nga sila umuusad.

PhoebianWhere stories live. Discover now