Chapter 02

5.2K 126 0
                                    

Napakagat ako ng labi. Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko rin alam na nasa katabi ko lang siya o likod, basta hindi ko kasalanan. May CCTV kami dito sa store na magpapatunay na wala akong kasalanan kung sakaling ano ang gawin niya sa akin o di kaya ay patanggalin niya ako sa trabaho.

Ayokong matanggalan ng trabaho dahil ito ang nagsusuporta sa pag-aaral ko. Isang taon nalang ang kailangan ko para tapos maaabswelto pa?

"Sir."

The man looked at me with annoyance. Ang talim ng tingin sa akin na parang pinapatay na niya ako gamit ang mga mata niya. Imbes na matatalas na salita ang matanggap ko ay hindi niya ako pinansin at lumabas. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay katapusan na ng mundo.

"Hindi ko naman yun sinasadya Don. Alam mo naman kung gaano tayo kaingat sa mga customer natin."

Tumango si Donna. Kasalukuyan kaming nasa labas ng convenience store. Papalapit ng lumubog ang araw.  Tapos na rin kami sa shift namin. Dumating din yung mga night shift at nasa loob na sila ng convenience store kaya malaya kaming nag-uusap ni Donna sa labas.

Nilibre niya ako ng isang canned beer. Pampalamig lang ng ulo. Kahit nasa loob kami ng convenience store at air-conditioned pa ay umiinit talaga ang ulo namin dahil sa tambak na trabaho. Mabuti nalang talaga at hindi ako night shift ngayong walang pasok. Mabuti kasi at nakakatulog ako ng maayos sa gabi.

"Hindi yun magagalit si boss. May CCTV naman at pwede niyang i-review kung ano ang nangyari nung wala siya. Naka-monitor pa tayo diba? Iba kasi kapag yayamanin, yung cellphone ni boss may monitor yun. Kaya alam niya kung ano ang ginagawa natin dito sa tindahan niya. At mabait naman yun nukaba. Hindi ka matatanggal agad dahil matagal ka na dito. Mas matagal ka pa nga kaysa sa akin e."

Tama yung sinabi ni Donna. Hindi ako matatanggal agad dahil matagal na ako dito sa convenience store. Mabuti nga at natanggap ako kahit hindi pa ako nakakatung-tong ng kolehiyo.

Inisang lagok ko yung beer. Tinapon ko sa trash can na malapit lang sa kinauupuan namin.

"May gagawin ka ba ngayon?" Umiling ako sa tanong ni Donna sa akin. "Sama ka sa akin, may part time ako ngayon sa isang club. Kung gusto mo ay pwede rin kitang ireto."

Napangiwi ako. Kahit mahirap kumita ng pera ay hindi ko yata kayang pumasok sa kahit saang bar sa mundo. Prinsipyo ko ang sinusunod ko. Magagalit din si itay sa akin kapag nalaman niyang pumasok sa ganung uri ng trabaho.

"Akala ko ba ayaw mong pumasok sa mga bar? Ba't nagbago ang isip mo?"

Napakamot siya sa kanyang ulo. "Ako nalang ngayon ang inaasahan nina mama at papa. Binawi na kasi yung taxi na hinuhulugan ni papa monthly. Hindi na ako pwedeng tumigil sa pagtratrabaho dahil dalawang college na papag-aralin namin ngayong susunod na pasukan. Tsaka malaki ang tip na nakukuha sa part time ko dahil mga big time yung customers sa bar." Bulong niya sa akin sa huli niyang sinabi na may sabay na bungisngis.

Ngumisi ako pero umiling ako. Ayoko. Hindi ko masisikmura yung trabaho. Okay naman yung trabaho ko dito sa convenience store. May isang araw din akong trabaho kay Lola Gracia. Sapat na yun sa akin. Magtyatyaga lang ako hanggang sa makatapos ako sa pag-aaral.

"Sige Maia girl. Alis na ako. Ay wait, may ibibigay ako sayong body lotion. Maganda 'to para sayo dahil maputi ka. Hindi naman ako hiyang diyan at sayang lang. Naisip kita dahil napapansin ko ay hindi ka naman gumagamit ng pampaganda ng katawan."

Binigay niya sa akin yung body lotion na sinasabi niya. Kulay black ito at gold yung takip. Tinignan ko kung anong brand. Napangiwi ako dahil yun yung brand na kinagigiliwan ni Donna. Yung Phoebian. Tinagilid ko ang ulo ko nang may maalala ako. Hindi ko alam pero parang may narinig ko na ang ganitong pangalan kay Lola Gracia. Hindi lang ako sure kung ito ba or katunog lang. Baka gumagamit din si Lola Gracia ng ganitong brand?

PhoebianDär berättelser lever. Upptäck nu