Chapter 05

4.1K 95 0
                                    

Hindi ko sineryoso yung sinabi niya sa akin. Hindi siya mukhang seryoso sa sinabi niya kaya bakit ko seseryosohin yun? Tuloy-tuloy lang ako sa trabaho ko.

Mas pokus ako sa trabaho ko dahil marami kaming naging customer sa limang araw na walang pabalang. Parang may holiday dahil yung mga tao ay nagpa-panic buying. Sa dami ng mamimili ay hindi ako masyadong nakakapagpahinga. Lakad doon, lakad dito. Pero ayos lang dahil nalilipat ang atensyon ko sa trabaho kaysa do'n sa Phoebian na yun.

Nakompirma ko talaga na siya yung may-ari ng Phoebian cosmetics dahil nag-research ako tungkol sa kanya. Yung mukha niya ay talagang malaman sa internet. Bukod sa mukha niya ay naka-pokus yung iba sa katawan niya. Para sa akin normal na lalaki siya. Hindi ko siya maituturing nasa itaas dahil ang sama ng ugali.

"Alam mo ang lakas ng kita natin ngayon. Nireport ni ate Layla kay boss yung kita natin ngayon. Mas malakas tayo ngayon kaysa noong unang Linggo. Sigurado ako, may bonus tayo nito pagdating ni boss." Si Donna.

Kasama ko siya sa may dirty kitchen ng convenience store. Pinagawa ito ng amo namin para dito daw kami magpahinga o di kaya ay kumain. Yung dirty kitchen ay parang kitchen sa restaurant. Palagi namin itong nililinisan dahil para makaiwas kami sa mga daga. Minsan kasi kapag puno na yung storage namin ay dito namin nilalagay sa dirty kitchen.

"Sana nga. Malapit na rin ang pasukan. Sana ay makabili na ako ng bagong laptop. Kailangan ko na rin yun eh."

"Ay naku yan nga ang problema. Kailangan mo nga yan dahil fourth year ka na diba?" Tumango ako. Nagkrus siya ng kanyang dalawang braso at tinapat sa dibdib niya.

May pera na ako para sa laptop. Pwede na akong bumili kaya lang ay dapat may extra din akong pera para sa allowance ko at sa iba ko pang pangangailangan. Yun talaga ang problema dahil kapag may binili ako saka din ako mamomroblema sa ibang gastusin. Ang sakit lang sa ulo sa pag-iisip.

"Kaya lang dapat makabili ako ng bagong corporate attire. Interne na kasi ako."

"Ay hala oo nga pala no. Ba't napaaga yan? Diba dati sa second semester na yung on-the-job training?" Tanong ni Donna. Nakalabas na kami ng dirty kitchen. Sa backdoor kami lalabas para makauwi.

Linagay ko yung backpack ko sa harap ng dibdib ko. Mabagal kaming naglakad.

Tumango ulit ako. "New curriculum na ngayon. Ang laki na ng ipinagbago sa bagong sistema ng edukasyon. Yung ibang subjects sa upper years ay nasa lower years na. Swerte nila dahil hindi kapag nasa ika-apat na taon na sila ay hindi na sila mahihirapan." Paliwanag ko. Mukhang naintindihan naman ni Donna ang sinabi ko.

"Subagay. Eh diba business ang kinuha mong degree? Sa'n ang on-the-job training mo?"

Umiling ako. "Hindi ko pa alam. Kapag pumasok na ako sa skwela ay malalaman ko yun kung saan kami naka-assign." Hinihiling ko talaga na sa isang sikat na kompanya ako makapasok para may magandang feedbacks ako kapag mag-apply ako ng trabaho after graduation.

Wala akong naging ibang choice kundi business administration nalang ang kinuha kong degree para sa college. Sa university kasi namin ay maliit lang ang pagpipilian. Ayoko namang maging guro dahil wala akong passion sa pagtuturo. Kahit yun ang gusto ni itay para sa akin ay hindi ko kinuha dahil alam ko na magsisisi ako pagdating ng panahon.

Okay naman sa akin ang business administration dahil sa katunayan ay marami ang bumabagsak sa pagnenegosyo. Baka kapag magka-pera ako ay sa pagnenegosyo nalang ako. Maganda yun. Alam ko naman na maraming negosyante na dito sa bansa at marami na ang produkto. Pero mag-iisip pa rin ako kung ano ang maaaring inegosyo. Sa ngayon ay huwag nalang muna yan dahil hindi ko pa kaya.

Sa harap ako nakatingin habang nagkukwento si Donna at may napansin ako na pamilyar na sasakyan na nasa gas station. Pamilyar na malaking sasakyan yun at do'n ko din napansin yung driver ni Lola Gracia na nasa labas.

PhoebianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon