Chapter 30

2.6K 59 0
                                    

Inayos ko ang sarili bago ako umalis sa opisina. May natanggap akong email kanina na galing sa secretary ni Valentine. Makikipagkita siya sakin. Kung gusto niyang makipagkita ay papayag ako. Ito na yung pagkakataon para sabihin ko sa kanya na hindi ko ipagbibili si Phoebian.

Maaga akong umalis ng opisina para makapunta ako sa Japanese restaurant na sinabi sa email. Nasa loob ako ng elevator at samu'tsaring imahe ang naiisip ko. Paano kaya kung tanungin ako ni Phoebian bakit umalis ako ng hindi sinasabi sa kanya.

Pinilig ko ang ulo ko para hindi na ako mag-isip ng kung ano-ano.

Nasa Japanese restaurant na ako. Marahan ang lakad ko papasok.  Pagpasok ko ay nabungaran ko agad si Valentine. Hindi kasi madami ang kumakain kaya madali ko siyang nakita. Pagdating ko sa mesa na nireserve niya ay agad na naagaw ang kanyang pansin mula sa champagne na iniinom niya.

"Oh you're here. It's about time that we should talk again Maiarie. Ayokong magpaligoy-ligoy pa. You know I love Phoebian and he's supposed to be mine if it's not because of you." Agad niyang sabi sakin.

Hindi na ako umupo. Alam ko naman na hindi ako magtatagal dahil kung ano ang pinag-usapan namin noong isang araw ay yun din ang tatalakayin namin. Ayokong iurong ang desisyon ko dahil paninindigan ko kung ano man ang hamon na kaya ni Valentine para sakin.

"Hindi rin ako magpapaligoy-ligoy pa Miss Valentine. Kahit anong gawin mo ay hindi ko susukuan si Phoebian. Maganda ka naman kaya bakit si Phoebian pa ang gusto mo? Ayaw na ba sayo ni Oxford?"

"Shut up. It's none of your business." Matalim niya akong tinignan.

Blanko ko siyang tinignan. Kinuyom niya ang kanyang kamao na nakakapatong sa mesa.

"Hindi ako matalino at hindi rin ako bobo Miss Valentine. Hindi ko tatanggapin ang alok mo at mas lalong hindi ko iiwan si Phoebian." Matapang kong sagot.

Mas tumalim ang kanyang tingin. Hindi ako nagpatinag sa tingin na ipinukol niya. Napansin kong tinitignan kami ng isang waitress na nasa tabi ng mesa sa pwesto namin, nagpupunas siya ng mesa, alam kong agaw pansin kaming dalawa ni Valentine. Lalo na ako dahil nakatayo ako. Mukha pang ako ang sumugod kay Valentine. Pero sa mga oras na'to ay hindi ko na iniisip yun.

"I will make it half a billion dollars basta layuan mo lang si Phoebian! You know I love him and I want him!" Sigaw niya.

Napaigtad ako dahil bigla niyang hinampas ang mesa. Pareho kaming nagulat ng mga tao sa loob ng restaurant, na nasa amin na rin ang kanilang atensyon. Great job Valentine.

"Yun na ang desisyon ko Miss Valentine. At please lang, umasta kang abogada dahil yun ang pinag-aralan mo. Hindi bagay sayo ang pagiging desperada. Sayang ka."

Tumalikod ako pagkatapos kong sabihin sa kanya yun. Sumasama na ang loob ko dahil sa kanya. Ang ganda ng gising ko kaninang umaga at nasira niya ang araw ko. Ganun yata siya na tao. Parang hindi edukada kung umasta. Napakadesperada niya.

Gusto ko sanang bumalik sa opisina kaya lang ay sumakit ang ulo ko. Bumili nalang ako ng pagkain sa fast food na nadaanan ko at bumili din ako ng gamot para sa sakit ng ulo. Umuwi ako.

Pagpara ng taxicab sa harap ng apartment ay nagulat ako sa kotse ni Phoebian na nasa tapat narin. Nagbayad agad ako sa taxicab driver at bumaba bitbit ang pinanmili ko. At least may ebidensya ako kung sakaling magpaliwanag ako na hindi niya madala. Alam niya kung paano magsinungaling kaya sana ay madala siya sa alibi ko ngayon. Wala din akong balak na sabihin sa kanya ang tungkol kay Valentine. At ayokong isipin ang nangyari kanina dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko.

Pagbukas ko ng pinto ay nasa gitna na siya ng apartment. Para siyang aso na naghihintay sa amo niya. Nagulat parin ako sa presensya niya. Para anumang segundo ay lalapain niya ako. Hindi naman nangyari yun. Magkapulupot ang dalawa niyang braso sa kanyang dibdib. Nakukunot ang kilay at marahang humakbang palapit sakin.

Phoebianحيث تعيش القصص. اكتشف الآن