Chapter 35

2.4K 46 0
                                    

Hindi ako pumasok kinabukasan dahil late na akong nagising at wala din akong lakas pa. Bumangon ako mga ala una ng hapon. Alas tres na ako nakatulog dahil sa pag-iyak ko. Paggising ko ay wala na si Phinneas sa labas ng apartment ko. Alam ko na nandun lang siya sa harap ng apartment ko kaninang madaling araw at binabantayan ako.

Laman si Phoebian ng balita. Ang dami kong natanggap na mensahe galing sa mga katrabaho ko. Hindi ko kailangan ng simpatya nila ang kailangan ko ang presensya ni Phoebian, ang magandang balita na nahanap na siya at ligtas at buhay.

Nagpasalamat ako kay Ox dahil binigyan niya ako ng ilang araw na leave. Hindi naman yun kakaltasin sa susunod ko na leave.

Bumisita ang Nanay ko dahil gusto niyang malaman ang kalagayan ko.

Wala paring balita kay Phoebian. Hindi rin ako lumalabas sa bahay dahil baka may reporter sa labas at kunan ako ng pahayag na wala naman akong alam sa nangyari sa nobyo ko. Hindi ko alam dahil hindi na kami nagkausap. Kung nakikita ko lang ang future ay sana ay ligtas siya ngayon at kasama ko siya.

Dalawang araw na siyang hindi mahanap. Natigil na din ang balita tungkol sa kanya. Sa bahay lang din ako. Isang Linggo ang hiningi ko kay Ox na leave dahil hindi ko talaga kayang lumabas. Gusto ko ay sa loob ng apartment lang ako at maghintay lang balita galing kay Phinneas. Dinalaw ako ni Aling Lupe at kinumusta ang lagay ko. Ayos lang ako. Hindi naman ako mahina. Kaya ko ang sarili ko.

Apat na araw ng hindi natatagpuan ang katawan ni Phoebian. Palagi akong nagdadasal na sana ay mahanap na siya. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang salubungin siyang... wala na. Hindi ko talaga kaya yun lalo na't malakas ang pakiramdam ko na buhay talaga siya.

Minsan ay napapaiyak ako kapag naaalala siya dahil hindi ako makapaniwala na walang Phoebian na umuwi sa apartment. Ilang oras akong naghintay sa kanya at malalaman ko nalang kay Phinneas na nawawala siya. Sino ba naman ang hindi maiiyak at maiinis nun? Imbes na mainit na yakap niya ang sumalubong sakin ay malamig na balita ang aking nalaman.

Binuksan ko ang bintana sa aking kwarto. Maaga pa para matulog. Alas syete palang at hindi pa ako inaantok. Tumingin ako sa madilim na langit. Pati ang langit ay dama ang hinagpis ko. Sunod-sunod na tumulo ang aking luha. Gabi-gabi akong umiiyak. Hindi ko kasi mapigilan. Okay pa kami noong mag-usap kami sa cellphone. Mabuti nalang at hindi kami nag-aaway, kundi, baka pinagsisihan ko na yun.

Minsan lang akong magtampo sa kanya dahil wala siyang ginagawa para magtampo, magalit, o magselos ako sa kanya. Ganun niya ako kamahal, ni ayaw niyang nagagalit ako sa kanya kaya maganda ang pagdala niya sa akin. Ganun din naman ako sa kanya. Kaming dalawa ang magkasama sa relasyon namin kaya matibay ang relasyon naming dalawa.

Tahimik akong umiiyak sa may bintana. Hindi napapagod ang mga mata ko sa kakaiyak, parang gripo na hindi sinara ang mga mata ko, patuloy lang ang lagaslas ng luha.

Pang-limang araw ay maaga akong nabulabog dahil tinawagan ako ni Aling Lupe na may balita na kay Phoebian. Kinakabahan ako hindi dahil sa takot kundi sa kagalakan na makita siya. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Masaya ako dahil sa wakas ay may balita na.

Sa mansyon ni Lola Gracia ako pumunta dahil yun lang ang alam kong mapagkukunan ko ng balita. Pagpara ng taxicab sa harap ng kanilang higanteng gate ay bumukas yun at saktong si Aling Lupe ang lumabas. Nagbayad ako agad sa driver ng taxicab at humarap kay Aling Lupe.

"Aling Lupe." Naglakad ako papunta sa kanya. Sinalubong niya ako ng ngiti. Pareho kaming lahat ay nag-aalala kay Phoebian, lalo na si Lola Gracia dahil nasugod yun sa ospital nang malaman na nawawala ang apo.

"Mabuti at napadalaw ka. Alam mo papunta sana ako sa apartment mo dahil may gusto akong sabihin sayo. Importante kasi ito." sabi niya na ipinagtaka, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil yung kagalakan ng puso ko ay napalitan ng kaba.

PhoebianWhere stories live. Discover now