Chapter 34

2.2K 41 0
                                    

Nagising ako sa sumunod na araw na magaan ang pakiramdam at halos walang problemang iniisip. Sa trabaho ay wala akong problema, kahit anong negatibong pangyayari ay mabuti nalang ay wala akong nakasalubong, mabuti nalang at umaayon ang Panginoon sakin.

Maaga palang akong umuwi galing trabaho. Ang una kong ginawa ay naglinis ako sa kusina. Malinis naman ang ibang parte ng apartment at wala akong problema dun. Nagmarinate ako ng pork na binili ko pagkalabas ko ng opisina, bago pumarito sa apartment ay sa palengke ako pumunta dahil ngayong araw ay darating si Phoebian. Pangako ko sa kanya na ipagluluto siya kaya heto at naghahanda ako sa pagdating niya para makakain ng marami.

Alam ko na hindi siya mahilig kumain sa ibang lugar lalo na kapag hindi ako kasama. Malungkot daw kasing kumain mag-isa lalo na't sanay siya na kasama niya ako sa araw-araw.

Hindi ako kasing galing ni Phoebian na magluto. Marunong nga akong magluto pero pagdating sa aming dalawa kapag pagkomparahin ay siya yung mas masarap magluto. Pero bawing-bawi naman ako sa desserts dahil dun ako magaling.

Naghugas ako ng kamay at inangat ko ang tingin ko sa wall clock. Malapit ng mag-alas sais. Binilisan ko ang kilos ko. Kumuha ako ng bigas at nagsaing sa rice cooker. Naging paspas ang kilos ko dahil baka hindi ko maluto ng maayos yung handa ko para kay Phoebian. Nagdesisyon ako na apat na savory at isang dessert ang gagawin ko para sa kanya. Gusto ko lang na mabusog siya kahit may jetlag pa siya pag-uwi niya.

Alas otso ay nakatapos ako sa pagluluto. Umupo agad ako sa silya sa kusina. Linagay ko lahat sa lamesa ang lahat na pagkain except sa dessert dahil pinalamig ko muna yun sa ref at yun naman ang last na kakain namin. Naglinis muna ako pagkatapos kong magpahinga ng limang minuto. Hinanda ko ang pinggan at kubyertos pati baso para pagdating ni Phoebian ay nakahanda na ang lahat at pagkain nalang ang gagawin niya.

Binuksan ko ang TV nang maupo ako sa sofa sa living area. Pagod ako at nagugutom at inaantok pero sasalubungin ko pa si Phoebian baka magtampo yun.

Muli ay tumingin ako sa orasan. Alas nuebe-dyes na. Nagkibit-balikat lang ako dahil baka nasa himpapawid pa siya. Hindi naman ako nagmamadali. Pero excited akong makita siya. Isang Linggo yata kaming hindi nagkita o lagpas pa. Miss ko na siya ng sobra at gusto ko na siyang mayakap at halikan.

Tinignan ko ang orasan ulit kung anong oras na. Nine-twenty. Narinig kong kumulo ang tiyan ko. Gutom na ako. Kanina ay tumikim lang ako sa mga pagkain, hindi naman ako nabusog kanina. Pero naghintay parin ako kay Phoebian. Baka nagkamali lang ako ng dinig kung anong oras siya uuwi.

Past ten nang hindi ko na makaya ang gutom. Naglakad ako sa kusina at kumain. Tama lang ang kain ko dahil sasabay ulit ako kay Phoebian kapag dumating na siya galing sa airport. Paspas akong kumain, linagay ko sa lababo ang pinggan na ginamit ko. Uminom ako ng tubig at mabilis na pumunta sa living area para sumilip sa bintana.

Kada may sasakyan na dumadaan ay napapatingin ako sa labas ng bintana, iniisip na darating siya. Paroon-parito lang ako sa loob ng apartment.

"Ang tagal naman." bulong ko sa sarili. Umakyat ako sa taas para icharge ang cellphone ko. Hindi pa naman siya low battery, walang text message o missed calls akong nakita, yung message lang niya kanina ang nakita ko na ang sabi niya ay nasa loob na siya ng Phoebian air.

Umupo ako sa silya ko sa loob ng kwarto ko. Nakapatong ang mukha ko sa dalawang kamay sa ibabaw ng side table. Naghihintay at umaasang tutunog ang cellphone ko sa tawag niya. Ugali niya kasing tumawag sakin na nakababa na siya sa Phoebian air at on the way na sa apartment. Hindi ito ang unang beses na late na siyang umuwi sa apartment ko. Minsan kasi ay mabigat ang traffic sa daan kaya hindi siya madaling nakakauwi.

"Baka traffic." Kombinsi ko sa sarili. Baka nga traffic lang. Baka traffic sa himpapawid o di kaya pauwi dito sa apartment.

Napasampal ako sa pisngi ko. Nabobored na ako. Hindi ko naman gustong manuod ng TV dahil wala ako sa mood para manood. Wala paring mensahe si Phoebian sakin. Palakad-lakad ako sa loob ng kwarto ko. Parang hindi ako sanay na late siyang umuuwi kapag galing sa ibang bansa. Pero nang mag-alas dose ay nakaramdam ako ng pag-aalala. Praning lang siguro ako dahil ito yung unang beses na maghintay sa kanya. May susi siya sa apartment ko at tulog ako minsan kapag gabi na siyang umuuwi.

Phoebianحيث تعيش القصص. اكتشف الآن