Chapter 11

3.5K 97 0
                                    

Pagsara ko ng pinto ay sumandal ako sa likod nito. Ang bigat ng hininga ko na parang nakipag-karera ako sa mga kabayo. Hinawakan ko ang dibdib ko para huliin ang nagsisitakbuhan kong hininga. Kinalma ko ang sarili. Natawa ako sa sarili kong gawa at napailing. Pinakawalan ko ang isang malalim na buntong-hininga. Naglakad ako paakyat at nagbihis ako sa kwarto ko. Natulog din ako pagkatapos kong linisan ang sarili.

Ilang araw na ako sa PS Inc. at salamat nalang sa diyos dahil hindi niya ako pinapabayaan at maganda din ang naging record ko noong unang Linggo ko dito sa kompanya. May mga dumating na bagong interns mula sa ibang unibersidad. Wala akong naging problema sa dalawang intern na inassign sa sales department. Taga Alfonso university sila at isa kinikilalang skwelahan sa syudad. Siguro ay ganun nalang ang pagiging pabor ng COO dahil ang sabi sa akin ay do'n daw grumaduate ang pangalawang namamahala.

Mga lalaki naman ang naassign. Mas mabuti na yun kaysa sa mga babae dahil tiyak akong kakompentensya lang ang tingin nun sa tingin. Saka mabait naman ang dalawang bagong intern at minsan lang kami nag-uusap dahil sa fully loaded kami sa trabaho.

Kung maayos ang naging bagong intern sa sales department sa akin ay hindi naman ganun kapalad ang sa iba. Si Dennies ay nagrereklamo sa akin dahil ang swerte ko daw dahil hindi daw ako nakatapat ng kakompentensya na kagaya nung sa kanya. Tinanong ko siya kung bakit. Ang sagot niya sa akin ay may isang intern na babae at lalaki daw siyang kasabay. Yung babae ay masyadong maldita habang yung lalaki naman ay todo bola sa kanya.

Yun ang ayaw ko, yung may nambubuso o kahit anong hindi magandang katangian sa lalaki. Kasi distractive ang ganun, hindi ka makakapag-focus kung landian lang buong oras. Mabuti at hindi ko nakikita ang lalaking yun. Pero mas maganda na yung nag-iingat ako para iwas sa ganung insedente. Ayoko lang na pag-tsismisan at matanggal pa ako sa on-the-job training namin. Baka yun na ang maging katapusan ko. Sayang ang pinaghirapan ko. Isang semester pa ang tatawirin ko para makapagtapos.

Tatlong Linggo ang nakalipas at pinagpapasalamat ko na hindi pa nakakauwi ng bansa si Phoebian. Noong unang Linggo ay puro kami dinner sa penthouse niya— na nakasanayan ko na. Palaging siya ang nagluluto. At ganun parin, hindi ako pinapahawak ng kutsilyo kahit gusto ko siyang tulungan. Ewan ko kung ano ang problema niya sa paghawak ko sa kutsilyo. Kung iniisip niya na papatayin ko siya ang kitid naman ng utak niya. Edukada ako at may prinsipyo. Kaya nga ako ng nag-aaral para maituwid ko ang buhay ko at hindi gumaya sa ibang mga babae na nilaspag na ang katawan sa kanto ng squatter area.

Speaking of Phoebian, hindi ko alam kung kailan ang dating niya. Hindi ako makatanong sa head namin. Nasa corner lang ako palagi at minsan kapag natatapos ang trabaho ay nakikinig sa usapan pero hindi ko naman intensyon yun dahil naririnig ko talaga. Malakas lang talaga ang mga boses nila. At isa pa, hindi naman palaging pinag-uusapan si Phoebian sa loob ng opisina.

So sa dalawang Linggo na hindi ko siya nakikita ay gumagaan ang loob ko dahil hindi rin ako nagtratrabaho sa gabi na kailangan kong trabahoin. Gusto kong magresign pero pinagsisikapan dahil tatlong gabi lang naman yun at hindi yun mahirap. Sayang din ang pera. Malaki pa naman ito at mahirap maghanap ng trabaho. Yung convenience store na pinapasukan ko dati ay bagong recruit na. Kaya paano pa ako makakabalik do'n atsaka malayo din ako. Mahirap man pero titiisin ko nalang para sa buhay ko. Hindi ako pwedeng sumuko nalang. At kung kinanakailangan na palagi kong nararamdaman ang presensya ni Phoebian ay titiisiin ko.

Hindi rin siya masama kung susundin lang ang gusto niya. May standards din kasi siya kaya hindi niya ako gagawan ng kahit anong illegal.

Sa pagkakaalam ko, nasa Europa siya ngayon at may fashion week siyang kailangan ataman. May collaboration sila ni sir Phinneas. Tungkol sa fall-summer collection. Cosmetics ni Phoebian at ang bagong collection ng women's wear ang inisa. Magandang collaboration yun dahil nakita ko mismo sa Instagram nila yung mga desinyo.

PhoebianWhere stories live. Discover now