Un-tie (R-18)

By Sha_sha0808

478K 19.7K 2.7K

Un-tie (R-18) Ordinaryong estudyante lang ako sa harap ng mga kakilala ko pero nawalan Ng kalayaan mula nang... More

prologue
1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
5
6(R-18)
chapter 7
chapter 8
chapter 9
10
11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
15
chapter 16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
tanong
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
Finale

38

6.7K 341 53
By Sha_sha0808










Unedited...







"Do you think ganoon na lang yun? Na kapag mayaman ka, wala ka nang problema? Look, guys! Bago pa magbuhay donya ang isang tao, may naghirap na muna iyon para sa kanya. Example sa akin. Madalas kong naririnig na yung linyang buti pa ako o ang swerte namin kasi Bautista kami o Villafuerte kaya ang sarap ng buhay o nahihiga sa salapi," pagpaliwanag ni Reon sa mga estudyante. "Guys, naging magaan ang buhay namin kaysa sa iba kasi nauna nang nagsakripisyo ang mga ninuno namin. Galing din kami sa mahirap. Nagsikap sila para sa amin. So ang ginagawa na lang nila is they maintained it!"

Lahat ay nakikinig sa kanya. "Let me tell you what my life was bago ako naging bilyonaryo." Panimula niya habang nilalaruan ang hawak na ballpen. "All my bank accounts were zero balance. To make the long story short, niloko ako ng ibang pinagkatiwalaan ko. Na-depress ako pero never akong humingi ng abuloy sa pamilya ko. Nangutang ako sa kanila nang kaunting puhunan. I worked hard para makabangon. I slept two to three hours a day lang para makagawa ng magandang business proposal. Pinag-aralan ko ang market startegies lalo na ang stock market. I used ny friends knowledge para makuha ang gusto ng masa. Hindi ako nagse-save ng money sa bangko. I invest! Gusto ko tumutubo ang pera ko kasi kapag hawak ko siya, wala lang. Ang isang libo ko, isang libo pa rin maghapon. Ang swerte ko lang kasi pumatok ang mga binebenta ko, maraming nagtiwala sa akin na investors and higit sa lahat, lahat kami sa itinayong kompanya ay nagtutulungan. Umiwas ako sa barkada na nagwawaldas lang ng pera. I worked with friends na same mindset sa akin, at iyon ay kung paano kumita."

"Sir, question," pagtaas ng kamay ni Joseph. 

"Ano yung pinakasikreto mo bilang isang businessman na naging successful ka?"

"Secret?" ulit ni Reon saka ngumiti.

"Piliin mo kung sino ang pinagkatiwalaan mo at honest pagdating sa pera," sagot ni Reon. "Wag kang magpahiram sa taong walang konsensya kapag hindi nakabayad ng utang."

"Sir, di ba nasa iyo na ang lahat," ani Nina. "Ano pa ba ang kulang sa 'yo?"

"Kailangan pa bang itanong 'yan?" ani Reon at napasulyap kay Zia. "Asawa, syempre."

"Ayieee. Sir, ano ba ang gusto mo sa babae?" follow-up question ni Nina.

"To be honest, wala akong standard," sagot ng binata. "Hindi ako naghahanap ng kailangan bata sa akin, kailangan mas mayaman sa akin, kailangan maganda, maputi, pinay at sexy. Hindi iyon ang hanap ko. Kahit ako hindi ko rin alam."

"Sir, kapag ba sasagutin ka ng nililigawan mo, may chance bang pakasalan mo siya?" tanong ni Trina.

"Depende," sagot ni Reon. "Kung paglaruan lang niya ako, tingin ko hindi ko siya kayang pakasalan. Ang hirap kumawala sa marriage. Teka, bakit ba iba na ang topic natin?" natatawang tanong ni Reon. "Balik nga tayo sa topic."

Medyo gumaan na ang buong klase at nakipagbiruan na rin ang iba kay Reon. Naging masipag na rin ang ibang mag-advance review o makinig dahil sa pabuya ng binata.

"Zia?" tawag ni Reon nang palabas na ang dalaga.

"Sir?"

"Di ba wala kayong klase sa second period nyo ngayong hapon?"

"Yes po, masakit daw ang ulo ng prof namin."

"Baka gusto mong mag-ice cream tayo ng three p.m?"

Napayuko si Zia. Tiyak may nakarinig ng usapan nila dahil hindi naman lahat ay nakalabas na.

"T—Tingnan ko ho."

"Okay, text mo na lang ako mamaya," sabi ni Reon.

"O—Okay."

Tumalikod na ang dalaga saka lumabas. Nakita niya sina Jeric at Trina na nag-uusap kaya umiwas na siya para pagbigyan ng time ang dalawa.

Patungo na siya sa susunod na classroom nang tumunog ang cellphone.

"Chester," masayang sabi niya.

"May pasok ka ba? Malapit lang ako sa Westbridge."

"May thirty minutes break pa ako."

"Pwede ka bang lumabas? Nagugutom ako, kain tayo."

"Sige," sabi niya at dumiretso palabas ng gate.

"Chester. Nakabalik ka na pala?"

"Oo. May pinadalang gulay si Tiya, iwan ko na lang sa reception ninyo."

"Sige. Tara, doon tayo sa karenderya, masarap ang pancit nila," yaya ni Zia kaya sumama si Chester sa kanya.

"Kamusta kayo ng boyfriend mo?"

"Okay lang. Ayun, niyaya akong mag-ice cream mamaya."

"Mahal ka ba talaga niyan? Baka mamaya—"

"Hindi ko rin alam, Chester. Basta ang mahalaga lang sa akin ay makapagtapos sa pag-aaral."

"Good. Mag-focus ka muna at kung talagang seryoso ka, dapat pakasalan ka niya."

"Kasal agad?" ani Zia.

"Oo naman. Sya nga pala, magka-chat kami nung kaibigan mong si Marsha."

"Sinong Marsha?"

"Yung makeup artist."

"Ah, yung ano," sabi ni Zia na alanganin sabihin ang kasarian ni Marsha.

"Bading," sagot ni Chester.

"Oo," sagot ng dalaga.

"Wala ka namang dapat na ikahiya sa pagsabing bading siya e kasi bading naman talaga siya," sagot ni Chester. Bakit parang diring-diri ka?"

"Hindi ah," tanggi ni Zia.

"Okay lang naman sa kanya na tawaging bading o bakla kasi iyon naman daw talaga sya at walang dapat na ikahiyang tawagin siya ng ganoon. Pero gusto niyang tawaging transwoman kasi physically, babae na raw sya."

"Ehem! Bakit defensive ka sa kanya?"

"Wala. Syempre mabait naman sya."

"Paano kayo nagka-chat?"

"Ah, naging pasahero ko siya. Nag-book sya tapos ayun, natandaan niya ang pagmumukha ko at nag-usap nga kami."

"Ikaw ha. Lumalablayp ka na," tukso ni Zia.

"Saan? Si Bakla?"

"O? Ano ang masama? Maganda naman sya ah."

"Magkaibigan lang kami."

"Hmm? Okay, sabi mo eh."

"Baka kailangan mo pa ng pera, may dalawang libo pa ako," pag-iiba ni Chester.

"Wag na. Okay na po ako at may extra pa ako. Itago mo na lang 'yan."

"Ikaw ang bahala. Nag-iipon na ako ngayon, Zia. Balak kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko nextyear. Nakakahiya naman sa 'yo na ang sipag mo."

"Ikaw talaga. Sympre isa ka sa mga dahilan kung bakit nakapag-aral ako. Don't worry, Chester, tutulungan kita kapag makatapos ako," pangako ng dalaga.

"Sino ba naman ang magtutulungan kundi tayong magpinsan lang," ani Chester.

Ngumiti si Zia. Kaya ang swerte niya sa pinsan dahil naghihilaan sila at nagtutulungan para umangat. Hindi lahat ng pinsan ay ganito. Madalas sa magpipinsan ay nagkakumpitensya lalo na kung success ang pag-usapan. Kaya napakaswerte niya.

Napasulyap siya kina Trina at Nina na pumasok. Inirapan siya ni Trina pero hindi na niya pinansin.

"Binu-bully ka ba nila?"

"Ha?"

"Nakita kong inirapan ka nila," ani Chester.

"Yaan mo na. Hindi ko na lang sila pinapansin."

"Tama 'yan," pagsang-ayon ni Chester. "Pero kapag sumusobra na, patulan mo rin para hindi masanay."

"Salamat, Chester. At sa mga panlibre mo."

"Sus, wala iyon. Tapos ka na? Alis na ako ha."

"Sige. Tara," tumayo na rin si Zia matapos nilang makapagbayad at bumalik sa Westbridge pero nakasalubong niya sina Reon at ang tatlo pa niyang lalaking kaklase.

"Saan ka galing?" tanong ni Reon na sa kanya nakatingin kaya alanganing magkunwari siyang hindi niya narinig.

"Sa labas lang," sagot niya. "Dumaan ho kasi ang pinsan ko."

"Si Chester?"

Tumango siya.

"Sir, hanggang kailan ka rito?" tanong ni Ian kaya tumalikod na si Zia.

"Miss Mendez," pahabol ni Reon kaya tumigil ang dalaga at lumingon. Nakatingin din sa kanya ang mga kaklase. "Don't forget later."

Tumango si Zia at dali-dali nang tumungo sa classroom.

"Bakit parang hinahabol ka ng maligno?" natatawang tanong ni Jeric.

"Wala. Akala ko late na ako," sagot ni Zia at naupo sa upuan.

"Stressed ka na naman sa ice cream time nyo?" biro ni Jeric.

"Wag mo nang i-remind!"

"Sus, kunwari ka pa pero kinikilig ka naman."

"Tigilan mo ako, Jeric!" pikong sabi niya kaya napalingon si Trina sa kanila.

"Eh kung sagutin mo kaya siya?"

"Ano ba?" bulyaw niya. "Si Trina nga ang kulitin mo!"

"Nanapak 'yon kapag mapikon," kunwari bulong ni Jeric pero alam namang naririnig ni Trina. "Ano ba ang ayaw mo sa kanya? Eh secured ka naman kay Tito."

"Ba't mo ba pinapakialaman ang buhay ko?" mataray na tanong niya at sinamaan ng tingin kaya itinaas ni Jeric ang mga kamay.

"Okay, okay! Hindi na nga kita pakialaman. Bye na!" Lumayo ang binata at nakipag-usap kay Trina pero hindi naglaon ay si Trina na naman ang humiyaw at tumaboy rito.

Nang magsimula ang klase, walang pumapasok sa utak ng dalaga kundi ang pakipagkita nya mamaya kay Reon. Kinakabahan siya kahit na palagi naman silang nagkikita sa bahay.

Lunchtime, binagalan niya ang pagkain pero mayamaya pa'y first period na sa hapon kaya ang bigat ng mga hakbang niya patungo sa classroom hanggang sa natapos na ang klase.

"Uy, date na sila!" tukso ni Jeric nang palabas na ang lahat.

"Sana all may ice cream date!" tukso ni Nina kaya hiyang-hiya si Zia. Dinampot niya ang bag saka lumabas ng classroom pero nagulat siya nang makita si Reon na nakasandal sa wall at nakapamulsa.

"Hi," nakangiting bati ni Reon na palapit na sa kanya. Parang ang bigat ng buo niyang katawan na hindi niya kayang gumalaw lalo na't lahat ng estudyante ay nakatingin sa kanila. Tila naging slow motion ang lahat na gusto na lang niyang tumigil ang mundo para wala nang pakialam ang mga tao sa kanila.

"Zia? May pupuntahan ka pa?"

"W—Wala," sagot niya saka napayuko.

"So tara na?" yaya ni Reon.

Hindi sumagot ang dalaga at ipinagpatuloy ang paglalakad. Sinabayan siya ng binata.

"Sorry if kailangan mong maramdaman 'to," mahinang sabi ni Reon na dumikit sa kanya kaya napasulyap siya rito. "Alam kong ayaw mo nang ganito but kailangan mong masanay na kasama ako in public."

"H—Hindi naman ho ako nahihiya," pag-deny niya.

"Good," ani Reon saka ngumiti. "Kasi madalas na natin itong gagawin."

"G—Gagawin?" ulit niya at biglang nanlamig nang hawakan ni Reon ang kanan niyang kamay.

"Kagaya nito," ani Reon saka kumindat sa kanya nang tumingala siya rito. Bago pa siya maka-react, nahila na siya ng binata patungo sa gate. Napakagat si Zia sa ibabang labi at  hindi makatingin sa mga nakakasalubong nila hanggang sa makarating sa Ice cream house ng mga Santillan. Ang haba ng pila sa labas at puno pa ang upuan sa loob. Puno talaga lalo na't dinadayo pa ito ng ibang estudyante sa malapit na unibersidad.

Nang pumasok sila, dumiretso sila sa itaas. Walang tao kaya nakahinga nang maluwag ang dalaga.

Nang maupo sila, saka naman dumating ang server at naglagay ng makakain.

"Lahat ng flavour, in-order ko na," sabi ni Reon.

"Hindi ko kayang ubusin lahat."

"Kainin mo ang gusto mo at ang sobra ay ibigay natin sa mga pulubi sa labas para hindi sayang," sabi ni Reon.

"Sige. Good idea," aniya. "Pero bakit walang umaakyat dito at tayo lang?" Puno na nga sa baba pero hindi pa rin pinapaakyat ang iba.

"I rented this for an hour," ani Reon kaya napanganga ang dalaga. "Alam kong hindi ka sanay na may ibang tao."

"S—Sana sinabi mo. Pwede naman tayong kumain ng ice cream sa bahay!" aniya na nahihiya sa iba.

"Iba sa bahay, iba ang date sa labas," sabi ni Reon.

"Sir naman—"

"Please, Zia," pakiusap ni Reon saka hinawakan ang kamay niyang nasa ibabang ng mesa. "Bare with me. Ito ang buhay ko kaya sana tanggapin mo rin ang lifestyle ko."

"P—Paano naman ako?"

"Sinusubukan ko namang mag-adjust," ani Reon. "Pero hindi maiwasang ganito tayo dahil may pera ako. I really wanted to give you the best."

"P—Paano kung masanay na ako?" seryosong tanong ni Zia na nakaramdam ng takot. "Paano kung masanay na ang mga tao tapos darating ang araw na magbago ang lahat sa atin? Ano ang gagawin ko? Ano ang sasabihin ko?"

"Hindi kita maintindihan, Zia."

"P—Paano kung i—iwan mo ako?" mahinang tanong niya. "A—Ano ang sasabihin ko sa kanila na nakakita sa atin na ganito tayo? Na darating ang isang araw na ako na lang mag-isa?"

Naramdaman niya ang pagpisil ni Reon sa kanyang kamay.

"Bakit mo iniisip yun? May balak ka bang iwan ako?"

"H—Hindi natin alam ang mangyayari, Reon."

"Now Reon na ang tawag mo sa akin," ani Reon na lumiwanag ang mukha. "Zia, hangga't hindi natin binibigyan ng rason na iwan ang isa't isa, hindi tayo maghihiwalay."

"P—Paano kung may nakita kang babae na mas higit pa sa akin?"

"You were a nobody, Zia," paalala ni Reon. "Lahat ng babae ay lamang sa 'yo nang makilala kita and yet, ikaw pa rin ang pinili kong ligawan. Does it make sense?"

Iniwas ng dalaga ang mga mata. Ngayon na lang ulit niyang nakarinig ang "nobody" pero bakit iba ang karugtong at statement nito? Napasulyap siya sa binata pero agad namang iniwas ang mga mata nang magtama ang paningin nila. Ano ba ang nangyayari kay Reon at ibang-iba na ito?

"M—May tanong ako," aniya na kinakabahan pero tutal nandito na lang din sila, kailangan na niyang lakasan ang loob. Huminga siya nang malalim at humarap sa iba, mata sa mata. "D—Do you love me?"

Mahabang katahimikan ang namayani sa kanila kaya nakaramdam siya ng kirot. Simple lang ang tanong niya pero ang hirap nitong sagutin.

"Hindi ko alam kung paano ko masasabing mahal ko na ang isang tao kasi dati naman, may minahal na ako bago pa kita makilala, Zia," wika ni Reon. "Alam ko sa sarili kong minahal ko si Monica."

Tumango si Zia. Parang nagsisi tuloy siyang naitanong pa niya ito. "Pero kung minahal ko siya noon, tingin ko mahal din kita ngayon. Mas mahal kita kaysa sa minahal ko siya," seryosong dagdag ng binata saka dinala sa mga labi niya ang kamay ng dalaga at masuyong hinalikan. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag mawala ka sa buhay ko, Zia. You're my everything."

"S—Sir," aniya at kinuha ang kamay dahil masyado nang nalulusaw ang puso niya. "Kain na ho tayo, natutunaw na ang ice cream."

"Ikaw," ani Reon. "D—Do you like me, Zia?"

Nalito bigla si Zia kaya tumawa si Reon. "Di bale na nga. Sanayin na lang kita sa presensya ko hanggang sa dumating ang araw na matakot ka nang hindi ako makita."

"Hmm, ang sarap ng avocado," ani Zia matapos sumubo ng avocado flavour.

"Change topic agad, Zia?" natatawang tanong ni Reon kaya napangiti si Zia.

Kumain na rin ang binata pero kapagkuwa'y napasulyap si Zia rito.

"Huwag mong sulyapan ang future mo, baka malusaw ako, sige ka," pilyong sabi ni Reon kaya muling itinuon ni Zia ang mga mata sa pagkain. Medyo ang weird nila. Nagliligawan sila pero kapag gabi, magkasama naman sila sa kama.














Continue Reading

You'll Also Like

213K 4.1K 50
Cameron Lawrence Radcliff, isang matunog na pangalan pagdating sa business at entertainment industry. Hawak lang naman niya ang ilang sikat na talent...
220K 6K 30
Meet Onyx Del Querro, Commander ng Team Delta ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at the same time isang motor racer. Kasama sa kaniyang pa...
29K 858 43
Si Cassandra Castiglione, half filipino-half Italian. Lumaki sa Italy at bunso sa tatlong anak ng mag asawang Daniel at Veronica Castiglione. Madalas...
34.2K 1.3K 33
Nagising si Ariel na walang maalala sa nangyari kagabi. Nagulat siya nang makita niyang hubo't hubad ang sarili at katabi si Colt, ang panganay na ka...