Phoebian

By cultrue

172K 3.5K 55

Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at ma... More

Phoebian
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 37

2.6K 48 0
By cultrue

Mabagal ang takbo ng bus papunta sa apartment na inuupahan ko sa Manila. Nakarating na kami sa Luzon, bandang alas singko ng hapon kami sumakay sa eroplano at nakarating din kami ng ligtas. Maulap kasi ang lagay sa langit kaya natakot ako sa pag-undol ng eroplano. Kung maaliwalas lang ang langit ay hindi relax lang sana ako sa buong byahe.

"Maia, bababa na tayo." Napatingin ako kay Harry nang kalabitin niya ako.

Nilingat ko ang aking tingin. Nasa harap na kami ng malaking building kung saan ako nangungupahan. Yung bayad ko sa upa ay through app ako nagbabayad. May apps naman ngayon kung saan pwede kang bumayad para mapadali ang pagbayad ng upa.

"Okay." Kinuha ko ang bagpack ko at sinukbit sa kabilang balikat, nauna sa akin si Harry na bumaba.

"Saang floor ka?" tanong ni Harry nang makapasok kami sa building.

"23rd floor ang apartment ko." sagot ko.

"Huh? Wala bang elevator dito?" Gulat niyang tanong, ako hindi na ako magugulat dahil noon pa man ay sira-sira yung mga elevator dito sa building na'to. Pero naayos naman minsan dahil ang daming nagrereklamo na mga tenants.

Umiling ako. "Sira pa yung mga elevator, hindi pa pwedeng gamitin hanggang hindi pa talaga ayos. Akyat nalang tayo sa hagdan para pagdating natin sa apartment ko ay makatulog agad tayo. May pagkain naman tayong dala." Konsenti ko kay Harry.

Nakasimangot siya na unti-unti ding napatango at sumunod sakin paakyat ng hagdan. Kada akyat sa hagdan ay pabigat din ang pakiramdam ko saking mga paa dahil nakakapagod. Pero nag-eexercise naman ako minsan kapag free time ko sa Davao. Siguro isa na'to siguro sa mga exercises ko dahil exercise naman talaga ang pag-akyat ng hagdan.

Hindi ako nakarinig ng reklamo kay Harry. Siguro ay pagod na talaga siya at hindi makareklamo. Nilingon ko siya at nginitian, pagod siyang bumalik ng ngiti.

Nakahinga kami ng sa wakas ay nakarating na kami sa mismong apartment ko, kinuha ko ang susi ng apartment mula sa bulsa ng gilid ng backpack ko. Pinasok ko ang susi at pinihit ang pinto nang mawala ang pagkakandado ng pinto.

"Finally, nandito na rin tayo." So Harry, pinapasok ko agad siya dahil naaawa ako sa itsura niya na anytime ay pwede siyang bumagsak.

Binuksan ko ang ilaw, yung switch ay nasa tabi lang ng pintuan, pagpasok ko ay sumalubong ang init ng pakiramdam sa loob ng apartment.

"Pasensya na Harry iisa lang ang sofa ko, maupo ka muna. Wala akong biniling gamit dahil nasa Davao naman ang buhay ko at minsan lang akong umuuwi dito kaya wala akong pinundar na mga gamit." paliwanag ko, inunahan ko na siya syempre dahil alam kong nagtaka siya kung bakit wala akong ibang gamit sa apartment.

"Ganito din naman ako noong hindi pa ako nasa Davao. Ganun din naman sa probinsya diba, yung inuupahan ko ay wala akong ibang gamit na pinundar dahil halos sa workshop na ako natutulog."

Napangisi ako dahil totoo din ang sinabi niya. Halos buong araw at gabi ay nasa workshop lang siya dahil madami ang ginagawa niya. Ako nga ay kung hindi lang masikip sa opisina ko ay dadalhin ko na yung kama ko para doon na ako matulog, kaya lang ay hindi pwede dahil masikip at hindi nafofold yung kama ko.

"Sandali check ko lang yung mga baon natin para makakain na tayo." sabi ko sa kanya, nagugutom na kasi ako.

Pilit na pinagkasya ni Harry ang katawan niya sa sofa ko na hindi naman siya kasya. "Ikaw nalang muna ang kumain. Gusto ko munang matulog dahil wala pa akong maayos na tulog mula pa kagabi." sabi niya.

O nga pala, magdamag kasi siyang nagtrabaho dahil ang daming gawain sa workshop. Ewan ko lang bukas kapag dumating kami sa isang branch ng Martinee dito kung may dehado din ang pagpunta namin dito.

"Sa kwarto ka nalang matulog Harry, sasakit ang likod mo diyan. Queen-size ang kama ko sa kwarto ko pero wala yung sapin dahil minsan lang ako matulog dito at baka madumi pa yung mga sapin ko."

Nagmulat si Harry at bumangon mula sa sofa. "Oh sige ako nalang ang gagawa nun, kumain ka nalang diyan at ako na ang bahala dun sa kama. Magpapalit muna ako ng damit dahil ang lagkit na ng balat ko."

"Oh sige. Katabi lang ng kwarto ko yung banyo." bilin ko sa kanya.

Tumango siya at kinuha ang bag niya at pumasok sa kwarto ko. Ako naman ay kinuha ang bag at binuksan para kunin ang baon namin. May dinaanan kami kanina sa Davao na drive thru dahil baka hindi kami makahanap agad ng restaurant dito sa syudad lalo na kapag nasa bus at bawal pumara dahil ang daming sasakyan at hassle pa kapag bumaba kami para lang bumili.

Pinunasan ko ang lamesa at ang silya na ginamit ko ng tissue para mawala yung alikabok. Kumain akong mag-isa. Naubos ko agad ang pagkain ko dahil gutom talaga ako. Yung tira para kay Harry ay linagay ko sa paper bag para hindi dapuan ng ipis o daga.

Nagpahinga muna ako ng ilang minuto bago ako pumanhik sa banyo pero bago pa ako tuluyang makapasok sa banyo ay pumasok muna ako sa loob ng kwarto, namataan ko si Harry na natutulog. Nakaharap ang tiyan niya sa kama at bagsak talaga ang babae. Nakabihis na siya ng pyjama at maluwag na t-shirt. Pinabayaan ko nalang ang natutulog, dahan-dahan ko lang na binaba ang bag ko sa loob ng aparador at kumuha ng bagong damit.

Ang bilis kong makatulog nang dumagan agad ako sa kama. Pagpikit ko ay tuloy-tuloy ang tulog ko, dala na siguro ito ng pagod sa byahe kanina.

Paggising ko ay natutulog pa rin si Harry, nakatalikod na siya sa akin. Nagdesisyon ako na bumangon na para makakain. Sa Lunes ang pa ang pasok pero ang sabi ni boss ay ngayon daw. Papakiusapan ko nalang si ma'am Rocel na ipagliban nalang muna ang trabaho namin ngayon dahil hindi pa handa ang mga katawan namin para sa trabaho buong araw.

Naghilamos ako at nagsipilyo. Hindi muna ako nagpalit ng damit. Jogging pants at white t-shirt naman na maluwag ang suot ko, nagsuot lang ako ng bra dahil aalis ako. Balak kong maggrocery. Si Harry ay aalis yun mamaya at doon siya sa bahay niya na mananatali hanggang sa bumalik kami sa Davao. Ayaw kasi niyang manatili sa apartment ko, para narin matauhan ang bahay niya dahil ilang taon na rin yung walang tao.

Nagsuot ako ng knitted winter headband habang nakabun ang buhok ko bago lumabas. Two thousand na pera ang dala ko para sa budget ko para sa grocery. Ako lang naman ang kakain, wala akong kasama sa apartment kundi ako lang.

Mabilis akong nakababa, hindi nga ako napagod dahil pababa naman yun hindi paakyat sakto lang na walang elevator dahil hindi na ako magjojogging, akyat-baba lang okay na.

Paglabas ko ay inugay ko ang dalawa kong braso, napangiti ako kasi ang lamig ng hangin na sumalubong sakin paglabas ko ng building. Paakyat palang ang araw kaya malamig pa. Napaaga ako ng gising. Kumanan ako dahil nasa right side ng building ang department store.

May mga puno sa tabi ng kalsada kaya malamig at hindi nangangamoy usok ang lugar. Pinili ko itong lugar na'to dahil hindi magulo ang kalsada. Kahit maraming dumadaan na kotse ay hindi magulo, hindi rin madalas magkaroon ng traffic, kung may traffic man yun ay may inaayos sa kalsada.

May dinaanan akong ibang tindahan pero hindi ako pumasok dahil department store ang sadya ko at hindi ko dala ang wallet ko, yung dalawang libo lang ang budget ko para sa pagkain ko.

Nang sa wakas makapasok na ako sa department store ay agad akong kumuha ng mga canned foods at mga ingredients para sa ibang lulutuin ko. Sa wet market ang sadya ko pero malayo ang wet market. Kapag may madaanan ako kapag pumasok na ako sa trabaho ay bibili ako. Gusto ko yung mga gulay at isda.

Napuno ang cart ko ng mga binili ko. Chocolates, fresh milks, canned foods, yung pasta at mga baking ingredients. May oven at refrigerator ako sa apartment, yung mga pangkusina kong gamit ay hindi ko binenta dahil sayang. Pinundar ko pa naman ang iba nun at yung iba ay si Phoebian mismo ang bumili dahil mahilig din yun magluto kagaya ko. Kahit yun lang ang natitirang alaala ko sa kanya ay masaya na ako.

Pumila na ako sa counter para bumayad. Kinapa ko ang dalawang libong pera na nasa bulsa ko, nandito pa naman. Naramdaman kong may sumunod sa akin nang pumila ako. Pakiramdam ko ay matangkad na tao base sa tingin ko sa gilid ng aking mata.

Tumingin ako sa harap ko, may dalawang tao na nauuna sakin. Hinawakan ko ang cart na nasa gilid ko. Bigla akong may naalala. Nabisyon ko yung sarili ko na nasa counter. Dati ay ako ang nasa likod ng counter noong working student palang ako. Ang dami ko palang naranasan bilang ako. Dati kinakapusan ako ng pera, pero ngayon ay malimit lang akong gumastos na kumikita na ako ng malaki.

Hindi ako kuripot sa sarili ko pero hindi ako gumagastos ng hindi pa pwede. Gusto kong bumili ng sasakyan na hindi luma pero kung saan-saan ako pumupunta. Gusto ko ng bahay na permanente pero nasa probinsya ang trabaho ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako habang-buhay sa Davao. Aalis din ako doon at lilipat sa ibang lugar.

Para akong ibong ligaw. Kung saan-saan dumadapo para makahanap ng tamang lungga. Ako yung klaseng tao na malaya na kagaya ng ibon. Malaya at hindi nasa hawla.

Palagi kong iniisip na gumawa ng sariling pamilya. Pero sa tingin ko sa panahon ngayon ay parang ang hirap makahanap ng tamang lalaki para sakin. Ang sabi pa naman ni ma'am Rocel ay maarte daw ako, sa Davao ay may dumadalaw sa akin sa trabaho pero hindi ko masyadong inientertain dahil kapag nasa workplace ako ay trabaho talaga ang inaatupag ko hindi yung bumibisita sakin.

Naglaho ang hamog sa aking harap at bumalik na sa counter ang atensyon ko. Paalis na yung babae kaya ako na ang susunod. Ngumiti ako sa cashier na nasa counter at saka inisa-isa ang mga pinanmili ko. Hindi umabot ng dalawang Libo ang gastos ko kaya lihim kong napangiti. May sukli pa.

Linipat niya sa malaking brown paper bag ang mga binili ko. Pagbigay niya ng sukli ko ay kinarga ko ang malaking paper bag. Makakabili pa ako ng kape sa 7/11.

Pagtalikod ko ay matangkad nga na lalaki ang nasa likod ko kanina. Sa sapatos lang ako nakatingin, siguro ay nagjog ang lalaki at napunta dito sa department store. Hindi ako tumingin sa mukha ng lalaki dahil nakaramdam ako ng gutom at parang sumakit ang tiyan ko sa bigla kong paglabas kanina, at malamig din sa department store. Masamang hangin na naman ang pumaloob sa tiyan ko.

Mabilis akong nagtungo sa 7/11 para bumili ng kape. Lumabas din ako at sa daan na uminom. Hinipan ko muna ang kape. Para akong si Holly Goodlight sa Breakfast at Tiffany's. Expect lang na wala akong kinakain, kape lang ang laman ng tiyan ko. Noong isang araw lang ako nanuod nun, maganda pala ang mga classic movies. Ang daming nakakaantig na eksena.

Huminto ako sa tapat ng garbage can sa gilid ng puno. Nakatingin ako sa mga sasakyan na dumadaan. Maganda pang tignan ang kalsada kong kaunti lang ang dumadaan. Pero hindi yun mangyayari sa syudad dahil maraming tao at marami din ang mga may sasakyan.

Uminom ako ng kape, pero napaiwas agad ako dahil hindi ko yun nahipan kaya napaso ang dila ko. Ito ang tamang pampagising, ang sunugin ang dila ko. Isang minuto muna bago ko hinipan muna ang kape para inumin. Ito ang pinagtataka ko minsan, bakit kailangan ng mga tao ng mainit na kape kung iihipan lang? Illogical ba? Ewan.

Inubos ko ang kape at saka tinapon sa garbage can. Inisang tingin ko muna ang kalsada bago naisipang maglakad pabalik sa apartment.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa langit, sa probinsya o di kaya sa dati kong lugar noong magkasama pa kami ni Phoebian at noong nasa college pa ako ay hindi ko maappreciate ang ganitong senaryo. Ang dami kong iniisip noon para lang mabuhay, blessing in disguise din ang pagtanggap ko sa favor ni ma'am Rocel dito sa syudad.

Minsan sa buhay ay kailangan din nating sumubok pero hindi dapat sumuko. Ganun ang naranasan ko noon pa man dahil sanay din akong sumubok. Hindi ako sumuko sa pag-ibig. Kahit may dumating man na para sakin ay tatanggapin ko, yung taos-puso na pagtanggap.

Habang naglalakad ako ng malumanay pabalik sa apartment ay may dumaang hangin sa akin, akala ko ay dala lang yun ng malamig na hangin ng bagong umaga, pero may dumaan sa tabi ko at nilipad ang ilang hibla ng buhok ko. Nagjojog ang lalaki.

Pero napatigil ako sa paglalakad nang mapansin ang lalaki. Siya ang lalaki kanina sa department store dahil pamilyar ang sapatos na suot niya, ewan ko kung naglalaro ang aking isip sa akin dahil nakita ko si Phoebian sa kanya. Mula sa pamilyar na malapad na katawan hanggang sa mahahaba at parang poste ng kuryente na kanyang mga binti hanggang sa... pamilyar na amoy ng Phoebian perfume na nilabas niya noong hindi pa kami lubusang magkakilala.

Para akong maiiyak dahil nakita ko siya. Huminto siya nang matapat siya sa building kung saan ako tumutuloy. Ang dami kong iniisip, hindi na mapakali ang dibdib ko. Mabilis akong naglakad papunta sa building. Kinabahan ako, nakakaalala na ba siya? Pinahanap niya kaya ako?

Nahinto ako sa paglalakad nang may babaeng lumabas mula sa building. Napawi ang ngiti na may kaba. Nagawi ang tingin ko sa babae, mahaba ang buhok niya at ang presko ng mukha. Maganda at sexy at walang piklat sa kanyang balat.

"Hi babe."

Sa dalawang taon kong nawala at pagbalik ko ay dun ko palang narinig ang kanyang malambot na boses. Yung uri ng tono na parati niyang ginagamit kapag galing siya sa trabaho at pagod at gusto niya akong yakapin.

Hinalikan niya sa pisngi ang babae. Nagbaba ako ng tingin. Kumunot ang noo ko at nagkunwaring walang nakita. Kahit masakit, tatanggapin ko, yun ang kapalit ng kasiyahan, dapat kung may kasiyahan ay may pasakit din.

Hindi kompleto ang buhay natin kung hindi natin mararanasan ang sakit. Ang dami ko ng naranasan. Pakiramdam ko ay napupuno na ako. Gusto ko nalang ibuhos ang lahat ng nasa dibdib ko.

Mabilis akong pumasok sa loob ng building at diretso lang sa hagdan paakyat. Pinahid ko ang luhang dumadaloy saking pisngi, nakakahiya kung may makakita sakin na umiiyak. Kung sana ay may suot akong sunglasses hindi sana ako mahihiyang umiyak. Saka baka makita din ako ni Harry, magtatanong yun kung ano ang nangyari sakin.

Pagbalik ko sa loob ng apartment ay mabuti nalang at tulog pa si Henriette. Binaba ko ang brown paper bag sa tabi ko dahil umupo ako sa sofa na nakaharap sa pinto na nakasara. Diretso ang tingin ko sa pinto, pero ang isip ko ay nasa malayo at bigla akong napatanong sa sarili. Bakit pa ba kami nagkita?

Continue Reading

You'll Also Like

25.4K 466 17
Warning! Mature Content [R. 18] DARK SECRETS SERIES (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PIP PUBLISHING HOUSE) Adamon Navida & Maruja Del Russo
1.2M 44.3K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
25.9K 723 53
R-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She t...
566K 13.3K 27
"She was raped and blackmailed to marry her rapist." ****** "Pakakasalan Kita," walang emosyong mababakas sa boses...