BABYSITTING THE MAFIA'S KID

By VictoriaGie

480K 23.1K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... More

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 61 - BATTLE GROUND

4K 221 89
By VictoriaGie

THIRD PERSON'S POV

IT MUST BE EXHAUSTING ALWAYS ROOTING FOR THE ANTI-HERO ~

Kanta muna ang lahat ng Anti-Hero ni Taylor Swift.

The visit went soooo well and smooth like butter na mas nakakapagpadagdag sa tensyon. Parang nag-aabang ng paparating na bagyo ang buong sambahayan ng Marchese.

They had buffet for lunch, todo sa lamon si Peter at ang tatlong WPO samantalang halos tuka ng ibon ang ganap nina Easton. Syempre hindi makakain ng maayos--maliban kay Ashari na hindi papapigil. Nakikipag paligsahan sa tatay niya e. Hindi siya papatalo!

They visited Galileo after, checked for his laboratory and medical stuffs. Hindi pa din mabuo-buo ang puso ni Ashari tuwing nakikita niya ang mga apparatus na nakadikit sa bata habang nakapaloob sa isang capsule at payapang natutulog--kung payapa man nga talaga, hiling ni Ashari.

Pagkatapos ng masinsinang pagcheck sa bata, tinanggal din ang mga kuloreteng medikal at dinala na si Galileo sa kwarto nito para magpatuloy sa pagtulog.

Easton bid his mini good byes sa bata bago umalis para sa isang pagpupulong na ini-request ng presidente at ng WPO.

Naiwan si Ashari sa kwarto habang nakatitig ng malumanay kay Gali. Isang anghel. 'Yan ang nasabi ni Ashari sa utak niya--wow, parang kaylan lang chanak pa ito para sa kaniya ah, infairness sa character development mo Ashari, so proud of you!

How could the world deserve someone like Galileo? Itong cute na bata na ang tambok ng pisngi, na medyo bulol. Ano na earth and humanity, anong ginawa niyo para madeserve ang ganitong nilalang?

Parang hindi desurv, sa isip-isip ulit ni Ashari.

Bumuntong hininga si Ashari kasabay ng maliliit na paghagod sa buhok ng bata.

"Magiging ok din ang lahat, promise 'yan ni Mamha." isang halik sa noo ang iginawad ni Ashari kay Gali bago ito umalis sa kwarto.

Determinado si Ashari.

Tamana ang hirap naranasan nito sa ilang beses na kidnap session. Sobrang trauma na ang bata sa mga nasasaksihang tutukan ng baril at malupitang sagutan ng mga gustong kumuha sa kaniya.

Sawa na din si Ashari sa mga paulit-ulit na pangyayari. Wala na bang iba? Looking for thrill pa din ang bruha.

At ayan, makikimeeting siya dahil gusto niya at walang makakapigil sa kaniya. Kahit sampid lang siya sa mundo ng mafian world at kahit wala naman siyang ambag dito e magf-feeling high ranking official siya. Sukdulang magbardagulan sila doon ng tatay niyang kabet kung kinakailangan!

Pumasok si Ashari sa style sala pero conference room ng mga Marchese. Pagdating niya dito, normal na pagpupulong ang naabutan niya.

Pakiramdam nga ni Ashari e pumasok siya sa meeting ng mga faculty sa school sa sobrang tiwasay ng pag-uusap nila.

Ine-expect kasi ni Ashari na nagbabardagulan na at may tutukang baril ang maaabutan niya dito. O kaya naman may mga sumasabog na bomba sa paligid tapos duguan na ang lahat.

Ganon!

Kaso hindi pala.


"We need your cooperation here, Easton."

Tahimik na naglakad si Ashari sa gilid papunta kay Leonard na nakatayo lang at nagbabantay.

Nagtama pa ang mata ni Ashari at ng isang unwanted na bisita...

Si Cannabeth! Bakit bigla naman ng nandiyan ang bruhang babaeng 'yan? Tabi pa talaga sila ni Easton!

Pinanlakihan niya ng mata ang eskandalosang -- este mala dyosang babae na parang nananadya pa ata dahil mas lumapit pa kay Easton.

Nagpigil ng inis si Ashari dahil hindi ang Cannabeth na iyan ang pakay niya dito.


Chill ka lang Ashari, sa'yo pa din si Easton. Charez!

"Anong pinag-uusapan nila?" bulong na tanong niya kay Leonard. Infairness naman dito kay Boy Wonder Around, looking good, looking fine siya ngayon. Madalas kasi ang mga suot nito e cargo pants na tinernohan ng shirt at pinapatungan ng vest. Parang always sasabak sa army ang attire ni Leonard e.

Pero wow cubao sa get-up niya ngayon, casual ang dating. Naka pants at leather jacket ito na may white v neck shirt sa loob. Naka suot pa ng limited edition na white Adadas. O kavoug!

"Makinig ka lang, huwag kang maingay." tanging sagot nito kay Ashari.

Pananamit lang niya ang nagbago pero ang ugali, ay atay sunget pa den!

"May date siguro kayo ni Maam Shera noh?" pang-a-asar ni Ashari.

Sandaling bumaba ang tingin ni Leonard kay Ashari pero agad ding bumalik sa diretsyong tingin.

Napangisi si Ashari ng makita niya na pinamulahan ng tenga si Leonard. Confirmed, may date nga siguro sila mamaya ni Shera!


"Yieeeh!" tinusok tusok pa nga ni Ashari ang tagiliran ni Leonard, parang wala namang nararamdaman ang lolo. "Ay taray ang tigas ng abs." ani ni Ashari ng walang makuhang reaksyon sa inaasar.


Legit nga kasi mhie, kasing tigas ng lumang pandesal ang abs ni Leonard. Ang shalala sa swerte naman ni Momshie Shera, may fafabol na abs ang jowa.

Dahil dakilang isnabero si Leonard, tinigilan na siya ni Ashari. Parehas na silang nakinig sa usapan ng mga matatalino.


"Not my son." paninindigan ni Easton sa kalagitnaan. "I will never cooperate if my son is involved."


Akala mo nanaman papatay ng tao si Easton sa boses nito. Kalmado pero nananaksak ganern.

Unti-unti nanaman tuloy nilalamon ng mabigat na aura ang buong lugar.

Kahit na chill chill lang naman si President at ang tatlong WPO.



"Okey!" Akala mo ay kadaling kausap ni Peter. Nakangiti pa itong tumayo at naglakad palapit kay Easton. Pumwesto ito sa pinakamalapit na sofa ay prenteng umupo. "How about this?" Dagdag pa nito sabay nag cross legs.

Nab-bwisit si Ashari. Hanggang dito ba naman hari harian ang ama?

"Let's make things simple. Why don't we flip a coin? Tao sa akin, ibon sa iyo Easton. If you win, I won't ask for your cooperation again, and I win..." kitang kita ang pag-iigting ng bagang ni Easton. "You will give Galileo to us..."


Nasagad ang pasensiya ni Easton sa narinig. Mabilis ang paggalaw nito at sa isang iglap lang, hawak hawak na nito ang kwelyo ng polo ng Presidente.



Halos mapatalon sa gulat sina Cannabeth at Shera, hindi nila expected na gagawin ito ni Easton sa Presidente ng MPO.

Si Leonard humakbang na ng isang para sana awatin ang Underboss pero alam niya sa sarili na walang makakapigil dito.



Ang tatlong WPO ay nananatiling kalmado at tila inaasahan na ang ganitong reaksyon ni Easton.

Ganoon din naman ang Presidente. Nanunubok pa ang tingin nito. Tingin na pinpapapalag ang naghihimutok na Underboss.




"My son's life is in line with this. Don't make this a game Peter!" kung may patalim lang ang boses ni Easton, kanina pa iyon tumusok sa mukha ng presidente.


Lalong humigpit ang hawak ni Easton sa kwelyo ni Peter. Halos masakal na ito at umangat na ang paa sa inaapakan.




Dasurrvvv


'Yan sana ang nasa isip ni Ashari pero alam niya sa sarili niya na kahit papaano ay may katiting siyang pag-aalala sa ama. Baka mategi, maaga siyang mauuulila kapag nagkataon.




"You are the one who's making this a game of hide and seek Easton." halos maubusan na ang presidente ng hangin sa paggitan ng pagsasalita. "From the start you knew that one day this will happen. This is on our protocol, this is in the book..." kung kay Easton ay patalim, tila milyong karayom naman ang tugon ng Presidente. "I am making things simple and you are here groping my neck and making things difficult!" inipon ng Presidente ang buong lakas upang tanggalin ang nagngangalit na kamay ni Easton sa kwelyo nito.


"Your son's life is one for the millions involved." unti-unting nagagawa ng presidente na tanggalin ang mga kamay ni Easton. "I am not here for games. I am here to ask for your cooperation, I am here...to protect the civilians,"

Lumingon ang presidente sa gawi ni Ashari.

Kay Ashari na nanahimik sa tabi at pinipigilan ang sarili na maki-epal para hindi niya maagaw ang spot light.


Pagbanggit palang ng civilians alam na ni Ashari na isa siya sa pinapatungkulan ng ama.




Si Easton na mismo ang nagtanggal ng mga kamay niya sa kwelyo ng Presidente. Halos matumba naman ito kung hindi lang nakahawak kaagad sa pader.


"As I've told you, there is a threat of a worldwide war. Every country will be involved and this war will be one of the biggest in history." pagpapatuloy ng presidente sa paghabol ng kaniyang paghinga. "Many will die, many will perish because of a stupid war that can be prevented. And you know Easton how we can do that. YOU KNOW!" pagdidiin pa ni Peter.



Humakbang palayo si Easton. Oo bhie, alam naman niya e. Hindi na need ipangalandakan. Hindi lang niya matanggap kasi.



"No..." pagmamatigas ni Easton. "My son...no." Hindi pa din niya bhie matanggap.




"Easton--"




"I'm with Easton, you can't do what you are planning to do, Mr. I don't care if you are a president or what--" Cannabeth stood up with her mala beauty queen na confidence. "If you extracted the data in the chip and use it against those countries that are plotting the war..." lumakad palapit si Cannabeth sa center ng Low Pressure Area na malapit ng maging typhoon. "You will be exposing everyone of us. Every mafian organization, every mafian communities-- no, this is to much risk for us. You cannot."


Let me remind you, ang laman ng chip ay ang lahat ng underground at illegal transactions hindi lang ng mga mafia kundi lahat ng bansa -- mapa-politics, business, etc...



Once na nailabas ito, lahat ng baho nila ay lalabas. Lahat ng weaknesses nila as an organization and as a community, mabubunyag. In the short run, this will be their destruction.

Their doom...

Their downfall...


Their extinction.





The all and greatest plan of the president.



"Miss byutipol..." isa sa WPO ang umentrada. English karabaw naman ito. May katandaan na at mukhang malapit na magretire sa buhay. Kung nandito ang executive, si Mr. Lee dapat ang iharap dito tutal parehas na silang senior citizen. "Ang mga mapian organizasyon ay bad in neyture. Walang mawawala sa inyo kung ibibigay ninyo sa amin si Gali. Mababayaran naman lahat ng pera ninyo para mapagtakpan ang mga lalabas na illegal na dokumentasyon. Isipin mong mabuti Miss byutipol, para sa mas nakararami ang ginagawa naming ito."

Kung hindi lang matanda itong nagsasalita kanina pa siguro nakipag bardagulan si Ashari. Kaso shut up lang siya kasi hindi din naman siya ang kausap.

"Sa katanuyan nga niyan, maari naming kuhanin ng sapilitan ang bata. Kayang kaya namin ito ngunit hindi namin ginawa dahil nirerespeto namin kayong mga mapya."

Mapya?


Ang panget pakinggan ng accent ng matanda. Garalgal na nga ang boses ganon pa kung umentrada.

Lalong nakaka-init ng ulo e.


"Mr. Lee Know is right." Ani ni Peter. bahagyang nanlaki ang ilong ni Ashari. Lee Know? So kapangalan pa niya si Senior Lee?

O baka naman magkapatid din sila ha. Uso pa naman sa istoryang 'to ang mga magkakapatid pala.



"E kung mababayadan naman pala ng pera para mapagtakpan ang mga illegal na gawain, para saan pa 'yung chip?" hindi na napigilan ni Ashari ang umepal. "Parang useless naman yata kahit tanggalin pa ang data kay Gali hindi ba?"



Proud na proud si Ashari sa sarili niya. Ang galing niya bhie, feeling niya ang talino niya sa part na'yon.

Ayan, kumpleto na ang representative sa namumuong Low Pressure Area. Mamaya maya lang ay nasa typhoon na tayo.


"Money isn't limitless, Ashari." biglang natameme ang Ashari niyo ng sagutin siya ng sariling ama.

Unti-unti tuloy nabawasan ang pagkafeeling matalino niya.

Idagdag pa na binanggit ni Peter ang pangalan niya na parang casual lang pakiramdam tuloy niya itinatrato lang siya nito na parang tagaluto padin ng sinigang sa bahay nila.



"Now, let's get this on point Easton. You will cooperate or not?"





Sandaling tumahimik ang lugar. Pinakikiramdaman ni Ashari kung ano ang isasagot ni Easton, alam niya kung gaano kabigat ang sitwasyon.




At kung si Ashari ang papipiliin,


Kung mabibigyan siya ng pagkakataon,



Hinding hindi siya papayag.

E paano kung may mangyaring masama kay Gali habang ine-extract ang chip?

No! No way!

Magkabarilan na silang lahat dito, hinding hindi niya ibibigay si Gali.

Edi magkagyera na, go!!! Kahit sampong gyera pa e.

Pake ba ni Ashari sa mga sibilyan na madadamay. E hindi naman niya kilala iyong mga 'yon.


Hindi pwede!





"Galileo isn't just my son, Peter..." ang sagot ni Easton sa namayaning katahimikan.

Ang lahat ng mata ay nakatingin sa kaniya ng maglakad siya palapit kay Ashari.

Dalawang kurap naman ang nagawa ng dalaga ng huminto sa harapan niya ang underboss.



"Easton..." bulong at hindi makapaniwalang usal ni Ashari ng kuhanin ni Easton ang kamay niya at pagdaupin ang palad nila.



"He is our son." deklerasyon ni Easton sa lahat ng saksi. "And whatever decision regarding our child, it should be coming from the both of us."


Isang matamis na ngiti ang iginawad ni Easton kay Ashari. Walanjo, pakiramdam ni Ashari nag propose si Easton sa kaniya e. Assumera kasi siya kaya pagbigyan niyo na.


Ayan tuloy, napa kuyom ng kamao ang presidente. Asiwang asiwa sa nakikitang kalantudan ng anak.

Kung nasa kdrama siguro si Ashari, 'yung tatay niya e 'yung mayaman na magulang na magbibigay ng milyones sa jowa ng anak at sasabihin na layuan ito kapalit ng pera.

O diba kavoug, patang ganern!



"What's your decision Ashari?" bulong sa kaniya ni Easton.


"Ako?" Tanong niya pabalik.


Teka lang.


Ang mga tingin ng people ay nasa kaniya.



"H-hehe."



Propose lang ang nasa isip ni Ashari e, bakit legit na decision making naman na?

Bwisit na Easton 'to, dinamay pa siya sa paggawa ng desisyon e WORLD WAR ang nakasalalay dito.


Siya?



Seryoso ba?



Nep-pressure siya sa matatalim na titig ng ama at ng WPO e. Idamay pa 'yung mga umaasang tingin ng nga Marchese.

Ano ba inaasahan ng mga ito na isasagot niya?


Kasi kung siya talaga, NEVER IN HER ENTIRE LIFE NA PAPAYAG SIYA.



'Yun din ba nasa isip ng mga Marchese?


Paano kung hindi pala connected sa mga ito ang wavelength ng utak niya.




Hindi naman siya gaya ni Dyther na rational mag-isip. Mukhang pera lang kasi siya.

Ang hirap gumawa ng desisyon na walang perang involved.






Pero...






Bakit nga ba siya mahihirapan?




Si Gali ang nakasalalay dito e. Hindi na dapat siya nagdadalawang isip.


Umiling si Ashari bilang tugon. "Hindi pwede."




"Anong hindi pwede?" tanong ni Peter.


"Hindi pwede." paliwanag naman ni Ashari. Ano bang mahirap intindihin sa sinabi niya?



"Umayos ka nga ng sagot bata ka. Ano ngang hindi pwede? Hindi pwedeng magkaroon ng world war o hindi pwedeng ibigay si Galileo sa amin?"




"Edi hindi nga pwedeng ibigay si Gali okey? Bakit ang hina mo maka-intindi?"

"Ikaw itong hindi naglilinaw sa sagot mo, ako pa itong mahina maka-intindi? Kaya ka laging bagsak sa mga subject e, hindi ka kasi naiintindihan ng mga titser mo."




"Wow, e sino kaya itong palaging wala sa bahay simula bata ako ha? Huwag ka ngang manumbat diyan kung di mo naman ako naturuan kahit abcd at one two three four."

"Aba---"



"Ah basta hindi mo pwedeng kuhanin si Gali, final na'yon, wala ng topu topu, period na!!!"



Ang lahat ay sumasakit ang ulo sa bangayan ng mag-ama. Ganito kaya sila palagi sa kanilang bahay?





Magka-ugaling magka-ugali e. Halatang kung ano ang puno, siyang bunga.





Ng marealize ni Peter na dapat siyang maging propesyonal, siya na ang nagpa-ubaya. Sige na, wala siyang ikakapanalo sa anak.




"Mr. President, they don't agree." ani ng isang babaeng WPO. Mukhang kaedaran ito ni Cannabeth, katindig din pero mas may laman lang ng kaunti. Kahit chubby ito, hubog na hubog pa din ang katawan na hourglass. Naol sexy pa din! "I guess we should take one step ahead."





Bumuntong hininga ang presidente. "I think we have no choice."




Sa binanggit na iyon ng presidente, automatic na nagising ang dugo ng mga Marchese. Bigla silang na-alarma, instinct ba, instinct.

"Shall we??" parang nanunudya pa ito kasabay ng pagngisi.


Si Ashari, pinagkunutan ng noo ang mga paguusap ng babae at ng ama.


Unti-unting bumibigat ang paghinga niya sa tensyon na namumuo sa katawan niya.


Alam naman ng lahat na hindi armado ang mga bisita nila ngayon. Walang weapon ang mga ito para saktan sila. At lalong walang magagawa ang mga ito dahil sa kakaunti lang na bilang.


Apat!



Bhie aapat lang sila. Ano magagawa niyan?





Unless...






"We expected that we might not persuade you guys, that's why..." cunning chubby fox! "That's why we prepare a little battle between peace and mafian organizations. And guess what, this mansion will be our battle ground... SURPRISEEEEEEEE!"





Unless may mga spy na nagpapanggap bilang Marchese at may mga manggagaling sa itaas!






The next moment went blank for Ashari.




Isang malakas na pagsabog mula sa labas ang narinig nila, may sumigaw na galing ito sa wine cellar.



Nabasag ang mga bintana sa paligid kasabay ng pagpasok ng mga panget na nakahelicopter.



Bukod sa maingay na lumilipad sa itaas, nangibabaw na din ang sunod sunod na palitan ng pagputok ng baril.

Iba't ibang uri ng baril.



Iba't ibang sound ng pagtama nito.

Pakiramdam ni Ashari nag slowmotion lahat sa kaniya. Kitang kita ng dalawang mata niya kung paano hagisan ng tatlong spy na mapagpanggap ang ama niya at ang tatlong WPO ng baril bilang sandata.



Sight na sight din ni Ashari kung paano inilabas ni Leonard ang dalawang baril sa leather jacket nito.

Bhie hindi pala abs ang nasundot sundot niya kanina, baril pala 'yon! Asado bente naman siya. Kaya pala sobrang tigas!






At kagaya noong nakaraang naipit si Ashari sa ganitong sitwasyon, naka harang ulit si Easton para protektahan siya.



Ang pinagka-iba nga lang, wala siyang suitcase na dala.




Awwe, naalala niya ang pera na nasayang.



"SAVE YOUR LIVES MARCHESES!" Sigaw ni Easton sa gitna ng walang humpay na ingay at gulo.



Doon nagising sa katotohanan si Ashari. Bakit ba inaalala pa niya ang mga bagay sa nakaraan? Nakamove on na siya sa suitcase na iyon e.





"Ashari drop your head down!" parang dejavu ang ganitong pangyayari.

Iyong dinakma ni Easton ang ulo niya at pinadapa siya sa sahig para hindi siya tamaan ng bala.


May dumaplis na bala malapit sa paa ni Ashari. "AHHHHH KALABAW!" buti nalang nai-alis niya agad ang paa.



"Come here!!!" Hinablot ni Easton si Ashari sa natumbang estante ng vase. Saktong sakto lang ito para itago ang katawan nilang dalawa panandalian.


May dumaplis nanaman na bala sa gilid pero sa kaswertehang palad, hindi PA sila tinatamaan.





"Ashari listen..." ani ni Easton sa kaniya habang nagl-load ito ng bala sa baril.


Ngayon lang nakita ni Ashari na may mga sugat na si Easton. Dumudugo na ang kanang braso nito.



"Easton may sugat ka--"




"This is nothing." pagpapakalma nito sa dalaga. "You have to listen to me ok?"



"Hibang ka ba? Paano ako makikinig sa'yo kung nakikita ko ang dugo na walang tigil na dumadaloy diyan sa braso mo?" mabilis na pumunit si Ashari sa tshirt na suot niya. Itinali niya iyon ng mahigpit sa braso ni Easton.


"Arghh Ashari!!" walanjo, Easton huwag kang umuungol ng ganyan!




"O nasasaktan ka na!"




"Huwag mo kasing diinan!"




"E kung hindi ko didiinan, dudugo pa din!"




"Hayaan mo siyang dumugo, I'm totally fine."




Ano ba itong pinag-uusapan nila. Sa kalagitnaan pa talaga ng barilan ha.





"Look Ashari," binawi ni Easton ang paghinga mula sa sakit na naranasan galing kay Ashari. "You have to get Gali to the secret room, right now! Hindi nila pwedeng makuha ang anak natin."





"At bakit ako lang? Easton walang salamin kaya hindi mo nakikita ang sarili mo pero ako kitang kita kita ngayon. May sugat ka..." kakaprotekta ito ni Easton sa kaniya e. Napapangunahan tuloy ng guilt si Ashari. "Tayong dalawa ang pupunta sa kaniya at sa secret room."





"I can't leave my men alone...never Ashari. That is why I am entrusting our son to you."




"Hindi! Hindi pwede, hindi naman ako hibang para iwan ka dito!"



"ASHARI LISTEN! THIS IS NOT FOR ME OR FOR YOU, THIS IS FOR OUR SON! I CAN HANDLE MYSELF, NOW PLEASE..."




"FYI, MAKINIG KA DIN! IKAW NALANG KAYA ANG PUMUNTA DON TAPOS AKO NALANG ANG MAKIKIPAG BARILAN DITO?"

Wow Ashari, coming from you ha.




"NO!" kung mataas ang boses ni Ashari, walang tatalo kay Easton. "GET GALI NO MATTER WHAT! THIS IS A LIFE AND DEATH ORDER FROM YOUR UNDERBOSS, ASHARI FERELL!!"






DO YOU GET DEJAVUUUU~haaah?



Napa-atras si Ashari sa isinigaw ni Easton.




Kung normal times ito at hindi nakalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay nilang parehas, Ashari would really feel kilig kilig dahil for the thousand time around, kinonsider nanaman siya ni Easton bilang kabilang sa kanila...sa mga Marchese.


Feeling belong nanaman sana siya.



Pero hindi niya ma-appreciate iyon ngayon kasi alam niya na kapag umalis siya at tumalikod, hindi na niya alam kung ano na ang mga mangyayari kay Easton sa mga susunod na minuto at oras.



But her Underboss is right.




This is a life and death order that she should obey.






And for the second time, another dejavu happened--




Kinuha ni Ashari ang batok ni Easton at hinalikan ang lalaki sa labi nito. Siya ang nag-initiate ng halik mga bhie (atapang aloob) na kaagad at walang pagdadalawang isip na tinugon ni Easton.





One...


Two...



Three...








"I love you..." Easton bid the magic and forbidden word after the kiss.




Akmang sasagot pabalik si Ashari ng unahan siya ni Easton. "Reserve your answer for later. Go get our son first."




Isang tipid na tango ang ibinigay ng malantod na bruha bago siya tumakbo palayo sa lugar ng landfall ng TYPHOON MARCHESE.




Hindi niya mapigilan ang pagpatak ng luha. Walanjo ka Easton, kapag hindi ka nakaligtas diyan habang buhay kang pagtatampuhan ni Ashari!














______________________






to be continued....

Continue Reading

You'll Also Like

197K 7.3K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
120K 5.6K 44
Rival Series 3 -Completed- Book cover by: Rosehipstea
480K 23.1K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...