MY SLUM-GIRL PRINCESS [Publis...

De agentofsmile

2.4M 25.2K 2.7K

Areeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senat... Mais

MY SLUM-GIRL PRINCESS
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 34
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Epilogue
ANNOUNCEMENY
My Slum Girl Princess' Special
My Slum Girl Princess' Special Chapter 2
My Slum Girl Princess' Special Chapter #3
My Slum Girl Princess' Special Chapter 4
My Slum Girl Princess' Special Chapter 5
Liham ng Nagpapaalam
GIFT FROM ABOVE

Chapter 4

35.3K 447 19
De agentofsmile

CHAPTER 4

Nang mahubad ang mga damit and she's just wearing her two pieces of cloth- her undergarments. Ay inihanda na nya ang toiletries nya.

Ng bubuksan nya na ang gripo, nagulat sya ng biglang bumukas ang pinto.

"Waaaaahaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh" sigaw nya habang tinatakpan ang katawan nya dahil isang lalaki ang nagbukas ng pinto.

Napanganga sa pagkagulat ang lalaki. Nakatitig lang sya sa mukha ni Mikaela. Akala mo nakakita ng multo "Lumabas ka....!!!" sigaw ni Mikaela.

At doon napansin ng lalaki ang ayos ni Mikaela, mas napanganga sya. "ahm. Ah... Im sorry?"

"Get out!!" with that, natatarantang umalis sa banyo.

"Gino, anong nangyari..." natatarantang sabi ni Aling Belen. Tulog na kasi si Aling Belen ng dumating si Gino.

"Nay, yung babae sa banyo,, ahm" hindi nya matuloy ang sasabihin dahil nauutal talaga sya sa pagkabigla sa mga pangyayari.

"Si Mikaella Madrigal yun, dito sya titira sa bahay" nanlaki ang mata ni Gino sa pagkagulat?

Nakatitig lang si Gino sa nanay. He is trying to absorb everything. Pero he is not sure kung tama ba ang pagkarinig nya? "Anu yun ulit Nay?"

Lumapit ang Nanay nya at pabulong na nagsalita "Si Mikaella Madrigal yun, yung anak ni Senator Alberto, wag mo masyado iparinig, baka may makarinig. Dito muna sya titira."

"Dito?! Dito sa Masantol? Kakayanin ba nya? Eh sa bahay nila baka hanggang banyo naka aircon eh.." sagot ni Gino.

"Anak,... Papa nya ang nagdala sa kanya dito para raw matuto sya.."

"So tayo ang magdidisiplina? Ganyan na ang mayayaman ngayon, pati pagdidisiplina sa anak sa mga mahihirap na pinapaubaya"

Narinig lahat yun ni Mikaella. At gusto nyang basagin ang bunggo ng lalaking iyon. Pero narinig nya mula sa mga yapak nito ay umakyat na ito ng bahay.

Ipinagpatuloy nya ang pagligo dahil naiinitan na talaga sya. Pero hindi parin nawawala ang inis nya sa lalaking yun. Nang matapos sya ay umakyat agad sya. Nakita nya ang lalaki na nakaupo sa sofa.

"Hoy ikaw, who gave you the right para bastusin ako?"

"Bastusin? Hindi ko naman sinasadya ah... At nasa bahay ka namin..."

"So lahat ng nasa bahay nyo ok lang na pinagbubuksan mo ng pinto ng bathroom?"

"Pwede ba wag mong dalhin ang pagiging isip bata mo dito.. Dahil dito, hindi ka Princesa!!" sigaw ni Gino

"Pwede rin bang for three months tanggalin mo yang pagiging pervert mo?!" sagot na pasigaw ni Mikaella.

"Aba---" hindi natuloy ang sasabihin ni Gino dahil sa sumingit na ang Nanay nya.

"Mga anak, tama na yan... Naririnig na tayo ng mga kapitabahay." pagmamakaawa ng Nanay ni Gino.

"Aling Belen, pagsabihan nyo ang anak nyo. Dahil pinagkatiwala ako ng Papa ko sa inyo dahil alam nyang safe ako,. Pero mukhang sa anak nyo hindi." sagot ni Mikaella.

"Hoy ikaw babaeng spoiled brat, ikaw ang umayos. Ang papa mo ang kumausap sa Nanay ko na tumira ka dito,. Kayo ang may kailangan sa amin" sagot ni Gino.

Tumitig si Mikaella kay Gino, masakit magsalita ang lalaking ito. "Bakit? Akala mo ba ginusto ko 'to? Akala mo ba masaya ako? Hindi, hinding hindi" bago sya tuluyang pumasok sa kwarto nya.

"Gino tama na... Intindihin mo nalang si Kaella, nahihirapan syang tanggapin ang mga nangyayari"

"Nay, nahihirapan tanggapin? Kung nagayos sya ng buhay nya, hindi sana nya nararanasan to ngayon" sagot ni Gino

"Anak, wag mong laksan ang boses mo... Maririnig ka.." pigil ng nanay nya sa kanya.

Huminga ng malalim si Gino "Andito ako sa bahay ko, magsasalita ako hanggat gusto ko, kahit sino pa ang makarinig."

"Gino... Hindi maganda ang ganyan.." paalala ng nanay nya.

"Sige po nay, lalabas muna ako. Magpapalamig, uminit ulo ko eh..."

.......................

Walang tigil sa pagiyak si Kaella, nasasaktan sya sa nangyayari sa buhay nya, sa ginagawa ng Papa nya sa kanya, sa mga masasakit na salita na nasabi nung Gino na yun.

Wala pa syang 24h na nasa Masantol pero grabe na ang mga nangyayari. Paano pa sya tatagal ng tatlong buwan.

Noong una nyang nakita si Gino, ramdam nya ang lakas ng dating nito. Ngayon ramdam parin nya ang lakas ng dating nito, sa sobrang lakas pati kayabangan at kasamaan ng ugali ramdam nya.

Mas lalo syang nakaramdam ng takot sa mga susunod na araw. Paano nya pakikisamahan yung Gino na yun.. Paano nya haharapin ang iba pang tao... Hindi nya alam, she's like a newborn babies- hindi alam kung saan magsisimula.

......................

Matapos ang 30mins, bumalik na si Gino. Kumain lang naman sya ng balot sa kanto, hindi narin mainit ang ulo nya. Nang makapasok sya sa kwarto nya, narinig nya ang hikbi ng ni Kaella mula sa kabilang kwarto. Nakaramdam naman sya ng guilt.

Sa totoo lang, nabigla lang naman talaga sya. Buong araw kasi puro nalang Mikaella Madrigal ang narinig nya, dahil sa maraming katrabaho nya ang nakaalam na naging customer nila last night.

Tapos uuwi sya makikita nyang nasa banyo nila? At sa ganoong ayos pa. Napailing nalang si Gino. Hindi naman sya manyak eh, kahit sino yata magugulat na may isang magandang babae sa banyo nyo.

"Tatlong buwan ko makakasama yang babaeng yan?" bulong nya sa sarili.

...............................

"Oh Gino, gising ka na pala. Halika na at kumain" yaya ni Nay Belen.

Sa totoo lang, hindi alam ni Gino paano sya nakatulog. Dahil kahit anong gawin nya, hindi sya madalaw ng antok. Lalo na at patuloy lang sa paghikbi ang princesang nasa bahay nila.

"Goodmorning Nay, yung Princesa gising na ba?" tanong nya bago kinuha ang kape na tinimpla ng Nanay nya.

"Goodmorning..." singit ni kaella.

Tiningnan nya ito, halatang umiyak ito ng matagal kagabi. Pero maayos na ang pagkakasuklay ng buhok nito. Napatingin sya sa suot ni Kaella, isang maikling shorts at isang racer back sando. Nainis naman si Gino sa sarili sa pinagiisip.

"Halika na, kumain ka na Iha."

Umupo si Mikaella sa tabi ni Gino. Maliit lang ang table kaya magkalapit talaga sila. Tiningnan ni Mikaella ang mesa at ang pagkain nakahain. Isang supot ng pandesal at kape. Sanay pa naman sya na pancake lang ang breakfast.

"Iha, ito sinangag at daing. Nagprito narin ako ng itlog dahil baka hindi ka kumakain ng daing eh"

Likas na sa nanay ni Gino ang pagiging maalaga.

"Bawal ang mapili sa pagkain sa bahay na 'to" sabi ni Gino. Sinaway naman sya ng Nanay nya.

"Nay, hindi matuto yan kung sa pagkain palang hindi nya alam disiplinahin ang sarili"

Mapili talaga sa pagkain si Mikaella, pancake lang talaga ang kinasanayan nyang breakfast. Pero bakit pa sya magrireklamo kung ito nanaman ang magsisimula ng pagtatalo nila ng gwapong masungit na anak ni Aling Belen. At yun, no choice. Kumain din sya.

"Ano ngang pangalan mo?" Tanong ni Gino bago humigop ng kape.

"Mikaella Madrigal"

"Mikaella, Mikaella, Mikaella..." inulit ulit yun ni Gino.

"You can call me Kaella,"

"Kaella? Masyadong pang mayaman.." napakunot noo si Kaella dahil.sa sinabi ni Gino. "Andito ka sa squatter, kaya dapat pangmahirap din ang pangalan mo"

"So pangmahirap pala ang pangalan mong Gino?"

"Hindi naman,. At minsan tinatawag nila akong 'Gi' dito. Pero ikaw, dapat may iba ka ring pangalan dito." sagot ni Gino.

"So what? Are you gonna call me nene, inday or anu pa?" sarkastikong sabi ni Kaella.

"Mika-Mikaella., Mikay!! MIKAY!! Tama, Mikay ang pangalan mo dito." napanganga si Mikaella. Seryoso talaga pala ito sa pagbibinyag sa kanya ng new name.

"No, I don't wanna be called Mikay..."

"Bakit? Anong gusto mo? INDAY? O Nene? At tigil tigilan mo nga yang kaka engles mo.."

"Basta ayaw ko ng Mikay..."

"Oh sige, edi Inday..." pangaasar ni Gino. "Nay, In--" hindi na natuloy ni Gino ang sasabihin dahil naputol na ito ni Kaella.

"Mikay it is..." naiinis na sagot ni Kaella.

Ngumiti si Gino. Yung ngiting totoo. Marunong din pala itong ngumiti. "Papayag din pala, naginarte pa."

Continue lendo

Você também vai gostar

550K 8.1K 55
PUBLISHED by LIB Printing Corporation. Availabe in all leading bookstores NATIONWIDE! Isang fan girl si Kaycee. Solid ang support niya kay MJ. Pero n...
1.6M 8.1K 12
Second book of His Gangster Girl. 'The heart remembers what the mind forgets' The rest of the story is on dreame! :)
1.8M 47.7K 54
She's a bad girl. And he is the bad girl's bad boy. - This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents that ar...
223K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...