Hindi ko alam kung paano sisimulan
O hahabiin ang mga salitang laan
Upang maipakilala ang aking sarili
Isang simpleng tao na ang kuwento'y samu't-sari
Gaya ng nakararami, ako'y may pangarap din
At aking gagawin ang lahat upang ito'y tuparin
Upang aking masabi sa aking sarili,
Salamat, hindi ka bumitaw hanggang sa huli