Dahilan

58 5 0
                                    

Siguro nga hanggang dito nalang tayo
Hindi na pwedeng lumayo
Hindi na maaaring magpatuloy
Nakakatakot kung ipagpapatuloy

Wala ng mapatutunguhan pa
Hanggang dito nalang talaga
Dito na lang kung saan nagsimula
Dito na rin tatapusin ng mga salita

Tayo'y minsang pinag-isa ng tadhana
Ngunit pinaglayo ng kanilang mga salita
Hindi nila tayo gustong lumigaya
Wala tayong takas sa kanilang mapanghusgang mata

Ang mundong ating ginagalawan
Ang siya ring ating kalaban
Lahat sila, tutol sa ating dalawa
Paano pa ipagpapatuloy, kung ikaw at ako, wala ng dahilan pa.

Tula't Mga SalitaWhere stories live. Discover now