Wikang Filipino: Wika ng Filipino

232 8 0
                                    

Wika--- isang punyal na ubod ng talim
Balaraw na kislap kung gabi'y madilim
Ang puluhan ay mahusay na layunin,
Talas nito'y kakaiba kung limiin

Wika--- isang hangin na siyang bumubuhay,
Sa patid na hinga ng kulturang patay,
Ito'y nagbibigay siglang mahinusay,
Sa mga tradisyon at bukang liwayway.

Wika--- isang tanggulan na siyang tuntungan,
Nitong mga paa ng mahal na bayan,
Sandigan nitong kasarinlan,
Sa Siyudad, Probinsya o saan pa man.

Wikang Filipino matatag na hukbo
Na lakas ng ating buong pagkatao!
Wika'y ipagmamalaki ng taas noo,
Bawa't letra't salita'y isapuso.

Tula't Mga SalitaWhere stories live. Discover now