Sa Panaginip

5 0 0
                                    

"Paborito ko ang goto,"
'Yan ang unang bagay na sinabi mo
Noong lumabas tayo.
Paborito ko nama'y isaw,
At zestong nakakatanggal uhaw
Nakakatawa isipin na sinabi natin ito habang kumakain ng lugaw.

Nagpunta tayo ng perya,
Inaya mo ako sa perris wheel
Nag-ienjoy ka sa pagtingin sa tanawin
Habang ako, nagdadasal ng taimtim na 'wag mahulog
Nakakatawa dahil nakita mo ako,
At imbes na aluin, ay inasar mo ako dahil dito.

Pagkababa'y inis pa rin ako,
Hindi kita pinapansin kahit anong gawin mo,
Nagpaalam ka na bibili lang ng ice-cream para bumawi,
Pero hindi ka na bumalik, mag-iisang oras na akong 'di mapakali

Nadagdagan pa ang inis ko
Kaya pinili ko nalang umalis
At sa aking paglalakad
Nakita ko ang kumpulan ng tao,
May kung anong tinitingnan sila
Lumapit ako para tingnan sana
Nagulat ako sa nakita,

Ikaw, duguan, walang malay
Habang hawak ang ice-cream sa'yong kamay
Nasagasaan ka raw ng patawid ka na
Hindi ko alam ang gagawin o iisipin
Bumalik lahat ng ala-ala sa'king isipan

Paano kung hindi ako nainis?
Paano kung hindi ka na umalis?
Lahat ng ito, sa isip ko pinagsisihan
Lahat ng ito, aking kasalanan.

Napanaginapan kita,
Ang sabi mo masaya ka kung nasaan ka man,
Pero mas sasaya ka kapag ako sa iyo'y sumama
Nag-alangan ako, pinilit na gumising
Natakot ako sa kung anong pwedeng mangyari,
Pero oo nga, mas masaya kapag kasama ka
Pinili ko ulit humimbing,
Sa panaginip, kung saan kita nakakapiling.

Tula't Mga SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon