Backburner

6 0 0
                                    

Hindi mo naman sinabing gusto mo ako,
Pero sabi mo espesyal ako, pero hindi gaya ng rebisco na laging may pasobra
Alam ko naman, option lang ako sa listahang meron ka
Okay lang, kuntento na ako sa kakarampot--- sa hindi sapat.

Lalapitan kapag wala ka ng makasama
Tatawagan kapag hindi ka sinasagot
Iiyakan kapag sa'yo ay bugnot
at naaalala mo lang ako, kapag nilimot ka.

Sabi nila, itigil ko na raw,
Sumobra sa'yo, nagkulang naman sa sarili ko Masakit na sa balat ang sikat ng araw
Ramdam ko ang hapdi, hindi na sumasapat ang kakaunting ambon mo

Hayaan mo lang na ako'y masunog hanggang maging abo,
Baka sa gan'tong paraan makita ko ang halaga ko
Hindi pang second-option o ano,
At piliin ang sarili ilayo na sa'yo.

Tula't Mga SalitaWhere stories live. Discover now