PAG-ASA

1.1K 11 0
                                    

Pag-asa ay Sa'yo matatagpuan
Bagong umaga'y masisilayan
Tagumpay aming makakamtam
Basta't magtiwala Sa'yong salita

Iyong pangako'y aking panghahawakan
Walang bagay na hindi mo mapangyayari
Sa tulong mo lahat makakayanan
Aming Ama't hari!

Mananatili Sa'yong kapayapaan
Ang lilim Mo'y aking kanlungan
Kapag takot sa puso'y bumabagabag
Ako'y sinasalo ng iyong habag

Lungkot ay Iyong papawiin
Bagyo ay lilipas rin
Sa tulong ng panalangin
Ang lakas ay ibibigay sa amin!

Tula't Mga SalitaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang