PAGLAYAg

636 10 0
                                    

Isa, dalawa, tatlo, hanggang apat.

Isa..


Isang pagkakataon na tayo'y nagkasama
Na para bang ang lahat ay itinakda na ng tadhana
Sa bawat paggising at pagtulog, sa pananginip at imahinasyon, imahe mo laging nakikita


Dalawa..


Dalawa tayong naglayag patungo sa ating mga pangarap
Pinangarap na magkasama, nangarap na kasama ka
Na sana tayo na nga ang itinakda na magsama
Na sa isa't isa pa rin kahit anong hirap


Tatlo..


Tatlong pagkakataong nagpa-isip sa akin, mahal bakit tila lumalabo?
Lumalabo na ang dating malinaw na tayo
Na tayo lang at walang magbabago
Pero mahal tila ikaw yata ang nagbago, sa kilos mo, parang may bago...


Hanggang apat..


Diba sabi mo pagsubok lang ang lahat ng ito?
Tulad ng alon sa karagatang pilit humahampas  at inaanod tayo
Naniwala ako sa pangako mo, sa mga salitang binitawan mo na "walang papalit, asahang laging tapat"
Pero di ko akalain na aabot tayo dito, na may dulo pala ang inakalang walang hanggan
Siguro nga hindi na sapat, kaya kailangan ng tuldukan ang lahat.

Tula't Mga SalitaWhere stories live. Discover now