Un-tie (R-18)

By Sha_sha0808

478K 19.7K 2.7K

Un-tie (R-18) Ordinaryong estudyante lang ako sa harap ng mga kakilala ko pero nawalan Ng kalayaan mula nang... More

prologue
1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
5
6(R-18)
chapter 7
chapter 8
chapter 9
10
11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
15
chapter 16
17
19
20
21
22
23
24
25
26
27
tanong
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
Finale

18

6.8K 309 38
By Sha_sha0808

A/n:

Dont forget to follow sa akin. Pero mag-follow man kayo o hindi, mag-a-update pa rin naman ako. Praying sa safety ng lahat sa bagyo.

Sana ligtas kayong lahat. Kapit at dasal lang, lilipas din ang problema. Strong tayo e....









Unedited...






"Morning, sir!" bati ni Jessica nang makasabay niya sa elevator.

"Morning," bati ni Reon.  "Marami ba tayong gagawin today?"

"Paperworks lang sir na ang iba ay kailangan ng original mong pirma."

"Okay. Pakilagay na lang ng pipirmahan ko sa table at ang iba ay stamp na lang," sabi ni Reon.

Bumukas ang pinto kaya sabay silang lumabas.

"Morning, Reon!" bati ni Mary na nakikipag-usap kay Jason.

"Ang aga mo naman ata."

"Wala akong ginagawa sa bahay."

"Okay."

"Bakit ganyan ang mukha mo? Ngumiti ka nga! Lalo kang tumatanda niyan eh."

Poker face na tumingin si Reon kay Mary. "Mukha na ba akong matanda, Mary?"

"Hindi naman kapag ngumiti ka."

"So kapag hindi matanda talaga?"

"Hindi a. Masyado mo namang sineseryoso."

"Kapag hindi tayo magkakilala, ano sa tingin mo ang edad ko?"

Napakunot ang noo ni Mary. "Bakit mo natanong, Reon?"

"Gusto ko lang malaman."

"Hmm? Mukhang thirty two, ganern!" biro ni Mary na hindi ikinatuwa ni Reon. "Joke lang. Ang aga mo namang sumeryoso. Sympre mukhang nasa twenties ka pa lang. Pwede ngang mapagkamalang eighteen eh."

"Hindi ka talaga mapagkatiwalaan!"

"Seryoso mo naman. Sympre nagbibiro lang si Mary," sabat ni Jason. "Magkape ka nga muna."

"Isa ka pa!" salubong ang kilay na tumungo si Reon sa opisina.

"Sir, ang iba naihiwalay ko na kahapon," sabi ni Jessica na inaayos ang ibang papel sa table ni Reon.

"Jessica, I want an honest opinion," seryosong wika ni Reon.

"Ano ho 'yon, sir?" kinakabahang tanong ni Jessica.

"Sa tingin mo, mukha na ba akong matanda?"

Napakunot ang noo ni Jessica at napatingin sa boss. "Ano? Sa tingin mo ilang taon na ako?"

"Sir, hindi ka naman mukhang matanda at ang pogi mo sa true lang. Ikaw yung tipong kahit na nasa thirties na ay hahangarin pa rin ng lahat ng kabataan. Ikaw kaya ang tipo ng lalaking man in every woman's dream! Yung mapansin mo na nga lang e ang saya saya na ng mga babae," sabi ni Jessica.

"So matanda na nga talaga ako."

"Hindi ah."

"Wag mo akong pinagloloko!" sabi niya at naupo sa swivel chair.

"Totoo naman, sir," sabi ni Jessica. Hindi naman kasi baby face na baby face si Reon kaya hindi niya masabing mukha itong bata. Kumbaga ito ang taong pang 30's ang edad at alam niyang kahit na aabot ito ng 50 ay mananatiling nasa 30's ang hitsura.

"Mga plastic!" bulong ni Reon.

"Totoo—" Jessica.

"Huwag ka nang magpaliwanag!"

Natahimik na si Jessica dahil baka magwala pa ang boss.

Kinuha ni Reon ang cellphone sa bulsa at din-dial ang numero ni Zia.

"Hello?"

"Buti at sinagot mo. Hanggang anong oras ang pasok mo?"

"Sir . . . "

"May iba ka pa bang hinihintay na tatawag?"

"W—Wala ho."

"Maaga ka pa bang uuwi?"

"Hanggang alas tres lang ho kami."

"Good. Punta ka sa building ng dati mong pinagtrabahuhan at maglinis ng opisina ni Mister Arnold."

"Doon na po ako maglilinis?" tanong ni Zia na mukhang masaya ang tono ng boses.

"Ngayong araw pero sa Sabado at Linggo ay dito ka pa rin sa akin."

"S—Sige."

"May reklamo ka?"

"Wala ho."

"Mag-uumpisa na ba ang klase ninyo?"

"Break time namin."

"Ah, mabuti naman. Ano ang ginagawa mo? Kumain ka ba sa canteen?" usisa ni Reon kaya napatingin sa kanya si Jessica.

"Hindi. Dito ako sa tree park."

"Sino ang kasama mo?"

"Ako lang."

"Ah, pumasok ba si Jeric?"

"Oo pero hindi ko alam kung nasaan na siya."

"Good. Nakatulog ka ba kagabi?"

"Opo."

Napasulyap siya kay Jessica kaya nahuli niyang nakatingin ito sa kanya.
"Sige. Tawagan na lang kita kung kailangan kita at pakiayos ng paglilinis kay Mister Arnold dahil ang dami niyang reklamo sa 'yo noon!"

"Ho?"

"Bye!"

Tinapos na niya ang tawag at iniisa-isang pinermahan ang mga papel na nasa harapan.

--------------------

Matamlay na pumasok siya sa building ni Mr.Arnold. Masama ang loob niya sa sinabi ni Reon na hindi niya ginagawa nang mabuti ang trabaho niya rito noon.

"Bakit nandito ka?" tanong ni Mr.Arnold nang pumasok siya sa opisina nito.

"Pinapatawag mo raw ho ako para maglinis."

"Hindi naman," ani Mr.Arnold. "May bago na akong tigalinis, hija. Kumusta ka sa bago mong nilipatan? Okay ka lang ba roon? Hindi ba strict si Mr.Baustista?"

"Hindi naman ho," labas sa ilong na sagot niya. Kung pwede na nga lang, dito na siya.

"Mabuti naman pero hindi kita pinapatawag."

"Ho?"

"May tigalinis na ako, Zia."

"Sure ka po ba? Hindi mo talaga ako pinatawag?"

"Hindi. Bakit? Gusto mo na bang bumalik sa akin?" biro ni Mr.Arnold. "Kapag may opportunity, grab mo lang nang grab, Zia. Deserve mo na ma-promote dahil mabait at masipag kang bata."

Gustong tumaas ng kilay ng dalaga dahil kabaliktaran naman ang sinabi nito sa kanya. Parang ang plastic ata ni Mr.Arnold.

"Salamat ho sa lahat ng tulong. Akala ko po wala kayong tigalinis."

"Mayroon na kaya huwag ka nang mag-alala. Magpahinga ka na, hija."

Dahil wala naman pala siyang gagawin, nagpaalam siyang uuwi na muna. Pagdating sa bahay, inusisa na naman siya ni Petra lalo na nang makitang iPhone ang gamit niya.

"Aminin mo, may mayaman kang boyfriend, no?"

"Pati ba naman ikaw?"

"Maraming nakakita sa 'yo kaya huwag kang magsinungaling! Sinundo ka ng gold limo. Or baka naman boyfriend mo talaga si Kuya Marvin na palaging dumadalaw rito?"

"Hoy! Grabe ka, Petra ha! Hindi 'yon totoo. Kung saan-saan mo na naman napulot 'yang pinagsasabi mo!"

"Kalat na, friend. Alam mo bang ikaw ang topic ng lahat matapos kang makuhaan ng iPhone sa bag mo at sinundo pa ng limo? May nagsasabi ring baka anak ka talaga ng milyonaryo at nagpapanggap lang na mahirap. Aminin mo nga sa akin ang totoo, mayaman ka ba talaga? Baka naman mapautang mo ako," mahabang litanya ni Petra.

"Kung ano mo ako nakilala, ganoon lang talaga ang buhay ko. How I wish na milyonaryo nga ang parents ko pero malabo. Manukan lang ang namana ko sa kanila."

"Eh sino nga ang sumundo sa 'yo, ha?"

"Kakilala ko lang. Alam mo namang mayaman ang pinagtatrabahuhan ko, 'di ba?"

"Na ganun ka na lang kung sunduin?"

"Napadaan lang sila kaya sinabay na ako."

"Wow, special ka ha."

"Hindi lang ako. Marami kami pero ako lang ang nakita ninyo kasi ako lang ang late," pagdadahilan niya. Matalik niyang kaibigan si Petra pero hanggat maaari ay gusto niyang solohin ang problema. Kung hindi lang natuklasan ni Jeric ang sikreto nila ni Reon, hindi talaga siya aamin. Ang iniingatan niya ay kapag iwan na siya ni Reon o itapon na parang walang kwentang basahan.

"Hmm! Parang hindi ka kaibigan. Pero sana kapag nagsisinungaling ka lang, wag naman sanang sa iba ko pa malaman."

Hindi na siya sumagot at nagkunwaring busy sa pag-aaral pero ang utak niya ay nasa kay Reon. Gusto rin niyang ibalik ang bigay nitong necklace. Paano kung mawala niya ito? Hindi pa naman safe ang boarding house dahil kung sino-sino ang mga pumapasok. Minsan bisita ng boardmates niya o 'di kaya nagde-deliver ng tubig. Sa panahon ngayon, lahat ay gipit at uso ang akyat-bahay. Madalas pa naman silang wala. Kung dadalhin naman niya, paano kung halughugin na naman ang bag niya? Isa pa, hindi niya kayang tumanggap ng ganoon kamahal na regalo.










----------------------


"Chocolates," sabi ni Jeric nang lapitan siya nito.

"Thanks. Saan galing?"

"Sa bahay. Malapit nang ma-expire e wala namang kakain."

"Thanks," pasalamat ni Zia.

"Welcome."

Umalis na si Jeric bago pa man may dumating na mga kaklase nila at matsismis na naman sila.

Itinago ng dalaga ang bigay nito sa bag niya.

Nang dumating ang guro, pinapunta nito sina Trina, Nina at Katrina sa dean's office.

"Hmm? Bakit kaya pinatawag sila?" bulong ng katabi niya.

"Di ko rin alam," sagot ni Zia.

Nagsimula na ang klase pero habang nasa kalagitnaan ay pinatawag din si Zia kaya pumunta siya sa opisina ng dean nila. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pumasok.

"Good afternoon po," magalang na bati niya at napasulyap kay Katrina na umiiyak.

"Miss Mendez, kaya kita pinatawag dahil sa aksidente noong isang linggo na nawalan ng cellphone itong mga kaklase mo at sa bag mo nakita."

"Wala ho akong ninakaw na cellphone. Akin ho ang iPhone na iyon at hindi ko po alam kung paano napunta ang cellphone nila sa bag ko," depensa ni Zia.

"It was a wrong accusations, Miss Mendez," sabi ng dean na tumingin kay Katrina.

"S—Sorry, Zia. Ako ang naglagay ng iPhone sa bag mo," pag-amin ni Katrina kaya nagulat si Zia. "Nabulag ako sa galit. I r—really hate you because you hurt my bestfriend!"

"P—Pero wala akong nagawang mali," sabi ni Zia.

"Wala?" galit na sabi ni Katrina. "Inagaw mo ang boyfriend niya! You cheated on her habang sila pa!"

"Wala kaming relasyon ni Jeric! Magkaibigan lang talaga kami!" giit ni Zia.

"Tama na!" saway ni Trina at humarap sa dean. "It's my fault. In behalf of Katrina, ako na ho ang humihingi ng patawad. Please, huwag nyo ho siyang i-expel."

"Trina, okay lang," sabat ni Katrina. "Wala kang kinalaman dito. Sarili kong desisyon iyon. Hindi ko kayang makita kang nasasaktan habang sa kanila ay balewala lang ang feelings mo. I have to fight kasi kaibigan kita kahit na mali ang paraan ko."

"Ipapatawag ko ang parents mo saka ko ibibigay ang nararapat na suctions mo. We do not tolerate this kind of student!" sabi nito kay Katrina.

"Sorry kung nasaktan man kita, Trina," paumanhin ni Zia. "Pero sa maniwala ka o hindi, wala kaming relasyon ni Jeric. That's the truth. I'm sorry kung naagawan kita ng oras sa kanya pero sana pakinggan mo rin siya kasi he's doing his best para makita mo ang halaga niya."

"Wala kang alam sa relasyon namin!" gigil na sabi ni Trina.

"S—Sir, pwede ho bang wag na lang ipatawag ang parents ko?" kabadong pakiusap ni Katrina.

"Hintayin na lang natin si Mr.Bautista kung ano ang karampatang parusa sa involved na nasa rules pa rin ng paaralan," saway ng dean kaya nagulat si Zia. "Parating na siya."

Gusto sanang tanungin ni Zia kung sino sa mga Bautista ang pupunta pero pinigilan niya ang sarili hanggang sa may kumatok at bumukas ang pinto. Tama ang hinala niya, si Reon ang pumunta.

"Okay na ba?" tanong ni Reon.

"Umamin na si Katrina," sabi ng dean.

"Good," sabi ni Reon at naupo sa harapan ng mga estudyante. "Miss Mendez, you may take a seat. Nahihirapan akong makipag-usap sa taong nakatayo."

Naupo si Zia pero hindi makatingin ng diretso sa binata.

"Bilang financer ni Miss Mendez," panimula ni Reon. "Trabaho na paimbestigahan ang nangyari kasi under sya sa amin. Ayaw kong magkaroon ng working student na magnanakaw kagaya ng paratang nito. I am always fair sa employee ko. Handa akong magbigay ng punishment kung mapatunayang mali siya pero handa rin akong pakinggan ang side niya para maprotektahan hindi lang siya kundi ang lahat ng nasasakupan ko. I have trust issue kaya mahihirapan akong ibalik kapag niloloko lang ako."

"H—Handa ho akong haharapin ang parusa basta hindi lang ako ma kickout dito at huwag na sana ninyong idamay sina Nina at Trina dahil wala silang kinalaman sa ginawa ko," pakiusap ni Katrina.

"I admire you sa pinapakita mong katapangan," sabi ni Reon. "Pero working student mo ang binangga mo. Ibig sabihin, para mo na rin akong binangga!"

"S—Sorry po, nadala lang ako sa galit," nahihiyang paumanhin ni Katrina.

"Mabuti kang kaibigan, Katrina," sabi ni Reon. "But I have to protect Zia. Hindi tama na aapihin ninyo siya dahil hindi ninyo siya kapantay sa lipunan. Nobody believes her kung hindi ko siya ipaglaban. Sa mata ng lahat, kayo ang nagsasabi ng totoo kasi kayo ang maimpluwensya at mapera."

Natahimik silang lahat.

"Miss Mendez," ani Reon kaya napatingin si Zia sa kanya na may kaba sa dibdib. "Tell us the truth, did you and Jeric crossed the line? May relasyon ba talaga kayo?"

"Wala ho," sagot ng dalaga.

"I will consider your reason, Katrina. If I were you, magagalit din ako kapag niloloko ang bestfriend ko!" sabi ni Reon at napatingin kay Zia. "Pwede kang magsinungaling sa akin, Miss Mendez pero oras na tama sila na may relasyon kayo ni Jeric maliban sa pagiging kaibigan, ako mismo ang magpaparusa sa 'yo!" Hindi iyon simpleng salita lang pero may halong pagbabanta.

"P—Please, huwag ho ninyong ipaalam sa parents ko," muling pakiusap ni Katrina.

"Kailangan nilang malaman ang lahat ng ginagawa ninyo lalo na ang pambu-bully," sabi ni Reon at tumayo. "Wala na akong oras kaya maiwan ko na kayo pero lahat ng family ninyo ay ipinapatawag ko."

"What?" bulalas ni Nina na ngayon lang nagsalita.

"Paano ninyo mapatunayan na isa lang sa inyo ang nagplano?" tanong ni Jeric. "Ang parusa ng isa, dapat parusa ninyong magbarkada hanggat hindi ninyo napatunayan na wala nga kayong kinalaman!"

Lumabas si Reon kaya naiwan sila na hindi makapaniwala. Dali-dali namang lumabas si Zia para habulin ang binata.

"Sir!" tawag niya at tumakbo para mahabol ito na malapit na sa parking lot. "Sir, sandali lang!"

"May kailangan ka?"

"B—Baka pwedeng kalimutan na lang namin ang lahat? Huwag mo na lang hong ipatawag ang parents ni Katrina."

"Bakit?"

"Kasi kasalanan ko naman e. Dapat iniiwasan ko na si Jeric."

"So may relasyon talaga kayo."

"Wala ho. Kaso ayaw ko na ho ng gulo," sabi niya. Tutal tapos na rin naman iyon at ayaw niya ng kaaway.

"You know what?" ani Reon sabay pamulsa. "Malapit na akong maniwala na may relasyon talaga kayo ni Jeric."

"Please, sir," pakiusap ni Zia.

"Yun ba talaga ang gusto mo?"

Tumango ang dalaga.

"Okay. Sa isang kundisyon..."
Napatingala siya sa mukha ng binata. "Sumama ka sa akin mamaya."

"S—Saan?"

"Papasundo kita kay Marvin," sagot ni Reon. "Seven pm dapat nakabihis ka na. Wear the necklace na ibinigay ko at isa sa mga damit na binili ko para sa 'yo."

"M—May ibang options pa po ba?"

"No!" sagot ni Reon. "Mamili ka sa dalawa, sasama ka sa akin o maki-kickout ang mga kaklase mo dahil sa inyo ni Jeric..."

"S—Sir..."

"You can say no, Zia! Pero hihintayin pa rin kita." Naglakad na palayo si Reon kaya napabuntonghininga si Zia. Heto na naman siya sa gusto ni Reon.















Continue Reading

You'll Also Like

627K 6.8K 57
The title says it all! This story is not suitable for all ages. there are scenes or chapters that may contain words or actions na hindi dapat sa mg...
7.8M 302K 54
DDMS BOOK VERSION IS COMING! Highest Rankings: #1 Suspense, #1 Crime, #1 Detective, #1 Plottwist, #1 Investigation PUBLISHED: 10/05/22 COMPLETED: 08...
401K 10.3K 59
Naging: #1 chances #1 fiance #1 sari-sari #1 childhood memories Oo na, tanggap ko na. Wala na akong calling para sa pag-ibig. Oo na, eto na nga oh...
34.2K 1.3K 33
Nagising si Ariel na walang maalala sa nangyari kagabi. Nagulat siya nang makita niyang hubo't hubad ang sarili at katabi si Colt, ang panganay na ka...