Un-tie (R-18)

By Sha_sha0808

478K 19.7K 2.7K

Un-tie (R-18) Ordinaryong estudyante lang ako sa harap ng mga kakilala ko pero nawalan Ng kalayaan mula nang... More

prologue
1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
5
6(R-18)
chapter 7
chapter 8
chapter 9
10
11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
15
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
tanong
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
Finale

chapter 16

6.9K 289 35
By Sha_sha0808





Thank you.

Don't forget to follow...

Wag mang report!

Kung di bet ang story at author, malaya kang umalis na hindi nangre-report! Be mature enough!

And please, akin man o hindi ang story, huwag kayong mang-report.
















Unedited...














"Jowa mo nasa labas!" sabi ni Petra.

"Ha? Sino?"

"Sino pa ba ang jowa mo?"

"Gagi! Sino nga?"

"Jeric!"

"Hindi ko siya jowa!"

"Eh 'di boyfriend!"

"Tangi! Tigilan mo nga ako!" saway niya saka ipinagpatuloy ang pagsusulat.

"Hindi mo siya lalabasan?"

Napalingon siya kay Petra.

"Seryoso ako, nasa labas siya. Gusto ka raw niyang makausap."

"Okay," sabi niya at inayos ang sarili saka lumabas.

"Hi," bati niya kay Jeric na nakasandal sa gate.

"Hello. Busy ka ba? Matutulog ka na?"

"Hindi pa naman. Kakatapos ko lang kumain," sagot niya.

"Alas nuwebe pa lang naman. Gusto mo ng mag-ihaw?" yaya ni Jeric.

"Sige. Samahan mo na rin ng balut," pagpayag ng dalaga.

"Sure. Basta ikaw," pagpayag ni Jeric.

Naglakad sila sa nagtitinda ng ihaw. Isaw at paa ng manok ang pinaluto nila.

"Ba't ka absent?" tanong niya dahil mula nang mag-usap sila kanina sa tree park, hindi na pumasok ang binata.

"May pinuntahan lang."

"Ano ang sauce nito?" tanong ng ginang.

"Maanghang lang po," sagot ni Zia.

"Ako rin. Pabalot na lang po tapos apat na balut at pahingi na rin ho ng suka at asin."

Nang maluto na at mabalot, tumungo sila sa pinakamalapit na park at doon tumambay.

"Sarap talaga ng street foods!" ani Jeric na nakailang isaw na.

"Oo nga. Walang ganito sa ibang bansa," pagsang-ayon ni Zia.

"Pagkatapos ng pag-aaral, anong balak mo?" tanong ni Jeric sa katabi.

"Ako? Simple lang. Gusto kong makahanap ng trabaho tapos mapalago ang business namin. Gusto kong mas lalo pang lumawak ang poultry ng tita ko at the same time, nagtatrabaho sa pinag-aralan ko. Iyon kasi ang gusto ng parents ko noon," tila nangangarap na wika niya.

"Ilang hectares ba ang lupa ninyo?"

"Naku, one hectare lang yun. Gusto ko ngang bilhin ang katabing lupain kaso wala akong pera."

"Nasa magkano ba?"

"One point five million yun. Two hectares na kaso mag-iipon pa ako. Impossible na atang mabili ko 'yon."

"Kaya mo 'yong bilhin."

"Sana bago ako mamatay magawa ko iyon pero mukhang malabo. Baka kung hindi ako kakain at gagastos sa pang araw-araw, mabibili ko. Kaso mahirap ang buhay."

"Bakit hindi mo hingiin kay Tito Reon!" wika ni Jeric na hindi na nakapagpigil kaya nabitin sa ere ang isusubo na sana na isaw ng dalaga. "Ano pala ang silbi ng pagpagamit mo sa kanya kung wala ka ring nakukuhang pera?"

"Nandito ka ba para bastusin ako?" galit na tanong ni Zia.

"No, I'm sorry, hindi ko sinasadya," paumanhin ni Jeric.

"Uuwi na ako!"

"No!" tanggi ni Jeric at hinawakan sa kanang kamay ang dalaga. "I'm sorry, hindi ko sinasadyang mainsulto ka."

"Huwag mo nang dagdagan ang problema ko, Jeric!"

Sapilitang pinaupo siya ni Jeric sa bench.

"Makinig ka, Zia! I'm your bestfriend at hindi ko hahayaang gamitin ka lang niya!"

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Jeric!"

"Nakausap ko siya kanina," mahinang sabi ni Jeric. "Inamin niya sa akin ang totoo tungkol sa inyo."

Nanigas si Zia sa kinauupuan. Para siyang binagsakan ng langit at lupa sa narinig. Hiyang-hiya siya kay Jeric.

"H—Hindi ko ginusto ito," naiiyak na wika niya.

"I know," wika ni Jeric. "I'm willing to help you, Zi. Hindi kita pababayaan."

"A—Ayaw ko na. H—Hindi ko na kaya, Jeric. Gusto ko nang bumalik sa dating buhay ko. G—Gusto ko nang makawala sa kanya. Napi-pressure ako at natatakot na baka anytime ay mahuli kami ng mga tao," nagsimula nang pumatak ang mga luha niya kaya napatakip siya sa mukha. "G—Gusto ko lang naman makapagtapos sa pag-aaral. H—Hindi ako naghangad ng mga bagay na hindi ko naman pinaghirapan. A—Ang dami naman diyan eh!"

"Ghad, sorry to hear that, Zi," ani Jeric saka ipinasandal si Zia sa balikat niya. "It's okay. Umiyak ka lang." Hinagod niya ang likod ng dalaga para kumalma ito.

"G—Gusto ko lang matapos to at makawala na ako sa kanya."

"Hahanap ako ng paraan," wika ni Jeric. "Hindi kita pababayaan, Zia."

Lumayo si Zia at pinahidan ang mga luha. Ngayon niya napatunayan na sobrang swerte talaga siya kay Jeric bilang kaibigan.

"Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ng tiyuhin ko."

"Wala naman akong kawala kasi mayaman siya. Walang maniniwala sa akin kasi marami ang babaeng nagkakandarapa sa kanya."

"Gagawa ako ng paraan, Zia."

"Salamat, Jeric. Pero hindi ba't dapat sinusuyo mo rin si Trina?"

"Hayaan mo siya. Masyado siyang ma-pride at sarado ang utak niya!" sabi ni Jeric. "Kung talagang mahal niya ako, dapat ipaglaban din niya ako sa parents niya. Ayaw niyang maging legal kami sa bahay nila. Lagi na lang wala siyang time sa akin at palaging nakabuntot ang barkada niya tapos palagi pang pinangalandakan na gusto kita. Nakakapagod ang ganoong relasyon," sabi ni Jeric na naglalabas din ng sama ng loob. "Kahit gaano mo kamahal ang isang tao, darating pala talaga ang oras na mapagod ka sa paulit-ulit na nangyayari. Parang hindi kami nag-grow. Kung ano kami noon, ganoon pa rin hanggang ngayon. Walang adjustment sa kanya. Ako na lang ang palaging nag-a-adjust at nag-uunawa."

Maloko lang si Jeric pero alam ni Zia na naging mabuting kasintahan ito kay Trina. Lately lang sila nagkakaganito at nauwi na nga sa hiwalayan tapos siya pa ang dahilan.

"Tara na, uwi na tayo. Lumalalim na ang gabi, baka sipunin ka pa."

"Salamat, Jeric."

















---------------------










"May problema ba?" tanong ni Mary.

"Wala!" sagot ni Reon.

"Mukhang hindi maganda ang araw mo ah."

"Mind your own business!" wika ni Reon.

"Woah! Suplado!" ani Mary pero hindi na niya ito pinansin. Tuloy-tuloy siya sa opisina at nanghingi ng kape sa sekretarya.

"May kailangan pa kayo, sir?" tanong ni Jessica nang pumasok sa tirahan nito bitbit ang kape.

"Kapag may naghahanap sa akin, sabihin mong wala ako rito!" sabi niya. "Maliban kina Marvin at Mario."

"Yes po."

Lumabas ang sekretarya. Bitbit ang kape, lumapit siya sa bintana at pinagmasdan ang mga building na kaharap ng opisina nila. Hindi siya mapakali. Mula nang makausap niya si Jeric, sumakit na ang ulo niya.

Nakailang balik na siya sa sala at naubos na rin ang kape niya. Saktong naupo siya sa couch nang tumunog ang intercom sa tabi niya.

"Nandito ho si Mario."

"Papasukin mo siya," sagot niya at ibinaba.

Ilang segundo ang lumipas nang pumasok si Mario matapos kumatok ng tatlong beses.

"Morning, boss."

"Balita?"

"Ito yung mga litrato nila," sabi ni Mario at inilapag ang brown envelope.

"Salamat," sabi niya saka binuksan ang envelope at isa-isang tiningnan ang mga litrato nina Zia at Jeric na palaging magkasama.

"Sa loob ng isang araw, ilang beses silang magkita?" tanong niya na tumigil sa pagtingin ng litrato.

"Magkaklase ho sila," ani Mario.

"Alam ko!" mataray na sagot ng binata. "Hindi naman yata sila magkatabi sa classroom? Hindi naman sila nag-uusap habang nagle-lecture. Hindi naman sila sabay kumain at umihi, di ba?"

"Sabi ng source namin, minsan lang sila nag-uusap sa campus. Siguro dahil na rin sa issue sa kanila."

"Anong issue?"

"Na may relasyon sila at kaya iniwan ni Jeric ang girlfriend nito para kay Zia," sabi ni Mario.

Pinagmasdan ni Reon ang huling litratong nagyayakapan ang dalawa sa park. Halatang gabi ito dahil madilim sa paligid at ilaw ng poste lang ang nagbibigay liwanag sa litrato.

"Kailan 'to?"

"Lunes pa 'yan, boss."

"Lunes tapos ngayong Biyernes mo na ibinigay sa akin?"

"Sabi mo ngayong Biyernes ko na lang ibigay," sabi ni Mario at napakamot sa ulo. Akala nila may malaking misyon na silang ipagawa ni Reon pero para naman silang NBI kung makaimbestiga at makabuntot kina Jeric at Zia.

"Trina ang pangalan ng ex ni Jeric, right?"

"Yes, boss."

"Paimbestigahan mo ang pagkawala ng iPhone ng kaklase nila at alamin mo kung paano napunta sa bag ni Zia," utos ni Reon.

"Yes, sir."

"Makakaalis ka na," sabi ni Reon at nang makalabas si Mario, isa-isa niyang pinunit ang mga litrato. Pinakaayaw niya ang pinagloloko at pinagsasabay siya ng isang babae lalo na ni Zia.
















------------------















Napag-usapan na nila ni Jeric na wag silang mag-usap sa school campus para iwas issue. Kung mag-usap man ay dapat mahalagang bagay lang o tungkol sa klase. Napapansin nilang may iilang estudyanteng nagbabantay sa kanila. Hindi na rin natigil ang pagparinig ng barkada ni Trina sa kanya na kesyo magnanakaw, mang-aagaw at ambisyosa.

Hindi naman niya masisi si Trina. Babae rin siya at alam niyang masakit din sa part nito ang naging kilos ni Jeric. Kaso ang tigas ni Jeric ngayon.

Ilang araw na ring hindi siya kinokontak ni Reon kaya medyo nakakahinga siya nang maluwag. Ang kaso, magkikita na naman sila bukas sa opisina nito.

"Petra!" tawag niya sa kaibigan nang makasalubong. "Uwi ka na? Sabay na tayo."

"Mauna ka na, maglilinis pa ako sa library," sabi ni Petra. "Isama mo na ako sa pagsaing ha. Baka ma-late ako."

"Sure," pagpayag niya. Biyernes ngayon kaya halos sabay silang magsiuwian.

Nang lumabas siya sa school campus, napansin niya ang pinagtitinginan ng mga estudyante, limousine gold.

Hindi niya ito pinansin pero bumisina ang driver sa sasakyan kaya napalingon siya. Bumukas ang pinto at lumabas si Mario kaya natigilan siya lalo na't marami ang estduyanteng kumukuha ng picture.

"Ma'am Zia!" tawag ni Mario kaya napakagat siya sa ibabang labi. "Ma'am, sakay na hu."

Napatingin sa kanya ang mga estudyante kaya patay malisya siyang naglakad palayo pero sinundan siya ng limo at binubusinahan.

Tumunog ang cellphone niya kaya sinagot niya ang tumatawag.

"Sasakay ka o papasundan kita hanggang eskinita?" may inis sa boses ni Reon.

"Bakit ba? Nakakahiya!"

"Kung sumakay ka eh di sana wala nang drama! Gusto mo talaga ng drama?" ani Reon kaya tumigil siya sa paglalakad.

Muling bumaba si Mario at pinagbuksan siya ng pinto.

Napabuntonghininga siya saka padabog na sumakay. Nang isara na ang pinto, saka niya hinarap si Reon na kalmadong umiinom ng wine habang tinitingnan ang mga estudyanteng nakatingin sa sasakyan.

"Sir, ano na lang ang sasabihin mo sa kanila? Ayaw ko na po ng issue!"

"Masama ba kung sumakay ang katulong sa sasakyan ng amo niya?" balik-tanong ni Reon. "Wine?" sabay alok sa wine glass na hawak.

"No, thanks!" sabi ni Zia na gusto mang mainis pero wala siyang magawa. "Sana sa kabilang gate mo na lang ho ako pinasundo o 'di kaya'y tinawagan mo ako bago sunduin."

"Ikaw ba ang boss?" sarcastic na tanong ni Reon.

"Sorry ho," paumanhin niya at natahimik na.

May pinindot si Reon kaya sumara ang harang sa driver's seat para magkaroon sila ng privacy.

Ibinaba ni Reon ang wine glass saka binuksan ang zipper ng pantalon. Agad namang iniwas ng dalaga ang mga mata.

"You know the drill, Zia!" ani Reon na kampanteng nahiga.

"S—Sir."

"Kailangan ko pa bang sabihin kung ano ang gagawin mo?"

"M—Marami naman hong babae riyan na kaya kang paligayahin," ani Zia kahit na kinakabahan.

"Huwag mo akong turuan, Zia!" galit na sabi ni Reon. "Gagawin mo o kailangan pa kitang pilitin?"

"H—Hanggang kailan mo balak itigil ito?"

"Hanggat gusto ko!" sagot ni Reon. "Now, you choose! Isusubo mo o papatungan mo?"

Nag-aalinlangan si Zia kaya hinatak ni Reon ang kamay ng dalaga.

"Wala akong bagong pasensya, Zia!" sabi ni Reon. Hindi pa rin kumikilos si Zia kaya nagngingitngit sa galit ang binata at umayos sa pagkakaupo at siya na mismo ang tumaas ng palda ng dalaga at ibinaba ang panty nito. "Mukhang ako ang magpapaligaya sa 'yo."

"S—Sir..."

"Huwag mong iparamdam sa akin na may iba kang lalaki, Zia!" singhal ni Reon kaya natigilan ang dalaga. Mariing hinalikan ni Reon ang mga labi ni Zia sabay ng pagpasok ng daliri nito sa pagkababae.  "Hindi kita bibigyan ng rason para humanap ng iba," bulong ni Reon na malapit sa tainga ng dalaga pero ang isang kamay ay kinuha ang cellphone sa bulsa ng nahubad na palda ng dalaga.  Nang tumugon ang dalaga sa mga halik niya, pasimpleng inabot niya ang wine at ibinuhos sa cellphone ni Zia.

"Oh shit!" aniya saka lumayo kay Zia.

"A—Anong—" nagulat ang dalaga at agad na kinuha ang basang cellphone.

"Natabig ko ang wine," sabi ni Reon.

Sinubukan niyang patuyuin ang cellphone gamit ang palda. Sinusubukan niyang buksan pero ayaw na talaga kahit na anong pilit niya.

"Wala na akong cellphone," nanlulumong sabi niya.

"You can use your iPhone," sabi ni Reon.

"Ipapaayos ko 'to."

"Go ahead. Pero as of now, mas mainam na ang iPhone mo muna ang gamitin mo dahil baka kailangan mo 'yan sa school ninyo. Baka may mahalaga kayong pag-uusapan sa group chat ninyo, weekend pa naman."

"Ano ba yan!" ani Zia.

"Aksidente," ani Reon. "Yaan mo, papaayos ko mamaya kay Mario." Inagaw niya ang cellphone saka ipinatong sa table. "Hindi pa tayo tapos, Zia." Tinulak niya ang dalaga at pinahiga sa upuan saka siya na ang pumatong dito.

































Continue Reading

You'll Also Like

106K 2K 49
3 years. Sa loob ng 3 taon na iyon namuhay si Jared na punong-puno ng galit sa kanyang asawa or should I say dating asawa na si Scorpio. Because of c...
401K 10.3K 59
Naging: #1 chances #1 fiance #1 sari-sari #1 childhood memories Oo na, tanggap ko na. Wala na akong calling para sa pag-ibig. Oo na, eto na nga oh...
34.2K 1.3K 33
Nagising si Ariel na walang maalala sa nangyari kagabi. Nagulat siya nang makita niyang hubo't hubad ang sarili at katabi si Colt, ang panganay na ka...
238K 4.1K 56
Him: I'll f*ck you hard and deep, Baby. I'll f*ck you . . . until you beg for it. One month later... Him: Dammit! You're begging to be f*cked, aren't...