9 Days of May.

By EiffelInLove

4.9K 58 45

Their escape that turned out to be the sweetest. More

9 Days of May
9 Days of May [Day 1]
9 Days of May [Day 2]
9 Days of May [Day 3]
9 Days of May [Day 4]
9 Days of May [Day 5 : Daytime]
9 Days of May [Day 5 : Nighttime]
9 Days of May [Day 6 : Daytime]
9 Days of May [Day 6 Nighttime]
9 Days of May [Day 7]
9 Days of May [Day 8]
9 Days of May [Day 9]
Acknowledgment

9 Days of May [Day 5 : Uplate]

208 4 7
By EiffelInLove

Day 5 Uplate : Gatecrasher

Day 5 Nighttime : Party! Party! Continuation..

[Author’s POV]

Gaaaaaaaah. Their POVs are annoying. Ano ba ha? Nakakalimutan na ba ng mga madlang kids na ito ang boundaries niyo? Nakakastress kayo! Nakakaloka o.o

[Destiny’s POV]

At lumabas na nga ako para sagutin ang fake call ko. Nawalan ng power sa loob. Kaya naman ilang sandali lang bago ako makalabas e, sumunod na sila.

Nakikita ko na naman yung ulo nung tipaklong. Pakshet. Nakakainis.. Muntik na talaga ako kanina.

“Okay bye..” sabi ko sa kausap ko kuno tapos ay in-off na ang cellphone ko. Hayyy.. Buti na lang magaling akong umarte. Best Actress sa Speech and Stage Arts Class naminJ

“Ano ba ‘to?! Nakakainis naman e..” reklamo ni Evan sabay lapit sa akin.

“Ohh.. Anong nangyari?” inosente ko namang tanong.

“Hindi kasi siya nakakanta..” sabi ni Mhai.

Ahh. Kaya naman pala. Mga loko kasing mga bata ‘to. Mula nung hawakan yung mic e hindi na gustong bitawan. Kung makakanta parang wala ng bukas pa.. Tsk.

“So.. Uuwi na tayo?”

“Ate.. Nasa iyo lang yan kung gusto mong maiwan dito.. Kung gusto mong matulog dyan.. “sabay turo ni Kate sa videoke house. “At makasama ni Tangay na malamang lasing na naman, o ni Feeler..”

Waaaaaaaaah. Sh-t. Bakit ba ganito ang mga tao dito? Naalala ko na naman yung kambing na si Tangay tapos meron pang Feeler na gaya ni Tangay e mukhang war freak na feeling gwapo. Feeling GWAPO as in FEELING talaga. Feeling na.. as in. Feeling! Oh di ba? Sa sobrang pagkafeelingero niya e puro feeling na lang nasabi ko. Waaaaah.

“Ayoko! Sh-t.” sagot ko sa kanya.

Ako ang unang naglakad papunta sa main road. Sumunod na ang iba sa akin pagtapos nun.

Ewan ba. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari.. Alam niyo yun? Mali kasi ‘to e. Masyado kaming nagiging attach sa isa’t-isa. Yung closeness namin.. Sukdulan na! Kaya naman nakakakuha na kami ng kung anu-anong comment mula sa mga nakakaktanda.. Lalo na kay~ Ate Con. Si Ate Con na kontrabida na talaga.

Aissshhhh. Nakakainis isipin okay..  Bakit kasi kailangan pa na maging pinsan ko yung mama nila? Bakit kailangan pa nila akong maging Tiyahin? Yan tuloy.. Yung kilig ko di umaabot sa SUKDULAN. Di gaya pag nakikita ko si Julius Cruz~

Speaking of Julius Cruz.. Kumusta na kaya ang baklang yun?

Wahhh. Teka nga.. Balik tayo sa kanina. Naguguluhan na nga kasi ako..

Alam ko. Positibo ako.. Mahal ko si Ken. Si Ken na cute? Si Ken na mukhang hapon? Si Ken na mabait? Si Ken na.. Teka. Nasaan si Ken?! Waaaaah. Ba’t ngayon ko lang napansin! Nasaan si KEN? Hindi pala siya sumama TT.TT

Ayun. Mahal ko nga ang nawawalang si Ken. Sulit na ang kasalanan ko sa kanya.. Incest tapos child abuse! JK :) PEDO lang ako pero hindi ako papatol sa kadugo ko >.<

Pero bakit ganun.. Pag nakikita ko si Von.. Daig ko pa ang natutunaw na kandila? Bakit pag nakikita ko siya.. Nwawala ako sa konsentrasyon? Bakit kung nasa malapit siya.. Hindi ako makahinga? Nakss.. Gumaganun oh. Ang tindi naman ng epekto sa akin ni Von. Waaah. Ayoko na umalis dito TT.TT

[Kate’s POV]

“Ohh.. Gusto ko lang malaman niyo na.. Dangerous ang tatahakin nating daan. Kaya kung pwede lang.. Kung pwede lang naman. Wag kayong gagawa ng ingay ha? Plezz lang.” pagmamakaawa ni Mhai.

Ayan.  Nakakatakot talaga yung dadaanan naming daan dahil nga maraming kababalaghan na ng yayari dun. Hindi nga kami dumadaan dun kahit sementado pa ang daan kasi nga.. Nakakatakot. Much more ngayon.. GABI!

“Yes Ma’am!” sagot naming sa kanya sabay salute tapos lakad.

Nagsimula na nga kaming maglakad..

Nakita ko si Kuya- Kevin nga pala. Mas matanda ako sa kanya by blood.  Si Kevin.. Parang baliw. Lakas tama wala sa sarili. Wahahaha. Magkatabi sila ni Ate Tin.. Magkatabi sila sa harap. Sunod na naglalakad kay Mhai.. Ang scout leader namin tonight.

“Ohh.. Bantayan niyo yang nasa harap.. Mamaya nasaniban na pala!” sabi ng katabi ko.

SI VON :P

Hindi pa rin ako nakakamove on sa pagtulong niya sa akin kanina! Haha. Naman.. Sinuswerte ata ako ngayong gabi. Ayan.. Nasa tabi ko siya. Dala yung gallon ni Ate Evan.

Hayyyyy. Bakit kaya ang gwapo niya pag gabi? Sana lagi na lang gabi para lagi siyang gwapo sa paningin ko. Kyaaaaah~

“Ohh Tita.. Wag ka dyan.. Mahuhulog ka.”

Ako mahuhulog? Eh nasa gitna ako ng daan ah? Loko talaga ‘to~ Baka nagpapansin? Yaaaah.

“Ano ang sinasabi mo ha?” sabi ko pero hindi na narinig ni Von dahil may ibang nagsalita.

“Hindi kaya..” sagot ni Van sa kanya habang nagtetext.

Ahh.. Si Van pala ang kausap niya. Akala ko naman ako.. :(

9:00 PM

Syempre hindi na naman nangyari yung sinabi ni Mhai. Dahil imbes na manahimik kami e mas lalo pa kaming naging maingay! Waaaaaah. Maingay. As in tawa dito, kwentuhan, takutan.. Nakakaloka talaga. Nakakatuwa at nakakakilig.

Natatawa naman ako kay Ate Mia. Twing tatakutin ni Kayee (Kyle) e napapahawak kay Kevin. Ito namang tipaklong.. Patawa tawa. Ay naku.

Si Von naman.. Ayun. Busy masyado sa kanyang gallon. Pati na rin..

Kay Van :’(

Waaaaaah. May gusto kaya siya kay Van? Sana wala! Sana wala! Sana wala! Please?!

Sa sobrang pag didaydream ko e di ko namalayan na nakarating na kami sa tapat ng bahay nina Uncle Nel.

“Uuwi na kayo?” tanong ni Von sa amin.

“Uuwi na ba tayo?” tanong din nia Ate Tin.

Ayoko pang umuwi. “Wag muna..”

“PLAZA?!”

“Ha?!” tumingin sa relo niya si Kayee. Kayee nga pala ang tawag ko sa kanya. “Gabi na ha? 9:00 na.. Di pa kayo uuwi?”

Ayoko pa ngang umuwi.

“Pupunta muna kami sa Plaza..” sagot ko.

Sana sumama sila TT.TT Ayoko pa talagang umuwi.

“ah.. Ganun ba? Oh sige..”

Pumasok na si Kyle at Kevin sa loob.

“..ingat na lang kayo!” nakangiting sabi ni Von sabay pasok sa loob para sundan ang kapatid at pinsan.

Nung tuluyan na silang nakapasok sa loob at kami na lang ang naiwan.

“Waaaaaaaaaaah. Mga lalaking ito! NapakaINSENSITIVE! :’(“ sabi ni Mhai.

“Ano pupunta pa ba tayo dun? Mukhang hindi naman sila sasama..” sabi ni Van na mukha ng inaantok.

“Pumunta na lang tayo..” suggestion ko. Okay lang kahit hindi sila sumama.. Ayoko lang talaga umuwi. Aasarin lang kami ni Baldo sa bahay. Isa pa.. Boring dun.

Naglakad na kami at napatigil sa kanto papasok sa amin,.

“Magpaalam kaya muna tayo..” sabi ni Ate.

“Kung magpapaalam tayo.. Baka di na tayo papayagan..” sabi ko.

At napapayag ko sila :)

By 9:10 nakarating kami sa Plaza.

Wow. Ang dami pa ring tao ngayon.. Ahh. Muntik ko ng makalimutan. Eleksyon nga pala :) Naghihintay siguro ng result ang mga tao.. sana manalo si Uncle Nel! :D

Sa stage kami pumwesto at naghintay ng gracia mula sa langit. Baka kasi makita kami nin Ate Dian.. Maissue pa kami. Wow. Artista pala :P

“Tingin niyo.. Nagjojoke lang sila kanina?!” tanong ni Ate Evan

“Sana pumunta sila.. Boring dito TT.TT”- Mhai.

“Pumasok na nga sa loob ng bahay nila..” sabi ni Van.

“Gutom na ako TT.TT” reklamo ni Ate Tin.

Waaaaaaah. Ang mga babaeng ‘to. Nakakaloka naman.

Inabot na kami ng 9:30 sa kakahintay..

“Hindi na ata sila darating..”

“So uuwi na tayo?”

Tumatayo na sila! Tsk.. Tinatamad pa akong umuwi.

“Wag muna!” pagpigil ko sa mga nakatayo na na sina Ate Tin, Van at Evan.

Napangiti si Mhai habang nakatingin sa direksyon ng simbahan, yung dinaanan naming kanina. “Tingin ko.. Hindi pa dapat.”

“Bakit?!” tanong ng 3 bored na.

“Kasi nandyan na sila..”

Sabay-sabay kaming lumingon para makita ang 3 lalake na nakasama naming kanina. Yung 3 lalake na nagpakilig sa amin. Kyaaaaaaaah~

Pag dating nila..

“Akala namin di na kayo darating..” sabi ni Van.

“Alam naman namin na naghihintay kayo.. HAHAHA.” – Kyle.

Lokong ‘to.

At dahil dun.. Naglaro na sila.. este kami! HAHA :)

Nag hide and seek kami! Hide and seek.. Tapos si Von ang “it” dahil nga daw sumali ako.

“Tagu-taguan maliwanag ang buwan..” chant niya habang nakatalikod sa amin. Sa stage ang home kaya naman nagtakbuhan na kami pababa.

Si Kevin at Van nagtago sa bench. Si Kyle at Ate Tin nagsisiksikan sa likod ng puno. Si Mhai nasa ring. Si Ate Evan nasa likod ng monumento ni Rizal. At ako? Ito.. Naghahanap pa ng taguan.

“Walo.. Siyam.. Sampu!”

Waaaaaaah. Kahit saan na lang!

Pumunta ako sa baba banda ng stage para magtago at akalain niyo nga naman ohh.. Hindi niya ako nakita!

Unang nakita si Kevin, sunod si Kyle, si Van, si Evan, si Ate Tin, at si Mhai tapos.. AKO! Waeee.

At ako nga huling lumabas.. Tawa ng tawa sina Ate Evan at Kevin, inaasar siyang LOSER! Magkakayayaan pa sana for second round pero hindi na nangyari..

Sa di kalayuan, nakita naming si Mama.

May dalang pamalo.

Continue Reading

You'll Also Like

383K 30.7K 82
[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] An unsuspecting, online-game-hater finds herself inside the newly-launched Arth Online because of her brother's tric...
134M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
26.9M 715K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...