BRING YOU HOME

By goyenggoo_

1.7K 154 171

Maraousia is an orphan and force to live in the house of her Mom's bestfriend. There, she met Leonardo- the g... More

MAY AKDA
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
20
21

19

16 1 0
By goyenggoo_

KABANATA 19: Guardian



Days were getting in a slow pace.

Kung kailan gusto kong hilahin pabilis ang araw, doon lamang ito bumabagal.

Naiwan ako mag-isa dito sa bulacan. Leo went back to Manila after that incident, sa lavatory room. After I hug him while crying my heart out about my broken friendship.

Tinapos lang niya ang ilang plate at ipinasa sa Unibersidad de Assuncion para kahit ilang linggo siyang mawala, hindi ito makakaapekto sa marka niya.

Ako naman, walang pagbabago sa pakikitungo sa akin ni Hubert at Bea. Itʼs not getting worst but it wasnʼt good either. Pinariringgan pa din niya ako paminsan-minsan kaya nasasanay na rin akong hindi siya kasama. Madalas akong sumabay kay Orlando. Okay na yon. Kahit hindi pa ako college, nagkakaroon na ako ng kaibigan sa building nila. Madalas kong makita si Sandra pero hindi naman siya nagsasalita o gumagawa nang kahit ano sa akin.

“Hindi pa ba sumasagot?” Orlando ask. Ihahatid niya ako pauwi gamit ang kotse niya.

“Hindi pa. Baka busy siya sa pagre-review.”

“O bakit ka malungkot. Birthday mo na next week.”

Birthday ko na nga pero madaming ibig sabihin 'yon. Pagkatapos ng birthday ko, ibig sabihin uuwi na ako sa amin. Iʼm still seeing the doctor dahil hanggang ngayon, hindi ko pa din maalala lahat ng nangyari. Sa ngayon, nagtitake ako ng gamot para mapabilis at mapabuti ang lagay ko.

“Ilang araw na siyang hindi tumatawag saʼyo?”

“T-Tatlong araw na..”

“Huh?! Tatlong araw?! G*go iyon a.”

Huminto kami sa 7/11 at nilibre niya ako ng siopao.

“Okay lang..”

Hindi naman obligasyon ni Leonardo ang magreply sa akin all the time. Okay fine, we were calling each other every night. We were chatting each other everytime. Sa school, sa bahay. Hindi na nga babayaran ni Tita Emmy  ang bill sa wifi kaya nagsisimula na akong makigamit sa plan ni Orlando para hindi na ako gagastos ng data.

“I will tell him that you are waiting for his call, Maraoussia Irene.”

“No no no no. Okay lang talaga Orly. Walang responsibilidad sa akin si Leo. At wala din siyang sinabing maghintay ako.” sabi ko habang inuubos ang siopao para din makapagdrive na sʼya. Itʼs getting late. Ayaw kong mas mauna pa si Tita Emmy sa akin.

“G*gong iyon. Donʼt make yourself always available, Mara. Maghanap ka na ng boyfriend. That d*ckhead needs a lesson from you!”

Parang ako na ang bestfriend ni Orlando a. Okay lang! Parang kuya ko na rin naman siya. Isa siya sa mamimiss ko pagka uwi ko ng Pangasinan.

Agad akong nakatulog dahil sa matinding pagod. Kinabukasan, pagkagising ko mag-a-alasiyete na ng umaga. Nagmadali ako dahil traffic na kapag ganitong oras. Hindi na ako nakapagsuklay. Orlando is calling me, susunduin niya ako ako sa kanto pero malayo pa yon kung lalakarin. I decided to get my wallet and pay for tricycle.

Pagdating sa kanto ay nakatayo na si Orlando doon. Lahat ng batang nagkakara krus napapatingin sa kanya. Ang linis kasi niya tignan at masungit na nakatingin sa paligid. I knew already whenever heʼs peeking his watch then to me, Iʼm late. Galit siya pag ganon.

“Ang tagal-tagal mo. Sana sinabi mong kailangan kita sunduin sa inyo.”

“Okay lang magasgas ang magandang kotse mo?” I giggled. Sinuot niya ang shade at pinagbuksan na ako ng pinto.

Ganito lagi ang routine. Magsimula nang mag Maynila si Leo, si Orlando ang taga hatid sundo ko. When his besfriend leave, he take over.

“Mara iwan na kita. Text mo na lang ako kapag hindi ka masusundo ni Elias.” Bilin ni Orly lagi sa akin.

“Okay class dismissed!”

Tinapos ko ang klase ko nang tahimik. Excited akong ibalik ang gamit ko sa bag nang lapitan ako ni Hubert. Ngayon na lang ulit kami ganito kalapit magsimula nang tapatin ko siyang hindi ko siya gustong manligaw sa akin. Hindi naman na siya nagtangkang umulit dahil lagi akong bantay ni Kuya Elias at Orlando.

“Hi. Itʼs been a while.” saad niya.

“H-Hi..”

Alangan pa rin ako sa kanya. Palagi ko silang nakikitang magkasama ni Beatrice. Pero mabuti naman iyon kaysa sa mga 'itʼ girl na nakakasama nito. Ayaw kong manghimasok sa buhay ni Bea pero.. baka kaya ganito na siya ay dahil sa mga kasama niyang panay party at bar hopping ang inaatupag. Hindi pa naman bumabagsak si Bea pero hindi na ito masyadong nakakapasok dahil madalas itong puyat. Iʼm worried. Dahil papunta na siya roon.

“Pwede ba tayong lumabas minsan? Like the old times?”

“Oo naman.”

“Nice. Tatandaan ko yan ha?”

Tumango na lamang ako at sinundan siya ng tingin. I shrugged my shoulder. Baka friendly intention talaga. Hindi ko na masyadong inisip not knowing, that I have a bigger person to face this day.

Pagkahatid ay bumungad sa akin si Tita Emmy. Hindi maganda ang timpla. Nakaabang siya sa paglapit ko ngunit hindi ako humakbang papunta sa kanya. She crossed her arms and raised her brows at me.

“T-Tita. Magandang gabi po.”

Hindi niya ibinalik ang pagbati ko sa kanya. Bagkus ay inanyayahan niya akong umupo sa sofa para mag-usap.

“Kailangan ni Cynthia ng kasama papuntang Maynila ngayon. Pipili siya ng damit para sa Charity Ball na pupuntahan niya sa Lunes.”

“Okay po..” 

Not knowing her point. I agreed. Actually, sinabi na niya ito sa akin nung isang araw pa. Hindi ko alam kung bakit sinasabi ito ulit ni Tita Emmy sa akin.

“I expect you to behave properly, Maraoussia.”

Sa Maynila man ba o dito? I know myself. Maayos ako. Not only when I realize what she meant to those words.

“O-Opo Tita..”

“Kung ganon.. Mag-empake ka na. Susunduin ka ni Cynthia, any minute by now. Dalawang araw kayo doon.”

She stormed out. Ako naman ay nagdala lang ng kailangan ko. Hindi na ako nagdala ng marami.

Lumabas na ako kaagad ng gate matapos ko magpaalam kay Tita Emmy. Ilang sandali lang ay pumara na ako kaagad ng Tricycle papuntang kanto. Pagdating ko doon ay naroon na ang kotseng maghahatid sa akin sa  Maynila.

“Si Cynthia po?”

“Maʼam sorry, hindi raw po makakasama si Cynthia dahil may mahalaga itong pupuntahan. Kayo na lang daw po muna.”

“H-Ha?”

Ngumiti sa akin ang driver at inulit ang sinabi niya na parang hindi ko pa rin ito maintindihan. I dont know why is this happening.
Isinantabi ko na lang ang masamang pakiramdam ko sa lakad na ito.

Pagdating ko ng BGC ay sinalubong ako kaagad ng mga kawani ng Store kung saan nagpabook ng shopping visit si Cynthia.

Again, I chose dresses and accessories  for her. Gamit ang pinadalang card, nagbayad ako. But to my horror.. The card is not working. Ipinadala ko na pa naman sa driver ni Cynthia upang mauna na sa hotel at huwag ng mabasa ng ulan.

“May I ask if thereʼs another card other than this one, Maʼam?” formal na tanong sa akin ng Manager ng store.

“Sorry po, wala na pong pinadala.”

“Kaano-ano mo si Maʼam Cynthia?”

The question is off a bit. Kinikilatis na ako ng mga tao dito mula ulo hanggang paa. Like, I was so out of place kaya umatras ako. Gulat ako nang hilahin ako ng dalawang Security papuntang Mall office.
The guy are civil but itʼs obvious na kaya nila ito ginagawa kasi akala nila shoplifter ako. I can see it to the face of the customers outside.

“Maʼam I hope it doesnʼt imply something. We just need to do this for security purposes.”

“Yeah. Itʼs okay.” I totally understand.

When we got inside the office, Cynthia already calling them to clear everything. Na hindi niya namalayang mali ang card na ibinigay ng driver. Na ibabank-transfer na lamang nito ang bayad right away.

“Iʼm really really sorry about this, Miss.”

“Okay lang po, naiintindihan ko po.”

They are just doing whatʼs the protocol to incident like this. Itʼs just happened na ako ang natiyempuhan.

“Pwede na ho ba ako umalis?”

“Yes Maʼam. Pasensya na po talaga. Hihintayin na lang namin maprocess ang payment ni Cynthia.”

Wala pa akong dalawang oras sa Maynila pero drained na ako agad. I texted Kuya to pick me up. Pero wala akong natanggap na reply. Inaatake na naman ako ng anxiety ko kaya tinawagan ko na.

The subscriber cannot be reach please try again later. The subscriber can—

Could this day get any better? I groan due to frustration. Tinignan ko ang dala kong cash. Okay pa naman ito para makasunod sa hotel para sa mga gamit ko pero ang kaso hindi ko alam kung saan. I tried calling Cynthia but the line is busy. Naghintay pa ako ng ilang sandali sa starbucks bago ako tuluyang magdesisyon. Itʼs 9PM. Iyon pa lang ang simula ng buhay dito sa Maynila pero ako kanina pa tapos. Pagod na pagod na ako gusto ko ng humiga.

Umuulan. Gusto kong magmura pero hindi ko kaya. My last resort was to go to Leo.. Pero baka magulat siya dahil biglang-bigla naman ako susulpot sa Apartment niya. Mabuti siguro kung tatawag muna ako?

Pero ilang araw na siyang hindi sumasagot sa mga tawag ko.

“Miss sasakay ka ba?” Tanong sa akin ni Ate sa likuran ko nag-aabang ng taxi.

“Ahh Hindi po..”

I gave way to them.

Thatʼs when I called him. Pikit-mata akong naghintay ng pagsagot niya at salamat sa Diyos kaagad niyang sinagot.

“L-Leo..”

“Hey..”

Natahimik kami parehas. Nag-iinit ang gilid ng mga mata ko. I wanted to cleared my throat to talk but the moment I did, I silently sob. Pinigilan ko lang kasi kailangan ko tumawid ng mabilis kasi mababasa ako ng ulan. God! Iʼm a mess!

“Mara. Nasaan ka?”

“Leo.. Kasi hindi ko alam kung saan ako pupunta.. .” Doon ko inilahad sa kanya habang sinisinok at putol-putol ako magsalita.

I heard him chuckled.

“I was wondering if I—”

“Baby.. Where are you?”

I glanced left and right and I realized where am I. Nasa gitna pa rin ako ng naglalakihang building habang umuulan at basang-basa.

“Sa BGC..”

“Okay. Can you wait for me?”

“O-Oo.. babalik akong starbucks..”

Hindi niya pinatay ang tawag ko. So, I guess itʼs okay to talk while waiting for him? Nilalamig ako dahil sa AC. Pinagtitinginan na ako ng tao kaya sa Alfresco na lang ako nag-stay. I got a tissue there naubos ko na pero aasa pa ba akong matutuyo ako dito?

“Kumain ka na ba?”

“H-Hindi pa..”

“Okay, saan mo gustong kumain?”

“Kahit saan. Basta huwag dito.. Mahal.”

“What did you say?”

“Sabi ko mahal.. dito.”

Parehas kaming tumigil. I blushed when I realized. Nagpaalam ako saglit sa kanya at pinayagan naman niya akong ibaba ang tawag. Para akong lalagnatin dahil doon! Akala ba niya tinatawag ko siyang 'Mahal'? Ano ba yan?! Nakuha ko pa talagang kiligin despite what I've been through?

Saglit lang ako naghintay sa kanya.

“Mara..”

He gave me his jacket. Pinatuyo niya ang buhok ko sa face towel na dala niya. Mukhang magkakasakit pa ako nito! I sneezed a lot at nahihiya ako kaya tumalikod ako sa kanya. Umuwi na kami at pinaghanda niya ako ng soup. Ang sabi ko, hindi na ito dapat maulit. Kapag nalaman ito ni Tita Emmy, tiyak na maghihisteriya iyon. I dont think I can face Cynthia too without a rage. Paano niya ako hinayaan ng ganito? Ayaw ko man isipin pero.. alam ko kung anong gusto niyang mangyari.

“Magpalit ka kaagad, Mara. Para hindi ka lagnatin hmmn?”

“Hmmn..”

Pagpasok ko sa restroom ay kaagad kong tinignan ang basket pero wala na itong laman. He already did his laundry. Tanging marumi lang ngayon ay ang huhubarin kong damit. I dont have anything except for his boxer. Nilaba ko muna ang undies at bra ko at pinatuyo. Ilang oras lang okay na ito ulit suotin.

Leo is reading his textbook habang may papel at higlighter. I can see that heʼs busy studying while watching over me. A small smile carved in my face.
Ang sipag naman ng future boyfriend ko...

I giggled. Kaya nakuha ko ang atensyon niya.

“Sorry..”  pero hindi ako guilty.

At least alam ko na na kaya hindi siya tumatawag sa akin ay nag-aaral lang siya. Wala siyang inumang pinuntahan o wala siyang ibang babaeng sinamahan kagaya ng mga napapanood ko sa TV. Akin lang siya, wala akong ibang kaagaw
kundi ang pag-aaral lang niya. Which is totally fine for me. Hindi ko siya sisitahin kung bakit hindi niya ako chinachat three days ago.


I did the dishes. Wala siyang maruming damit pero marami siyang hugasin. Next I checked his fridge. Bukas ng umaga, yayain ko siyang dagdagan naman ang stock niya. Pati ang storage ay puro instant noodles. Tumabi ako sa kanya upang magsulat din ng mga bibilhin.

“Iʼm done.” he slam the booked and turn to me.  “Finally, I can spend time with you..”

Continue Reading

You'll Also Like

13.8K 256 39
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
28.5M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
16K 254 29
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
707K 25.6K 53
If I will describe her, she is the perfect personification of sinful and forbidden beauty that I am willing to break the prohibition and worship her.