Living with a Half Blood

Od april_avery

24.3M 985K 267K

Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito... Více

Living with a Half Blood
Chapter 1: New Town
Chapter 2: The Alpha
Chapter 3: Flicker
Chapter 4: The Letter
Chapter 5: The Cat
Chapter 6: Meet the Alpha
Chapter 7: Hybrids
Chapter 8: Half Blood
Chapter 9: The Game
Chapter 10: Connection
Chapter 12: Confirmation
Chapter 13: His Mate
Chapter 14: Outsider
Chapter 15: Venise Marseille
Chapter 16: Hurting
Chapter 17: The Beta
Chapter 18: Forbidden
Chapter 19: Destined
Chapter 20: Shattering
Chapter 21: The Invitation
Chapter 22: All Hallow's Eve
Chapter 23: Tamed
Chapter 24: You're Mine
Chapter 25: The Arden
Chapter 26: Lurking
Chapter 27: The Bullet
Chapter 28: Forewarning
Chapter 29: Faded History
Chapter 30: Attack
Chapter 31: Alpha's Mark
Chapter 32: Insignia
Chapter 33: The Escape
Chapter 34: Trapped
Chapter 35: Fear
Chapter 36: Bloodbath
Chapter 37: Sacrifice
Chapter 38: Wavering
Chapter 39: Final Chapter
Living with a Half Blood: Epilogue

Chapter 11: Loraine Van Zanth

653K 24.2K 4.8K
Od april_avery

Chapter 11: Loraine Van Zanth

Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan si Zander. Nakatulog na siya. Pinagmasdan ko ang orasan sa pader. Alas singko na ng hapon. Linigpit ko ang mga gamit na nagkalat bago tuluyang umalis ng kwarto. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Sa tingin ko ay bumagsak siya dahil nanghihina ang kanyang katawan.

Madami siyang mga sugat. Kaya naman noong bumagsak siya ay pilit ko siyang binuhat papunta sa kanyang kama. Padapa siyang nahiga doon. Kinuha ko ang pangamot sa mesa at sinimulang linisan ang kanyang mga sugat. Noong una ay tumatangi siya at inuutusan akong lumabas ng kwarto. Pero dahil masyado siyang nanghihina ay wala siyang nagawa.

Habang ginagamot ang kanyang mga sugat ay napansin ko ang mga scars sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Ang iba ay halatang malalalim. May ilan ding mahahabang peklat mula balikat hangang sa harapan ng kanyang dibdib na tila malalaking kalmot. Pero ang talagang nakatawag ng attention ko ay ang isang peklat mula sa tama ng bala.

Hinawakan ko ito gamit ang bahagya kong nanginginig na mga daliri. Napapitlag si Zander. Binawi ko agad ang kamay ko. I worried that I crossed an invisible line. Napansin kong huminga siya ng malalim. Hindi siya nagsalita. Pero alam kong hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

Walang sino man sa amin ang nagsalita habang ginagamot ko siya. Nanatili kaming tahimik. I'm a human and he's a hybrid and we both know what we are doing was against the normal. Pero hindi ko magawang tumigil o tumangi. Because I feel it. There's something undefined between us. At alam kong nararamdaman niya din ang bagay na yon. It's like a strong tension, an electricity, which can only be diffused whenever we're close to each other.

Nakatulog si Zander sa gitna ng aking pangagamot. Nang matapos ako ay tuluyan akong umalis sa kanyang kwarto at bumalik sa second floor. Nadatnan ko doon ang mga naiwan kong panlinis. Bigla akong nangamba sa nararamdaman ko. He is the alpha. He owns the whole town. And I work for him. Hindi ko dapat maramdaman ito. This tension is not right. I should be scared of this.

--

Naglalakad ako kinabukasan sa school grounds nang may mabanga ako. Wala sa sariling humingi ako ng tawad. Nitong mga nakaraang araw lagi nalang malalim ang iniisip ko. Nag angat ako ng tingin at nakita si Sebastian na nakatingin sa akin. Napaatras ako.

"Bakit para kang nakakita ng multo?"

Napakurap ako sa sinabi niya. Buong araw akong umiiwas sa mga uri nila. Nangangamba na baka malaman nila ang tinatago ko. Their alpha and I shared something unexplainable. The tension. The almost kiss. Whatever we have I want to keep it between us.

"May kakaiba yata sayo ngayon."

Natigilan ako. "It's nothing."

Tinitigan ako ni Sebastian. Once again there it was. A flicker. He was assessing me once again. Bago pa siya muling magsalita ay nagpaalam ako na kailangan ko ng pumunta sa susunod na klase. Noong tumalikod ako sa kanya at nagsimulang maglakad ay hindi ko mapigilan na bumungtong hininga.

No one has to know.

--

Noong hapon na yon, napag-desisyonan kong lumabas ng kwarto at sa terrace gumawa ng homework. Dala ang mga gamit, pinatong ko ang mga ito sa mesa. Magsisimula na sana ako nang matigilan ako. Napalingon ako sa kanan ko saka bahagyang tumingala.

Bahagyang lumakas ang tibok ng puso ko. Nakabukas ang terrace door ng kanyang kwarto. Nakasandal siya doon habang naka-halukipkip ang mga braso at pinagmamasdan ang bayan sa ibaba. Seryoso nanaman ang kanyang mukha at nakakunot ang kanyang noo.

Bahagya akong napahawak sa aking dibdib. There it was again. Ang hindi maintindihang reaction ng aking katawan kapag nasa malapit siya. Natigilan ako nang maalala ko ang mga nangyari nitong nakaraang mga araw. Mabuti na lamang at mukhang okay na siya. Hindi na siya nanghihina.

Inalis ko ang tingin mula kay Zander. Kinuha kong muli ang mga gamit ko sa mesa. Mabuti pang pumasok nalang ako sa loob. Sigurado namang hindi din ako mapapalagay habang nasa labas siya. Naglakad ako pabalik ng aking kwarto. Ngunit hindi pa ako nakakarating sa terrace door nang bigla itong sumara. Natigilan ako sa paghakbang.

Tila isang mabilis na hangin ang naramdaman ko. Lumingon ako sa terrace na nasa itaas. Wala na siya doon. Linibot ko ang tingin sa buong paligid. Ngunit sa aking paglingon, naramdaman ko na may nakatayo sa aking likuran. Hindi ko nagawa pang gumalaw.

My entire body tensed when I felt the presence behind me. Halos tumigil ang aking paghinga. My heartbeat was in haze. I can feel Zander's heat against my back. It's radiating from his body.

"Next time," he whispered.

His warm breath fanned the back of my neck. Halos madikit na ang katawan namin. Napapikit ako. The proximity is overwhelming. I hope he knows it. I hope he knows his effect on me.

"I don't want you staring."

Halos manghina ako nang tuluyan siyang mawala ang kanyang presensya. Naiwan akong muli sa terrace. Napahawak ako sa pintuan at naramdaman ang unti unting pagbukas nito. Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili. Ano ba ang nangyayari sayo, Laura?

--

Sa mga sumunod na araw ginawa ko ang lahat para umiwas sa third floor o kahit mapatingin lamang dito o lumapit sa hagdan papunta dito. I need to. Kailangan kong bumalik sa dati. I don't want to feel this.

Habang naglalakad papasok sa mansion ay isang sulat ang muli kong nakita sa mailbox. Gusto ko sana itong kunin. Subalit naalala ko ang reaction ni Aunt Helga noong huling beses na nakatangap ng sulat ang mansion. Hindi niya gusto na pakialaman ko ito. Iniwan ko ang sulat. Pero bago umalis nahagip ng aking paningin ang nakasulat sa labas ng sobre.

To: Zander Van Zanth
Thru: Helga Glenmore Harington
From: Loraine Van Zanth

Natigilan ako nang mabasa ang pangalan. Loraine Van Zanth? May iba pa bang Van Zanth sa bayan na ito maliban kay Zander?

Iniisip ko ang bagay na yon habang kumakain ng hapunan kasama si Aunt Helga. Noong muli akong lumabas kanina ay napansin ko na wala na ang sulat sa mailbox. Siguro ay kinuha na ito ni Aunt Helga. Tahimik kong pinagmasdan si Aunt Helga habang kumakain kami.

Kahit matanda na siya hindi maiiwasan na mapansin ang precision sa kanyang mga galaw. Maingat ang kanyang mga kilos, banayad, ngunit pulido. Kahit sa simpleng bagay tulad ng pagkain o pagsasalita, makikita kung bakit nananatili siyang tagapangala ng mansion. She's calm, oftentimes she's silent, maalaga siya sa mga gamit, hindi siya nag tataas ng boses. She's well-adjusted to the place. Parte siya ng lugar na ito.

I often feel it, when someone is in the place where they belong. Hindi man sa ngiti, makikita yon sa kislap ng kanilang mga mata o sa kanilang mga kilos. Aunt Helga moved like the mansion is part of her. Every nook and cranny, every hallway and passages, she knows. And I hope I can feel the same. I hope I can feel that kind of belonging somewhere.

Halos patapos na kaming kumain nang mapansin ko ang sulat sa ilalim ng vase na nasa mesa. Tinitigan ko ito, hindi alam kung tatanungin si Aunt Helga tungkol sa pangalan na nakasulat. Kaya naman halos napapitlag ako nang mapansin ni Aunt Helga na nakatitig ako sa sulat.

Agad akong umiwas ng tingin. Inasahan kong ililigpit niya ang sulat. Subalit tila alam niyang nabasa ko na ang nakalagay doon. Tumayo siya para iligpit ang kanyang pinagkainan sa sink. Kinagat ko ang labi ko bago naglakas ng loob magtanong sa kanya.

"Sino po si Loraine Van Zanth?" I asked.

Walang naging reaction si Aunt Helga. Hindi siya natigilan. Inaasahan na niyang itatanong ko ito. Nanatili siyang nakaharap sa sink at nakatalikod sa akin. Pero sa sumunod niyang sinabi, ako ang tila nabigla.

"Siya ang nakakatandang kapatid ni Zander."

--

May nakakatandang kapatid si Zander.

Yon ang paulit ulit na pumapasok sa isip ko. Bakit hindi ko alam? Nabasa ko ang mga libro tungkol sa Van Zanth. I should have known. Pero bakit hindi nabanggit ang kanyang pangalan?

Sinubukan kong muling scan ang libro. Baka nakaligtaan ko lang. Maybe her name is here somewhere. Subalit kahit anong gawin kong pagbabasa ay wala ang pangalan niya doon. Pero bakit? Paanong hindi siya nabangit sa sariling libro na tungkol sa bayang pinamumunuan ng kanyang pamilya?

Kinabukasan, pagpasok ko sa school si Sebastian agad ang hinanap ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita siyang nakaupo sa kanyang silya sa seminar room pagpasok ko. Nakatungo siya sa table at mukhang natutulog. Minsan maaga siyang pumapasok. Minsan naman sobrang late o tuluyan na siyang absent. At madalas nakikita ko siyang nakatungo o natutulog.

Base sa mga naririnig ko isa sa mga duties ng beta at mga orders ang magpatrolya sa bayan tuwing gabi. Binabantayan din nila ang mga borders para sa pagpasok ng outsiders sa bayan na hindi pinapaalam sa kanila mismo. Kaya siguro kapag umaga lagi siyang inaantok.

Umupo ako sa aking silya at pinagmasdan siya. Hindi ko siya magawang gisingin knowing nab aka nga wala pa siyang tulog. Bumuntong hininga ako at hinintay na lamang na magising siya. Nagsimula akong magbasa ng notes para sa susunod naming klase. Nang dumami na ang pumapasok na estudyante sa seminar room napansin kong naalimpungatan na si Sebastian. Nag stretch siya ng braso saka tiningnan ang orasan sa pader.

"Tamang tama lang." narinig kong bulong niya. Tila inorasan niya ang kanyang pagtulog. Muli siyang nag inat at nag hikab. Ngunit maya maya pa bigla siyang lumingon sa akin.

"May kailangan ka?" tanong niya.

Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi agad ako nakapagsalita. Sandali, paano niya nalaman?

"Our reflexes are aware when someone is eyeing us even in our subconscious state." maikling paliwanag niya.

Pilit kong hindi pinahalata ang pagkabigla sa kanyang sinabi. "May gusto lang akong itanong."

Tuluyan siyang humarap sa akin, naghihintay sa tanong ko. I can't help but be intimidated by his stare. Even Sebastian has this aura of authority and intimidation.

Bahagya akong huminga ng malalim. "May kilala ka bang Loraine Van Zanth?"

Bigla siyang natigilan sa sinabi ko. Nawala ang amusement sa kanyang mukha at napalitan ng seryosong expression.

"Nagpadala kasi siya ng sulat sa mansion. I didn't know there is another Van Zanth here." paliwanag ko.

"Wala siya dito." sagot ni Sebastian. The straightforwardness of his answer surprised me. "Hindi na siya nakatira sa bayan."

Napakurap ako. "Pero siya ang kapatid ni Zander, hindi ba?"

Napatingin ang dalawang kaklase namin na nakaupo sa malapit. Nang bumaling si Sebastian sa kanila ay agad silang umiwas ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa. Bumuntong hininga si Sebastian.

"Mag usap nalang tayo mamaya."

Nagtaka ako sa sinabi niya. Tila iniiwasan niyang may ibang makarinig ng kanyang sasabihin. Wala akong nagawa kundi ang pumayag. Hinintay kong matapos ang morning classes namin. Pagdating ng lunch, sinabi ni Sebastian na magkita kami sa garden sa west side ng building.

Doon ako dumerecho paglabas ko ng huling subject. Pero wala siya doon noong dumating ako. Lumipas ang ilang minuto at inakala ko na hindi siya sisipot. Kaya bahagya akong nabigla nang makita siyang naglalakad palapit habang hawak ang dalawang maliit na milk cartoon.

"Hindi ka pa naglunch, no?" tanong niya.

Umupo sa bench na nasa tabi ko saka inabot ang isa sa akin. Tinusok niya ng straw ang hawak niya at sumipsip dito habang nakasandal sa bench at bahagyang nakatingala. Sebastian is weird sometimes. Hindi mo alam kung loner siya tulad ko o ano. Madalas wala siyang kasama. Palakad lakad o patulog tulog lamang kung saan niya naisip.

Umupo ako sa tabi niya. Hindi ko alam kung saan magsisimula sa tanong ko. Pakiramdam ko lagi kong nastorbo si Sebastian nitong mga nakaraang lingo. I know he's busy. Pero wala na akong iba pang mapagtatanungan. Ayokong dumating ang araw na mapagod siya sa akin. Hangang hindi ko pa kaya sana nandito lamang siya kapag kailangan ko.

"Gusto mong malaman ang tungkol kay Miss Loraine, tama ba?" tanong niya.

Hindi agad ako sumagot. I wonder kung nakakatulog pa ba si Sebastian ng maayos. Kung tama ang pagkakakilala ko sa kanya, he's more on the carefree side. Pero ngayong kailangan niyang humalili dahil sa pagkawala pansamantala ni Zander, kinailangan niyang maging seryoso sa kanyang responsibilidad bilang beta. Hindi pwedeng carefree lang.

"Si Miss Loraine ang nakatatandang kapatid ni Zander." sinabi ni Sebastian.

Bumalik ako sa totoong rason kung bakit kami nasa labas noong mga oras na yon. Humigpit ang hawak ko sa milk cartoon sa aking palad. Hindi ko alam kung anong aasahan sa maririnig ko.

"Apat na taon ang pagitan nila. Zander is almost twenty. Nasa twenty four si Miss Loraine." Natigilan si Sebastian bago nagsalita. "Si Miss Loraine ay anak ng Ama ni Zander sa ibang babae."

Bigla akong napalingon kay Sebastian. Surprise was written on my face. "Ibang babae?" tila hindi makapaniwala na sinabi ko. Pumasok sa isip ko ang pangalan ng Mama ni Zander. Cassandra Lorainedale. Kung ganoon maliban dito ay may ibang babae sa buhay ng dating alpha.

"Mr. Zeref was a former alpha." sinabi ni Sebastian. "Madaming babae ang naghahangad na maging kabiyak niya. Maliban sa yaman, authority at titulo ang makukuha nila. At ang ina ni Miss Loraine ay isa sa mga ito."

Nanatili akong tahimik habang nagpatuloy sa kwento si Sebastian. Ayon sa kanya, isang elite ang Ina ni Miss Loraine na gustong mapangasawa ang alpha. She was known in Van Zanth for being a socialite. Mahilig siyang makihalubilo sa mga nasa position.

Alam ng lahat na may gusto siya sa kanilang alpha. Pero noong panahong yon ang twenty four years old na si Mr. Zeref Van Zanth ay nagkagusto na sa pure blooded human na si Cassandra Lorainedale. Gumawa ng paraan ang Ina ni Loraine upang mapigilan ang lumalalim na ugnayan ng dalawa. Hangang sa magkaroon ng malaking pagtitipon sa bayan.

"Nalasing siya noon. Yon ang sabi nila. Pero hindi basta nalalasing ang mga tulad namin lalo na ang isang alpha." sinabi ni Sebastian. "Malaki ang tyansa na may iba pang ginawa ang Ina ni Miss Loraine. Pero hindi na nalaman ang totoo. Dahil ilang buwan matapos ang pagdidiwang ay kumalat na lamang ang balita na ang pinagbubuntis ni ina ni Miss Loraine ay anak ng alpha."

Bumuntong hininga si Sebastian. Naging tahimik kami pareho bago siya muling nagsalita.

Ayon sa kanya, malaking gulo ang nangyari. Pilit itong kinalimutan ng lahat. Kung tutuusin mas pabor ang sitwasyon kay Lady Luisa Richford, ang ina ni Miss Loraine. Walang magiging problema sa pamilya Van Zanth o sa bayan kapag siya ang pinakasalan ng alpha. She was a hybrid. Subalit kahit saan tingnan ni Mr. Zeref ay isang pagkakamali ang nangyari sa kanila.

Masama ang loob ni Lady Luisa. Umalis siya sa bayan kasama ang anak na noon pinagbubuntis pa lamang niya. Hiningi ni Mr. Zeref ang custody ng bata. Hindi ito pumayag. Tumakas sila paalis ng Van Zanth. Sa loob ng madaming taon ay walang narinig tungkol sa mag ina.

Nagpakasal si Mr. Zeref at Cassandra Lorainedale. Madami ang naging tutol sa pagsasama nila. Pero si Mr. Zeref parin ang alpha at nasa kanya parin ang pinakamataas na authority sa bayan. Hangang sa unti unti nilang natangap ang decision nito.

Isang taon matapos ang kanilang pagsasama ay pinanganak si Zander Van Zanth. Isang half-blood. Si Zander ang tinalagang susunod na alpha at ang tanging tagapagmana ng Van Zanth.

Subalit bumalik sa bayan si Lady Luisa. Apat na taon noon si Miss Loraine habang sangol pa lamang si Zander. Hindi linihim ni Mr. Zeref mula kay Lady Cassandra ang existence ng una niyang anak. Bago sila nagpakasal ay natangap ito ni Lady Cassandra at gustong makita ang bata.

Muling nagkaproblema sa bayan sa pagdating ni Lady Luisa. She insisted that Van Zanth should be for her daughter. Pero alam ng lahat na hindi maaaring maging tagapagmana ng position ang isang babae sa lahi nila. The first son of the alpha is the future heir of the position. Tagapagmana din si Miss Loraine. Pero malaking parte ng bayan ay para kay Zander Van Zanth.

Noong panahon yon hindi sekreto na hindi maganda ang pagtrato ni Lady Luisa sa kanyang sariling anak. Gusto niya ng isang anak na lalake. Sa paraang yon baka nagkaroon pa siya ng pagkakataon para mapakasalan ang alpha. Pero isang babae ang nakuha niya. Si Miss Loraine. At ito ang kanyang sinisi sa nawalang pagkakataon para sa kanya.

Kinupkop ni Mr. Zeref si Miss Loraine at tuluyang naging parte ng kanilang pamilya. Tinuring siyang sariling anak ni Lady Cassandra. Miss Loraine became Zander's big sister. Lady Luisa was sent out of Van Zanth for insisting a position in the pack as alpha's wife. She didn't even care about her daughter anymore. She cared about herself.

Miss Loraine is a pure hybrid and Zander is a half blood. Pero naging malapit silang magkapatid.

"Naalala ko noong mga bata kami." sinabi ni Sebastian. "Zander was ruthless, even back then. Kinatatakutan sila ng lahat. Masama ang kanyang ugali at maliit ang kanyang pasensya kahit sa mas nakakatanda. And Miss Loraine would be there afterwards, apologizing for his brother's behavior."

"Pero nasaan na siya ngayon?" tanong ko. "Bakit wala na siya sa Van Zanth?"

Sumandal si Sebastian sa bench at ini-stretch ang kanyang binti sa harapan saka napatingala sa langit.

"Five years ago nabalitaan na nagkaroon ng sakit ang Ina ni Miss Loraine na si Lady Luisa. Nineteen years old siya noon. Nag paalam siya sa pamilya Van Zanth para puntahan ang kanyang Ina. Lady Luisa was terminally ill. Siya parin ang ina ni Miss Loraine kaya kinailangan niyang manatili sa tabi niya."

"Isang taon siyang nanatili sa bayan ng kanyang ina bago ito namatay. Iniwan ni Lady Luisa ang yaman ng pamilya Richford kay Miss Loraine. Bilang isang elite hindi maipagkakaila na may kaya ang pamilya. Twenty years old na noon si Miss Loraine kaya kinailangan niyang asikasuhin ang mga naiwan ng kanyang ina tulad ng isang regular na trabaho. Nagpaalam siya sa pamilya Van Zanth at pumayag ang kanyang Ama."

"Bumibisita siya ng regular sa bayan. Dito siya nagdidiwang ng mga importanteng okasyon. Kaarawan, pasko, bagong taon, mga anibersaryo." Bumuntong hininga si Sebastian bago nagpatuloy. "Pero three years ago ay namatay ang kanilang mga magulang. That was the biggest blow in the Van Zanth family. Nagbago ang takbo ng buhay ng lahat."

"Naiwan si Zander bilang nag iisang Van Zanth sa bayan. Mas maagang naipasa sa kanya ang pagiging alpha. At kahit na buong buhay siyang naghanda para dito, ang malaking pagbabagong nangyari ay nakaapekto sa kanya. Miss Loraine tried to visit Van Zanth and her brother as much as possible. Pero hindi ito naging sapat lalo na at tuluyan ng naging alpha ang kanyang kapatid."

"May mga responsibilidad si Miss Loraine sa dalawa niyang pamilya. At kailangan niyang hatiin ang kanyang oras. Because of that, the two remaining Van Zanth- the siblings drifted apart. Zander became an alpha and Miss Loraine handles a family business. Habang tumatagal hindi na sila nagkakasundo ng kapatid. Dumalang ng dumalang ang pagbisita ni Miss Loraine sa bayan."

"Nagpapadala parin si Miss Loraine ng sulat. Minsan tumatawag. Kinakamusta ang bayan at kanyang kapatid. Pero halos mag isang taon na mula noong huli siyang bumisita. At ilang buwan na ang lumipas mula noong huli siyang nagpadala ng sulat. Kaya nakakapagtaka."

Napansin ko na tila may lumalim ang iniisip ni Sebastian. Mukhang sa bawat pangangamusta ni Miss Loraine ay may mas malalim na dahilan.

"Kaya ba hindi madalas nababangit si Miss Loraine?" tanong ko. "Wala din ang pangalan niya sa records ng pamilya."

Muling bumalik ang attention niya sa akin.

"The bloodline of the ruler family in a pack is important. But only the legal bloodline." said Sebastian. "Tagapagmana si Miss Loraine ng yaman ng pamilya. But in the hierarchy of power in town she is considered as an elite based on her mother's bloodline. Not as one of the ruler family."

Pinagmamasdan ko ang kakahuyan sa aming harapan habang hawak ang hindi pa nagagalaw na milk cartoon sa aking kamay.

Dalawa na lamang silang natitirang Van Zanth. And they drifted apart. Hindi ko maiwasang na maisip ang sitwasyon ko kasama si Aunt Helga. Siya nalang ang natitirang pamilya ko. Magkasama kami pero may pagkakataon na malamig ang pakikitungo niya sa akin.

"Don't they feel alone?"

Napalingon sa akin si Sebastian. Tinitigan niya ako. Maging ako hindi inasahan ang tanong na lumabas sa bibig ko. Bahagya akong umiwas ng tingin at humarap sa maaliwalas na paligid. Kung titingnan, ang problemang kinakaharap ko ay tila nakapasimple kumpara sa pagiging Van Zanth. Natahimik si Sebastian bago muling nagsalita.

"Magkakampi silang magkapatid mula pagkabata. Pinagtatangol nila ang isa't isa sa mga taong ginagawang malaking bagay ang pagiging half-blood at anak sa ibang babae." sinabi ni Sebastian. "Pero dahil sa mga nangyari ay hindi na umasa pa si Zander na babalik ang dating pamilya."

"Nasanay na siyang mag isa." Sebastian sighed. "After all he became our alpha at the age of eighteen. And nobody, not a single member of his family, was behind him. Maybe that's why he became this ruthless."

***

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

627K 9.3K 52
FYI for those who are asking why Foreword is with hundred of thousand reads while others are with thousands only: This story is one part story before...
377K 8.2K 40
He treats the world as if it is his exclusive doll house and people as his prized dolls, treating human emotion as trash. Pulling the strings to join...
416K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...