NO ORDINARY LOVE

By fedejik

1.1M 20.1K 935

Dati ng crush ni Corine si Liam, isang sikat na football star player sa school nila. Pero hindi niya iyon ip... More

Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11 - Part 1 of 2
Chapter 11 - Part 2 of 2
Chapter 12 - Part 1 of 2
Chapter 12 - Part 2 of 2
Chapter 13 - Part 1 of 2
Chapter 13 - Part 2 of 2
Chapter 14 - Part 1 of 2
Chapter 14 - Part 2 of 2
Chapter 15 - Part 1 of 2
Chapter 15 - Part 2 of 2
Chapter 16 - Part 1 of 2
Chapter 16 - Part 2 of 2
Chapter 17
Chapter 18 - Part 1 of 2
Chapter 19 - Part 1 of 3
Chapter 19 - Part 2 of 3
Chapter 19 - Part 3 of 3
Chapter 20 - Part 1 of 2
Chapter 20 - Part 2 of 2
Chapter 21 - Part 1 of 4
Chapter 21 - Part 2 of 4
Chapter 21 - Part 3 of 4
Chapter 21 - Part 4 of 4
Chapter 22 - Part 1 of 2
Chapter 22 - Part 2 of 2
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26 - Part 1 of 3
Chapter 26 - Part 2 of 3
Chapter 26 - Part 3 of 3
Chapter 27 - Part 1 of 3
Chapter 27 - Part 2 of 3
Chapter 27 - Part 3 of 3
Chapter 28 - Part 1 of 3
Chapter 28 - Part 2 of 3
Chapter 28 - Part 3 of 3
Chapter 29 - Part 1 of 2
Chapter 29 - Part 2 of 2
Chapter 30
Chapter 31 - ( No Ordinary Finale )

Chapter 18 - Part 2 of 2

17.2K 311 10
By fedejik

Published: March 7, 2013

Dedicated to her! i love her comment! super agree! :)) God bless u po!

********

God bless everyone!

#dean


********

CHAPTER 18 - Part 2 of 2

       

         “Masakit ba?”  Si Liam na mataman pang tinitigan ang nobya sa mukha.  Sa kasalukuyan nga ay nasa music room sila.  Lumuhod pa siya sa harapan nito at inikot-ikot ang kanang paa nito.

            “Aaahhh…”  Napangiwi pa si Corine nang biglaing hilahin ng nobyo ang kanyang paa.

            “You’ll be fine…”  Hinilut-hilot pa niya iyon bago bitawan.  “Why didn’t you tell me?”

            “A-ang alin?”  Maang-maangan pa siya. 

            “What are you doing here?”  Taka pa rin ito. 

            “S-sideline lang. Sayang kasi…”  Katwiran pa niya.

            “Sideline?”  Kunot-noo pa ito.  “Pero hindi mo naman sinabi sa akin.  Are you hiding something from me?”

            “W-wala 'no!”  Mabilis pang sagot niya.

            “Really?”  Hindi siya kumbinsido.

            May kung sinong kumatok at dahan-dahan ngang nagbukas ang pinto.  Si Jade.

            “Liam, etong damit oh.  Ipasuot mo muna sa girlfriend mo.”  Nakangiting inabot pa ni Jade ang isa sa mga damit niya.

            “N-naku!”  Taranta pang tanggi naman ni Corine.   “Hindi na po kailangan, Ms. Jade!  Hindi naman po nadumihan ang damit ko!  Thank you na lang po!” 

            “Bisita ka ni Liam and Liam is like a younger brother to us.  Kung sinong important sa kanya, important rin sa amin.”  Nakangiting paliwanag pa ni Jade.

            “Hindi na po talaga!”  Tanggi talaga siya.  “Kailangan ko na po bumalik sa trabaho.”  Tumayo pa siya at iika-ikang naglakad.

            “Are you sure?”  Si Liam na worried pa rin.  “Ayan nga’t iika-ika ka pa.”

            “Okay lang talaga ako, Liam…”  Naramdaman din naman kasi niyang nakaginhawa ang pagkakahilot ng nobyo sa paa niya.

            “I’ll just pay your day, okay?  Iuuwi na lang kita.” 

            “Ayoko!”  Mabilis pang tanggi niya.  “I-I mean, kaya ko naman talaga. Hayaan mo na lang ako, Please…”  Pakiusap pa niya dito.

            Hindi naman nakasagot kaagad si Liam pero sa bandang huli’y tumango na lang din siya sa nobya.  Ayaw rin naman niyang isipin nito na kinokontrol niya ito.

             

            Kaya naman matapos lang na makapag-usap na saglit ay nagpasya na ring bumaba sina Liam at Corine sa unang palapag ng bahay.  Agad na ring nagbalik sa trabaho si Corine at lumayo na muna sa nobyo.

            Samantala, si Liam naman ay nakipagbonding na lamang muna din kay Andy.

            “Liam…”  Ang kanyang older brother na si Ian.

            “Bro, wait lang ha.”  Paalam pa ni Liam kay Andy.

            “Sure!”  Tumango pa siya at iniwan na nga lang muna ang magkapatid.

            Nang tuluyan nang makaalis si Andy ay tsaka ulit nagsalita si Ian.

            “Are you making fun of yourself, Liam?”  Sarkastiko pang tanong ni Ian na bahagyang nakangiti.

            “What is that supposed to mean?”   Kunot-noo pa siya sa kapatid.

            “Stop playing around and get back to reality!”

            “Can you get straight to the point.”  Pasuplado pa niyang sabi dito.

            “You can’t get serious with Corine.”  Kunot-noo pa niya iyong tinitigan sa mga mata.  “Si Sarah ang nararapat para sa’yo.”

            “I can’t believe your saying that,”  Hindi niya maiwasan ang makaramdam na naman nang inis dito.

            “Malaking investor ang family ni Sarah.  She’s good for the business.”       

            “The hell I care. Tsss…”  Napaismid pa siya sa kapatid.

            “It’s your future and Karen’s future at stake.”  Seryoso ang mukha nito.  “Can you trade Karen’s good future for love?”  Mataman pa niya iyong tinitigan.  “Think about it, Liam.  Think really hard.”

            “I have nothing to think about.”  Matapang namang sagot niya.  “I can always have both.”

            “Really?”  Naningkit ang mga mata nito.  “You knew anything about our company?”

            “You’re the one running it.  You tell me.”  Kunot-noo pa rin siya.

            “Tough competition and we’re not doing good.”  Napabuntong-hininga pa ito.  “None of those banks we knew would like to take chances and grant our loan.”

            “How could that happen? As far as I know, maganda ang standing ng company even after our parents died.”  Taka pa siya.

            “You’re not there.  So, how would you know?”  Iiling-iling pa ito.  “And for your info, ang family na lang nila Sarah ang chance natin para makaahon.  We can’t afford na ang pinaka-malaking investor pa natin ang mawala.”

            “Graduating pa lang ako.  How do you expect me to understand everything you're telling me right now?”

            “That’s why I am telling you.”  Nagpamaywang pa ito.  “Sarah’s father, likes you a lot.  Get back to Sarah and our problem is solved.”

            “That was so easy for you to say.”  Mapakla pa siyang napangiti at umiling.  “Don’t worry, kuya. I’ll do everything I can.  Just don’t ask me to do that.  Anything but that.”  Muling sumeryoso ang mukha niya sabay walang paalam na tumalikod.

           

          Hindi naiwasan ni Liam na mawala nang husto sa kundisyon dahil sa pag-uusap nilang magkapatid.  Walang araw na nagkasundo man lang sila dahil na rin sa panghihimasok nito sa buhay niya.  At ngayon nga, pati problema sa negosyo ay ipinapasalo sa kanya.

            “Corine…”  Tawag pa niya sa nobya na noo’y napadaan sa harapan niya at may bitbit na mga drinks.

            “B-bakit?”  Napahinto pa siya at hinarap muna ang nobyo.  "Want some lover boy?"  Pabirong himig pa niya.

            “Sit beside me, please…”  Sumamo pa niya dito.  Alam niyang ang nobya lang ang makakapagpawala nang inis niya.

            “Nasa work ako,”  Pabulong pang sagot niya dito. 

            “Just for a minute. Please…”  Muli ay sumamo niya dito.

            Kaya’t kahit na medyo alanganin siya ay naupo na nga muna siya sa tabi ng nobyo dahil parang  dinaramdam itong hindi niya mawari.

            “May problema ba?”  Hindi na rin niya napigil ang sariling magtanong lalo pa nga’t medyo malungkot ang aura nito.

            “N-nothing…”  Bahagya pa siyang umiling at mahigpit lamang niyang ikinulong ang nobya sa kanyang mga braso. 

            “L-li… L-liam…”  Hindi naman niya maiwasang ma-concious nang husto lalo pa nga’t ang daming matang nakatingin sa kanilang dalawa.  “N-nakakahiya,”  Halos magkulay mansanas yata siya.  “Ang daming nakatingin…”

            “Don’t mind them…”  Sagot lang niya habang ang mukha niya’y ibinaon lang niya sa buhok nito.  Amoy niya ang munting cologne nito sa leeg at sapat na 'yun para bahagya siyang kumalma.

            “L-liam…”  Marahan pa siyang kumalas sa yakap nito.  “May work ako okay?”  Alanganin pa siyang napangiti dito. 

            “What time will you be done?” 

            “Mamaya pa siguro kapag naubos na ang mga bisita.” 

            “Huh?”  Napasulyap pa siya sa kanyang relo.  “It’s already past eleven  o’ clock…”  Napabuntong-hininga pa ito.  “Normally, this kind of party will last ‘til 1:00 o’ clock a.m.”

            “Trabaho ‘to. Okay lang 'yun.”

            “I’ll wait for you then.”

            “Hindi na 'no.”  Bahagya pa siyang umiling.  “May service naman kami pauwi.”  Matamis pa siyang ngumiti dito.  “Alam ko ring inaantok ka na, kaya umuwi ka na.  In--”  Siya naman ang sumilip sa relo niya.  “… forty five minutes birthday mo na.  Happy birthday…”

            “Thank you, babe.”  Matamis pa siyang ngumiti dito.  Tangka sanang hahalikan niya ito pero agad ding umiwas ang nobya at tumayo.

            “Behave, Mr. Monteverde.”  Dinilatan pa niya iyon ng mga mata.

            Napangiti lang siya sa iginawing iyon ng nobya.  Kahit papaano’y gumaan ang pakiramdam niya sa pagkakita sa maganda nitong mukha.

            “Umuwi ka na, okay?  Remember? May date tayo bukas.”  Paalala pa niya sa nobyo.

            “Okay,”  Tumango pa siya.  “Kung iyon ang gusto mo.”

            “Work muna ako ha.”  Paalam pa niya dito.

            Tumango lamang siya sa nobya at tipid na ngumiti.  Sa totoo lang ay kanina pa din siya inaantok lalo pa nga’t sanay siyang matulog nang maaga.  Dagdag pa na panay ang painom ng pinsan niyang si Andy sa kanya.



Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 41.4K 64
Two different people with two different world, fall so deeply in love with each other, but only to find out in the end that they can't be together...
98.2K 3.4K 41
“Sabi nila, ang kalayaan daw ay katumbas ng kasiyahan. Ngunit paano kung matagpuan mo ang kasiyahan sa isang sitwasyong hindi ka malaya? Pipiliin mo...
219K 14.2K 71
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.1M 56.6K 152
Okay but first, who are you? An epistolary.