One More Time (Ghost Series #...

By Justt_Stranger

442 76 33

[ON-GOING] Greg Clark Sy, the only soul under the power of Regina who survived from the killing mission. He... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 15

5 3 0
By Justt_Stranger

"Lights.. Camera.. Action!" Napairap ako sa madamdaming sigaw ni Greg na iyon habang sabay kaming naglalakad palapit sa iba pa naming mga kasama. "Kim, muka kang kangaroo---"

"Shut up! Shut up! You're so nosy! Kanina ka pa ah.." Dinuro ko sya bago tuluyang makalapit sa kanila.

Pagkatapos ng nangyaring gulo sa classroom namin ay tatlong araw pa kaming nagpatuloy sa pagte-training. Mukang atat na atat yatang makita ni Rein ang kakambal ng kaibigan ko kaya ngayon ay sasadyain namin sya dito sa gubat.

"Halos di na nga nagsasa---" Pasimpleng binangga ko sya ng siko ko nang harapin namin sina Jom.

"Good morning!" Masiglang bati ko kina Alex, Sean, Chloe, Jayne, Gray, at jom.

Hinanap ko ang kulang.

Wala pa dito sina Rein, Zhack at Jin.

Pumulot ako ng isang maliit na bato at itinaas iyon para ipantay sa mata ko. And threw it to the target.

"Aray!" Agad na reklamo ni Gray. "Ano nanaman?! Kay aga aga!"

"Kuya mo?"

"Bakit ba palaging sa akin mo tinatanong si kuya?! Laging hinahanap, parang tanga eh.." Bubulong bulong pang aniya habang pinupunasan ang pisnging tinamaan.

"Shut up, shut up, 'no?" Sarkastikong panggagaya ni Greg sa sinasabi ko kanina, Lumagay say sa harap ko. "Pagkatapos mo 'kong talikuran ay doon ka makikipagdaldalan sa ibang tao!"

"So?" Pinanlakihan ko sya ng mata. "And FYI, ha? Hindi ako nakikipagdaldalan! I'm just asking him!"

"Edi sakin ka magtanong!"

"Oh, sige! Nasaan si Zhack?" Yun ang tanong ko kanina, diba? Kapag hindi nya nasagot yan, ipapakain ko lahat ng bato dito.

"Bakit ba palagi mo na lang syang hinahanap? Lagi ka na lang nagtatanong, para kang tanga."

Inangat ko ang kamay ko para batukan sya. "Inulit mo lang eh.." Pinagramble ramble lang yung words.

"Oh, diba? Same answer! Tatanong pa sa iba eh.."

"Tama na ang landian. Tama na ang landian. Tama na ang landian." Sabay at paulit ulit na sabi nina Alex at Sean sa gilid namin, umiikot pa. "Let's go na daw."

"Ha? Eh paano tayo aalis kung wala pa sina Kate?" Jom asked.

"Nandyan na sila." Sinundan naming lahat ang direksyon kung saan nakaturo si Jayne.

"Pare!" Sinalubong nina Greg at Sean si Jin.

"Pare!" Ginaya ko ang ginawa nila at hinatak si Jayne palapit kay Rein dahil sya ang pinakamalapit.

Hinawakan ko yung kamay ni Rein at inilayo ng konti sa mga kasama. Tsaka ako bumulong.

"Anong nangyari? Bat magkasama kayo ng ex mo?"

"Pinatawag kami ni Dean." Walang ganang sagot nya.

"Bakit?"

"May binigay lang."

Hindi pa ako nakakapagtanong ulit ay iniwan na nya 'ko sa gilid. Dumiretso sya sa iba pa naming mga kasama.

Kunyari pa. Si Jom lang naman talaga ang gusto nyang makita.

"Ready na lahat?" Tanong ni Jin.

"Ready na!" Sabay sabay na sagot naming apat. Kaming apat lang.

Kinapitan ko ang dala kong bag pack na nakasukbit sa parehong balikat ko. Ganoon din naman ang dala nilang lahat.

Sabi kasi ay maghapon daw kami don pero posible rin daw na mag overnight. May dalang tent sina Jin at Gray.

Pare pareho din kaming mga naka-jacket dahil malamig dito sa umaga. Baka rin kasi malamig sa loob ng gubat.

"Alright. Let's go." Pinangunahan nina Rein, Zhack, at Jin ang pagpasok sa gubat. Nagsisunuran naman kaming lahat.

"Akin na bag mo."

Nginiwian ko si Greg nang ilahad nya sa gilid ko ang kamay nya habang naglalakad na kaming pareho. Tinapik ko lamang iyon para ibaba.

"Ano ko? Bata?"

"Oo naman. Baby kaya kita." Ngiting asong sagot nya. "Yieee."

"Yieee." Nakangiti ding panggagaya ko. "Gago. Korni." Tsaka ko sya inirapan at inunahang maglakad.

"Sabi kasi sayo, manahimik ka na lang eh.." Biglang singit ni Gray sa likod at nauna na ding maglakad.

Bale kami na ang nasa pinakahuling naglalakad. Magkakasama yung tatlo sa harap. Tapos kanya kanya na yung mga nakasunod.

Kapansin pansin rin na hindi mahiwalay si Chloe kay Jom. Hindi naaalis ang kamay nitong nakahawak din sa kamay nya. Kaya naiintindihan ko kung bakit nasa unahan si Rein at hindi nya kami nililingon.

"Tingin mo.." I walked beside Greg to whisper. "Anong status nung apat?"

"Huh? Sino?" Sinilip nya ang tinitignan ko.

"Yung sina Rein at Jom. Pati yung dalawang kasama nila lagi. The two couples in there.." Inginuso ko ang mga nasa unahan.

"Tch. Wag mong pakealaman yung iba, Kim. Magfocus ka sakin. Kung gusto mo, gagawan na lang din kita ng problema."

"Ay, naku, wag na." Hinampas ko ang sariling kamay sa hangin. "Ikaw lang, sapat na, 'no! Ikaw ang pinakamalaking problema ko."

Muntik ko nang mabangga si Jayne nang huminto sya sa harap ko.

"Bakit ganyan kayo mag usap?" Biglang tanong nya. Kumunot nang bahagya ang noo ko at takang tumingin sa kanya at kay Greg.

"Why? Paano ba dapat?"

"Ewan ko." Nagkibit balikat sya, pinigilan kong sumimangot. "Hindi ko kasi malaman kung sweet ba yon o kung nag aaway na kayo eh.."

"Huy." Sean pulled her away from us. "Wag mong pansinin yan. Abnormal yang dalawa. Mababaliw ka pag sila kasama mo kaya wag kang didikit dyan, ha?" Parang tangang bilin nya kay Jayne, looking at us.

"Mas lalong wag kang didikit dyan." Hinila ko pabalik si Jayne at itinabi sakin. "Alam mo bang bukod sa pagiging matakaw ay madumi din ang utak nyan? Sa sobrang takaw nyan, kahit ikaw kakainin nyan! At sa dumi naman ng utak nya, isang parte lang ng katawan mo ang kakaini---"

"Hoy!" Natatawang dinuro ako ni Gray. "Ikaw ang lumayo dyan sa katabi mo Kim! Kung ano anong lumalabas sa bibig mo!"

"Huwag didikit dahil madumi ang utak?" Ulit ni Sean sa sinabi ko. "Wow, ha! Coming from you?! Tumingin ka nga dyan sa tabi mo!"

"Wow." Huminto si Rein para harapin kami kaya pati kaming mga nasa likod ay napatigil rin. Pumapalakpak syang humarap samin. "Nag enjoy ang mga bata." Sarkastikong aniya.

"Ghost hunting ang pinunta natin dito at hindi camping." Dagdag naman ni Jom.

"Sus! Hindi ka lang makawala---" Sinamaan ko ni tingin si Alex nang takpan na lang nyang bigla ang bibig ko.

Natigilan ako sa tangkang pagrereklamo nang makitang seryosong nakakunot ang noo nya. Kaya nang alisin nya ang kanyang kamay sa bibig ko ay hindi na ko nagsalita pa.

"Tumingin kayo sa paligid. Kadalasan ay hindi tubig ang patak ng ulan dito." Jin told us.

"Huh?"

"Eh, ano?"

"Kutsilyo."

"Parang tanga naman." Nakangusong bulong ko at kumapit kay Greg.

"We're here." Pagkatapos ng mahabang paglalakbay ay sa wakas nakarating na rin kami.

"Yeeey!!" Sabay kami ni Sean na tumakbo papunta sa gitna. Agad kong binitawan ang bag ko.

Ang ganda!!! Ang ganda ganda! Para lang akong nasa isang malawak na field sa gitna ng kagubatan! Ganito talaga kalaki ang GU?!

"Bakit parang wala naman tayong nakita nung una tayong pumasok dito?" Tanong ni Gray.

"Baka sa ibang dimension tayo napunta," sagot naman sa kanya ni Rein.

Naagaw ang atensyon naming lahat nang ilabas ni Sean ang lahat ng tupperware na dala nya. Naglabas sya ng kinse mula sa kanyang bag. Ang pito ay kanin at ang walo naman ay iba't ibang uri ng ulam.

"Huhulaan ko.. Ninakaw mo yan sa cafeteria, 'no?" Si Gray.

"Oy, hindi ah. Nagpareserve ako kahapon."

"At pumayag sila dahil sinabi mong kasama kami."

"Ganon na nga." Nakangiting sagot nya.

"Hindi ka na nahiya." Nakangiwi ko syang tinignan. "Pantay pantay tayo ng binabayad dito tapos kukuha ka ng sobra? Ano 'to? Eat all you can? Nasa buffet ka? Ha?"

"Para 'to sa lahat 'no! Para sa lahat maliban sayo. Magtipid tipid ka na ng pagkain mo ha. Kasi kapag natagalan tayo dito at naubusan ka, bahala ka sa buhay mo."

"Talagang bahala ako sa buhay ko! Sa tingin mo hihingi ako ng pagkain sayo? Wag na, uy! Baka mamaya nilawayan mo na lahat yan or baka may kakaiba kang nilagay dyan eh. Wala akong tiwala sayo!"

"Inaaway mo nanaman ang prisesa ko.." Malambing na ani Greg at hinaplos ang buhok ko.

Tumaas ang mga balahibo ko sa kilabot at nandidiring hinarap sya. "Nako, Greg.. Lumayo layo ka sakin kung ayaw mong tinidurin ko lahat ng parte ng katawan mo. Tumabi ka nga dyan!"

Tumayo ako at umupo kung saan payapa. Ayoko ng istorbo kapag gutom ako ha.

"Boring."

Sa sobrang pagkabagot pagkatapos naming kumain ay humiga na ako sa damo at nagmuni-muni. Ang ganda pa ng mga clouds, nakalubog na ang araw at nakikita ko na ang buwan.

"Sure ka bang pupunta talaga dito si Chelsea?" I asked.

"Ewan ko. Paano naman ako makakasigurado eh magkakasama lang tayo dito?"

"Gusto nyong may magawa?" Maya maya'y tanong ni Greg.

"Kung sayo din naman galing ang suggestion, wag na lang."

Hindi nya ako sinagot at tumayo, kinuha nya ang ukulele sa bag nya.

"Bakit mo dala yan?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi ko kayang dalin yung gitara ko dahil masyadong malaki yon para sa bag. Ayoko namang bitbitin habang naglalakad."

"Hindi--- I mean.. Bakit may dala kang ganyan? Hindi naman kailangan nyan."

Alam ko namang mahilig syang tumugtog tuwing gabi pero sa dinami-rami ba namang ng pwedeng ilagay sa bag nya ay naisipan pa talaga nyang magdala ng instrument.

"Eyyyy.. Prepared. Halatang binalak talagang mangharana." Pang aasar sa kanya ni Gray.

"Oy, hindi ah.." Nakangiting tanggi nya. "Advance kasi ako mag isip. Mukang hindi naman darating si Chelsea ngayong araw."

"Oh, sya, simulan mo na. Audience kami. Ichicheer ka namin! Go, Greg!" Si Alex.

"Go, Greg!" Cheer din ni Jayne.

"Pero hindi ako kakanta hanggat walang nauuna." Nakangising aniya.

"Ha? Baliw ka."

"Ayokong mauna. Ayokong ako lang kakanta. Unfair yon. Sa dami ng singer dito, ako lang kakanta?"

Nakangiting tumingin ako kay Rein at ganon din sya.

"Oo nga! Si Kuya at Rein, singer yan!"

"Pati si Jom!" Turo ni Sean sa kanya.

"Hindi ako marunong sa instruments." Sagot ni Jom.

"Ako naman tutugtog." Si Greg.

"Kumakanta si Rein?" Tanong ni Alex.

"Kumakanta kaya sya sa room dati. Nung grade 8 yata yon, diba?!" Sagot ni Greg. "Sabi ko nga di nyo alam."

"Oh, ano na? Gusto ko nang makarinig ng music." Naiinip na ako.

"Sus. Gusto mo lang marinig si Greg eh.." Muling pang aasar ni Gray.

"Ang tagal naman kasi." Reklamo rin ni Alex.

"Oo nga." Si Jayne.

"I'll sing."

Naeexcite akong lumingot kay Zhack. Mahina akong pumalakpak para icheer sya dahil bigla silang tumahimik.

"Weh?" si Gray..

"Kung ayaw nyo, edi wa---"

"Hindi! Hindi!" Tumayo ako para hilahin ang tenga ni Gray patayo. "Eto talaga oh! Ayaw manlang suportahan yung kapatid."

"Aray! Aray! Bitaw!" Inis nyang inalis ang kamay ni Kim sa tenga nya at kusang tumabi sa kapatid.

Si Gray, si Jayne, Si Rein, ako, si Greg, si Sean, Si Jom, si Chloe, si Alex, si Jin, si Zhack, at sa tabi nya ay si Gray ulit. Ganyan ang pagkakasunod sunod ng bilog namin.

"Game!" Excited na sigaw ni Alex.

"Go, papa Zhack!"

"Huy!" Kunot ang noong saway sakin ng boyfriend ko.

"Ang seloso mo naman.." natatawalng bulong ko.

"Ikaw ang tutugtog, diba?" Tanong ni Zhack kay Greg.

"Oo naman! Halos lahat ng kanta, inalam ko para sayo."

"Play Baepsae, then."

Agad na kumunot ang noo ni Greg. "Ha?" Ang yabang kasi. "Hindi ko alam yon! Iba na lang!"

"Hindi ko rin alam yon." Natatawang bulong rin ni Zhack. Eh naglolokohan lang naman pala tayo dito. "It will rain na lang."

"Sige, sige. Alam ko yan!"

Nagsimula nang tumugtog si Greg nang mabagal.

"If you ever leave me, baby..
Leave some morphine at my door
'Cause it would take a whole lot of medication
To realize what we used to have
We don't have it anymore.."

"Whoooo!!" Pumalakpak ako pagkatapos ang isang stanza. Ang ganda ng boses nya. Kinikilig ako!

"There's no religion that could save me
No matter how long my knees are on the floor
So keep in mind all the sacrifices I'm makin'
To keep you by my side
To keep you from walkin' out the door."

"Cause there'll be no sunlight
If I lose you, baby
There'll be no clear skies
If I lose you, baby
Just like the clouds
My eyes will do the same if you walk away
Everyday it'll rain, rain,
Ra-a-a-ain.."

Gusto ko mang bumulong nang bumulong kay Greg ay hindi ko magawa dahil baka madistract sya sa paggigitara. Alam ko ang chismis! Syempre alam ko kung anong nangyari sa kanila ni Rein.

"Oh, don't you say, goodbye.."

"Don't you say, goodbye
I'll pick up these broken pieces 'til I'm bleeding
If that'll make it right.."

"Cause there'll be no sunlight
If I lose you, baby
And there'll be no clear skies
If I lose you, baby
And just like the clouds
My eyes will do the same if you walk away
Everyday it'll rain, rain, ra-a-a-ain.."

"Whoooooooo!!!!" Mas malakas na sigaw ko at pumalakpak nang matapos syang kumanta. "Ang galing! Idol na kita, Zhack!!!"

"Oh, ako na! Ako na!" Nakangiting sigaw ni Greg.

"Oo! Ikaw na! Ikaw na!" Si Sean.

"Harana yan. Hula!"

"Oh, shut up na. Start na!" Mas lalo akong naexcite dahil sya na ang kakanta. Alam kong mas maganda ang boses nya kay Zhack! Oo, may favoritism na nagaganap!

"Yieeee! Excited na.."

"Basta ba ikaw sunod!"

"Oo naman." Mabilis na sagot ni Jom.

"Yieeeee! Oh, game! Game! Bilis na! Si Jom daw sunod!" Halos umikot ang pwet ko sa kilig!

Tumahimik na ang lahat nang magsimula na ulit si Greg na magpatugtog ng para sa kakantahin nya.

"Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin."

"Wooooohhh!!!" Sigaw ni Sean. Agad naman syang hinampas ni Chloe.

"Panira ng moment 'to." Si Jin.

"Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit.."

I'm so proud! Kinikilig ako! Hindi ko alam kung alam nila na may boses si Greg dahil kahit ako ay kailan ko lang din nalaman yon. Hindi sya kumakanta sa harap ng maraming tao.

"Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik.."

"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin.."

Sa sobrang pagkadala ng emosyon ay kumapit ako sa braso ni Rein. Hindi pwede to... Hindi pwedeng wala akong pagtutuunan ng nararamdaman ko!

"Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid.."

I can't pay attention to the lyrics! Ang ganda ganda kasi ng boses nya. Ang gwapo rin nya habang kumakanta dahil seryoso sya. Nalilito tuloy ako kung saan magfofocus dahil gusto kong ituon ang buong atensyon ko sa muka nya o sa boses nya!

"Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib.."

"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumitigil
Ang pangalan mo sinisigaw ng puso
Sana'y madama mo rin
Ang lihim kong pagtingin.."

Pagkatapos kumanta ni Greg ay agad na inalis ni Rein ang kamay ko na nakakapit sa kanya. "Oh, tapos na, tapos na. Bitaw na."

"Kung gusto mong sumigaw, Kim, pwede naman. Maiintindihan ka namin." Pabiro kong inirapan si Jin.

"Ayoko. Mamaya na."

Para kong nakalutang sa ere! Para akong nananaginip sa langit sa sobrang tuwaaa!!!!

"Totoo yung kilig ah?" Pasimpleng bulong sakin ni Greg.

"Oy, hindi ah.." Pinigilan kong huwag ng ngumiti pero ayaw na nong umalis sa panga ko.

"Hindi? Hindi?!" Nanlalaki ang matang sigaw sakin ni Rein sa gilid. "Tignan mo 'to." Hinarap nya sakin ang namumulang braso nya. "Ano na lang ang mangyayari dito kung kinilig ka pa?!"

"Oy, si Jom na daw! Si Jom na!" Sigaw ni Sean.

"Oo nga! Si Jom na!" I also shouted to remove their attention from me.

"Ano sayo?" Greg asked Jom. He's referring to what song will he sing.

"Sayo, akin." Sagot naman nya.

"Ha?" Kumunot ang noo ko. "Tarantado ka ba?"

Anong sayo, akin?

"Sayo kasi yung tittle."

"Bakit sakin?!" Takang tanong ko.

"Alam mo ba yon?" Hindi na nya ko pinansin at binalingan na lang si Greg.

"Oo. Hayaan mo yan. Wala pa sa maayos na kalagayan utak nyan." Sinamaan ko ng tingin si Greg pero ginagago ako ng ngiti ko. Ayaw talaga umalis!

"Oh, sya! Start na!" Si Sean.

"Alam mo yon?" I asked Rein curiously.

"Hindi. Pero alam kong tittle yon."

"Game na nga! Tahimik na!" Sigaw ulit ni Sean.

"Game!" Nagsimula na ulit si Greg.

"Minsan oo, minsan hindi
Minsan tama, minsan mali
Umaabante, umaatras
Kilos mong namimintas.."

Tumahimik na ang lahat nang magsimula nang kumanta si Jom. I'm not surprised by his amazing and cold voice, of course! Narinig ko na rin syang kumanta noon sa ospital.

"Kung tunay nga ang pag-ibig mo
Kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo.."

Magkahalong kilig at sakit ang naramdaman ko nang may titigan sya. Alam ko namang dalawa ang nagpapantasya sa isang 'to.

"Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama."

Na kay Rein ang paningin nya. Dumayo pa ang mga mata nya sa tapat samantalang nasa kanyang tabi ang girlfriend nya.

"Di gusto, ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo.."

Ngayon lang din sila nagkaroon ng time ni Rein ngayong araw. Kahit na kanta lamang iyon ay parang nakukuha ko naman ang ibig nyang sabihin.

"Kailangan ba kitang iwasan
Sa t'wing lalapit may paalam
Ibang anyo sa karamihan
Iba rin pag tayo
Iba rin pag tayo lang.."

I looked at Rein. Kung kanina ay inis na inis sya sakin nang dahil sa ginawa ko, ngayon naman ay hindi na maipaliwanag ang nararamdaman nya.

I can't even guess if she's mad or happy. I didn't know why it seems like she can't be happy. Ito rin naman ang gusto nya, diba?

"Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama
'Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo."

Gaya kanina, si Greg ang nagsecond voice.

"Kung maging tayo
Kung maging tayo
Sa'yo na ang puso ko."

"Yieeee!!" Kasama ako sa mga nakipalakpak nang matapos syang kumanta. Todo ngiti pa ako after hearing his voice.

Nawala ang ngiti ko nang dumapo ang aking paningin kay Chloe. But my hands are still clapping.

"Next! Next!" Sigaw ni Greg.

"Aba, nag enjoy!" Kahit ako din naman.

"Syempre! Sayang din 'tong dala ko kung hindi susulitin."

"Oo nga. Mga naglalabas sila ng damdamin oh! Litaw na litaw tuloy kaming mga walang love life!" Nakangusong ani Gray.

Yuck. Mukang ngumusong aso.

"Hindi namin kasalanang hindi ka pa umaamin, 'no." Si Rein.

Sinimangutan sya ni Gray.

"Pwede namang daanin mo na lang din sa kanta, kapatid!" Sigaw sa kanya ni Sean. "Nandito naman sya ngayon, diba?"

"Hoy!" Kunot noo syang tumingin kay Rein at sa kapatid nya. "Ba't nya alam?! Sinong nagpakalat non?!"

"Not me." Nakangising sagot ni Zhack. Nakita kong nagkibit balikat din sa kanya si Rein.

"Bakit? Sino bang pinagsabihan mo?" Usisa ni Jin.

"S-si Kuya lang.. tsaka si Rein."

"Kung yung dalawang yan lang naman, hindi magsasalita yan. Baka naman obvious ka lang?"

"Hindi ah!"

"Naks! Edi totoo nga?" Si Jom.

"Na ano?!"

"Na may gusto ka dito. Amin amin din 'pag may time."

"Sus! Loko mo! Yabang nito porke umamin na." Sinamaan nya ng tingin si Jom.

Umamin na? Umamin na sya kay Rein?!

"Sino ba kasi yon, Gray?" Panunukso rin sa kanya ni Greg. "Lima lang naman ang girls dito, ang tatlo ang taken. So, sino kina Alex at Jayne---"

"Wala nga!"

"Suuuuusss!!" Dagdag ko pa. "Kayo palaging magkasama ni Jayne eh!"

"Bakit? Palagi din naman kayong magkasama ni Sean pero hindi naman kayo ah!"

"Iba naman yon. Friends friends tayo dito oh!"

"Edi friends! Friends friends lang din ako. Tigil tigilan mo ko, Sean. Ipapatapon kita sa gate, tamo!"

"Eh---"

"Kanta na! Kanta na!" Pinutol nya ang isasagot pa nito. "Sino na ba kasi next?!"

"Ako." Nakangiting prisinta ni Chloe. Natahimik kaming lahat nang tumingin sa kanya. "Pwede ba?"

"S-sure.." At dahil walang sumagot ay ako na lang ang nagsalita. "Sure, sure!"

"Maka-sure 'to akala mo naman sya tutugtog." Inirapan ko si Greg sa bulong nyang iyon. "Ano bang kakantahin mo?" Tanong nya kay Chloe.

"I'll let you choose. Ikaw ang pumili kung alin ang kaya mo." Nakangiti pa ring sagot nya. Hindi ko alam kung ako lang, pero natatakot ako sa ganoong ngiti nya ngayon. Hindi naman sa creepy pero--- basta.

"Sige. Anong choices?"

"Malaya o paubaya?"

Muling nangibabaw ang katahimikan. Feeling ko naman ay hindi lang ako ang nakakaramdam.

"Don't." Pasimpleng bulong ko kay Greg. "Just say that you're not familiar with that."

"P-pwedeng iba na lang? Medyo hindi ako familiar don sa dalawa.." Pormal na sagot nya kay Chloe. Mabuti naman at mabilis nyang nakuha ang sinabi ko.

"Sige.." Nakahinga ako ng konti. "Ako na lang ang tutugtog."

"Ha?"

"Marunong ka?" Gulat na tanong ko.

"Oo naman." Nakangiti pa ring sagot nya. "Pwedeng pahiram?"

Agad na inabot sa kanya ni Greg ang hawak nyang ukulele.

"Sure ka dyan?" I asked again.

"Hayaan mo sya sa gusto nya, Kim. Hindi naman ikaw ang kakanta." Mahinahong saway sakin ni Gray.

Hindi na ko nakasagot pa nang simulan ng tugtugin ni Chloe ang gusto nya. May lakad yata eh..

"Saan nagsimulang magbago ang lahat?
Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?
Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal.."

Nag alala ako nang makitang namumuo na ang mga luha sa kanyang parehong mata. Hindi mo mapapansin iyon dahil nakayuko sya. Pero kung titignan syang mabuti ay makikitang umiiyak na sya.

"Saan nagkulang ang aking pagmamahal?
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na?
Ako ang kasama, pero hanap mo siya.."

"Sa lahat ng kumanta, yung sa kanya yung tugmang tugma sa lyrics.." Bulong sakin ni Greg na tinanguan ko na lang. I agree.

"At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na 'pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kaniya
Huwag kang paluhain at alagaan ka niya."

"I don't want to see her like this." Bulong ko din kay Greg. "Pero wala rin naman akong magagawa para sa kanya."

"Everythings happen for a reason." Seryosong bulong din nya. "Sigurado namang may darating din na tamang tao para sa kanya."

"Ba't 'di ko naisip na mayro'ng hanggan?
Ako 'yung nauna, pero siya ang wakas.."

Nagsimula na ring mangilid ang mga luha ko nang marinig ang mahinang paghikbi nya. Naaawa ako sa kaibigan ko pero wala akong magawa. Kaibigan ko rin si Jom. At alam ko ang nararamdaman nilang pareho.

"At kita naman sa 'yong mga mata
Kung bakit pinili mo siya
Mahirap labanan ang tinadhana
Pinapaubaya, pinapaubaya..."

Hindi nya magawang tignan si Jom. Sa halip ay si Rein ang tinignan nya. Pinunasan ko ang luha ko dahil nasa gawi ko lang ang paningin nya at ayokong makita nilang umiiyak din ako.

"Pinapaubaya ko na sa kaniya.."

"Huy." Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Greg paharap sa kanya. "Hala, gagi.." Napatakip pa ito sa bibig.

"Bakit?"

"Ba't ikaw yung umiiyak?" Turo nya sakin.

Pinunasan kong muli ang mga luha ko. "Nadala ako eh.."

"Huy, saan ka pupunta?" Binalik kong muli ang paningin ko sa kanila sa tanong na iyon ni Jin.

Nakita kong tumayo si Rein at wala na si Chloe sa kaninang pwesto nya. Naglalakad sya palayo, sinundan naman sya ni Rein.

Agad kong hinabol si Jom nang akmang tatayo din siya. Ganon din ang ginawa ni Gray kay Jin. Balak nilang sundan yung dalawa.

"Bigyan nyo sila ng time. Hayaan nyong mag usap." Si Gray.

"Pero---"

"Walang masasaktan." Putol ko sa sinasabi ni Jom. "Moment nila yan. Kailangan din nilang mag usap nang sila lang."

Hindi masamang tao si Rein. Matagal-tagal na rin nyang kasama si Chloe at wala namang itong ginagawa sa aming lahat kaya alam kong hindi sya gagawan ng masama ni Rein.

"Ano ba yan, drama." Napakamot sa ulo si Greg.

"Ayusin na lang natin yung mga tent!" Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. May mga nanira na sa mood.

Lahat sila ay tumayo na rin. Kinuha namin ang apat na tent. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa nang tumunog ito at makitang tumatawag si mommy. May cignal pala sa gabi?

"Hello?"

["Kim! Nasaan ka?!"] Agad kong inilayo sa tenga ko ang phone dahil sa lakas ng boses nya.

"Nasa school malamang! Bakit?!"

["Kasama mo ba si Greg?!"]

"Yes! Wag ka ngang sumigaw, mommy! Why are you yelling ba?!" Sa lakas din ng boses ko ay napapatingin na sa akin ang aking mga kasama.

Narinig ko syang kinalakma ang sarili bago muling magsalita. Naririnig ko ang pagkataranta nya.

["Ililipat na kita ng school, Kim.."]

"What?! No!"

["Makinig ka sakin! Kailangan mo nang umalis dyan, anak."]

"Pero ayoko po.."

Bumuntong hininga naman sya.

["Nandyan ba si Rein?"]

"Nandito sya pero lumayo sya samin kani-kanina lang. Hindi mo sya makakausap"

["Si Jin, nandyan?"]

Hinanap ng mga mata ko si Jin at sinenyasang lumapit. Nakita naman nya agad ang pagsenyas ko dahil nga nakatingin na sila sa akin.

"Nandito."

["Pakausap ako sa kanya, anak."]

"Bakit?"

"Kausapin ka raw ni mommy."

Binigay ko sa kanya ang cellphone ko at pagkatapos ng ilang segundong pakikinig sa sinasabi ng ina ko ay lumayo sya sakin para sumagot. Gusto kong lumapit para makichismis pero sinenyasan nya kong wag sumunod kaya pinanood ko na lamang sya.

Kumunot ang noo nya. Hindi ko alam kung hindi nya naiintindihan o hindi nya nagugustuhan ang sinasabi ni mommy. Tinignan nya si Greg pagkatapos ay tumingin din sakin.

"Ano meron?" Usisa ni Greg na lumapit pa sa akin.

"Malay ko. Sa tingin mo ba maririnig ko yan?" Pareho kaming nakatingin kay Jin.

"Sinong kausap mo at bakit kinakausap nya rin si Jin?"

"Chismoso ka."

"Sino nga?! Ang dali dali ng tanong ko eh!" Nakakunot ang noo syang tumingin sakin. Inismiran ko sya at hindi sinagot para lalong mang asar. "Ayaw mo sabihin?"

Nagkibit balikat ako.

"Hindi mo talaga sasabihin?"

I shook my head, still not giving up. Hinila naman nya ang buhok ko paibaba.

"Aba! Gago ka ah!"

Agad syang lumayo sakin nang ambahan ko sya ng suntok.

"Ayaw mo sabihin ah! Ang ayos ayos ng tanong ko eh!"

"Bwisit ka! Bakit ka nananabunot?! Bakla ka ba?!"

Tumakbo ako para habulin sya nang tumakbo sya palayo sakin.

"Huwag ka lang magpapahabol sakin, lintik ka!"

"Kung mahahabol mo ko! Hehehehe."

"Jusko, tama na ang habulan mga bata! Baka madapa kayo mag-iyakan nanaman." saway samin ni Gray pero hindi ako tumigil dahil hindi rin naman tumigil si Greg.

"Hoy, Kim! Selpon mo!" Sinenyasan ko si Jin na wait lang. "Ibabato ko to!"

"Ano ba yan!" Nakasimangot akong lumapit sa kanya at padabog na kinuha ang phone ko. "Anong sabi?!"

"Ewan ko ba. Ang gulo." yumuko sya at umiling.

Nang hinihingal na tumabi sakin si Greg para makichismis ay sinipa ko sya sa tuhod, dahilan para mapaluhod ito.

"Aray! Tangina!"

"Anong ewan mo? Bakit di mo alam? Ang tagal nyong nag-uusap eh!"

"I really don't know.. I can't understand."

"Eh bakit? Hindi mo maintindihan?! Mahina ba cignal?!"

"I do understand what she's saying, Kim. But it doesn't make any sense." Binalingan nya si Greg. "Ano bang ginawa mo dito kay Kim?"

"Ako? Anong ako?! Di ko yan inaano uy!"

"Patay malisya amputa. Sinabunutan mo nga ako kani-kanina lang!"

"Bahala nga kayo dyan." Hindi na namin pinansin ang pag-exit ni Jin.

"Nambubwisit ka eh!"

"Ano pa bang ginagawa mo sa harap ko? Umalis ka na nga! Tapos na ang chismis! Naaalibadbaran ako sa muka mo!"

"Ang dumi talaga nyang bibig mo, babae! Sa gwapo ng mukang 'to?! Dapat nga magpasalamat ka pa na nakikita mo 'ko eh! Hindi mo ba alam kung gaano karaming babae ang gusto akong makasama tapos paaalisin mo lang ako---"

"Edi doon ka sa kanila pumunta! Makasumbat ka akala mo naman pinilit kitang wag lumayo sa tabi ko! Doon ka sa mga babaeng sinasabi mo kung meron man! Sabihin mo lamunin ka nya nang buong buo!"

"Hoy!" Nilapit nya ang muka sa akin at pumamewang. "Boyfriend mo parin ako!"

"Boyfriend lang kita!"

Bago pa man sya nakasagot ay nakalapit na sa kanya sina Zhack para tapalan ng tape ang bibig nya at si Gray para itali ang kamay nito mula sa likod.

Wala akong nagawa sa bilis ng pangyayari dahil pareho iyong ginagawa sa amin. Tinatalian din ni Jom ang kamay ko sa likod at tinapalan ni Alex ang bibig ko. Panay ang pagpupumiglas ko pero masyado silang mabiliskaya nagawa nila nang maayos ang kanilang mga balak.

Wala akong ibang magawa kundi titigan sila nang masama nang iupo nila kami ni Greg nang magkatabi at isinandal sa isang puno. Tinali rin nila kami doon para hindi makatayo.

Mga animal! Traydor! Walang hiya! Walang puso! Hayop!

"Idol talaga kita, kuya!" Proud na proud na sabi ni Gray sa kapatid. "Imbis na pagkain at mga damit, tape at lubid talaga ang dinala mo ano?!" Tsaka ito tumawa.

"Be quiet kung ayaw mong itabi kita sa dalawang yan." Masungit na sagot ng kapatid bago tumalikod sa amin.

Binigyan ko ng napakasamang tingin sina Alex, Jom, Sean, Jin, Jayne, at Gray na nakangiti sa amin.

"Ang saya ng gabi, 'no?" Nakangiting tanong ni Jom sa mga katabi nya at nagstreching pa. "Tahimik, malamig ang hangin, tapos tayo tayo lang.. Sana ganito na lang palagi."

Bwisit ka! Ikaw ang una kong babalian ng buto kapag nakawala ako dito!

"Pasok na tayo sa tent. Tahimik na eh.. Pwede na tayong matulog nang tahimik," ani Alex. Tumalikod na silang lahat sa amin.

Teka.. Hahayaan talaga nila kami dito?! Sa ganitong pwesto kami matutulog?! Dyos ko! Bakit ba ako nagkaroon ng mga kaibigan na walang puso?!

Pinanood ko silang pumasok sa kanikanilang mga tent. Hindi ako makapaniwalang dito talaga nila kami patutulugin. Maya maya ay lumabas si Jane na may dalang kumot at kinumutan kaming dalawa ni Greg.

"Baka lamigin kayo," aniya habang inaayos ang iisang kumot sa amin. Umungol ako at nagpaawa para sa kanya humingi ng tulong. "Sorry, Kim. Ayokong masisi hehehehe.." Tska sya tumakbo pabalik.

Hay.. Kung itong si Greg lang ay alam kong sanay matulog sa labas. Pero ako? Hindi! Duh! It's so dirty here! Sana lang ay walang lamok kundi ay kakagatin nila ang mga face namin. Bwisit kasi 'tong lalaking katabi ko!

Inuntog ko ang sarili ko kay Greg sa inis. Nagreklamo sya gamit ang pag-ungol pero hindi naman sya gumanti. Hindi pala sya ganon katanga para saktan ang sarili. Sa huli ay pareho lang din kaming nasaktan sa ginawa ko.

Wala akong ibang nagawa kundi magmuni-muni hanggang sa makatulog. Nagising ako nang marinig ang mga kaluskos sa paligid. Nagliligpit na sila ng mga tent dahil umaga na rin. Hindi ko matakpan ang mata kong nasisilaw sa liwanag kaya maliit lang ang pagkakadilat ko.

Nakapatong ang ulo ko sa balikat ni Greg at nasa ulo ko nan nakapatong ang ulo nya kaya hindi muna ako gumalaw. Hinintay ko syang magising kahit pa nangangawit na ako.

Sa ngayon.. I feel like I really really love him!

"Oh! Gising na pala kayo!" Tumakbo sa amin si Alex at mabilis na tinanggal ang tape sa bibig ko.

"Aray! Bruha ka talagang gaga ka! Magdamag yan sa pisngi ko tapos bigla mong huhugutin! Tignan mo nga kung may, sumamang balat ko dyan sa tape! Bwisit. Good morning ha!"

"Ang haba mo naman bumati ng good morning." Inirapan nya ako! Sya pa talaga ang may ganang magtaray! Aba!

Akmang tatanggalin din nya ang tape sa bibig ni Greg nang pigilan ko sya.

"Wag mo na tanggalin yan! Alisin mo na lang tong mga tali!"

"Eh pa'no kung ayaw ko?"

"Ilalabas ko baho mo!"

Lalong umikot ang mata nya ngunit sumunod din naman agad sa sinabi ko. Tinanggal nya ang tali na nasa katawan namin at sa puno, sunod ay ang nasa kamay ko.

"Ikaw na bahala dyan," turo nya kay Greg.

Agad ko rin namang tinanggal ang pagkakatali sa kamay nito at hinayaan syang sya na mismo ang magtanggal ng tape sa bibig nya imbis na biglain nanaman ng babaeng yon. Pareho kaming nag-iikot ng mga kamay dahil medyo sumakit iyon. Tahimik si Greg. Badtrip yata.

"Kanina ka pa gising?"

"Oo, hinihintay lang kitang magising," tanging sagot nya. Bakit seryoso yata sya umagang umaga? Naiinis ba sya?

Hinawakan nya ang kamay ko at minasahe ito. "Masakit ba?"

"Hindi naman."

Pinatayo nya ako at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko. Pinatalikod pa nya ko para makita rin ang likod.

"Buti na lang walang mga insekto dito. Napakagago kasi ng mga yan. Tangina.. Yung likod mo hindi ba masakit?"

Nanigas ako sa kinatatayuan nang magreact ang katawan ko nang hawakan nya ang likod ko.

"H-hindi," pilit kong itinatago sa boses ko ang kaba. "Ano ka ba? Diretso nga ang tulog ko eh."

"Magstreching ka nga."

"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Dito? As in? Sa harap mo?" Tinanguan nya ako. "Ano ka?!"

"What's up, love birds!" Lalapit na sana sa amin si Gray nang duruin sya ni Greg.

"Stop right there."

Bigla syang huminto nang makitang seryoso si Greg. Nawala ang kanyang ngiti at agad na sumimangot sa amin. "Aga aga init ng ulo. Nag-away nanaman kayo?"

"Umalis ka muna sa harap ko, Gray. Hindi kita gustong makita."

Pinanlakihan ko ng mata si Gray at umiling sa kanya, tsaka ko sya sinenyasan na umalis.

Mukang galit nga yata 'tong lalaking 'to. Siguro wala sya sa mood dahil sa ginawa nila.

"Nagugutom ka na ba?" Malambing na tanong nya sa akin. Oh my gosh! Huhuhuhu I'm gonna cry.. I'm loving it!

Tumango ako. "Kain na tayo?"

Hinawakan nya ang kamay ko at diretsong naglakad papunta sa mga kasama naming nagliligpit ng tent ngunit wala syang tinitignan. Kinuha nya ang bag nya at sinukbit sa isang balikat. Kukunin ko na rin sana ang bag ko nang maunahan nya ko.

"Ako na magdadala nyan." I'm trying to grab my bag from him using my free hand.

"Ako na," mahinahong sagot nya. Tsaka kami naglakad palayo sa kanila.

Nilingon ko ang mga kasama na nakasunod lamang ang tingin sa amin. Sinenyasan ko sila na lagot gamit ang aking hintuturo bago kami matakpan ng mga puno. Huminto kami sa isang malawak rin na field gaya ng kung saan kami nanggaling. Hindi naman ganoong malayo sa mga kaibigan namin pero hindi namin makikita ang isa't isa dahil sa mga punong nasa pagitan.

"Ang astig din ng gubat na 'to, 'no? Kaya pala gine-gatekeep nila eh."

Nahiga sya sa damuhan at nilapag ang mga bag sa tabi.

"Di ka ba kakain?" Akala ko ay gutom na sya?

"Mamaya. Ang sakit ng likod ko eh."

"Hmm.. Okay," I shrugged my shoulders. "Me too!"

Umupo ako sa tabi nya. Pinagpag nya ang damo sa tabi nya at sinenyas na doon ako humiga. Nilatag rin nya ang kanyang braso para gawin kong unan. Sino ba naman ako para tumanggi? Hihihi..

"Eh what if bigla na lang may sumulpot dito na tiger or lion? Pano tayo makakahingi ng tulong? What if umalis sila at maligaw tayo mamaya? Omg! What if biglang may hindi magandang mangyari sa'tin?!"

"Kung meron mang hindi magandang mangyayari satin, Kim, doon yon sa kung nasaan sila. Baka mamaya kung ano nang gawin nila satin mamaya. Hay nako.. Tsaka kung gusto nilang umalis, bahala sila. Kaya naman nating maglakad nang tayong dalawa lang."

Tumahimik kami pagkatapos. Pumikit ako nang masilaw sa liwanag. Sakto naman ang tulog ko kanina pero parang inaantok ako. Pero ayaw kong matulog kasi gusto ko syang maramdaman.

"Kim.."

"Hmm?"

Dumilat ako pagkatapos ang ilang minuto nyang pananahimik. Tumingala ako sa kanya para salubungin ang kanyang mga matang nakatingin na rin sa akin.

"What if I told you that I like you? Would you believe me if I told you that I have liked you for a long time?"

Continue Reading

You'll Also Like

89.5K 199 12
Adult content πŸ”žβš οΈ , smut...😍 read ur own rick βŒβ€ΌοΈ
107K 4.2K 42
(This is not machine translated!) (Starts from chapter 241.) A guy in his late twenties one day wakes up in someone else's body and realises he's gon...
28.6K 1.3K 25
Princess Bella, the first and only daughter of the famous rulers of the United Kingdom of Auradon, Belle and Beast. The twin sister of Prince Ben, yo...