One More Time (Ghost Series #...

By Justt_Stranger

442 76 33

[ON-GOING] Greg Clark Sy, the only soul under the power of Regina who survived from the killing mission. He... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 13

3 3 0
By Justt_Stranger

"Nurse!" Agad na tumakbo si Jayne papunta sa isang babaeng sinasabi nilang bisita dito sa office ni Dean.

Dito kami dumiretso pagkatapos tignan yung lubid na ginamit para patayin si Jean. For me, it's obvious naman na that's not just an accident.

"Long time no see, iha.." Nakangiting bati naman nya kay Jayne. Dumapo ang paningin nya samin. "Jom.."

Tinignan ko din si Jom ngunit mukang maging sya ay hindi kilala ang babaeng ito. Hindi naman ako makapagreact because I have to pretend that I don't know her.

"Nurse?"

"Nurse Aida!" Lumapit din si Jin sa kanya.

"What are you doing here?" Tanong sa kanya ni Rein.

"Tutulungan nya tayo." Dean answered.

"Marami na tayong nurse, Mom.."

"Kilala ko ang babaeng gumugulo sa isip mo." Bahagya syang nakangisi at nakahanap kay Rein.

"Pano nyo nalaman?"

"Alam ko kung nasaan si Mother Green.."

"Buhay sya?" Mukang nabuhayan naman sya ng loob.

Marahang tumango naman si nurse Aida. Hindi na yon nakakagulat dahil alam ko namang hindi talaga nya mapapatay si Mother Green.

"Tahimik ka yata?" Lalo kong isinara ang bibig ko nang mapunta sa amin ni Sean ang atensyon ni nurse Aida. "Alam kong hindi talaga nagsasalita masyado si Jom, pero kayo... hindi nyo manlang ba 'ko sasalubungin?"

Huhuhuhu.. I also want to hug you but you all don't have to know that I got my memory back!

"Hindi ka nila makikilala." Sagot sa kanya ni Rein. Kanina pa pabalik balik ang paningin ko sa kanilang dalawa dahil ayoko talagang magsalita at baka mabuking ako.

"Tao na sila, nurse.. Marami nang nagbago." Malungkot na ani Jayne. "Patay na si Jin. Hindi na kami naaalala nina Jom, Kim, Sean at Alex. At wala na si Mj."

Para madistract ay tumingin na lang ako kay Greg. Hindi ko maintindihan ang ipinapahiwatig ng tingin nya sa akin pero hindi ko inalis sa kanya ang mga mata ko.

Nawala lang ang paningin ko sa kanya nang lumapit sa amin si nurse Aida. Huminto sya sa harap ni Jom.

"Sino ka?" She asked.

Pumagitna sa kanila si Rein at inilagay si Jom sa likod nya.

"Excuse us for a minute.." Tsaka nya hinila si Jom palabas ng kwarto.

Natahimik kaming lahat sa loob. Ang mga mata ay puro nasa pinto kung saan sila lumabas kanina.

Feeling ko ay matutuyuan na 'ko ng lalamunan dito.

"He's not Jom, right?" Maya maya'y tanong ni Zhack. Para naman kaming mga tangang sabay sabay na lumingon sa kanya.

Umiling si nurse Aida. "Hindi ko sya kilala pero ang alam ko ay nakita ko na sya."

I knew it!

"What about me?" I asked. "Kilala nyo po ba 'ko?"

"Syempre naman, Kim." Nakangiting sagot nya.

"Eh bakit si Jom, hindi? Eh sila?" I pointed at Sean and Alex. "Kilala nyo rin ba sila?"

"Kilala ko sila.."

"Ha? Eh pano nangyari yon? Hindi po kita kilala eh.. Pano nyo ba kami nakilala? Nurse po kayo, diba? Saang ospital kayo nagtatrabaho? Parang hindi naman kita nakita don sa ospital namin dati eh.."

"Wala talaga sya sa ospital nyo dati dahil sa clinic lang naman sya nandon. Don sya sa clinic sa isang mall." Sagot ni Jin.

"Ay ganon? Pero hindi pa 'ko napupunta sa clinic ng mall eh.."

"Nurse, may magagawa po ba kayo para ibalik yung memory nila? Kailangan po kasi nila yon ngayon dahil sa mga nangyayaring kakaiba dito." Tanong sa kanya ni Jayne.

"Feeling ko nga, ano mang oras babalik na si Chelsea eh.." Gray whispered.

"Hindi ako sigurado kung maibabalik ko. Ngayon lang din ako nakakita ng kaluluwa na ibinalik nya sa pagiging tao.." Sagot naman nya nang nakatingin pa rin sakin.

Pero hindi naman talaga kami namatay. Kaya nung una palang ay may limit na kami dahil may balak talaga syang ibalik kami nang buhay.

"Gaya lang din sila ng sa kaso ko," si Dean. "Ang pinagkaiba nga lang ay hindi nila alam noon na may mga katawan pa sila."

Humarap sakin si nurse Aida at inilahad ang kamay sa harap ko. I let her hold my hand. Pagkatapos nyang makipagtitigan sa akin nang ilang minuto ay sina Alex at Sean naman ang tinignan nya.

Humarap sya sa mga kasama namin. "Lumabas muna kayo."

"Po? Pero---"

"Bakit, Greg? Hindi ka na ba pwedeng humiwalay kay Kim ngayon?" Nakangising tanong nya. "Lumabas ka muna.. pati kayong dalawa." Ang tinutukoy nya ay yong magkapatid.

Kaming anim na lang ang naiwan sa loob. Si Dean, Nurse Aida, Jayne, Sean, Alex, at ako.

"Alam kong kilala nyo 'kong dalawa. Si Alex lang ang hindi nakakakilala sakin dahil hindi ko naman sya na-meet noon. Pero kayo... kilala nyo 'ko."

Madiin kong pinagdikit ang mga ngipin ko dahil pinipigilan kong magreact. Hindi naman siguro sya mind reader, diba?

"They lost their memory, Aida." Dean told her.

Nilingon nya si Dean at tumingin naman kay Jayne, pagkatapos ay tumingin ulit kay Dean. "She didn't tell you?"

"Pinag-iisipan ko pa po kung kanino sasabihin at itatago." Jayne answered her question.

"Bumalik na ang memory nila." Nurse told her, referring to us. Gulat kong tinignan sina Sean at Alex at nagugulat din silang tumingin sa isa't isa. "Hindi nyo rin alam?"

"Bumalik na din memory nyo?!" I asked.

"Naaalala mo na din sila?!" Nanlalaki ang mga matang tanong sakin ni Sean at bumaling kay Alex. "Pati ikaw?!"

"Hanep ah.. Para tayong mga artista! So pare-pareho tayong nagpapanggap?!"

"I can't believe you two managed to hide it. Pero bakit hindi nyo sinabi?" Si Alex.

"Ikaw, bakit hindi mo sinabi?" Balik na tanong ni Sean.

"Jayne told me to keep it to myself. Bilang sumunod na leader kay Jom ay may tiwala ako sa kanya. Eh ikaw? Bakit mo tinago?"

"Sabi din ni Jayne!"

"Yon din ang sabi sakin ni Jayne."

Napunta ang lahat ng atensyon namin kay Jayne. Nanatili syang kalmado.

"Walang magandang maidudulot kung malalaman nila. May mga nakamasid sa amin sa labas nang hindi namin nalalaman. Mas mabuti nang hindi na nila malaman."

"Anong nakamasid? Sino?" Tanong ni Dean.

Sa pagkakatanda ko ay si Greg ang pinoprotektahan nya nang sabihin nya sakin iyon. Yon ba yung stalker ni Greg? Kilala nya din kami?

"Tama ang naging desisyon nya," ani nurse Aida. "Delikado ang ginawa ng anak mo, Kat."

"I know.." Dean let out a big sigh.

"Kung hindi malalaman ng mga kaibigan nyo, hindi rin malalaman ni Chelsea."

"Ano naman po kung malaman ni Chelsea?"

"Hindi nya kayo masyadong pag-iinitan kung ang alam nya ay hindi nyo sya kilala. Isa pa, ikaw lang din ang inaalala ko, Kim. Alam kong itinago mo si Greg kaya hanggang ngayon ay nandito sya."

Itikom ko ang bibig ko at tinignan sina Sean.

"You saved him?!"

"Kaya pala hindi namin sya makita non!"

"Kahit kailan ay hindi nya tinangkang patayin si Rein noon. Iba si Greg sa kanila." pagdadahilan ko.

"Mas mabuting huwag mo nang sabihin kay Greg, Kim. Hindi na nya kailangang malaman na naaalala mo sya."

Sabay sabay kaming lumingon sa kanya.

"Po? Eh, bakit?"

"Sa inyong apat, si Jom na lang ang wala talagang alam sa nangyari. Dahil hindi tayo sigurado kung sya talaga si Jom."

"Halata naman," bulong ni Sean.

"Mula nang bumalik ang memory ko, duda na talaga ko dyan kay Jom eh."

"Ibig sabihin, posibleng hindi talaga sya si Jom?" Nakakunot ang noong tanong ni Dean.

"Hindi parin naman tayo sigurado. Kung ganon nga ang sitwasyon, si Mother Green lang ang pwedeng magsabi non kay Rein dahil sya lang din naman sigurado ang may gawa non."

"Parang hindi ko yata kakayaning makita ang magagawa ni Rein sa oras na malaman nyang wala talaga dito si Jom." Nag-aalalang bulong ko. Alam kong magagalit sya.

"Love destroyed her. I don't want the same thing happen to you. Layuan mo si Greg."




















Kinabukasan ay agad akong napatalon mula sa pagkakahiga ko sa kama nang maka-receive ako ng message mula kay Chloe na nandito na sya!

"Oh my gosh, Lex!!!! Lex!!!!" Sigaw ko sa labas ng kwarto ni Alex habang malakas na kumakatok. "Aleeeeex!!! Gago, gising!!!"

Nang hindi pa rin nya binubuksan ang pinto ay sinipa ko na ito. Nanlalaki ang mga mata nyang nakaharap sa akin at mukang pabukas pa lang sya ng pinto nang buksan ko ito.

"Oppss! Sorry! Hehehe!"

"What the hell, Kim?!"

"Nandito na raw si Chloe!" Nakangiting bungad ko para hindi na nya ko pagalitan pa.

"Ha?"

"Chloe's here na daw! Dalian mo! Magbihis ka na at tatawagan ko na si Sean!" Itinulak ko sya para kumuha ng mga damit nya.

Sinunod naman nya ang sinabi ko at ilang beses kong tinawagan si Sean hanggang sa maggising sya. Sinabi kong maghintayan na lang kami sa labas kung sinong mauuna.

At sakto namang pagbaba namin ni Alex ay nandon na rin sya.

"Oh, ano?! Nasaan daw?!" Bungad samin ni Sean.

"Ha?! Hindi ko alam eh.." Natatawang sagot ko nang maalalang hindi nga pala nya sinabi kung saan sya makikita. "Wait, tatanong ko.."

Ilalabas ko na sana ang cellphone ko mula sa bulsa nang makita ko syang papalapit na sa amin.

"Oh my gosh! Gaaaaab!!!!" Agad akong tumakbo at yumakap sa kanya. "I miss you!!!!"

Naramdaman kong nakiyakap din yung dalawa.

"Namiss ko rin kayo.." Nakangiting sagot nya!

"Ang tagal mong nawala.. Akala ko hindi ka na makakabalik." Si Alex.

"Ang alam ko bawal na buksan yung gate, diba? Paano ka nakapasok?!" I asked.

"Tinulungan ako ni Nurse Aida."

"Teka lang.." Lumingon si Sean sa paligid na para bang may hinahanap. "Hindi mo ba sinabi kay Jom?" Tanong nya sakin.

"At bakit 'ko sasabihin?! Surprise dapat yon!"

Pero nasaan na nga ba yung lalaking yon?

"Wait lang ha.. I'll go find him muna."

Pumasok kaming lahat sa cafeteria at dahil lunch naman na ay inaasahan kong baka nandito na rin yon.

Linggo kaya hindi ganon karami ang tao dito. Hindi ko rin alam kung nasaan ngayon sina Greg at ayoko na rin namang pakialaman pa dahil parang hanggat maaari ay gusto kong sundin si nurse Aida.

Lumabas ulit ako ng cafeteria pagkahatid sa kanila. Hindi ko alam kung saan unang maghahanap, basta paikot ikot lang ako! Natataranta na rin ako dahil syempre naeexcite din naman akong magkita yung dalawa!

"Oh, Kim!" Huminto ako nang makasalubong si Chaske.

"Chaske!" Masiglang bati ko. "Hi!"

"Classmate lang tayo pero parang ang dalang lang natin lagi magkita ah.." Mahina syang tumawa. "Saan ka pala pupunta?"

Eh...

Bakit parang ang blooming naman nya ngayon? Oh my gosh.. Parang ang sarap tuloy kurutin sa ano! Hahahahaha! Sa cheeks!

"Ah.. Hehe. D-dyan lang.. May hinahanap kasi ako." Medyo nagpapa-cute na sagot ko at inipit sa tenga ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa muka ko.

Shocks! Oh my gosh! Bakit naman ganto?! Parang nagtanggal lang naman yata sya ng salamin. Yon lang yung nagbago pero bakit parang he changed a lot na!

"Ah, ganon ba? Gusto mo tulungan na kita?" Nakangiti pa ring tanong nya!

Sheeerrrrr! Why not naman, diba?

"Hehe.. Sig---"

"Hindi mo na 'ko kailangang hanapin, babe! Nandito na 'ko oh!"

Halos mapatanon ako sa gulat nang bigla na lang umakbay sakin si Greg! Gulat ko syang nilingon sa tabi ko!

"Salamat na lang, pare." Plastik nyang nginitian si Chaske at tumalikod habang nakaakbay pa rin sa akin kaya napasunod naman ako!

Pagtalikod ko ay sumalubong sa akin sina Rein, Jayne, Zhack, at Gray! Si Rein at Zhack at parehong seryoso pa rin at mukang mga wala sa mood. Si Jayne ay ibinaling ang atensyon sa ibang bagay habang si Gray naman ay nakakunot ang noo at nakanganga sa amin.

Nang maka-recover ay agad kong tinanggal ang braso ni Greg sa akin at nilingon si Chaske sa likod! Ngunit wala na sya don!

"A-anong ginagawa nyo dito?!" Gulat pa ring tanong ko sa kanila. Kahapon ko pa sya iniiwasang makita!

Lumingon din si Greg sa likod at nang makitang wala na doon si Chaske ay bigla na lang syang sumimangot.

"Mukang kilig na kilig ka ah?" He said without looking at me.

"Eh ano naman? Bakit? Bawal ba? Hindi ko naman nacocontrol yon eh! Tsaka bakit ba bigla bigla ka na lang sumusulpot dyan?!"

"Anong bakit?! Talagang bawal! Ako yung boyfriend mo tapos sa iba ka kinikilig?! Aba!"

My lips parted in shock! Hindi ko inaasahang sasabihin nya 'yon sa harap ng mga kaibigan nya at kay Jayne!

"Anong sabi mo?" Gulat na tanong sa kanya ni Gray.

Yumuko na lamang ako at kinagat ang pang ibabang labi. My gosh! Hindi ngayon ang oras para ngumiti! Baka sabihin pa nya, kinikilig ako! Huhuhu! No way!

Hindi lahat ng ngumingiti, kinikilig ha!

"Edi totoo nga?! Kayo?!" Gulat pa ring tanong samin ni Gray. "Tangina ka! Concern na concern pa naman ako sayo nung nalaman kong may boyfriend na sya tapos ikaw pala yon!"

Napakamot si Greg sa batok nya at mukang hindi rin malaman kung saan titingin.

"Nag-lunch na kayo?" Tanong ko na lang para maiba ang usapan.

"Kakatapos ko lang kumain," nakangiting sagot sakin ni Jayne.

"Wala 'kong gana," wala sa mood na sagot naman ni Rein.

"Ay, ganon?" Hinarap ko si Greg. "Ikaw?"

"Hindi pa."

"Alright! Punta ka na lang don sa cafeteria tapos hanapin mo na lang kami. Hinahanap ko pa nga pala si Jom.." Paalam ko sa kanya bago muling tumakbo sa kung saan mang direksyon ako dalhin ng paa ko.

Bumalik ako sa cafeteria nang hindi ko sya makita sa labas. Naisip kong baka naglulunch na yon mag isa at mukang tama naman ang hinala ko. Nakita ko sya sa loob!

Nang matanaw si Jom na mukang pinagsakluban ng langit at lupa ay tinago ko sina Chloe, Alex, at Sean doon sa isang pader sa gilid at lumapit kay Jom.

"Guess who's here?!" Kinikilig pa ring bungad ko sa kanya.

"Sino?"

"Sheeee's baaaaackk!!" Sigaw ko kasabay ng paglabas nung tatlo para harapin sya.

Nawala ang kaninang matamlay na muka nya at napalitan ng gulat. Maya maya lang din ay ngumiti na at mabilis na lumapit kay Chloe.

"I miss you.." Chloe smiled at him.

"I m-miss you too." Pabulong namang sagot nya. Pinigilan kong matawa sa reaksyon nya dahil muka nanaman syang tanga.

Ano nanaman kayang ginawa nito kanina? Hahahahaha!

"Yiieeee. May nagbabalik!"

Umupo kami sa table kung saan sya nakaupo kanina.

"Nagbreakfast na kayo?" Tanong samin ni Jom.

"Hindi pa. Actually kakagising lang namin nang makita 'to." Sagot ni Sean at tinuro si Chloe.

"Ah, ganon ba? Sige, order na kayo. Treat ko." Nakangiting sabi nya.

Basta hula ko talaga may nangyaring kakaiba dito kanina! Baka napasma yung emosyon dahil sa kalungkutang nararamdaman nya kanina tapos biglang naging masaya, diba?!

"Sabog ka ba?" Natatawang tanong ni Sean.

"Ha? Bakit?" He scratched his head.

"Baka wala lang talaga sa sarili at nakita na ang girlfriend nya." Panunukso ni Alex.

"A-ahh.. Medyo." Muka pa rin syang tanga!

"Medyo sabog?" Natatawang tanong ko din.

"Ha?"

"Hatdog! Ewan ko sayo, Jom! Ang hirap mo kausap!"

"Bakit ba?" Mukang nagtataka pa ring tanong nya.

"Eh kase ang sabi mo, iti-treat mo sila.." Sagot ni Chloe. "Libre ang lahat ng pagkain dito, Jom."

"Ako na oorder!" Tumayo si Sean. "Icheck nyo yang temperature ni Jom. Baka himatayin yan sa sobrang pagkagalak ng kanyang puso! Hahahaha!" Tsaka sya umalis.

"Ako pa napagtripan.."

"Oh, by the way!" Nakangiting agaw ko ng atensyon nila. "Papunta na din dito si Greg. Sasabay daw syang maglunch satin."

"Ha? E bakit daw?" Tanong ni Alex.

"Sus. Kay aga aga.. Magtatalo lang naman kayo kapag nandito na sya."

"Akala mo sya hindi laging nakikipagtalo.." Pabulong na sagot ko rin kay Jom.

"Pero bakit kailangan kasabay si Greg? Anong meron?" Tanong din ni Chloe.

"Bakit? Bawal bang mag invite? The more the merrier kaya!"

"Eh bakit ba hindi mo na lang kasi sabihin sa kanilang gusto mo lang kasabay kumain yung babe mo?"

Pinanlakihan ko ng mata si Jom at pinigilan ulit mangiti! Letseng bibig 'to! Ano bang ingini-ngiti-ngiti mo dyan?!

"B-babe?"

"Babe?! Anong babe?!"

"Bakit babe?"

Reaction nung dalawa.

"Sila na."

"Huy!" Bulyaw ko kay Jom. "Ang daldal mo talaga kahit kailan."

"O-oh my god.. Oh my gosh, Kim!!! You're in a relationship now?! Wow!" Kinikilig ding sigaw ni Chloe. Lalong lumawak ang ngiti ko.

Inilabas ko ang cellphone ko at pasimpleng chinat si Greg.

Kim: May chismosong nagsabi that we're in a relationship na so act like we're really together.

"What?" Halos mapatalon nanaman ako sa gulat nang bigla na lang sumulpot si Sean sa likod ko! "Y-you're what?"

My gosh! Kanina pa sila nanggugulat ha!

"Sila na ni Greg, Sean!"

"Masaya kong naka-move on ka na sa isa dyan.." Nakangiting pagpaparinig ni Alex. "Pero kailangan mo na ding tapusin yan," pabulong na dagdag nya. Pinilit kong hindi mawala ang ngiti ko sa sinabi nya.

"You're what?"

"Ay, jusko, Sean.. Kailangan paulit ulit?"

"Pero akala ko... Akala ko a---"

"What's up, ladies and gentlemen!"

Bumalik ang ngiti ko nang marinig ang boses ni Greg. Agad ko syang nilingon sa likod ngunit mabilis din namang nawala ang ngiti ko nang makitang kasama nya si Gray.

"Good morning, babe." Nakangiting bati sakin ni Greg at umupo sa tabi ko.

"Good morning." Parang bigla yata akong nawalan ng gana. "Hindi mo naman sinabing may kasama kang pet."

"Aba--- Hoy!" Natigilan si Gray sa pag upo sa tapat ni Greg. "Ako ba ang tinutukoy mo?"

"Sino pa bang kasama nya?"

"Wag mong sirain yung mood mo kanina. Wag mo na lang pansinin yan." Greg told me. Pakitakpan yung muka ni Gray, please..

"Anong pet ang sinasabi mo? Eh mas muka ka ngang aso sa paningin ko.."

"Anong pet? Wala akong sinasabing pet ha.. Ang sabi ko, pwet! Muka kang pwet! Bwiset! Kay aga aga eh.." Inirapan ko sya at inalis na lamang sa pangit nyang muka ang paningin ko.

Jusko, sayang ang araw!

Nang dumating na ang mga pagkain ay nagkwentuhan na lang kami ng mga nangyari dito para kay Chloe. Para naman may alam sya sa mga nangyari dito habang wala sya.

Pagkatapos kumain ay dumiretso kami ni Alex sa kwarto ni Chloe at doon tinuloy ang pagkukwentuhan. Ginawa rin namin yung mga dati naming ginagawa bilang pag-welcome na rin sa kanya.

At nang makaramdam ng antok ay nagpaalam na 'ko sa kanila at bumalik na sa kwarto ko. Sa tabi lang naman yon ng kwarto nya. Hindi kami pwedeng mag-overnight doon at paniguradong hindi naman kami makakatulog nang magkakasama.

Ngunit pagbukas ko pa lang ng pinto ng kwarto ko ay tumambad sa akin ang isang picture na nasa lapag. Gaya ng ginagawa kay Greg ay mukang isiniksik lang din dito sa ilalim ng pinto.

Kumunot ang noo ko nang pulutin ko ito at makita ang picture namin ni Greg noon sa hospital. Noong araw na una nyang nakita si Mommy. Visible ako sa camera kahit pa multo pa ko noon.

Ibig sabihin noon pa lang ay nakasunod na sya samin?

Continue Reading

You'll Also Like

61.1K 1.9K 17
Warning: 18+ ABO worldကို အခြေခံရေးသားထားပါသည်။ စိတ်ကူးယဉ် ficလေးမို့ အပြင်လောကနှင့် များစွာ ကွာခြားနိုင်ပါသည်။
1.4M 97.6K 24
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
1.9M 97.4K 38
Presenting the story of ISHIKA MEHRA Whose innocence made the king bow down to her AND ABHIRAJ SINGH RATHORE Whose presence is enough to make the per...
16.1K 448 34
Born an omega into the strongest pack in the forest, Olwen Adams was fated to the Alpha's son and to become the Luna of the Silver Arrow Pack. But he...