Kaarawan ko ba ngayon
Ang bilis ng mga panahon
Bakit ako nasa balon
At ang hirap makaahon
Oh? Buwan ng wika ngayon
At agosto nang pagtipon
Anong ang mayruon duon
Bakit lahat ay nagtipon
Yep kaarawan ko ngayon
Muling bubuksan ang kahon
At lalantad ang mga lungkot
Sisingaw yaring mga poot
Umay nako sa panahon
At sirang plaka patapon
Paulit-ulit sa layon
Matungunan lang ang ngayon
Yep kaarawan ko ngayon
At taon namin mga leon
Lungkot ako ang mayruon
Saya naman ang patapon
Sa laman ng aking kahon
Matatanglaw mo ang nayon
Bawat isa ay patapon
Sa ibat-ibang dimensyon
Ilan ang mga nakaalala
Sa araw; nakalathala
Tama ang mga takdang hula
Pagmay kailangan kilala
Kaloka naman eksena
Halos problema tugma na
Pag-ibig nakakabaliw
Sa utak ko ibang saliw
Sobra na sa pag-iisip
Maya-mayang sumisilip
Sa gabing nanaginip
Sagot paano matudlip
Yep kaarawan ko ngayon
Sobrang lungkot ko na ngayon
Ultimo s'ya ay lumayo
At ayaw na pagsuyo
Ilan lamang ang bumati
Pasasalamat ang ganti
Ngunit iba ang'kin mithi
Puso ang nais na sanhi
Saksi ang mga panulaan
Bigat sa puso maibsan
Yawe ay sana pakinggan
Palitan ng kagalakan