Ang akin mga panulaan
Naghayag ng karanasan
Balot ng katotohanan
Napagdaana lubusan
Mula sa usapin bayan
Paniniwalang, simbahan
Politika't kamatayan
Pag-ibig sa kalupaan
Sa pluma na akin hawak
Sandata sa sugat - bulwak
Ang tinta ko'y kumakalat
Lason hudas sa'yong balat
Papel na puting malinis
Pangunahing panglilitis
Mga salitang isusulat
Kamatayan mo ay sapat
Damdamin ang umiiral
Ako si Mouri marangal
Magaling na manunulat
Talento ay ang pamagat
Mahusay na mang-aawit
Nakalikha ng mga awit
Tungkol sa mga karanasan
Sa pag-ibig na dusahan
Mahusay din ako gumuhit
Mga tema ay maiinit
Gumawa ng super hero
Na detalyado at puro
Ngalan ko naman ay kalat
Kilala pag may pamagat
Sa lipunan ako'y salot
Kalat pa sa pook-sapot
Binago ng sambayanan
Ang dating akong marahan
Ang hangad ay kalayaan
Sukli dusa't kahihiyan
Bakit ako matatakot
Kayo mismo matakot
Ang sandata ko ay tula
Ihayag ko barilala